Maingay ang mga kuliglig, pati na rin ang mga ibon sa parang na wari ba'y nakikidalamhati sa bigat na aking nararamdaman.
“Pagod na rin ako, Sierra,” banayad ngunit tila sigurado niyang sabi.
Nang dahil sa isang dahon ng papel, nagkakilala kami. Ganoon lang kabilis, ganoon kabilis ko siyang nakilala at naging bahagi ng buhay ko, sana ganoon kabilis lang din siyang mawala sa sistema ko. Sana katulad ng dahon ng papel na mabilis na inanod ng tadhana sa akin sana ganoon lang din siya kadaling mawala sa akin, pero bakit ang bigat, ang hirap, ang sakit-sakit?
Katulad ng kadalasang nangyayari sa mga musmos na pag-ibig, nahulog din kami sa ganitong usapan— ang pagtatapos.
“Kung gayon ay...” sagot ko sa mas mahinang boses. “Ito na ang huli?”
Muling nag-ingay ang mga ibon, maging ang hangin ay tila nagsasaad na ng matinding pagtutol ngunit may mga bagay lang talaga na mas maigi ng ‘wag ipagpatuloy lalo na’t sa umpisa pa lamang ay komplikado na.
Isang tango ang kaniyang isinagot, mahinang tango na tila maski ang sarili ay kinukumbinsi rin. Parehas na mahirap sa amin ito, hindi niya man aminin ay nababanaag ko sa kaniyang mga mata.
Tipid na ngiti ang isinagot ko, kahit papaano sana'y mapagaan ko ang loob niya. Tipid na ngiting sinuklian niya ng isang malalim na buntong hininga, ito na ang tamang gawin pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin.
“Good bye,” walang lakas kong sabi. Dalawang salitang tumapos sa lahat, pagsuko pa rin ang aming naging dulo.
"Napakatahimik niya at weird, baka may kung ano ng tumatakbo sa isip niyan." Tila humaba yata ang aking tainga sa aking narinig. Malakas na bulong iyon mula sa aking likuran.Naglalakad ako ngayon papunta sa aking pahingahan nang marinig ko ang mga binibining nag-uusap, hindi naman sana maaagaw ng kanilang hindi kagandahang tinig ang aking atensyon kung hindi lamang ako pamilyar sa kanilang pinag-uusapan."Hindi niya man lang naisipang itali ang buhok niyang umabot na sa tuhod. Ang creepy!" bulong ng isa pang babae."Bakit ba gumagala 'yan? Baka may lumuwag pala na turnilyo diyan sa utak niya kaya di nagsasalita, bigla na lang mananakmal."Di ko na napigilan pa ang sarili ko, napalingon na ako sa nagsalita. Isang babaing sa wari ko ay edad labing anim, may kahabaan ang itim na buhok at bilugan ang mata. Nagmamadali itong nag-iwas ng tingin na para bang nahuli sa krimeng ginawa.Ramdam ko rin ang mga mata ng mga kausap niya na nang tingnan ko ay sabay-sa
01-12-15Maingay man ang mundo at magulo ay mayroong kapayapaan. May liwanag sa gitna ng dilim. Kung may mga mapanghusga ay mayroon namang mapang-unawa, maaaring hindi mo man nababatid ngunit mayroong nakakaunawa sa iyo. Cheer up, Sierra!-QuirouPagdating ko kanina dito ay hindi ko napansin ang sulat na 'yon, nakapaskil ito sa punong sinasandalan ko, kung hindi ako sumandal doon marahil ay hindi ko rin iyon mapapansin. Nakasulat ito sa isang malinis na dahon ng papel.Maaga akong nagising kaya nagdesisyon akong magpahinga muna sa aking tambayan. Hindi pa masakit ang pagtama ng araw sa aking balat ngunit pakiramdaman ko ay nag-iinit ang aking ulo, saan nanggaling ang sulat na ito? Alam pa pati ang pangngalan ko. Stalker ko ba ito?Kinalma ko ang aking sarili. Binasa kong muli ang sulat at paulit-ulit na inintindi ang nilalaman. Napalitan ng ngiti ang kanina'y pagdikit ng aking mga labi. Pinalalakas niya ang loob ko, nauunawaan niya ako, at na
03-01-15 Nasanay ako sa bangis ng tigre sa kagubatan, sanay akong masaktan ng tigreng iyon ngunit isang araw nakita ko ang baboy ramo na sinasaktan ang parehong tigre na nanakit sa akin. Nasasaktan ako at nag-aalala para sa tigre. Mahal ko ang tigreng iyon. -Sierra 03-02-15 Punong puno ka ng metapora, mahilig ka sa tayutay, ngunit nais kong malaman mo na hindi lahat ng problema at kaisipan ay nararapat mong ipagdamdam at alalahanin. Masyado ng mabigat ang palayok na hawak mo, 'wag mo ng dagdagan pa, sa halip ay kumalma ka. Kalma, Sierra. -Quirou 03-11-15 Salamat, Quirou! Ikaw? Wala ka bang nais na ibahagi? Mainit ngayon at nakakapagod umakyat dito sa bundok? Maiintindihan ko kung di ka makakasagot sa mga sulat ko minsan. Kumusta ka naman pala? Ibahagi mo sa akin ang ilang parte ng iyong buhay. -Sierra 03-12-15 Walang anuman, Sierra. Masaya ako sa kung anong meron sa buhay ko at mas naging masaya
"Quirou?" hindi makapaniwala kong tanong."Ikinagagalak kong makilala ka, Sierra." Naglalaro pa rin ang pilyong ngiti sa mga labi niya.Hindi ko kailan man inasahan na may makakatagpo akong ganito kakisig na nilalang, sanay akong makakita ng makisig sa telebisyon ngunit sa ganito kalapit ay nakakatulala.Nakakahiyang titigan ang mahahaba niyang pilikmata na mas mahaba pa nga siguro sa akin. Umangkop naman iyon sa makapal niyang kilay at sa matangos niyang ilong na parang bibihira sa mga purong Pilipino. At sa labi niya ay may di maalis na ngiti, dumagdag sa kakisigan niya ang mga ngiting iyon at ang biloy niya sa kaliwang pisngi.Paano pa kaya pag nagseryoso siya? Baka katulad ng kadalasang sabihin ng mga kasing edad ko, baka maihi na ako sa kilig."Sa ganyang paraan ka ba bumati sa isang kaibigan? Tititigan mo na lang ba ako, Sierra?" wika niya na k
Maingay ang silid aralan namin kaya nagdesisyon akong lumabas na lang muna, bakante kasi ang skedyul namin ngayon. Alas diyes pa lang ngunit parang alas dose na dahil sa init ng araw. Bahagya ko munang ipinusod ang hanggang tuhod kong buhok. Saka ako naghanap ng pwesto na pwede kong upuan, magsusulat na lang ako.Isang upuan sa lilim ng puno sa likod ng silid aralan namin ang nakita ko, maingay pa rin pero hindi na gaano. Malakas ang himig ng mga dahon dito, at maingay din ang mga kulisap. Magandang pwesto nga."Hi! Pwede ba akong tumabi sa'yo?" Isang babaing nakangiti ang lumapit sa akin, naka-pony tail ito at medyo weird ang fashion sense, malaking bilog na hikaw, pulseras na parang sa manghuhula, at kwintas na patong patong. Hindi siguro ako kilala ng babaing ito, hindi kasi natakot sa akin."Pangako! Di ako mag-iingay! Magbabasa lang ako, tahimik ka kaya ikaw ang nilapitan ko. Ako nga pala si Razee! Gawin mo lang ang
Umaawit ang mga ibon sa puno ng kaymito sa aming bakuran. May mga maya roon, at mayroon ding naliligaw na mga itim na kalapati, ngunit umaalis agad pag nakikita nilang teritoryo na iyon ng mga maya. Tipid akong napangiti, sa totoo lang ay hindi naman sila ang tinitingnan ko kanina pero nawili na rin akong tingnan sila. Nabaling lang sa kanila ang aking paningin, pero mas napangiti pa nila ako kaysa sa tinitingnan ko.Mataman akong nakatitig sa labas, nagmamasid sa kung ano ang nasa baba. Mula sa ikalawang palapag ng aming bahay ay inoobserbahan ko ang mga dumaraan at paparating na sasakyan. Ilang sandali na lang ay magdidilim na.Magga-gabi na ngunit wala pa rin sina mama. Sabado na, at Huwebes pa ng gabi sila umalis. Saan kaya sila nagpunta? Sana kahit ang konting impormasyon man lang na 'yon ay nalaman ko para di ako gaanong nag-aalala ngayon.Kinuha ko muli ang aking kwaderno at nagbasa ng nagbasa. Pinipilit kong ituon ang konsentrasyon ko r
Halos tatlong oras kaming nag-ikot-ikot kagabi. Tumambay lang kami saglit sa mga pasyalan, at kumain. Gayunpaman ay sobrang naging masaya ako, unang pagkakataon ko 'yon na mahawakan ang oras at kalayaan ko. Masaya pala talagang maging malaya.Mas napangiti ako nang maalala ko ang kakulitan at pagiging malambing ni Quirou, hindi niya talaga binitawan ang kamay ko sa buong oras na magkasama kami, maliban na lang pag nagdadrive siya. Hiyang hiya ako sa namamawis kong kamay, pwede palang maging masaya sa nakakailang na pangyayari.Hanggang ngayon ay naiwan ang ngiting hatid ng ala-ala ng nangyari kagabi. Kung may pagkakataon, sana ay maulit iyon. Mas lalo akong napangiti sa mga ideya na pumasok sa isip ko, ngunit isang siko ang naramdaman ko sa aking tagiliran, siniko ako ng kapatid ko."Nakangiti ka na naman, nakatingin na sa'yo si mama. Yari ka," mapang-asar na bulong sa akin ni Ana.Sa edad nito ay pantay lang ang tangka
Masarap na dumadampi sa aking ilong ang amoy ng aking kwaderno, nakayuko ako at nag-iisip. Alas dose na ngunit di pa rin ako nakakapag-isip. Wala kaming pasok ngayong hapon ngunit gusto kong makita si Quirou, kung mananatili ako sa bahay ay hindi kami magtatagpo. Nag-isip ako ng mga posible kong gawin para makaalis sa bahay habang nakahiga ako at nakapatong sa aking mukha ang aking bukas na kwaderno.Paano ako lalabas ng walang tanong mula sa aking ina? Ayokong magsinungaling, paano ba? Pinadyak ko ang aking paa sa ere, ginalaw ko ang aking mga kamay, baka makapag-isip ako sa paraang ganito. Makalipas ang ilang segundo ay bigla na lang akong bumangon, nalaglag ang aking kwaderno sa aking kandungan na ikinatawa ko.May ideyang pumasok sa isip ko.Di ko yata matatagalan na di makita si Quirou ngayong araw na ito. Gusto ko siyang makita. Nangingiti ako sa ideya na magtatagpo ang mga mata namin, tapos ay hahawakan niya ang mga kamay ko. Di ak
Hindi ko maintindihan kung bakit tila ang aligaga masyado nila mama ngayon at talagang sumama pa siya sa pagsundo sa akin. Pinikit ko na lang ang aking mga mata, ginusto ko na lamang na kalimutan saglit ang mga tanong ko.Nagsimula ng kainin nang dilim ang aking isipan nang maramdaman ko ang malakas ngunit pinong kurot sa aking tagiliran. Agad kong sinamaan ng tingin ang pasaway na binibining nasa aking tabi.May binubulong siya ngunit hindi ko pinapansin. Narinig ko naman ngunit andito sila mama at ang kaniyang binulong ay panibagong pagsuway na naman sa aking mga magulang.Napangiti ako nang irapan niya ako.I mouthed mamaya na, ngunit mas lalo lang akong natawa dahil sa muli niyang pag-irap. Napalingon sa akin si mama nang magkaroon ng boses ang aking tawa, agad naman akong umiling para sagutin ang nagtatanong na tingin ni mama."Wala ho, may naalala lang po akong biro," wika ko pa muli nang tila wala pa ring nainti
"Cheers to me!" tumatawang wika ni Raz.Nakarating kami sa rest house namin sa Tagaytay at dito na lang din nagpalipas ng gabi. Alas onse pa lamang ng gabi ay tila lasing na si Raz. Ang mga mata niya ay namumungay na at bahagya pang kumukumpas ang kamay na animo'y isang guro sa musika na nagtuturo ng tamang taas at baba ng nota. Napailing na lang ako."Matulog na tayo, may tama ka na yata," nangingiti pa rin na wika ko. Kanina pagkarating namin dito ay nag-ikot-ikot lang kami saglit sa paligid. Maingay si Raz kanina at maraming kwento kaya medyo nawala din ang mga iniisip ko kanina."Hindi ako lasing! Walang matutulog! Dadamayan kita, alam kong nababalisa ka." Humagikgik siya ng mahina. "Syimpre nakita mo kanina ang ex mo."Nailing muli ako nang muli na namang napasok sa usapan ang hindi na dapat pang pag-usapan. Ngumiti lalo si Raz, halata talaga na lasing na siya. Paano ba naman kasi, ginawa niya ng tubig ang wine habang nagkukwento ka
Napakurap ako ng tatlong ulit bago muling iniling ng tatlong ulit din ang aking ulo. Pinilit kong ibalik ang konsentrasyon ko sa sinusulat ko ngunit tila yata ayaw ng dumalaw ng sandaling kapayapaan ang aking isipan."Interesado pala sa libro mo si Quirou.""Interesado pala sa libro mo si Quirou.""Interesado pala sa libro mo si Quirou."Parang sirang plaka na nagpabalik-balik sa aking isipan ang sinabi ni Raz. Dapat ay matuwa ako at hindi na lang gawing big deal pa ang bagay na ito ngunit tila yata ayaw ng mapayapa ng aking isip. Paulit-ulit talaga sa pagbulong ang mga salitang iyon sa aking isipan.Paano ba magpanggap na hindi ako naaapektuhan? Paano ba ako magpapanggap sa aking sarili? Paano ko ba iisipin na wala lamang iyon? Paano ako magsusulat ulit ngayon ng ganito ka-hindi payapa ang aking isipan? Hay Quirou!Pinilig ko ang aking ulo sa kaliwa saka tuluyang nagdesisyon na iwan na lamang ang aking ginagawa. Tiniklop ko ang
Unti-unti ng kumakalat ang dilim sa paligid ngunit ang aking isipan ay naglalakbay pa rin. Kayganda ng pagkalat ng kulay kahel na liwanag sa nagdidilim na kalangitan, nagliliparan na rin ang mga ibon sa himpapawid at maingay ang pagaspas ng tubig sa batis. Tinapik ko ng mahina ang aking pisngi, dinadala na naman kasi ako ng aking imahinasyon sa nakalakihan kong kapaligiran. Ang nakikita ng aking mga mata sa ngayon ay ang madalang na pagdaan ng mga sasakyan sa subdibisyon namin, ang mga sasakyang iyon ay pag-aari ng mga taong naninirahan sa subdibisyon na ito. Nawala ang aking atensyon sa labas ng bahay dahil sa masuyong pagkausap sa akin ng isang nilalang."Hija, nag-enroll ka na ba sa unibersidad na gusto mo?" tanong sa akin ni mama Ingrid.Dalawang taon na ang nakakalipas at magko-kolehiyo na ako. Sa edad na labing siyam ay tutungtong na ako sa unang taon ko sa unibersidad, ngunit hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin kay papa at mama Ingrid na hin
Makalipas ang ilang araw na pamamalagi ko sa condo ni Saemont ay naisipan ko na rin sa wakas na labhan ang bag ko. Nilabas ko ang mga gamit roon at siniguradong wala ng nakalagay pa ngunit may nahila akong isang sobre sa bulsa ng bag ko.Tila pamilyar sa akin ang sobreng ito, parang nakita ko na ito noon. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan pero parang— isang mapait na ngiti ang kumawala sa aking mga labi nang malinaw na maalala ko ang pinagmulan ng sobreng ito. Ito ang bigay ni tita na galing daw kay mama.Makapal ang sobre, halatang pera ang laman. Kahit di ko na buksan ay sigurado na ako. Huminga ako ng malalim, gagastusin ko ba ito? Habang nag-iisip ay tuluyan ko ng binuksan ang sobre at halos manlaki lang ang mata ko sa gulat nang tumambad sa akin ang lilibuhing pera. Saan galing ni mama 'to? Paano niya ako nabigyan ng ganitong halaga?Napansin ko rin ang isang liham na maayos na nakatupi sa tabi ng mga pera. Hinila ko iyon at tiniti
Madilim na nang magising ako ngunit maingay pa rin ang paligid. Marahil ay katatapos pa lang mamaalam ng haring araw kaya tila nagsasaya at nag-iingay pa ang iilan. Gayunpaman ay naririnig ko na ang huni ng mga panggabing ibon, kasabay ng mga iyon ang sigawan ng mga batang naglalaro sa labas. Maingay na ngunit ramdam ko pa rin ang kirot sa aking dibdib. Bakit ganoon? Sa mga napapanood at nababasa kong ilang kwento ay nawawala pansamantala ang sakit matapos ang sandaling pagkatulog ngunit bakit ang sa akin ay tila malinaw pa rin ang sakit? Nalalasahan ko pa rin ang pait ng mga pangyayaring inasahan man o hindi ay di ko napaghandaan. Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa aking labi. Wala akong katabi. Wala pa si Jai. Tila wala ring nag-iingay sa loob ng bahay. Wala rin marahil tao sa labas. Mabilis ang naging paghakbang ko para suriin kung tama ba ang aking hinala. Napangiti ako nang mapansin ko na mag-isa nga lang ako. Agad kong kinuha a
Posible ka pa rin palang mabasag kahit pinaghandaan mo na ang isang pangyayari. Hindi man inaasahan ang pagkikita namin ngunit ang aming pagtatapos ay tila nakatakda ng mangyari. Nanlamig siya, nawalan ng gana, at nawalan ng oras sa akin. Hindi niya natupad ang mga sinabi niya, hindi siya nanatili. Ang dating liwanag na hatid niya sa madilim kong mundo ay unti-unting lumabnaw, nawalan ng liwanag, naging normal na kulay, at tila isa na lamang palamuti sa ulap kagaya ng karamihan. Nagbago siya. Napayuko ako. Mabigat ang aking dibdib, at may impit na hikbing nagtago sa likod ng ingay ng mga kulisap. Tapos na kami ni Quirou. 'Yon na ang maaaring maging huli naming pagtatagpo. Mahigpit kong hinawakan ang aking saya, nilukot ang laylayan at tila doon humugot ng lakas sa patuloy na pagluha. Nang iwan ko siya ay hindi na ako lumingon pa, kinumbinsi ko ang sarili kong huwag na siyang lingunin kahit ang totoo ay gusto kong bumalik at makiusap sa kaniya na ayusin na
Makulimlim ang kalangitan nang magising ako. Agad akong kumilos ngunit medyo nagulat ako dahil wala na si Jai sa aking tabi. Nauna na pala siyang bumangon. Agad kong niligpit ang mga dapat ligpitin at iniwan ng malinis ang kaniyang silid. Paglabas ko pa lang ay si mama na agad ang nabungaran ko. Nagkakape siya habang nakatingin sa kawalan, malalim ang iniisip. Sabagay, sa mga nangyari sa amin ay sino nga ba ang hindi mapapahinga ng malalim. Mahirap pakalmahin ang mga salita kapag nagsimula na ito sa pagsayaw sa ating isipan. Matapos sumimsim si mama sa kaniyang kape ay lumapit na ako sa kaniya at hinila ang isa pang silya para makatabi umupo sa tabi niya. Naagaw ko ang atensyon niya kaya napalingon siya sa akin. "Bakit po?" tanong ko nang mapansing hindi pa rin siya tumigil sa pagtitig sa akin ng mariin. Huminga siya ng malalim bago nag-iwas ng mga mata. Ngumiti siya, iyong uri ng ngiti na hindi ko pa nakita sa kaniya sa buong
Napatingin ako kay mama na tulala pa rin ngayon, ang mga mata niya ay mugto na sa kakaiyak. Hindi rin ako makapaniwala na magagawa ni tito na gawin ito kay mama, na itapon na lang basta palabas sa bahay na pareho naman nilang pinundar."Tita Mira, Sierra, kumain na muna kayo," wika ni Jai.Tiningnan lang siya ni mama, at tila hindi interesado sa sinabi ng huli at muling binalik ang atensyon sa pagtitig sa kawalan."Mamaya na lang siguro, Jai. Busog pa rin naman kami," nakangiting sagot ko kay Jai.Nang initsa kami ni tito sa labas ay ilang minuto pa kami doon. Sa bilis ng pangyayari ay parang di rin namin mawari kung totoo nga ba iyon o isang hindi magandang panaginip lang.Napatingin din ako sa kawalan sa lungkot.Wala pa sana kaming balak na umalis doon ni mama, at baka lumambot pa ang puso ni tito at pabalikin kami sa loob ng bahay, ngunit hindi na nangyari pa ang inaasahan namin.Medyo mas