Home / Romance / Clouded Feelings / Clouded Feelings 7: The Death

Share

Clouded Feelings 7: The Death

Author: doravella
last update Huling Na-update: 2021-05-18 23:40:41

Yumuko ako at tiniis ang hapdi ng sikat ng araw hanggang sa makarating ako sa isang silid-aralan. Sanay ako sa initan pero hindi sa ganitong wala man lang proteksiyon sa katawan.

Inilapag ko ang mga kuwadernong pinadala ni Ma’am Villarosa sa akin. Nasa kabilang ibayo pa ng eskuwelahan kasi ang silid-aralan niya. Ako ‘yong na-trip-an ng mga kaklase ko na magdala ng mga kuwadernong ipinasa namin sa kaniya kaya heto ako ngayon at tagaktak ang pawis.

“Ayla!”

Dahil silid-aralan ng  star section itong pinasok ko, inaasahan ko na talaga na babatiin ako ni Fabio kahit matinding pagdarasal ang ginawa ko na sana wala siya sa silid-aralan niya ngayon pero heto na nga’t nagkamali ako.

Tinanguan ko siya at sa huling pagkakataon ay inayos ko ang mga kuwaderno ng aming klase.

“Bakit ikaw ang nagdala n’yan? Hindi ka man lang ba tinulongan ng mga kaklase mong lalaki?” Nilapitan niya ako at agad nang-usisa.

Recess ngayon kaya ma-ingay ang kaklase niya na hindi man lang kami pinagtoonan ng pansin ni Fabio. Wala talagang pakialam sa mundo ang mga tiga-star section. At sino ba naman ako para pagtoonan nila ng pansin? E, pustaan tayo, hindi ako kilala ng mga iyan.

“Gutom na kasi sila kaya ako na ang nagdala,” pagdadahilan ko na lang.

“Ikaw? Nakapag-recess ka na ba? Samahan na kita sa canteen,” presenta niya.

“Hindi na, Fab, kaya ko na. Baka maabutan ka pa ng oras ng klase at ma-late ka pa sa susunod na klase mo,” pagtanggi ko sa sinabi niya.

Pa-simple kong iginala ang tingin ko sa paligid pero hindi ko man lang nakita si Sia. Baka nasa canteen.

“Matagal pa si Sir Maguate dadating kaya sasamahan na kita. Bakit nga ba hindi ka sinamahan ni Zubby?”

Wala akong nagawa kundi ang maglakad na at hayaan si Fabio na samahan ako sa canteen.

“Busy sa crush niya,” sagot ko na lang.

“Si Zubby talaga, oo.”

Grade twelve na kami. Ilang buwan na nga, e. Wala masiyadong nangyari, ganoon pa rin naman ang takbo ng buhay ko. Ewan ko lang sa iba.

Siguro ang naging usapan lang talaga sa eskuwelahan namin nang magpasukan ay ang balitang lumipat na raw ng paaralan si Breth Osmeña. ‘Di ba usap-usapan bago natapos ang grade eleven years namin ay naghiwalay itong kamag-anak ko at si Breth? Ngayon, mukhang lumipat na talaga si Breth at gusto na talagang iwasan si Sia. Si Sia naman kasi, e, masiyadong lantaran kung maghabol. Nairita siguro si Breth kaya ayon, naisipang lumipat na sa kabilang paaralan. Ewan ko ba sa kamag-anak kong iyon.

Hinayaan ko na lang si Fabio na samahan ako sa canteen. Kahit ano yatang palusot ang sabihin ko, mayroon at mayroon talagang rason itong si Fabio, e.

“Ayla, anong kurso ang kukunin mo sa college? Parang hindi ko pa alam,” biglang tanong ni Fabio sa akin habang naghihintay ako ng sukli rito sa canteen. Ang tagal kasi ni manang tindera, e.

Nilingon ko si Fabio pero agad din naman akong nag-iwas ng tingin para mag-isip. Oo nga pala, palagi kong iniisip na gusto kong makapag-aral ng kolehiyo pero hindi ko pa alam kung anong kurso ang kukunin ko.

Napabuntonghininga muna ako bago umiling.

“Hindi ko pa alam, marami kasi akong pagpipilian. Ikaw ba?” pagbabalik ko naman sa kaniya ng tanong.

“Siyempre teacher. Alam mo naman na mahilig ako sa mga bata at hilig ko na talaga ang pagtuturo dati pa.”

“Maraming salamat po,” magalang na sabi ko sa tindera ng canteen nang maibigay na niya sa akin ang sukli. “Hmm, bagay sa ’yo maging teacher,” sabi ko naman kay Fabio at nagsimula ng maglakad palabas ng canteen dahil hanggang ngayon, marami pa ring estudyante roon.

“T-Talaga?”

Nilingon ko ulit siya nang marinig kong parang na-utal siya bilang sagot. Nakayuko siya at humawak pa talaga siya sa may batok niya.

“Okay ka lang?”

At doon siya tuluyang lumingon sa akin.

“H-Ha? A-Ah, oo, okay lang,” sagot niya na hindi man lang makatingin sa akin kasi agad siyang nag-iwas ng tingin.

“Pulang-pula ka,” puna ko sa kulay ng kaniyang pisnge at sa may bandang leeg at tenga niya. “Sana hindi ka na lang sumama. Nainitan ka pa tuloy. Alam mo namang mestizo ka, madaling mamula ‘yang balat mo kapag naarawan,” sabi ko na lang sa kaniya at nilantakan na ang binili kong pancit bihon sa canteen.

“Sige, Fab, dito na ako. Salamat sa pagsama,” agad akong nagpaalam sa kaniya. Nasa magkabilaang parte kasi ng eskuwelahan ang mga silid-aralan namin kaya hanggang labasan ng canteen na lang kaming dalawa.

“S-Sige, Ayla. Mag-ingat ka, ‘tsaka magkita na lang tayo mamayang dismissal.”

Namumula pa rin si Fabio at hindi pa rin siya makatingin sa akin pero hindi ko na pinuna, baka may kung ano lang na nangyari sa kaniya. Hindi ko na lang tatanungin, baka awkward. Tumango na lang ako sa kaniya at tumalikod na para tahakin ang maliit na footwalk papunta sa gusali ng silid-aralan namin.

Huling taon sa high school. Alam kong sa susunod na buwan pa ang susunod na taon at masiyado pang maaga para pag-isipan ang kolehiyo pero ngayon pa lang parang panghihinaan na ako kasi kulang na kulang ang perang naipon ko. Kung gusto ko talagang makapag-aral ng kolehiyo, dapat tumigil ako ngayon din sa pag-aaral para maghanap ng trabaho at para tuloy-tuloy ang pag-iipon na gagawin ko pero mukha naman akong tanga sa parteng gano’n na nag-iipon nga ako para sa kolehiyo tapos titigil naman ako sa high school. E, paano ako makakapag-kolehiyo kung high school lang hindi ko pa matapos? O ‘di ba anak talaga ng baboy.

Hindi naman siguro masama kung ang iisipin ko ay kung anong kurso ang kukunin ko sa kolehiyo? Mag-assume na lang tayo na sigurado talagang makakapag-aral ako, wala namang masama para umasa at mag-imagine ‘di ba? Lahat naman yata ng tao, nag-i-imagine. Sino ba'ng hindi? Sige nga, latagan niyo nga ako kung sinu-sino?

Sa totoo lang, wala naman talaga akong eksaktong pangarap sa buhay. ‘Yong mga pangarap na kurso ba. Ang gusto ko lang kasi ay ang makatapos ng pag-aaral, makahanap ng trabaho, mabigyan ng pera ang mga magulang ko, at ma-i-ahon sila sa kahirapan. Idagdag mo na rin ‘yong pangarap kong mabilhan sila ng sariling lupa, bahay, at maayos na pamumuhay.

‘Yong pangarap ko… hindi na para sa akin, para na sa pamilya ko. Kabayaran man lang sa lahat ng kasalanan ko noon.

“Ayla! Malapit na pala birthday mo ano?”

Nakarating ako sa silid-aralan namin at natigil na rin ang malalim kong pag-iisip nang biglang sumulpot sa harapan ko si Zubby. Tuluyan kong inubos ang pancit bihon na kinakain ko at inismiran lang ang sinabi ni Zubby sabay lampas sa kaniya.

“May napala ka ba sa crush mo?” pag-iiba ko sa usapan at nagsimulang maglakad papasok sa silid-aralan.

“Ay girl! Feeling ko talaga, ito na ‘yong lovelife ko, girl!”

Pabiro akong nag-irap ng mata nang bigla i-angkla niya ang kamay niya sa braso ko at sinabayan na ako papasok sa loob. Sunod-sunod naman ang naging kuwento niya.

“’Wag ka nang mag-i-english, ulit ha? Please lang talaga, Zubby,” ‘yon lang ang nasabi ko sa kaniya matapos ang mahaba niyang kuwento tungkol sa nangyaring usapan nila kanina ng crush niyang ka-batchmate namin na si Raymond. Nasa ibang section at sa totoo lang, nakalimutan ko kung sino ‘yon. Basta, Raymond daw ang pangalan, e.

“Pangako, hindi na talaga,” sabi niya pa na may kasama pang pag-taas ng kanang kamay. “Na-pressure lang naman talaga ako no’n kay Sonny Lizares, e. Alam mo naman ang pamilyang iyon, pamilya ng mga englishero.”

Umiling na lang ako bilang sagot sa kaniya.

Nagpatuloy ang araw namin. Nagpatuloy ang linggo namin.

Hanggang sa dumating ang huling araw ng klase dahil Christmas vacation na sa susunod na linggo. Sa katunayan nga, Christmas party namin ngayong araw at…

Lumabas ako ng silid ko at ang una kong nakita ay ang Nanay na nakatayo sa may lababo ng aming maliit na kusina. Nakatayo lang siya ro’n, nakatulala, habang hawak ang isang kalderong walang laman.

Nang marinig niya ang ungot ng pinto ng aking silid, napaayos siya ng tayo, pa-simpleng nagpunas ng luha, at nagpatuloy sa kung anong ginagawa niya sa kalderong hawak niya.

“A-Aalis na po ako, ‘Nay.”

Lumingon si Nanay sa akin. Malawak na ngumiti at tumango.

“Sige, Ayla,” sagot niya at muling nagbalik sa kaniyang ginagawa.

Ang tiningnan ko naman ngayon ay si Tatay na nanatiling nakahiga sa kawayang bangko namin. Gising na siya pero nakatingala lang siya sa itaas. Mukhang sa kawalan.

“Aalis na po ako, ‘Tay,” mahinang paalam ko, sapat lang para marinig niya.

Hindi man lang siya sumagot, ni pasada ng tingin hindi niya nagawa, kaya nagpatuloy ako sa paglabas ng aming maliit na bahay.

Anak ng baboy, Ayla, ‘wag kang iiyak.

Para hindi magtagumpay ang mga luhang gustong bumagsak sa aking mga mata, taas-noo kong sinalubong ang araw na ito.

Kahit ngayon lang, Ayla, matuto kang ‘wag umiyak sa araw na ito. Simulan mo sa taon na ito, please lang.

Pagkarating ko sa eskuwelahan, gaya nang nakikita ko tuwing taon, iba’t-ibang magagara at bagong damit ang mga suot ngayon ng aking mga kamag-aral. Nagpapagandahan, nagpapatalbugan, hindi lang sa kanilang mga damit, kundi pati na rin sa mga pagkain na kanilang ambag para sa kanilang Christmas party. May nabalitaan nga rin akong may nagpa-cater pa raw na section. Tapos ‘yong iba naman, may lechon pa. Grabe talaga. Iba na talaga ang mga estudyante ngayon. Lahat ng iyon ay ang mga estusdyante sa mababang grado at ang mga nasa star section.

Para sa akin, normal na araw lang ito. Kahit alam ko sa kalooblooban ko na hindi naman talaga. Suot ang pinaka-desenteng pantalon at damit ko, tinahak ko ang daan papunta sa gusali ng aming silid-aralan.

“Ayla girl!!!!!!”

Anak ng baboy!

Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko nang bigla akong dinambahan ng yakap ni Zubby nang makarating ako sa silid-aralan namin. Katunayan, hindi pa nga ako nakakapasok sa loob, e. Literal na nasa labas pa lang ako.

“Zubby, ano ba?” pabulong kong tanong sa kaniya pero nakayakap pa rin siya sa akin.

“Happy birthday, Aylana! Happy eighteenth birthday, Aylana Rommelle!” dagdag na sigaw niya.

Anak ng baboy talaga!

Hindi naman masiyadong mahigpit ang kaniyang pagkakayakap sa akin pero sakto lang para maramdaman ko ang yakap ng isang totoong kaibigan.

Kumalas siya sa yakap niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

“Maligayang kaarawan, girl!” ulit na naman niya.

“Woy, birthday mo pala, Ayla? Happy birthday.” Maliban kay Zubby, may narinig akong iba pang nagsalita kaya naiwas ko ang tingin ko kay Ayla para lingunin ang iba pa. Mga tiga-ibang seksiyon, katabi ng silid-aralan namin.

Kahit nahihiya sa naibigay nilang atensiyon sa akin, napangiti na lang ako at tahimik na nagpasalamat.

“Happy birthday, Ayla. Happy birthday, Ayla. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday, Ayla.”

Nanginginig ang labi ko. Hindi ko alam kung ngingiti ako o iiyak sa biglang pagbati nila sa akin. Taun-taon naman nila akong binabati pero bakit hanggang ngayon hindi ko pa matanggap.

“S-Salamat. Salamat sa bati ninyo,” pagak akong ngumiti sa kanila pero nagpasalamat na rin.

“Hipan mo na ang kandila, Ayla.”

Tiningnan ko ang maliit na cake na nasa harapan ko ngayon. Bitbit iyon ni Raffy.

'Merry Christmas Grade Twelve – Leo and Happy Birthday, Ayla!'

‘Yan ang nakalagay sa maliit na cake na iyon. May maliit din na kandila at nasindihan na.

Kahit ayaw ko naman, sa huli, hinipan ko pa rin.

Nagpalakpakan silang lahat at agad bumalik sa normal ang buong klase.

“Happy birthday, Ayla!” Pinisil ni Zubby ang aking pisnge at malumanay siyang tiningnan. Hindi ako nakangiti, pero hindi rin naman ako malungkot. Sakto lang, ‘yong wala lang talagang emosyon. “Ngumiti ka na, girl, kahit ngayon lang. Birthday mo oh,”

‘Yong malawak niyang ngiti ay unti-unting nawala nang mapagtantong pagkatapos ng kaniyang sinabi ay walang nagbago sa akin.

“Alam mo naman kung bakit, ‘di ba?” pagak akong ngumiti sa kaniya at inilagay na ang gamit ko sa isang bakanteng bangko na saktong katabi rin ni Zubby.

“Kahit ngayon lang, Ayla. Debut mo oh, eighteen ka na! Alam mo bang in-approve na ni Ma’am Villar na may eighteen roses ka mamaya at kung anu-ano pang cheche sa debut.”

Napabuntonghininga ako at kahit mabigat sa loob ko, ngumiti ako kay Zubby.

“Sige, susubukan ko. Salamat talaga, Zubby.”

Buong mga oras na naganap ang Christmas party ng seksiyon namin, para lang akong nakalutang sa ere. Hindi ko alam kung nasusunod ko pa ba ang mga nangyayari sa party naming ito pero napapansin ko na lang na bigla-bigla na lang akong natutulala. Ewan ko ba. Sa lahat naman kasi ng araw na matapat ang Christmas party namin, bakit ngayon pa, bakit sa araw pa na ito.

Natuloy nga ang sinabi ni Zubby kanina. Kahit ayoko at kahit nahihiya ako, natuloy talaga ang labing-walong sayaw na may kasamang rosas galing sa mga lalaki kong kaklase. At dahil hindi sila umabot ng labing-walo, kinailangan pang tawagin ni Zubby ang pinsan niyang si Fabio at ‘yong iba pang barkada niya. Nakakahiya tuloy.

Kahit papaano ay napasaya ako ng mga kaklase ko. Kahit papaano ay nawala ang bigat sa aking puso. Salamat sa kanilang tawanan at sa effort nila na pasiyahin ako sa araw na ito.

“Hala, nandito ka talaga.” Kahit nagulat sa presensiya ni Fabio, wala akong ibang nagawa kundi ‘yon lang, ang magulat sa presensiya niya.

“Siyempre naman, birthday mo, e. Ako pa ba mawawala? ‘Tsaka, narinig namin kay Ma’am Villar na kulang daw ang eighteen roses mo kaya nandito kami para kumpletohin ‘yon.”

Nilingon ko ‘yong tatlo niyang kabarkada na pareho ring nasa star section.

“Happy birthday, Ayla,” sabay na bati no’ng tatlong iyon.

“S-Salamat…”

“Let’s start rolling Ayla’s debut!” maligayang sigaw ni Ma’am Villar, adviser ng klase namin.

Nag-eighteen roses nga kami. Labing-walong rosas ang isa-isang ibinigay nila sa akin sa tuwing sasayawan ako ng mga kaklase ko.

Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa ito pero siguro magpapasalamat na lang ako kasi nga kahit hindi ko naman ito nararanasan, minsan sa buhay ko, naranasan ko ito.

‘Yong Christmas party namin, nauwi sa isang birthday party. Pero nagkaroon naman kami ng manito-manita, mga palaro, sayawan, kainan, at kung anu-ano pang dapat maganap sa isang Christmas party.

Napatingin ako sa orasan ng aking cell phone.

Three Fifty Nine PM.

Katatapos lang ng Christmas party namin. Nagsiuwian na ‘yong mga kaklase namin pero ‘yong ibang seksiyon ay patuloy pa rin sa kanilang party. Hinihintay ko na lang ngayon si Zubby dahil isa siya sa nakatokang tagalinis sa naiwang gulo ng party.

Bitbit ko ‘yong mga rosas na ibinigay ng mga kaklase ko kanina tapos ang regalong natanggap ko sa manito-manita namin na sinamahan pa no'ng natirang cake na hinipan ko kanina. Sa sobrang daming pagkain kasi ay halos hindi nagalaw ang cake. Sayang daw kaya ibinigay na sa akin. At mayroon ding iilang pagkain na hindi naubos kaya ibinigay na rin sa akin. Ako naman, dahil well-known na mahirap, tinanggap ko. Sayang naman, e.

“Gora, girl!” pa-kending kending pa na sabi ni Zubby nang matapos silang dalawa ni Mae Ann sa pag-aayos ng silid-aralan namin. Si Mae Ann na rin ang nagsarado no’n.

‘Yong section yata namin ang maagang natapos sa buong eskuwelahan. ‘Yong kabilang section, na katabi lang ng silid-aralan namin, ay mukhang patapos pa lang pero may iba naman na patuloy pa rin pero hindi ko na pinagtoonan ng pansin iyon. Kailangan ko na talagang umuwi.

Nag-uusap lang si Mae Ann at Zubby habang naglalakad kami. Naiintindihan naman ni Zubby kung bakit tahimik ako ngayong araw. Kung hindi ko nga lang pinilit ang sarili kong sakyan ang trip nila kanina, baka buong araw ay bagsak na bagsak ang pakiramdam ko.

“Ayla!”

Malapit na sana kami sa gate nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Sabay kaming lumingon sa likuran at nakita ko nga si Fabio na tumatakbo papunta sa amin. Humina lang ang kaniyang takbo nang malapit na siya sa amin.

“O, Fab?”

Habul-habol ang kaniyang hininga dahil sa pagtakbo. Pinasadahan na rin niya ng tingin ang dalawang kasama ko at ngumiti sa kanila.

“Ayla, hihintayin ka na lang namin sa labas.”

Agad akong lumingon kay Zubby dahil sa sinabi niya. Ngumiti rin si Mae Ann sa akin at bigla na nga lang silang nawala sa puwesto nila.

Ano ‘yon?

“U-Uuwi ka na?”

Oh, si Fabio nga pala.

Bumalik ang tingin ko sa harapan para tingnan si Fabio. Kalmado na ngayon ang paghinga niya.

“Kailangan e.” Binigyan ko siya ng isang ngiti na may ibig sabihin. Ilang taon na rin kaming magkaibigan ni Fabio nang dahil sa pinsan niyang si Zubby kaya alam na niya iyon.

“Oo nga pala…” sabi niya pa na parang na-gets na agad kung ano ‘yong ibig kong sabihin. “Mabuti at naabutan pa kita. May ibibigay ako sa ’yo.”

Agad nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Fabio. Ano naman ‘yon?

“A-Ano—“

“Happy birthday, Ayla,” sabi niya sabay abot sa isang kahon na kasing laki ng kuwaderno. “Masaya ako na sa wakas ay nakangiti ka ngayong araw.”

Anak ng baboy!

“F-Fab…”

“Alam ko na ‘yang tingin na ‘yan, Ayla. Tanggapin mo na itong regalo ko sa ’yo. Eighteen ka na kaya deserve mo ang regalong ito. Please, Ayla.”

Napabuntonghininga na lang ako at simpleng ngumiti sa kaniya.

“Hindi mo naman talaga kailangang gawin ‘to, Fab.”

“Isipin mo na lang, regalo ko na ‘yan sa ’yo sa darating na pasko. Sige na, Ayla. Alam kong kailangan mong umuwi nang maaga.”

Tinanggap ko ang regalo niyang iyon na maayos na maayos ang pagkakabalot. Tinapik niya ang aking balikat.

“Balik na ako sa classroom namin, Ay. 'Di pa kasi tapos 'yong party namin. See you and happy birthday ulit!”

Tuluyan akong napangiti sa kabaitang ipinapakita ni Fabio ngayon sa akin.

“Ano? Umamin na ba si pinsan sa ’yo?”

Nang lapitan ko na si Mae Ann at Zubby sa labas ng eskuwelahan ay ‘yon agad ang bumungad sa akin galing kay Zubby.

“Huh? Ano namang aaminin niya?” medyo naguguluhan kong tanong sa kaniya.

“Hindi? 'Tang inang Fabio Menandro oh?”

Hindi ko alam kung ano ‘yong pinagsasabi ni Zubby kaya hindi ko na masiyadong inisip pa.

Mabuti ay nagkasya ang regalong ibinigay sa akin ni Fabio kaya inilagay ko ito sa paper bag na lalagyan ng regalong natanggap ko kanina sa manito-manita namin sa klase. Bitbit iyon, ang cake at ilang pagkain, at ang labing-walong rosas ay bumili ako ng apat na pirasong kandila sa matandang may maliit na tindahan dito sa pampublikong sementeryo ng aming bayan.

“Maraming salamat po,” magalang na bati ko matapos maibigay sa akin ang aking pinamiling kandila at isang kahon ng posporo.

Pasado alas-cuatro na pero tirik na tirik at nakikita pa ang araw kahit na maya-maya lang ay lulubog din ‘yan.

Tahimik kong tinahak ang daan papunta sa kaniyang libingan.

Maraming nakahimlay na mga puntod at nitso rito. Patong-patong ang kanilang mga libingan dahil nga pampublikong sementaryo lang ito.

Kahit ganoon na, sauladong-saulado ko pa kung saan ang kaniyang libingan.

Nakipag-patintero ako sa mga libingan. Pasensiya na kasi kailangan ko talagang tapakan ang mga iyon para makarating sa kaniyang libingan. Nasa gitna kasi siya ng sementeryo.

Lumundag ako ng isang beses at tumumbad na nga sa akin ang kaniyang libingan.

'In Loving Memories of Aylenah Romelena A. Encarquez.'

Inilapag ko ang dala kong paper bag, cake, iilang gamit, at ang palumpon ng rosas sa ibabaw ng kaniyang libingan. Kahit hindi kalakihan ang espasyo, umupo pa rin ako para ma-level ng tingin ang kaniyang lapida. Sinindihan ko ang apat na kandila na binili ko sa labasan kanina gamit ang posporo.

Pagkalapag ko sa mga kandila, sunod-sunod na nagsipatakan ang aking mga luha.

May gusto nga si Ate Aylen kay Vad at hindi ako natutuwa. Unti-unting umusbong sa akin ang inggit.

Isang araw, Sabado no’n, walang pasok, at sakto ring hindi kami isinama ni Nanay sa kaniyang paglalaba dahil si Ate Aylen ay may kailangang gawing proyekto tapos ako naman, kahit wala naman talagang gagawin, pina-iwan pa rin ni Nanay para raw may kasama si Ate Aylen sa bahay.

Nasa ilalim ng puno ng santol si Ate, nakalapag sa kawayang lamesa ang lahat ng kakailanganin niya para sa gagawin. Ako naman ay nakaupo lang sa may pinto ng aming maliit na bahay habang nakatingin sa kaniya mula sa puwesto ko. Sabi kasi ni Ate, ayaw niyang magpa-istorbo para madali raw niyang matapos ang kaniyang ginagawa.

May patpat akong hawak habang nagsusulat-sulat ng kung anu-ano sa lupa. Kaarawan ko ngayon pero abala silang lahat. Ang sabi sa akin nina Nanay, bibilisan lang daw nila ang kanilang mga trabaho sa araw na ito para maaga silang makauwi at makapaghanda sila para sa ikalabing-apat na kaarawan ko. Si Ate ganoon din, kaya nga ayaw talagang pa-istorbo kahit gustong-gusto ko siyang kulitin.

Nasa ganoon kaming posisyon nang biglang may tumigil na isang magarang sasakyan sa labas ng bakod ng bahay namin. Agad akong napatayo para makita kung kanino mang sasakyan ito.

May bumaba na isang malaking lalaki tapos ay binuksan niya ‘yong isang pinto naman ng sasakyan. Inabangan ko talaga kung sino man iyon.

At nang makita ko na ang kung sino man ang bumaba sa sasakyang iyon, kusang kumabog ang aking puso.

Nandito siya.

Agad na lumawak ang aking ngiti nang makita siyang bumaba sa sasakyan na iyon.

Nandito siya! Kaarawan ko ngayon kaya nandito siya! Naalala niya na ngayon ang kaarawan ko!

“Aylen!”

Pero ang ngiting naka-plaster sa aking mukha ay unti-unting napalitan ng lungkot dahil hindi niya sa akin ibinigay ang kaniyang atensiyon. Mukhang ni-pasada nga ng tingin ay hindi niya nagawa sa akin.

“Vad, bakit ka nandito?”

Dahan-dahan akong lumingon sa may puno ng santol nang marinig ko ang boses ni Ate. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at sinalubong pa ang bagong dating.

“Hindi ka kasi sumama sa Nanay mo sa bahay kaya ikaw na ‘yong pinuntahan ko. Sabi niya may project ka raw na ginagawa? Ano ba ‘yon, baka makatulong ako?”

Agad akong nag-iwas ng tingin at pumasok na sa bahay.

Balak ko sanang magkulong sa kuwarto pero hindi ko kaya. Nanatili na lang ako sa salas at gamit ang maliliit na siwang ng kawayang dingding, sinilip ko kung ano ang ginagawa nila.

Nagpatuloy si Ate sa kaniyang ginagawa at nasa harapan niya si Vad.

May kaonting kirot akong naramdaman sa bandang dibdib ko habang nakatingin sa kanilang dalawa na nagtatawanan pa.

Akala ko ba ayaw niyang pa-istorbo? Bakit ngayon, tuwang-tuwa pa siya habang nasa harapan pa niya si Vad.

Naiinis ako. Sobra akong naiinis. Kaarawan ko ngayon tapos ganito? Parang mali naman yata ‘to.

Kusa na akong nag-iwas ng tingin at nanatili na talaga sa loob ng bahay. Ilang minuto ang nagdaan, biglang tinawag ni Ate ang pangalan ko. Sunod-sunod kaya kahit ayaw kong lumabas, wala akong nagawa. Gusto ko rin naman kasing makita siya nang malapitan. Pa-kunsuwelo na lang sa inis na aking nararamdaman.

“Birthday ni Ayla ngayon, Vad, batiin mo naman siya.”

Nang makalapit sa kanilang puwesto, ‘yon agad ang sinabi ni Ate.

Panandaliang lumingon si Vad sa akin kaya bumilis ulit ang takbo ng aking puso.

“Oh? Happy birthday, Ayla.” Ngumiti siya sa akin pero agad din niyang ibinalik ang atenisyon niya sa kung ano ‘yong nakalatag sa harapan nila. “Ano nga ulit ‘yong sinabi mo kaninang math problem, Aylen?”

“S-Salamat…” mahinang sagot ko na lang at tumalikod na para bumalik sa bahay.

Wala na naman kasi sa akin ang atensiyon nilang dalawa.

Wow! Bumati nga siya pero parang labas naman sa ilong. Kung hindi pa siguro siya sinabihan ni Ate Aylen tungkol sa kaarawan ko, baka hindi niya talaga ako babatiin.

Pero bakit ganoon, may parte pa rin sa puso ko na natuwa sa ginawa niyang iyon. Alam kong masiyado pa akong bata para malaman kung ano talaga ang pagmamahal pero sabi ni Zubby sa akin at ng iba pa naming kaklase na kapag daw may nakita kang isang lalaki at mabilis daw na tumibok ang puso mo, ang ibig sabihin daw no’n ay may gusto ka sa kaniya. Puwedeng paghanga lang o kaya’y pagmamahal na talaga. Nakadepende sa bilis ng tibok ng puso mo. E, sobrang lakas ng tibok ng aking puso, daig ko pa hinabol ng aso sa sobrang bilis, e. Siguro pagmamahal ito? Pagmamahal yata ang nararamdaman ko kay Vad Montero.

Kahit hindi man sabihin sa akin ni Ate Aylen, alam kong hinahangaan rin niya si Vad o baka nga mahal niya rin ito. Kaya nga kung susumahin, sobrang talo ako kasi mas malapit sila sa isa’t-isa kaysa sa akin. Hindi ko nga alam kung kilala ba talaga ako ni Vad, e. Kung hindi lang talaga ako sinisingit ni Ate sa mga usapan nila, mukhang wala talaga siyang balak na pansinin ako.

Matapos ulit ang ilang oras, sumilip ako sa hamba ng pintuan nang narinig ko bigla na aalis na si Vad. Base sa sinabi niya kanina, pinapauwi na raw siya kasi may pupuntahan pa raw silang isang lugar na hindi ko alam. ‘Yon lang ang narinig ko mula sa lalaking kasama ni Vad na pumunta rito.

Dire-diretso ang kaniyang lakad, hindi man lang nilingon ang bahay para alamin kung nasaan ako kaya hindi tuloy ako nakapagpaalam.

Napabuntonghininga na lang ako.

Nang tuluyang umalis ang sasakyang iyon, si Ate naman ang sinilip ko. Nagliligpit na siya ng gamit kaya napagpasiyahan kong lapitan na siya.

“A-Anong ginagawa ni Vad dito, Ate?” agad na tanong ko nang makalapit na ako sa kaniya.

Habang nagliligpit ng kaniyang mga gamit, lumingon siya sa akin at ngumiti.

“Siya na ‘yong pumunta rito kasi nagtaka raw siya kung bakit hindi tayo sumama kay Nanay. At saka, tinulongan na rin niya ako sa project ko pero kailangan daw niyang umuwi na kasi may salu-salo pa silang pupuntahan ng pamilya niya kaya ayon. Bakit kasi hindi ka sumali sa amin dito kanina.”

“Ah, ganoon ba,” simpleng sagot ko na lang.

“Excited ka na ba? Hintayin lang natin sina Nanay at Tatay para makapag-celebrate tayo ng birthday mo.” Tuluyan siyang natapos sa ginagawa niya kaya malaya siyang nakalapit sa akin at hinawakan pa ang aking pisnge. Katulad nang madalas nilang ginagawa ni Tatay.

Kahit hindi nagustuhan ang nangyari kanina, ngumiti pa rin ako kay Ate. Kaarawan ko ngayon kaya dapat masaya ako.

“Hello!”

Habang nasa ganoong posisyon, may biglang sumigaw sa may likuran ko kaya sabay kaming lumingon ni Ate roon.

Ang magkapatid na si Kuya Osias at Sia. Mga malayong kamag-anak namin sa ama.

“Balita namin birthday ngayon ni Ayla, ah?” patay-malisyang tanong pa ni Kuya Osias.

“Nagluto si Mama ng spaghetti. Ito na raw regalo namin sa ’yo.” Si Sia naman ang nagsabi no’n at may ipinakita namang isang malaking Tupperware si Kuya Osias na bitbit pala niya, ngayon ko lang napansin.

Kinuha ni Ate ang Tupperware na iyon na may laman na spaghetti at agad kaming nag-usap usap. Malayong kamag-anak na namin silang dalawang magkapatid pero iisa lang ang apelyidong dinadala namin kaya itinuturing namin ang isa’t-isa na parang malalapit lang na pinsan. Si Kuya Osias kasi ‘yong gustong makipaglapit sa aming dalawa.

Pero sa totoo lang, magkapatid ang Tatay nila at saka si Tatay. Ang sinabi sa amin, half-brother daw. Anak daw kasi sa labas si Tatay ng Tatay ni Tito Orlando na Lolo naman namin. Pero kahit ganoon, itinuring pa rin kaming totoong pamilya ni Tito Orlando. 'Yong ibang kapatid niya lang ang hindi at mukhang hinding-hindi na matatanggap si Tatay. Pero kahit ganoon, masaya kaming lahat.

“Magba-banyo lang ako, ha? Hindi ko na kasi talaga kaya e,” biglang sabi ni Kuya Osias habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap.

Nag-reak naman agad ang kapatid niyang si Sia, kung gaano raw ito kababoy, kakadiri at kung anu-ano pa.

“Ate, ‘di ba namumunga na ‘yong mangga sa likod ng bahay?” Bigla kong naalala ang malalaking mangga na tanim namin sa likuran ng bahay.

“Oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan. Sabi ko kukunin ko ‘yon ngayong araw, e, mabuti pinaalala mo, birthday girl!” sabi ni Ate sabay pisil sa aking pisnge. “Samahan niyo akong dalawa sa likod, aakyatin ko ‘yong puno.”

Magaling umakyat ng puno si Ate Aylen. Mas magaling siya kaysa sa akin kasi palaging siya ang sinasanay ni Tatay sa mga ganoon. Kaya nang sinabi niyang aakyatin nga niya ang puno, agad akong sumang-ayon at sinamahan siya. Habang si Sia naman ay nagtaka pa sa gagawin ni Ate pero wala rin naman siyang magagawa kasi sanay na sanay na si Ate sa mga ganito. Hindi rin naman kasi sanay sa mga ganito si Sia kasi laking siyudad siya, hindi sanay sa bukid.

Tumatae pa rin yata si Kuya Osias kasi hindi pa rin lumalabas ng bahay. Kaya kaming tatlo ang pumunta sa likuran ng bahay.

Nagsimulang akyatin ni Ate Aylen ang puno ng mangga. Madali lang naman talaga siyang akyatin pero hindi lang talaga ako sanay kaya para sa akin, hindi ko kayang akyatin ang ganiyang klaseng puno.

Nasa pangalawang malaking sanga si Ate nakatayo habang binabalanse niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paghawak sa maliliit na sanga ng puno.

Inabot niya ‘yong isang kumpol ng bunga. Isang hakbang at pag-abot pa niya ay agad niyang nakuha ang kumpol na iyon.

“Wow! Ang galing mo, Ate Aylen!” sigaw naman ni Sia na nasa tabi ko.

“Aylen! Mag-ingat ka riyan ha?”

Matapos magsalita ni Sia ay may sumigaw naman mula sa loob ng bahay. Sabay-sabay pa kaming lumingon doon. Nakita nga namin si Nanay na nakasilip mula sa likurang pinto ng bahay.

“Opo, ‘Nay! Nand’yan na po pala kayo,” sigaw pa ni Ate mula sa itaas.

Ngumiti ako kay Ate Aylen at ganoon din siya sa akin. Tinanguan niya ako, hudyat na ihahagis niya sa akin ang mga manggang nakuha niya. Hinanda ko ang sarili ko para saluhin iyon.

Pero kasabay nang paghagis niya sa mga mangga ay ang pagbulusok ng kaniyang katawan sa lupa.

“Aaaah!”

“Anak!”

“Ate Aylen!”

“Aylen, anak!”

Dugo… maraming dugo ang agad nagkalat sa lupa. Nagkagulo ang lahat at ang sunod na narinig ko ay ang malakas na sigaw ni Nanay.

Dead on arrival si Ate nang dalhin siya sa ospital. Naubusan ng dugo sabi ng doctor. Hindi na-balanse ni Ate ang kaniyang sarili sa itaas ng puno, nahulog siya at diretsong nabagok ang kaniyang ulo sa malaking bato na nasa lupa.

Sa mismong kaarawan ko namatay ang ka-isa isang kapatid ko. Sinisi ako ng mga magulang ko. Ibinunton sa akin ang lahat. Siguro nga nararapat lang sa akin. Kasi kung hindi ko pinaalala sa kaniya ang tungkol sa mangga, hindi siya aakyat at mahuhulog. Kung hindi dahil sa akin… buhay pa siya sana ngayon.

Kung gaano ako sinisi ng mga magulang ko sa nangyari, ganoon din si Vad. Halos yata lahat ng taong nagmamahal sa kapatid ko, sinisisi ako. May ibang bulgaran akong paringgan noong nakaburol pa siya, may iba naman na hindi na nakakaabot sa aking tenga.

Sunod-sunod kong pinalis ang luha ko at sininghot ang namuong sipon. Umiwas na rin ako ng tingin, baka kasi mapangitan pa si Ate sa akin.

“Ate, apat na taon na. Labing-walong taon na ako,” nabasag ang aking boses nang sabihin ko ang mga katagang iyon. Kahit mahirap magsalita sa kasagsagan ng pag-iyak, pinilit ko ang sarili ko.

“Ate, sorry. Sorry talaga.”

Masakit pa rin. Pinaparusahan ko pa rin ang sarili ko. Pasan ko pa rin ang consequences nang mga nangyari. Apat na taon na pero ganoon pa rin. Araw-araw.

Ang iba ay nakausad na. Ako, nanatili pa rin sa nakaraan. Kung maaari lang talagang maibalik ang lahat. Hindi ko na sana ginawa pa iyon.

“Ayla…”

Kusang tumigil ang luha ko nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Nag-angat ako ng tingin at ang una kong nakita ay ang kaniyang seryosong mga mata.

“V-Vad…”

~

Kaugnay na kabanata

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 8: The Story

    "I knew you're here."Hindi pa man nakaka-recover sa gulat na aking naramdaman nang makita ko siya, bigla niya akong tinabihan at inilapag ang isang basket ng bulaklak at isang mukhang espesyal na kandila.Speaking of bulaklak! Oo nga pala!"N-Naaalala mo pa siya," sabi ko habang kinukuha ang palumpon ng mga rosas na ibibigay ko nga pala kay Ate."Of course. I never forgot her. Though ngayon lang ako nakadalaw sa mismong death anniversary niya. I always visit kasi during her birthday. Never on her death anniversary. Ngayon lang."Inilapag ko ang mga bulaklak katabi ng bulaklak na dinala niya."Wow, red roses. That's kind of unusual but okay..." puna niya sa mga bulaklak na ibinigay ko."B-Bigay ng mga kaklase ko. Ibibigay ko sa kaniya kaysa naman malanta lang sa bahay."Nagsimula na namang kumabog ang dibdib ko. Mas d

    Huling Na-update : 2021-05-19
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 9: The Feeling

    Ulap… Isang parte ng kalangitan na araw-araw mong makikita. Tumingala ka lang at ito’y iyong mapagmamasdan. Maputi at malambot na animo’y bulak Puwede ring cotton candy, marshmallow, at icing ng cake. Sinarado ko ang aking cell phone (‘yong ibinigay ni Fabio noong huling kaarawan ko) at isinantabi ito. Ang pangit ng nagawa kong tula tungkol sa ulap. Bigla na lang kasi itong sumulpot sa aking utak habang nagpapahinga sa lilim ng kahoy. Napabuntonghininga ako at pinagmasdan ang ulap. Minsan talaga ang buhay ng tao, parang ulap. May dalawa silang katangian. Una, ang isang kalmadong ulap na hatid ay magandang panahon. Kung ihahalintulad mo ito sa tao, isa ito sa mga masaya at normal na buhay ng tao, ‘yong chill lang, walang problemang dala. Pangalawa, ‘yong ulap na may dalang ulan, ‘yong madilim at ‘yong tinatawag naming dag-om. Nagre-representa iyon ng isang masalimoot na parte ng buhay

    Huling Na-update : 2021-05-20
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 10: The College

    Nakapasa ako sa entrance exam sa State College na kinuhanan ko ng entrance exam noong nakaraan. Ito ay ang Northern Negros State College of Science and Technology, in short Nonescost. Pero kaakibat ng aking pagkapasa ang listahan ng mga kursong puwede kong kunin base sa naging score ko sa entrance exam. Nakatitig ako ngayon sa papel na iyon at ang nangunguna sa listahan ay ang kurso na Information Technology. I.T.Takip-silim na at nakaupo ako ngayon sa labas ng aming bahay, hawak ang kapirasong papel na iyon na ngayong araw ko rin natanggap, matiyaga akong naghintay sa pagdating ng aking mga magulang para ibalita ito sa kanila. Sa makalawa na rin nga pala ang araw ng pagtatapos namin. Handa na ako, handa na ang susuotin kong puting toga, ang mga makakasama ko na lang ang hindi. Hindi ko kasi alam kung tuloy ba na masasamahan ako ng mga magulang ko sa araw ng pagtatapos ko. Isa kasi iyon sa itatanong ko sa kanila mamaya kapag umuwi na sila galing sa trabaho.

    Huling Na-update : 2021-05-22
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 11: The After College

    Ang akala kong magbabalik naming relasyon ni Tatay ay muling nalamatan nang dahil lang sa nalaman niyang tinulungan ako sa pag-aaral ni Kuya Osias. Pala-isipan pa rin sa akin ang lahat, kung bakit. Pamilya naman kami at may maitutulong naman sila, bakit hindi puwedeng tanggapin?Matapos ang lahat. Matapos kong makapagtapos ng pag-aaral, parang hindi sapat iyon para bumalik ang pakikitungo sa akin ni Tatay bilang isang tunay na anak. Para akong ampon dito, sampid, napulot lang sa tae ng kalabaw. Sobrang saklap. Pero kahit ganoon, nagpatuloy pa rin ako sa buhay.Ilang linggo na matapos akong maka-graduate sa kolehiyo. Ilang linggo na rin akong naghahanap ng trabaho. Pero hanggang ngayon, wala pa rin. Naabutan na ako ng pista ng bayan namin, wala pa rin. Ilang resume at curriculum vitae na ang naipasa ko sa mga lokal na kompanya sa Bacolod pero wala pa rin. Hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako ng tawag, baka sakaling matawagan para sa isang

    Huling Na-update : 2021-05-23
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 12: The Savior

    Nang hindi ko na makayanan ang tibok ng aking puso, ako na mismo ang umiwas ng tingin. Nilingon ko si Fabio at pinilit ang sariling ngumiti sa kaniya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. Nakatingala pa rin siya at pinagmamasdan ang fireworks.Habul-habol ang hininga, pinilit ko ang sarili kong tingnan ulit ang fireworks pero wala na roon ang isipan ko. Nasa kaniya na.Minsan lang akong kapusin ng hangin katititig sa isang tao. At sa minsang iyon, alam kong may kakaiba talaga sa nararamdaman ko.Pero imposible. Imposibleng-imposible. Hindi puwede. Paano si Fabio? Oo, si Fabio! Si Fabio Menandro Varca na naghihintay sa akin, na hinihintay ko. Paano? Mali. Hindi puwede. Imposible siya. Bawal.At kung anu-anong salita na lang ang itinatanim ko sa aking sarili. Kaya kinabukasan, habang pauwi ako sa amin, ‘yon pa rin ang laman ng isipan ko: ang titigan naming dalawa.Nilaba

    Huling Na-update : 2021-05-26
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 13: The Job

    Trenta minutos na ang nakalipas, alas-otso na pero wala pa ring tao ang front desk na sinasabi ni manong sekyu. Maya’t-maya rin kaming napapatingin sa isa’t-isa nitong sekyung ito. Hindi ko alam, mukha kaming mga timang na dalawa, promise.Napapatingin ako sa kaniya kasi nararamdaman kong maya’t-maya talaga ang tingin niya sa akin. Ewan ko ba kay manong sekyu. Nakaka-intimidate talaga.Mahigpit ang naging hawak ko sa plastic envelope na dala ko, tiningnan ko ang mga empleyadong isa-isang nagsipasukan na sa loob. Sa tuwing titingin ako sa front desk, wala pa rin talagang tao.Hanggang ang trenta minutos na paghihintay ko ay naging isang oras. Tiningnan ko ang orasan sa aking cell phone.Eight thirty-eight A.M. na pero mukhang wala pa ring tao roon sa front desk.Maya-maya lang ay biglang umalingawngaw ang tunog ng telepono rito sa tabi ko. Tiningnan ko si manong

    Huling Na-update : 2021-05-27
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 14: The Office

    ‘Yong akala kong isang pagkakataon lang na maririnig ko ang ganoong mga salita mula sa ka-officemates ko ay biglang naging routine na sa loob ng dalawang linggo. Sa tuwing darating ako, sa tuwing makikita nila akong lumalabas ng opisina namin, sa tuwing nagla-lunch ako sa canteen ng central, nakikita kong napapatingin sila sa akin at biglang magbubulong-bulongan.Gusto ko mang palampasin, hindi naman maatim ng konsensiya ko ang mga naririnig kong salita na tungkol sa akin. Hindi ko gusto ang atensiyong nakukuha ko mula sa kanila.May ibang tao naman na nakikipag-usap sa akin pero hindi ko tuloy mawari kung totoo ba iyon o nangangalap lang ng impormasiyon.“Gusto mo, isumbong na natin sa HR dept. ito?”Napabuntonghininga ako sa sinabi ni Shame at pagak siyang nginitian nang lingunin ko siya.“’Wag na, mas lalala lang ang usapan kapag nagsumbong pa ako

    Huling Na-update : 2021-05-29
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 15: The Friendship

    Nagpatuloy ang buhay. At patuloy itong magpapatuloy habang-buhay.Ilang linggo ulit ang lumipas. ‘Yong trabaho namin, hindi madali. Pero the best thing that happened is nawala ‘yong chismis tungkol sa akin. Parang balik ulit sa dati, Aylana Encarquez does not exist again. And gusto ko ‘yon.“Ayla, pa suyo naman… pakidala naman ito sa office ni Engineer Sonny. Sabihin mo lang na papipirmahan lang natin. Okay lang ba? Kailangan ko pa kasing tapusin ‘tong ginagawa ko.” Lumingon si Shame sa akin at may inabot na isang folder.“Okay…” sagot ko sabay abot no’ng folder at iniwan sandali ang cubicle ko.Nang makalabas sa opisina, inayos ko nang bahagya ang buhok ko at kumatok sa opisina ni Engr. Sonny. Nang makapasok, agad kong nakita ang iilan sa staff ni Engr. Sonny na abala sa kani-kanilang mga trabaho, sa kani-kanilang table.&nbs

    Huling Na-update : 2021-06-02

Pinakabagong kabanata

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 17: The Tour

    Nagising ang diwa ko dahil sa isang masigabong palakpakan na narinig ko. Napa-iktad ang buo kong katawan kaya wala sa sarili akong napa-palakpak na rin habang iginagala ang tingin sa paligid.Ano na ang nangyayari?Wala na ‘yung katabi ko pero may tao pa naman sa round table namin. Si Engr. Sonny lang talaga ‘yung wala.Itatanong ko na sana sa isang katabi ko nang bigla kong nakita siya sa may harapan ng venue. ‘Yung puwesto kung saan namamalagi ang mga speaker ng seminar na ito.Anong ginagawa niya roon?May ka-usap siya na isa ring lalaki pero ang direksiyon ng kaniyang ulo ay naka-direkta sa puwesto ko. Hindi ko lang alam kung sa akin ba talaga siya nakatingin pero parang, wala naman kasi sa ka-usap niya nakatuon ang kaniyang tingin, mukhang sa direksiyon ko talaga.O baka malabo lang talaga itong mata ko? Kaonting pagbababad sa computer

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 16: The Seminar

    Handa na ang mga gamit ko. Handa na ang sarili ko. At nasa airport na kami ngayon, kasama ko si Engr. Sonny.Halata namang may bahay talaga itong si Engr. Sonny sa Manila at puwedeng-puwede siyang ma-una sa akin sa pag-alis pero bakit sinamahan niya ako?Ah, para siguro hindi ako maligaw. Malaki ang Metro Manila. Oo nga naman, Ayla, kung anu-ano 'yang iniisip mo!“Is this your first time riding a plane?” biglang tanong ni Engr. Sonny sa akin habang nakiki-linya kami para raw sa check-in ng aming gamit at ticket. Air Asia ‘yong sasakyan namin kasi nga ‘yon ‘yong nakalagay sa plane ticket at itenerary ko.Tumango ako kay Engr. Sonny. Nasa likuran niya ako pero nakaharap ang katawan niya sa akin.“So I assume that it’s your first time sa Manila?” follow-up na tanong niya matapos kong tumango sa unang tinanong niya.

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 15: The Friendship

    Nagpatuloy ang buhay. At patuloy itong magpapatuloy habang-buhay.Ilang linggo ulit ang lumipas. ‘Yong trabaho namin, hindi madali. Pero the best thing that happened is nawala ‘yong chismis tungkol sa akin. Parang balik ulit sa dati, Aylana Encarquez does not exist again. And gusto ko ‘yon.“Ayla, pa suyo naman… pakidala naman ito sa office ni Engineer Sonny. Sabihin mo lang na papipirmahan lang natin. Okay lang ba? Kailangan ko pa kasing tapusin ‘tong ginagawa ko.” Lumingon si Shame sa akin at may inabot na isang folder.“Okay…” sagot ko sabay abot no’ng folder at iniwan sandali ang cubicle ko.Nang makalabas sa opisina, inayos ko nang bahagya ang buhok ko at kumatok sa opisina ni Engr. Sonny. Nang makapasok, agad kong nakita ang iilan sa staff ni Engr. Sonny na abala sa kani-kanilang mga trabaho, sa kani-kanilang table.&nbs

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 14: The Office

    ‘Yong akala kong isang pagkakataon lang na maririnig ko ang ganoong mga salita mula sa ka-officemates ko ay biglang naging routine na sa loob ng dalawang linggo. Sa tuwing darating ako, sa tuwing makikita nila akong lumalabas ng opisina namin, sa tuwing nagla-lunch ako sa canteen ng central, nakikita kong napapatingin sila sa akin at biglang magbubulong-bulongan.Gusto ko mang palampasin, hindi naman maatim ng konsensiya ko ang mga naririnig kong salita na tungkol sa akin. Hindi ko gusto ang atensiyong nakukuha ko mula sa kanila.May ibang tao naman na nakikipag-usap sa akin pero hindi ko tuloy mawari kung totoo ba iyon o nangangalap lang ng impormasiyon.“Gusto mo, isumbong na natin sa HR dept. ito?”Napabuntonghininga ako sa sinabi ni Shame at pagak siyang nginitian nang lingunin ko siya.“’Wag na, mas lalala lang ang usapan kapag nagsumbong pa ako

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 13: The Job

    Trenta minutos na ang nakalipas, alas-otso na pero wala pa ring tao ang front desk na sinasabi ni manong sekyu. Maya’t-maya rin kaming napapatingin sa isa’t-isa nitong sekyung ito. Hindi ko alam, mukha kaming mga timang na dalawa, promise.Napapatingin ako sa kaniya kasi nararamdaman kong maya’t-maya talaga ang tingin niya sa akin. Ewan ko ba kay manong sekyu. Nakaka-intimidate talaga.Mahigpit ang naging hawak ko sa plastic envelope na dala ko, tiningnan ko ang mga empleyadong isa-isang nagsipasukan na sa loob. Sa tuwing titingin ako sa front desk, wala pa rin talagang tao.Hanggang ang trenta minutos na paghihintay ko ay naging isang oras. Tiningnan ko ang orasan sa aking cell phone.Eight thirty-eight A.M. na pero mukhang wala pa ring tao roon sa front desk.Maya-maya lang ay biglang umalingawngaw ang tunog ng telepono rito sa tabi ko. Tiningnan ko si manong

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 12: The Savior

    Nang hindi ko na makayanan ang tibok ng aking puso, ako na mismo ang umiwas ng tingin. Nilingon ko si Fabio at pinilit ang sariling ngumiti sa kaniya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. Nakatingala pa rin siya at pinagmamasdan ang fireworks.Habul-habol ang hininga, pinilit ko ang sarili kong tingnan ulit ang fireworks pero wala na roon ang isipan ko. Nasa kaniya na.Minsan lang akong kapusin ng hangin katititig sa isang tao. At sa minsang iyon, alam kong may kakaiba talaga sa nararamdaman ko.Pero imposible. Imposibleng-imposible. Hindi puwede. Paano si Fabio? Oo, si Fabio! Si Fabio Menandro Varca na naghihintay sa akin, na hinihintay ko. Paano? Mali. Hindi puwede. Imposible siya. Bawal.At kung anu-anong salita na lang ang itinatanim ko sa aking sarili. Kaya kinabukasan, habang pauwi ako sa amin, ‘yon pa rin ang laman ng isipan ko: ang titigan naming dalawa.Nilaba

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 11: The After College

    Ang akala kong magbabalik naming relasyon ni Tatay ay muling nalamatan nang dahil lang sa nalaman niyang tinulungan ako sa pag-aaral ni Kuya Osias. Pala-isipan pa rin sa akin ang lahat, kung bakit. Pamilya naman kami at may maitutulong naman sila, bakit hindi puwedeng tanggapin?Matapos ang lahat. Matapos kong makapagtapos ng pag-aaral, parang hindi sapat iyon para bumalik ang pakikitungo sa akin ni Tatay bilang isang tunay na anak. Para akong ampon dito, sampid, napulot lang sa tae ng kalabaw. Sobrang saklap. Pero kahit ganoon, nagpatuloy pa rin ako sa buhay.Ilang linggo na matapos akong maka-graduate sa kolehiyo. Ilang linggo na rin akong naghahanap ng trabaho. Pero hanggang ngayon, wala pa rin. Naabutan na ako ng pista ng bayan namin, wala pa rin. Ilang resume at curriculum vitae na ang naipasa ko sa mga lokal na kompanya sa Bacolod pero wala pa rin. Hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako ng tawag, baka sakaling matawagan para sa isang

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 10: The College

    Nakapasa ako sa entrance exam sa State College na kinuhanan ko ng entrance exam noong nakaraan. Ito ay ang Northern Negros State College of Science and Technology, in short Nonescost. Pero kaakibat ng aking pagkapasa ang listahan ng mga kursong puwede kong kunin base sa naging score ko sa entrance exam. Nakatitig ako ngayon sa papel na iyon at ang nangunguna sa listahan ay ang kurso na Information Technology. I.T.Takip-silim na at nakaupo ako ngayon sa labas ng aming bahay, hawak ang kapirasong papel na iyon na ngayong araw ko rin natanggap, matiyaga akong naghintay sa pagdating ng aking mga magulang para ibalita ito sa kanila. Sa makalawa na rin nga pala ang araw ng pagtatapos namin. Handa na ako, handa na ang susuotin kong puting toga, ang mga makakasama ko na lang ang hindi. Hindi ko kasi alam kung tuloy ba na masasamahan ako ng mga magulang ko sa araw ng pagtatapos ko. Isa kasi iyon sa itatanong ko sa kanila mamaya kapag umuwi na sila galing sa trabaho.

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 9: The Feeling

    Ulap… Isang parte ng kalangitan na araw-araw mong makikita. Tumingala ka lang at ito’y iyong mapagmamasdan. Maputi at malambot na animo’y bulak Puwede ring cotton candy, marshmallow, at icing ng cake. Sinarado ko ang aking cell phone (‘yong ibinigay ni Fabio noong huling kaarawan ko) at isinantabi ito. Ang pangit ng nagawa kong tula tungkol sa ulap. Bigla na lang kasi itong sumulpot sa aking utak habang nagpapahinga sa lilim ng kahoy. Napabuntonghininga ako at pinagmasdan ang ulap. Minsan talaga ang buhay ng tao, parang ulap. May dalawa silang katangian. Una, ang isang kalmadong ulap na hatid ay magandang panahon. Kung ihahalintulad mo ito sa tao, isa ito sa mga masaya at normal na buhay ng tao, ‘yong chill lang, walang problemang dala. Pangalawa, ‘yong ulap na may dalang ulan, ‘yong madilim at ‘yong tinatawag naming dag-om. Nagre-representa iyon ng isang masalimoot na parte ng buhay

DMCA.com Protection Status