author-banner
Mnémosynce
Mnémosynce
Author

Novels by Mnémosynce

Drifted to you

Drifted to you

Dahil sa isang dahon ng papel nagkakilala sina Sierra at Quirou, dalawang nilalang na hinubog ng magkaibang mundo. Isang nilalang na halos sumpain na ang pagkabuhay, at isa na iniibig ng lahat. Nagtagpo ang kanilang mga sulat isang umaga sa kabundukan, hanggang sa ang una ay nasundan pa, at nagtuloy tuloy pa. Hanggang saan sila kayang dalhin ng mga dahon ng papel? Hanggang saan ang kayang abutin ng mga salitang pinasayaw nila gamit ang tinta? Hanggang saan ang kayang ilaban ng mga pusong musmos pa sa walang kasiguraduhang bukas?
Read
Chapter: Chapter 37
Hindi ko maintindihan kung bakit tila ang aligaga masyado nila mama ngayon at talagang sumama pa siya sa pagsundo sa akin. Pinikit ko na lang ang aking mga mata, ginusto ko na lamang na kalimutan saglit ang mga tanong ko.Nagsimula ng kainin nang dilim ang aking isipan nang maramdaman ko ang malakas ngunit pinong kurot sa aking tagiliran. Agad kong sinamaan ng tingin ang pasaway na binibining nasa aking tabi.May binubulong siya ngunit hindi ko pinapansin. Narinig ko naman ngunit andito sila mama at ang kaniyang binulong ay panibagong pagsuway na naman sa aking mga magulang.Napangiti ako nang irapan niya ako.I mouthed mamaya na, ngunit mas lalo lang akong natawa dahil sa muli niyang pag-irap. Napalingon sa akin si mama nang magkaroon ng boses ang aking tawa, agad naman akong umiling para sagutin ang nagtatanong na tingin ni mama."Wala ho, may naalala lang po akong biro," wika ko pa muli nang tila wala pa ring nainti
Last Updated: 2021-09-29
Chapter: Chapter 36
"Cheers to me!" tumatawang wika ni Raz.Nakarating kami sa rest house namin sa Tagaytay at dito na lang din nagpalipas ng gabi. Alas onse pa lamang ng gabi ay tila lasing na si Raz. Ang mga mata niya ay namumungay na at bahagya pang kumukumpas ang kamay na animo'y isang guro sa musika na nagtuturo ng tamang taas at baba ng nota. Napailing na lang ako."Matulog na tayo, may tama ka na yata," nangingiti pa rin na wika ko. Kanina pagkarating namin dito ay nag-ikot-ikot lang kami saglit sa paligid. Maingay si Raz kanina at maraming kwento kaya medyo nawala din ang mga iniisip ko kanina."Hindi ako lasing! Walang matutulog! Dadamayan kita, alam kong nababalisa ka." Humagikgik siya ng mahina. "Syimpre nakita mo kanina ang ex mo."Nailing muli ako nang muli na namang napasok sa usapan ang hindi na dapat pang pag-usapan. Ngumiti lalo si Raz, halata talaga na lasing na siya. Paano ba naman kasi, ginawa niya ng tubig ang wine habang nagkukwento ka
Last Updated: 2021-09-17
Chapter: Chapter 35
Napakurap ako ng tatlong ulit bago muling iniling ng tatlong ulit din ang aking ulo. Pinilit kong ibalik ang konsentrasyon ko sa sinusulat ko ngunit tila yata ayaw ng dumalaw ng sandaling kapayapaan ang aking isipan."Interesado pala sa libro mo si Quirou.""Interesado pala sa libro mo si Quirou.""Interesado pala sa libro mo si Quirou."Parang sirang plaka na nagpabalik-balik sa aking isipan ang sinabi ni Raz. Dapat ay matuwa ako at hindi na lang gawing big deal pa ang bagay na ito ngunit tila yata ayaw ng mapayapa ng aking isip. Paulit-ulit talaga sa pagbulong ang mga salitang iyon sa aking isipan.Paano ba magpanggap na hindi ako naaapektuhan? Paano ba ako magpapanggap sa aking sarili? Paano ko ba iisipin na wala lamang iyon? Paano ako magsusulat ulit ngayon ng ganito ka-hindi payapa ang aking isipan? Hay Quirou!Pinilig ko ang aking ulo sa kaliwa saka tuluyang nagdesisyon na iwan na lamang ang aking ginagawa. Tiniklop ko ang
Last Updated: 2021-09-15
Chapter: Chapter 34
Unti-unti ng kumakalat ang dilim sa paligid ngunit ang aking isipan ay naglalakbay pa rin. Kayganda ng pagkalat ng kulay kahel na liwanag sa nagdidilim na kalangitan, nagliliparan na rin ang mga ibon sa himpapawid at maingay ang pagaspas ng tubig sa batis. Tinapik ko ng mahina ang aking pisngi, dinadala na naman kasi ako ng aking imahinasyon sa nakalakihan kong kapaligiran. Ang nakikita ng aking mga mata sa ngayon ay ang madalang na pagdaan ng mga sasakyan sa subdibisyon namin, ang mga sasakyang iyon ay pag-aari ng mga taong naninirahan sa subdibisyon na ito. Nawala ang aking atensyon sa labas ng bahay dahil sa masuyong pagkausap sa akin ng isang nilalang."Hija, nag-enroll ka na ba sa unibersidad na gusto mo?" tanong sa akin ni mama Ingrid.Dalawang taon na ang nakakalipas at magko-kolehiyo na ako. Sa edad na labing siyam ay tutungtong na ako sa unang taon ko sa unibersidad, ngunit hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin kay papa at mama Ingrid na hin
Last Updated: 2021-09-09
Chapter: Chapter 33
Makalipas ang ilang araw na pamamalagi ko sa condo ni Saemont ay naisipan ko na rin sa wakas na labhan ang bag ko. Nilabas ko ang mga gamit roon at siniguradong wala ng nakalagay pa ngunit may nahila akong isang sobre sa bulsa ng bag ko.Tila pamilyar sa akin ang sobreng ito, parang nakita ko na ito noon. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan pero parang— isang mapait na ngiti ang kumawala sa aking mga labi nang malinaw na maalala ko ang pinagmulan ng sobreng ito. Ito ang bigay ni tita na galing daw kay mama.Makapal ang sobre, halatang pera ang laman. Kahit di ko na buksan ay sigurado na ako. Huminga ako ng malalim, gagastusin ko ba ito? Habang nag-iisip ay tuluyan ko ng binuksan ang sobre at halos manlaki lang ang mata ko sa gulat nang tumambad sa akin ang lilibuhing pera. Saan galing ni mama 'to? Paano niya ako nabigyan ng ganitong halaga?Napansin ko rin ang isang liham na maayos na nakatupi sa tabi ng mga pera. Hinila ko iyon at tiniti
Last Updated: 2021-09-08
Chapter: Chapter 32
Madilim na nang magising ako ngunit maingay pa rin ang paligid. Marahil ay katatapos pa lang mamaalam ng haring araw kaya tila nagsasaya at nag-iingay pa ang iilan. Gayunpaman ay naririnig ko na ang huni ng mga panggabing ibon, kasabay ng mga iyon ang sigawan ng mga batang naglalaro sa labas. Maingay na ngunit ramdam ko pa rin ang kirot sa aking dibdib. Bakit ganoon? Sa mga napapanood at nababasa kong ilang kwento ay nawawala pansamantala ang sakit matapos ang sandaling pagkatulog ngunit bakit ang sa akin ay tila malinaw pa rin ang sakit? Nalalasahan ko pa rin ang pait ng mga pangyayaring inasahan man o hindi ay di ko napaghandaan. Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa aking labi. Wala akong katabi. Wala pa si Jai. Tila wala ring nag-iingay sa loob ng bahay. Wala rin marahil tao sa labas. Mabilis ang naging paghakbang ko para suriin kung tama ba ang aking hinala. Napangiti ako nang mapansin ko na mag-isa nga lang ako. Agad kong kinuha a
Last Updated: 2021-08-07
You may also like
DMCA.com Protection Status