Maingay ang silid aralan namin kaya nagdesisyon akong lumabas na lang muna, bakante kasi ang skedyul namin ngayon. Alas diyes pa lang ngunit parang alas dose na dahil sa init ng araw. Bahagya ko munang ipinusod ang hanggang tuhod kong buhok. Saka ako naghanap ng pwesto na pwede kong upuan, magsusulat na lang ako.
Isang upuan sa lilim ng puno sa likod ng silid aralan namin ang nakita ko, maingay pa rin pero hindi na gaano. Malakas ang himig ng mga dahon dito, at maingay din ang mga kulisap. Magandang pwesto nga.
"Hi! Pwede ba akong tumabi sa'yo?" Isang babaing nakangiti ang lumapit sa akin, naka-pony tail ito at medyo weird ang fashion sense, malaking bilog na hikaw, pulseras na parang sa manghuhula, at kwintas na patong patong. Hindi siguro ako kilala ng babaing ito, hindi kasi natakot sa akin.
"Pangako! Di ako mag-iingay! Magbabasa lang ako, tahimik ka kaya ikaw ang nilapitan ko. Ako nga pala si Razee! Gawin mo lang ang
Umaawit ang mga ibon sa puno ng kaymito sa aming bakuran. May mga maya roon, at mayroon ding naliligaw na mga itim na kalapati, ngunit umaalis agad pag nakikita nilang teritoryo na iyon ng mga maya. Tipid akong napangiti, sa totoo lang ay hindi naman sila ang tinitingnan ko kanina pero nawili na rin akong tingnan sila. Nabaling lang sa kanila ang aking paningin, pero mas napangiti pa nila ako kaysa sa tinitingnan ko.Mataman akong nakatitig sa labas, nagmamasid sa kung ano ang nasa baba. Mula sa ikalawang palapag ng aming bahay ay inoobserbahan ko ang mga dumaraan at paparating na sasakyan. Ilang sandali na lang ay magdidilim na.Magga-gabi na ngunit wala pa rin sina mama. Sabado na, at Huwebes pa ng gabi sila umalis. Saan kaya sila nagpunta? Sana kahit ang konting impormasyon man lang na 'yon ay nalaman ko para di ako gaanong nag-aalala ngayon.Kinuha ko muli ang aking kwaderno at nagbasa ng nagbasa. Pinipilit kong ituon ang konsentrasyon ko r
Halos tatlong oras kaming nag-ikot-ikot kagabi. Tumambay lang kami saglit sa mga pasyalan, at kumain. Gayunpaman ay sobrang naging masaya ako, unang pagkakataon ko 'yon na mahawakan ang oras at kalayaan ko. Masaya pala talagang maging malaya.Mas napangiti ako nang maalala ko ang kakulitan at pagiging malambing ni Quirou, hindi niya talaga binitawan ang kamay ko sa buong oras na magkasama kami, maliban na lang pag nagdadrive siya. Hiyang hiya ako sa namamawis kong kamay, pwede palang maging masaya sa nakakailang na pangyayari.Hanggang ngayon ay naiwan ang ngiting hatid ng ala-ala ng nangyari kagabi. Kung may pagkakataon, sana ay maulit iyon. Mas lalo akong napangiti sa mga ideya na pumasok sa isip ko, ngunit isang siko ang naramdaman ko sa aking tagiliran, siniko ako ng kapatid ko."Nakangiti ka na naman, nakatingin na sa'yo si mama. Yari ka," mapang-asar na bulong sa akin ni Ana.Sa edad nito ay pantay lang ang tangka
Masarap na dumadampi sa aking ilong ang amoy ng aking kwaderno, nakayuko ako at nag-iisip. Alas dose na ngunit di pa rin ako nakakapag-isip. Wala kaming pasok ngayong hapon ngunit gusto kong makita si Quirou, kung mananatili ako sa bahay ay hindi kami magtatagpo. Nag-isip ako ng mga posible kong gawin para makaalis sa bahay habang nakahiga ako at nakapatong sa aking mukha ang aking bukas na kwaderno.Paano ako lalabas ng walang tanong mula sa aking ina? Ayokong magsinungaling, paano ba? Pinadyak ko ang aking paa sa ere, ginalaw ko ang aking mga kamay, baka makapag-isip ako sa paraang ganito. Makalipas ang ilang segundo ay bigla na lang akong bumangon, nalaglag ang aking kwaderno sa aking kandungan na ikinatawa ko.May ideyang pumasok sa isip ko.Di ko yata matatagalan na di makita si Quirou ngayong araw na ito. Gusto ko siyang makita. Nangingiti ako sa ideya na magtatagpo ang mga mata namin, tapos ay hahawakan niya ang mga kamay ko. Di ak
Tahimik ang bahay pag-uwi ko, walang nagtatalong Shawie at Ana, wala rin akong narinig na pag-iinarte mula kay Shano. Nakakapagtaka ito at medyo nakakagulat. Nang tuluyan akong makapasok ay saka ko napansing wala palang tao sa bahay."Nasaan na naman kaya sila?" mahinang bulong ko.Pinulot ko ang mga nagkalat na laruan sa lapag, mga transformer na laruan at power rangers. Paniguradong kay Shano ito. Nasaan na ba sila? Gusto kong makatanggap ng maraming halik kay Shano ngayon.Naglinis na lang muna ako ng bahay at nagluto na rin habang naghihintay sa kanila, ngunit anong oras na ay wala pa ring bakas nila. Saan ba sila pumunta?Sa pagod marahil sa byahe at paglilinis ay di ko namalayang bumagsak na pala ang talukap ng mga mata ko habang nakahiga ako sa mahabang upuan sa sala.Hindi ko alam kung gaano kahaba ang tulog ko pero nagising ako nang maramdaman ko ang marahang pagdausdos ng isang kamay sa aking braso paakyat sa
Maingay na ang kapaligiran habang nakatitig ako sa kawalan. Taliwas dito ay walang giyerang nagaganap sa aking kalooban, mula ng makilala ko si Quirou ay nabawasan ang pag-ikot ng mga negatibong bagay sa aking isipan.Nabawasan lang ngunit hindi naubos, patong-patong na kalituhan at mga katanungan pa rin ang dumadalaw sa akin sa gabi? Tuwina ay naghahari sa akin ang takot at kaba, ngunit hindi katulad noon ay mayroon ng taong handang makinig sa kin, nandiyan na si Quirou. Kahit papaano ay nababawasan na ang bigat.Para siyang malamyos na musikang pilit na dumadampi sa aking pandinig habang may mga taong sumisigaw sa akin. Isa siyang pagtanggap sa aking nakalakhang pagtanggi mula sa mga tao sa paligid ko.Nang sumapit na ang Linggo ay maaga akong gumising at nagluto. Maaga rin akong naglaba. Alas tres pa lamang ay kumikilos na ako sa loob ng bahay, kaya alas syete pa lang ay tapos na ako.Nakapaghanda na ako
"Q-Quirou... Hindi ako makahinga."Tuloy-tuloy pa rin ang mabilis na pagpintig ng aking puso. Masarap ang yakap ni Quirou, ang pagdikit ng katawan namin, ang init niyon, at ang sayang hatid nito. Masarap sana at gusto ko pang humirit ng isa pang oras, kaso baka kasi makita kami nina tita at Quin sa ganitong ayos. Nakakahiya.Anumang oras ay posible pa naman na mapadpad ang kahit sino kina Quin o tita dito. Sa totoo lang ay ni hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang inaakto ni Quirou.Dahan-dahan niya naman akong binitawan. Isa ito sa mga katangian niyang gusto ko, ang pagiging laging mahinahon. Ngumiti ako sa kaniya."Pasensya na, nag-aalala lang kasi ako sa'yo," saka nahaluan ng pag-aalala at konting bakas ng takot ang kaniyang boses. Sunod-sunod niya ring tiningnan ang aking braso, kamay, siko, at mukha. Nakakagulat... Ano ba ang meron at nagkakaganito siya?"May problema ba? Walang nangyari sa akin." Dinugtungan ko pa ng tawa ang sinab
"Q-Quirou... Hindi ako makahinga."Tuloy-tuloy pa rin ang mabilis na pagpintig ng aking puso. Masarap ang yakap ni Quirou, ang pagdikit ng katawan namin, ang init niyon, at ang sayang hatid nito. Masarap sana at gusto ko pang humirit ng isa pang oras, kaso baka kasi makita kami nina tita at Quin sa ganitong ayos. Nakakahiya.Anumang oras ay posible pa naman na mapadpad ang kahit sino kina Quin o tita dito. Sa totoo lang ay ni hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang inaakto ni Quirou.Dahan-dahan niya naman akong binitawan. Isa ito sa mga katangian niyang gusto ko, ang pagiging laging mahinahon. Ngumiti ako sa kaniya."Pasensya na, nag-aalala lang kasi ako sa'yo," saka nahaluan ng pag-aalala at konting bakas ng takot ang kaniyang boses. Sunod-sunod niya ring tiningnan ang aking braso, kamay, siko, at mukha. Nakakagulat... Ano ba ang meron at nagkakaganito siya?"May problema ba? Walang nangyari sa akin." Dinugtungan ko pa ng tawa ang sinab
Nang sumunod na Linggo ay naghanda muli ako, maagang nagising at nag-asikaso sa mga gawain ko sa bahay. Kaya pagsapit ng alas-otso ay nasa daan na ako at dinaanan na lang nina Saemont at Jai. Napag-usapan kasi namin nakaraang Linggo na lagi na nila akong dadaanan, basta dapat daw alas otso ay nasa kalsada na ako at naghihintay.Medyo makulimlim ngayon ang langit, ngunit hindi ko na ito kinukumpara pa sa aking emosyon. Napagtanto ko na medyo baluktot pala ang ilang mga paniniwala ko noon. Ngumiti ako nang sa wakas ay makita ko si Quirou na palabas ng bahay nila. Kararating lang namin galing sa may kahabaang byahe.Nang tuluyang makalapit sa akin si Quirou ay tila gusto kong mapaatras o ano. Hindi ko alam kung paano siya tititigan. Mas makisig siya ngayon na nakaporma siya, ang kaniyang mukha ay napaka-aliwalas. Kay tamis ng ngiting sinalubong niya sa akin, pakiramdam ko ay lalanggamin ako sa t
Hindi ko maintindihan kung bakit tila ang aligaga masyado nila mama ngayon at talagang sumama pa siya sa pagsundo sa akin. Pinikit ko na lang ang aking mga mata, ginusto ko na lamang na kalimutan saglit ang mga tanong ko.Nagsimula ng kainin nang dilim ang aking isipan nang maramdaman ko ang malakas ngunit pinong kurot sa aking tagiliran. Agad kong sinamaan ng tingin ang pasaway na binibining nasa aking tabi.May binubulong siya ngunit hindi ko pinapansin. Narinig ko naman ngunit andito sila mama at ang kaniyang binulong ay panibagong pagsuway na naman sa aking mga magulang.Napangiti ako nang irapan niya ako.I mouthed mamaya na, ngunit mas lalo lang akong natawa dahil sa muli niyang pag-irap. Napalingon sa akin si mama nang magkaroon ng boses ang aking tawa, agad naman akong umiling para sagutin ang nagtatanong na tingin ni mama."Wala ho, may naalala lang po akong biro," wika ko pa muli nang tila wala pa ring nainti
"Cheers to me!" tumatawang wika ni Raz.Nakarating kami sa rest house namin sa Tagaytay at dito na lang din nagpalipas ng gabi. Alas onse pa lamang ng gabi ay tila lasing na si Raz. Ang mga mata niya ay namumungay na at bahagya pang kumukumpas ang kamay na animo'y isang guro sa musika na nagtuturo ng tamang taas at baba ng nota. Napailing na lang ako."Matulog na tayo, may tama ka na yata," nangingiti pa rin na wika ko. Kanina pagkarating namin dito ay nag-ikot-ikot lang kami saglit sa paligid. Maingay si Raz kanina at maraming kwento kaya medyo nawala din ang mga iniisip ko kanina."Hindi ako lasing! Walang matutulog! Dadamayan kita, alam kong nababalisa ka." Humagikgik siya ng mahina. "Syimpre nakita mo kanina ang ex mo."Nailing muli ako nang muli na namang napasok sa usapan ang hindi na dapat pang pag-usapan. Ngumiti lalo si Raz, halata talaga na lasing na siya. Paano ba naman kasi, ginawa niya ng tubig ang wine habang nagkukwento ka
Napakurap ako ng tatlong ulit bago muling iniling ng tatlong ulit din ang aking ulo. Pinilit kong ibalik ang konsentrasyon ko sa sinusulat ko ngunit tila yata ayaw ng dumalaw ng sandaling kapayapaan ang aking isipan."Interesado pala sa libro mo si Quirou.""Interesado pala sa libro mo si Quirou.""Interesado pala sa libro mo si Quirou."Parang sirang plaka na nagpabalik-balik sa aking isipan ang sinabi ni Raz. Dapat ay matuwa ako at hindi na lang gawing big deal pa ang bagay na ito ngunit tila yata ayaw ng mapayapa ng aking isip. Paulit-ulit talaga sa pagbulong ang mga salitang iyon sa aking isipan.Paano ba magpanggap na hindi ako naaapektuhan? Paano ba ako magpapanggap sa aking sarili? Paano ko ba iisipin na wala lamang iyon? Paano ako magsusulat ulit ngayon ng ganito ka-hindi payapa ang aking isipan? Hay Quirou!Pinilig ko ang aking ulo sa kaliwa saka tuluyang nagdesisyon na iwan na lamang ang aking ginagawa. Tiniklop ko ang
Unti-unti ng kumakalat ang dilim sa paligid ngunit ang aking isipan ay naglalakbay pa rin. Kayganda ng pagkalat ng kulay kahel na liwanag sa nagdidilim na kalangitan, nagliliparan na rin ang mga ibon sa himpapawid at maingay ang pagaspas ng tubig sa batis. Tinapik ko ng mahina ang aking pisngi, dinadala na naman kasi ako ng aking imahinasyon sa nakalakihan kong kapaligiran. Ang nakikita ng aking mga mata sa ngayon ay ang madalang na pagdaan ng mga sasakyan sa subdibisyon namin, ang mga sasakyang iyon ay pag-aari ng mga taong naninirahan sa subdibisyon na ito. Nawala ang aking atensyon sa labas ng bahay dahil sa masuyong pagkausap sa akin ng isang nilalang."Hija, nag-enroll ka na ba sa unibersidad na gusto mo?" tanong sa akin ni mama Ingrid.Dalawang taon na ang nakakalipas at magko-kolehiyo na ako. Sa edad na labing siyam ay tutungtong na ako sa unang taon ko sa unibersidad, ngunit hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin kay papa at mama Ingrid na hin
Makalipas ang ilang araw na pamamalagi ko sa condo ni Saemont ay naisipan ko na rin sa wakas na labhan ang bag ko. Nilabas ko ang mga gamit roon at siniguradong wala ng nakalagay pa ngunit may nahila akong isang sobre sa bulsa ng bag ko.Tila pamilyar sa akin ang sobreng ito, parang nakita ko na ito noon. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan pero parang— isang mapait na ngiti ang kumawala sa aking mga labi nang malinaw na maalala ko ang pinagmulan ng sobreng ito. Ito ang bigay ni tita na galing daw kay mama.Makapal ang sobre, halatang pera ang laman. Kahit di ko na buksan ay sigurado na ako. Huminga ako ng malalim, gagastusin ko ba ito? Habang nag-iisip ay tuluyan ko ng binuksan ang sobre at halos manlaki lang ang mata ko sa gulat nang tumambad sa akin ang lilibuhing pera. Saan galing ni mama 'to? Paano niya ako nabigyan ng ganitong halaga?Napansin ko rin ang isang liham na maayos na nakatupi sa tabi ng mga pera. Hinila ko iyon at tiniti
Madilim na nang magising ako ngunit maingay pa rin ang paligid. Marahil ay katatapos pa lang mamaalam ng haring araw kaya tila nagsasaya at nag-iingay pa ang iilan. Gayunpaman ay naririnig ko na ang huni ng mga panggabing ibon, kasabay ng mga iyon ang sigawan ng mga batang naglalaro sa labas. Maingay na ngunit ramdam ko pa rin ang kirot sa aking dibdib. Bakit ganoon? Sa mga napapanood at nababasa kong ilang kwento ay nawawala pansamantala ang sakit matapos ang sandaling pagkatulog ngunit bakit ang sa akin ay tila malinaw pa rin ang sakit? Nalalasahan ko pa rin ang pait ng mga pangyayaring inasahan man o hindi ay di ko napaghandaan. Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa aking labi. Wala akong katabi. Wala pa si Jai. Tila wala ring nag-iingay sa loob ng bahay. Wala rin marahil tao sa labas. Mabilis ang naging paghakbang ko para suriin kung tama ba ang aking hinala. Napangiti ako nang mapansin ko na mag-isa nga lang ako. Agad kong kinuha a
Posible ka pa rin palang mabasag kahit pinaghandaan mo na ang isang pangyayari. Hindi man inaasahan ang pagkikita namin ngunit ang aming pagtatapos ay tila nakatakda ng mangyari. Nanlamig siya, nawalan ng gana, at nawalan ng oras sa akin. Hindi niya natupad ang mga sinabi niya, hindi siya nanatili. Ang dating liwanag na hatid niya sa madilim kong mundo ay unti-unting lumabnaw, nawalan ng liwanag, naging normal na kulay, at tila isa na lamang palamuti sa ulap kagaya ng karamihan. Nagbago siya. Napayuko ako. Mabigat ang aking dibdib, at may impit na hikbing nagtago sa likod ng ingay ng mga kulisap. Tapos na kami ni Quirou. 'Yon na ang maaaring maging huli naming pagtatagpo. Mahigpit kong hinawakan ang aking saya, nilukot ang laylayan at tila doon humugot ng lakas sa patuloy na pagluha. Nang iwan ko siya ay hindi na ako lumingon pa, kinumbinsi ko ang sarili kong huwag na siyang lingunin kahit ang totoo ay gusto kong bumalik at makiusap sa kaniya na ayusin na
Makulimlim ang kalangitan nang magising ako. Agad akong kumilos ngunit medyo nagulat ako dahil wala na si Jai sa aking tabi. Nauna na pala siyang bumangon. Agad kong niligpit ang mga dapat ligpitin at iniwan ng malinis ang kaniyang silid. Paglabas ko pa lang ay si mama na agad ang nabungaran ko. Nagkakape siya habang nakatingin sa kawalan, malalim ang iniisip. Sabagay, sa mga nangyari sa amin ay sino nga ba ang hindi mapapahinga ng malalim. Mahirap pakalmahin ang mga salita kapag nagsimula na ito sa pagsayaw sa ating isipan. Matapos sumimsim si mama sa kaniyang kape ay lumapit na ako sa kaniya at hinila ang isa pang silya para makatabi umupo sa tabi niya. Naagaw ko ang atensyon niya kaya napalingon siya sa akin. "Bakit po?" tanong ko nang mapansing hindi pa rin siya tumigil sa pagtitig sa akin ng mariin. Huminga siya ng malalim bago nag-iwas ng mga mata. Ngumiti siya, iyong uri ng ngiti na hindi ko pa nakita sa kaniya sa buong
Napatingin ako kay mama na tulala pa rin ngayon, ang mga mata niya ay mugto na sa kakaiyak. Hindi rin ako makapaniwala na magagawa ni tito na gawin ito kay mama, na itapon na lang basta palabas sa bahay na pareho naman nilang pinundar."Tita Mira, Sierra, kumain na muna kayo," wika ni Jai.Tiningnan lang siya ni mama, at tila hindi interesado sa sinabi ng huli at muling binalik ang atensyon sa pagtitig sa kawalan."Mamaya na lang siguro, Jai. Busog pa rin naman kami," nakangiting sagot ko kay Jai.Nang initsa kami ni tito sa labas ay ilang minuto pa kami doon. Sa bilis ng pangyayari ay parang di rin namin mawari kung totoo nga ba iyon o isang hindi magandang panaginip lang.Napatingin din ako sa kawalan sa lungkot.Wala pa sana kaming balak na umalis doon ni mama, at baka lumambot pa ang puso ni tito at pabalikin kami sa loob ng bahay, ngunit hindi na nangyari pa ang inaasahan namin.Medyo mas