“Grabe na talaga girl, pinagpala yata talaga ako ngayong araw na ito! Ikaw ba naman sunod-sunod na pakitaan ng crush? Love na love talaga ako ni Lord!” Mas lalo na nga’ng nangisay si Zubby dahil matapos niyang makita si Sonny Lizares, sumunod naman na nagpakita sa headquarters ang anak ni Congressman Yap na si Major Yap. At saka ‘yong anak din ni Konsehal Escala na si Carter Escala. Oo, crush niya ‘yong lahat ng iyon, kulang pa nga, e. “Mukhang nakikinita ko na productive at masaya ang magiging bakasyon ko ngayon,” biglang salita ni Zubby habang nakataas pa ang dalawang kamay na animo’y nag-i-imagine sa langit. Nasa labas kami ngayon ng headquarters, hinihintay ‘yong Mama niya para sabay-sabay na kaming umuwi. Ang weird-weird talaga nitong si Zubby. Kung sa iba, ako na ‘yong weird, para sa akin siya, e. “Ilan na ‘yong crush mo?&r
Last Updated : 2021-05-14 Read more