Home / Romance / Clouded Feelings / Clouded Feelings 9: The Feeling

Share

Clouded Feelings 9: The Feeling

Author: doravella
last update Huling Na-update: 2021-05-20 22:56:11

Ulap…

Isang parte ng kalangitan na araw-araw mong makikita.

Tumingala ka lang at ito’y iyong mapagmamasdan.

Maputi at malambot na animo’y bulak

Puwede ring cotton candy, marshmallow, at icing ng cake.

Sinarado ko ang aking cell phone (‘yong ibinigay ni Fabio noong huling kaarawan ko) at isinantabi ito. Ang pangit ng nagawa kong tula tungkol sa ulap. Bigla na lang kasi itong sumulpot sa aking utak habang nagpapahinga sa lilim ng kahoy.

Napabuntonghininga ako at pinagmasdan ang ulap.

Minsan talaga ang buhay ng tao, parang ulap. May dalawa silang katangian. Una, ang isang kalmadong ulap na hatid ay magandang panahon. Kung ihahalintulad mo ito sa tao, isa ito sa mga masaya at normal na buhay ng tao, ‘yong chill lang, walang problemang dala. Pangalawa, ‘yong ulap na may dalang ulan, ‘yong madilim at ‘yong tinatawag naming dag-om. Nagre-representa iyon ng isang masalimoot na parte ng buhay ng tao. Siguro dahil sa kadilimang hatid nito kaya masasabi kong masalimoot nga.

Bigla ko tuloy naalala ang isang uri ng ulap na kung tawagin ay Nimbus Clouds… isang grupo ng mga ulap na ang hatid ay ulan, may dala-dalang ulan. Tapos nakikita ito sa tuwing may kulog at kidlat… speaking of kulog at kidlat, naalala ko na naman si Tungkung Langit.

Ilang buwan na nang marinig ko ang istoryang iyon galing sa kaniya. Halos isalaysay ko na nga sa sarili kong salita ang istoryang iyon dahil kusang mini-memorize ng utak ko ang istoryang iyon. Sauladong-saulado ko na at mukhang iyon na ang paborito kong kuwento tungkol sa pagmamahal. Hindi ko maitatanggi pero si Tungkung Langit ay, maliban sa literal na kakaiba, talagang kakaibang magmahal. At ang kuwentong iyon ay galing pa talaga sa isang hindi inaasahang tao. Akala ko puro pa-pogi lang siya, akala ko puro kayabangan sa katawan dahil sa sobrang yaman lang ang alam niya. May iba pa pala siyang alam at mukhang hindi ko talaga siya lubos na kilala kahit na ang lahat ng tao sa bayan namin, kilala siya at ang pamilya niya.

Don’t judge a book by its cover, wika nga nila.

Kinamot ko ‘yong ilalim ng mata ko at tumayo na para sa pagpapastol ng kalabaw ng kapitbahay namin. Umalis kasi sila kaya hinabilin sa akin ang pag-aalaga nito. May alam naman ako kung paano kaya pinatulan ko na. Wala kasing ibang gawaing bukid na maibigay sina Tiya Judy sa akin, sa susunod na linggo pa raw.

Ilang buwan na nga ang lumipas magmula no’ng huling kaarawan ko. Nagbago ang taon at ilang araw na lang at magtatapos na ako sa high school. Nakapag-entrance exam na ako sa isang malapit na State College sa bayan namin. Kahit walang kasiguraduhan, sinubukan ko pa rin. Napilit din kasi ako nina Zubby kumuha dahil may balak silang sa parehong State College sila mag-aaral. Kaso, hindi ko pa alam kung nakapasa ba ako o hindi, matagal pa kasi maibibigay sa amin ang resulta kaya hindi pa talaga sigurado ang lahat.

May isang State University pa silang in-offer sa akin na kuhanan ko raw ng entrance exam pero masiyadong malayo, sa may kabisera ng probinsiya namin malapit ang State University na iyon kaya kahit gusto ko man, tinanggihan ko na lang kasi paniguradong hindi ko kakayanin kung doon nga ako makakapag-aral.

Tapos si Fabio naman, kumuha ng entrance exam sa Philippine Normal University – Visayas. Inaya niya ako. Sinubukan ko naman kahit wala sa listahan ng kukunin kong kurso ang pagtuturo. Siguro kung wala na talagang pagpipilian na iba, baka ‘yon, patulan ko ang pagtuturo. Wala kasi talaga sa dugo ko iyon.

Malakas na tumunog ang cell phone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ng aking short at agad tiningnan kung sino ang tumatawag.

Zubeida Yesenia Mahinay is calling…

Bakit naman tatawag sa isang normal na Sabado itong si Zubby?

Matagal bago ko nasagot ang tawag dahil tinitigan ko pa ito ng ilang minuto at oo, maganda kasi ang ringtone kaya pinakinggan ko pa.

“Woy, Zub, napatawag ka?” agad na bati ko sa kaniya nang masagot na ang tawag.

“Girl!” may pagtiling sabi pa niya. “Nasaan ka girl? Nasa labas kami ng bahay niyo, girl. Bakit walang tao rito, nasaan ka ba?”

Ha?

“Ano? Ano namang ginagawa niyo riyan sa bahay? Nagpapastol ako ng kalabaw. Anong ginagawa niyo r’yan?”

Humigpit ang hawak ko sa lubid ng kalabaw at sinimulan itong hatakin pabalik sa daan papunta sa bahay.

Ano naman kasi ang ginagawa nila sa bahay?

“Kalabaw? ‘Di ba sabi mo wala na kayong kalabaw?”

“Sa kapitbahay namin ‘to, napag-utusan lang ako. At saka, ‘di ba hindi mo rin alam kung saan ang bahay ko? Ako ba, Zubeida, pinagti-trip-an mo?” Napatigil ako sa paglalakad nang mapagtanto ko nga iyon. Oo nga, hindi pa nga pala nakakapunta si Zubby sa bahay namin kahit kailan.

“Girl! Nandito talaga ako, promise! Ano? Nasaan ka ba? Pupuntahan ka ba namin d’yan o uuwi ka na?”

Nagsimula ulit akong maglakad at ang kawawang kalabaw na nasa likuran ko ay tahimik lang na nakasunod sa akin.

“Naglalakad na ako papunta r’yan. Hintayin mo na lang ako.”

“Okay, girl! Take cared cause I cared.”

Rinig na rinig ko talaga kung paano ka past-tense ang pagkakasabi niya sa cared. Take care because I care kasi iyon.

Nagpatuloy na talaga ako sa paglalakad at ibinulsa ang cell phone. Dinoble ko lang ang hakbang ko nang makarating na ako sa bahay. Mabuti na lang talaga at tapos na ako sa pagpapastol sa kalabaw na ito, i-uuwi ko na ito sa may-ari na sana naman ay nakauwi na sa kanilang bahay.

Sa likuran ng bahay ako dumaan at dumiretso ako sa bakuran ng kapitbahay namin na si Aling Minda. Mukhang sarado pa ang kanilang bahay kaya itinali ko na lang sa puno kung saan talaga itinatali ang kalabaw. At saka ako naglakad pabalik sa bahay. Sumilip ako sa may harapan ng bahay at may nakita nga ako roong isang nakatigil na traysikel na sinabayan pa ng iilang usapan at mahinang tawanan.

May kasama si Zubby?

Naghugas muna ako ng kamay sa may balon dito sa likuran ng bahay, pati paa ko hinugasan ko na rin dahil medyo maputik ang daang dinaanan ko kanina. Nang matapos ang lahat, sa gilid ng bahay ako dumaan para makapunta sa harapan.

Tama nga ang hinala ko, may kasama nga si Zubby. Si Zubby, Fabio, ang tatlong kaibigan ni Fabio, at ang kamag-anak ko na naka-ekis ang braso sa kaniyang tiyan at nakataas ang isang kilay na nakatingin sa akin.

“A-Anong ginagawa niyo rito?” agad na tanong ko sa kanila. Pinagbuksan ko na rin sila ng bakod para makapasok sila sa loob.

Nang makita ko sila, si Sia lang ang nakatingin sa may bahay namin. Si Zubby ay nakikipag-usap sa kaibigan ni Fabio na si Kano na siyang nakaupo sa driver’s side ng traysikel. Si Fabio naman ay nakaupo sa side wheel ng traysikel. Ang dalawang kaibigan niya na si Jayce at Astro ay parehong nakaupo sa loob ng traysikel.

“Hi, Ayla!!!!!!” Nang makita ako ni Zubby, agad siyang lumapit sa akin at halos magsisigaw na dahil sa tuwa. Mabuti at hindi ako niyakap ng babaeng ito.

“Hi, Ayla!” halos sabay na bati naman ni Fabio at ng kaniyang mga kaibigan.

Tango lang ang naging sagot ko sa kanilang apat.

“P-Paano niyo nalaman ang bahay namin?” tanong ko kay Ayla.

“Ugh! Binulabog ako ng apat na ‘yan!” Nilingon ko si Sia nang magsalita siya, nakaturo pa siya sa apat na lalaki na nasa traysikel ngayon. “Nagtatanong kung nasaan ba raw ang bahay mo. Mga walang magawa talaga sa buhay!” dagdag na sabi pa ni Sia na may kasamang pag-irap pero ang apat na tinarayan niya ay nagsitawanan lang.

“Woy, si Fabio kaya ang nagpumilit sa ’yo,” sabi naman no’ng Jayce.

“Whatever,” maarteng sagot ni Sia na may kasama talagang irap.

“Si Kano kasi, na-dekwat ‘yong traysikel nila kaya nag-aya ng road trip. Naisipan lang namin na puntahan ang bahay mo para ayain kang maghapunan sa plaza.” Bumaba si Fabio sa traysikel at tinabihan ang pinsan niya na nasa harapan ko pa rin ngayon.

“H-Ha? Plaza talaga?” gulat ko pang tanong.

“Sama ka na Ayla. Minsan lang galantehin si Kano ng gasolina kaya tara na?” wika naman ni Zubby.

Nagpalipat-lipat lang sa kanilang lahat ang tingin ko. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin kasi may parte pa rin sa utak ko na medyo nagulat sa presensiya nila. Alam kong nakikita nila ang bahay ko ngayon at may parte sa akin na sobrang nahihiya talaga. May mga kaya kasi itong mga kaharap ko ngayon, lalo na ‘yong mga kaibigan ni Fabio, mas lalo na talaga si Fabio kaya alam ko na nakakagulat para sa kaniya na makita na ganito lang pala kaliit ang bahay namin. Ni hindi pa nga sementado. Purong gawa pa sa kawayan at kahoy.

“Sumama ka na, ‘wag ka nang mag-inarte pa. Besides, libre ni Astro kung iyon ang ikinababahala mo,” sabat naman ni Sia na nasa ganoon pa ring posisyon.

“Oo, Ayla, libre ko pero ikaw lang ang ililibre ko. Silang lahat, KKB ‘yan,” sagot naman ni Astro kaya naibigay ko sa kaniya ang panandaliang tingin ko.

“Oh, my God? Ang sabi mo sa akin, Astrophel, libre mo! I’m doing something productive kanina pero binalubog niyo ako para tanungin sa akin kung saan nakatira si Ayla tapos sasabihin mo sa aking KKB?”

Uh oh. May napindot yatang button si Astro at mukhang triggered na itong kamag-anak ko.

“Anong productive sa pagiging tulala, Olesia? Kung hindi ka siguro namin pinuntahan sa bahay niyo, baka hanggang ngayon, tulala ka pa rin,” sagot naman ni Jayce.

“Olesia, high blood!” kantiyaw ni Kano sa kaniya.

“Tulala ako kasi I’m thinking of my future! Buwisit!”

“Future ba talaga? O baka naman si Breth na naman ang iniisip mo, Sia? Gusto mo puntahan natin bahay nila?” tanong naman ni Fabio.

“Ugh!” naiiritang ungol niya. “Guys, move on, okay? Isang taon na, isang taon na siyang wala sa buhay ko kaya puwede? Tama na?”

Nagkatinginan kami ni Zubby nang biglang pinagtulungan ng apat na lalaking ito ang kaklase nilang kamag-anak ko na si Sia. Halos mamula na sa sobrang inis si Sia pero ‘yong apat, tawa pa rin nang tawa.

“Tama na ‘yan, Sia, sumakay ka na sa traysikel,” muwestra naman ni Astro sa traysikel.

“Sumama ka na Aylana, ha. ‘Wag ka nang mag-inarte r’yan.” Pinandilatan pa ako ng mata ni Sia bago sinunod ‘yong sinabi ni Astro sa kaniya.

Nagdadalawang-isip ako kasi ako lang mag-isa sa bahay. Kung aalis ako, paniguradong walang maaabutan na sinaing at ulam ang mga magulang ko kapag sasama ako sa kanila.

Napabuntonghininga ako habang sila ay naghihintay pa rin sa magiging desisyon ko.

Napakamot ako sa bandang batok ko at nahihiya silang tiningnan.

“P-Pasensiya na, wala kasing maiiwan sa bahay kapag umalis ako ngayon din. Baka mamaya dumating sina Nanay, hindi ako maabutan sa bahay,” nahihiya talagang sabi ko.

Agad kong narinig ang pagpo-protesta ni Sia at Zubby. Binigyan ko sila ng isang apologetic na ngiti lalo na si Fabio at ang kaniyang mga kaibigan.

“Oh? Nandito na pala si Tita Helen, e. Tita Helen, Tita Helen...” Agad kong tiningnan ang direksiyon ng daan galing sa labasan dahil sa sinabi ni Sia. Agad siyang lumapit kay Nanay na mukhang kararating lang at naglakad pa galing sa may kanto.

Nagmano si Sia sa kaniya kaya lumapit na rin ako.

“O, Sia? Kaawaan ka ng Diyos, hija.” Halata sa mukha ni Nanay na nagulat siya sa presensiya ni Sia. Pero mabuti at kaniyang tinanggap ang paggalang nito.

Matapos ni Sia ay ako naman ang nagmano.

“Magandang hapon po,” halos sabay na bati nilang lahat matapos kong makapagmano.

Pinagmasdan ko ang ekspresiyon sa mukha ni Nanay at mababakas nga rito na nagulat at nagtataka siya sa presensiya nilang lahat. Si Sia lang ang kilala ni Nanay sa kanila. Hindi kasi kilala ni Nanay ang mga naging kaibigan ko sa eskuwelahan.

“M-Magandang hapon din,” medyo nagtataka pang sagot ni Nanay sa kanila. At mas lalo siyang nagulat nang biglang lumapit si Fabio sa kaniya at nagmano. Tinanggal pa nga niya ang sombrerong suot niya para magawa iyon nang maayos. Okay, nakakagulat nga rin naman.

“Kaawaan ka ng Diyos, hijo,” gulat na sagot ni Nanay sa kaniya.

“Uh, Tita, ipagpapaalam lang po sana namin si Ayla. Hihiramin lang po namin, pupunta lang po kami sa Balintawak. Okay lang po ba, Tita?” lakas-loob na tanong agad ni Fabio matapos niyang magmano kay Nanay.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang naghihintay sa kung ano ang isasagot ni Nanay. Medyo kinakabahan na rin kasi ito ang unang beses na may hinarap si Nanay na mga kaibigan ko.

“Mga kaibigan ba kayo ni Ayla sa eskuwelahan?”

“Ah, opo, Tita. Ako nga po pala si Fabio, Tita,” agad na pakilala ni Fabio sa kaniyang sarili. Nilingon niya agad ang direksiyon ng kaniyang mga kaibigan para senyasan sila na magpakilala na.

“Jayce po ang pangalan ko.”

“Astro po.”

“Magandang hapon po, Tita. Ako naman po si Kano.”

“Ako naman po si Zubby, Tita Helen. Ikinagagalak ko pong makilala kayo.” At ngayon ay si Zubby naman ang nagpakilala sa kaniyang sarili sabay mano kay Nanay.

“Ah ganoon ba. Saan kayo pupunta kamo?” matapos ang pagpapakilalang ginawa niya, nagsalita ulit si Nanay.

“Gagala lang po sa Plaza, Tita,” sagot naman ni Sia nang maramdamang walang may balak na sumagot sa kanila.

“Gagala?” Nakatingin na ako kay Nanay kaya nakita ko ang paglingon niya sa akin. “Tapos mo na bang pastolin ang inutos ni Mareng Minda sa ’yo?”

Agad akong tumango sa tinanong ni Nanay sa akin. Pinagsalikop ko na rin ang dalawang kamay ko sa likuran para pakalmahin ang aking sarili.

“Nakapagsaing ka na ba?”

Patay na.

“H-Hindi pa po.”

“Magsaing ka muna bago ka umalis. Makapaghihintay naman kayo ‘di ba?”

Anak ng baboy!

Para akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ni Nanay. At least pumayag siya na umalis ako basta makapagsaing lang.

Nagsi-sagutan silang lahat sa tanong ni Nanay. Lumingon ako sa kanila at ngumiti.

“M-Magsasaing muna ako.”

“Take your time, Ayla, handa kaming maghintay,” sagot ni Fabio na hindi ko na masiyadong pinansin dahil dali-dali akong pumasok sa bahay para makapagsiga ng uling at makapagsaing.

Ang pagsasaing kasi gamit ang uling ay para ring rice cooker. Sa tamang apoy at tamang bilang ng uling na gagamitin mo, puwede mong iwan ang sinaing mo dahil hindi naman masusunog iyon. Pero mag-ingat lang talaga at baka nga magkasunog. Pero nand’yan naman si Nanay, mababantayan naman niya iyan.

Hinayaan ko si Nanay na harapin ang mga kaibigan ko. Pero hindi ko na alam kung kinausap ba talaga ni Nanay sila o si Sia lang ang kinausap niya kasi nasa likuran na ako ng bahay. Sa may abohan para magsaing.

Mabuti at gamay na gamay ko na ang pagsasaing sa uling kaya madali akong natapos. Sinigurado kong kapag naubos ang uling na inilagay ko, agad ding maluluto ang sinaing ko.

Nagbihis lang ako ng t-shirt, nagpolbo, naglagay ng kaonting pabango at handa na akong sumama sa kanila. Hindi naman ako madungis talaga kasi nakaligo na ako kanina at hindi naman nakakadungis ang pagpapastol ng kalabaw.

“N-Nay, alis na po kami.”

Naabutan ko si Nanay sa may sala ng bahay na inaayos ang gamit niya.

“’Wag kang magpagabi ha at siguraduhin mong ihahatid ka nila gaya ng sinabi nila sa akin.”

“Opo, ‘Nay.”

“Ako na ang bahala sa Tatay mo.”

Hindi ko na pinahaba ang paalaman namin ni Nanay kasi dali-dali akong lumabas ng bahay para puntahan ang kanina pa sigurong naghihintay sa akin na sina Zubby.

Nakapuwesto na silang lahat. Si Kano ang magda-drive ng traysikel. Ang nasa backride na likuran niya ay si Astro. Sa likurang upuan ng traysikel mismo nakaupo si Zubby, katabi naman niya si Jayce. Sa harap naman ay si Sia at may espasyo sa katabi niya na sa tingin ko roon ako uupo. At sa side wheel si Fabio.

Nang makasakay ay agad tinahak ni Kano ang daan papunta sa proper barangay ng bayan.

Daldal nang daldal lang si Zubby sa likuran namin kaya habang bumibiyahe ay kuwentuhan lang nang kuwentuhan ang lahat. Ako, tahimik lang akong nakikitawa sa kung anong pag-uusapan nila. Maingat naman si Kano magmaneho ng traysikel, e, pakiramdam ko nga gamay na gamay na niya ito at mukha siyang sanay na traysikel drayber.

“Pakihawakan naman ng sombrero at cell phone ko, Ay.”

Habang abala ang lahat sa pag-uusap at habang nasa biyahe pa, biglang ibinigay sa akin ni Fabio ang sombrero niya, nandoon na rin sa loob ang cell phone niyang sobrang mahal. Tumingala ako sa kaniya at ngumiti.

“Sige ba.”

“Lumilipad kasi ang sombrero,” sagot naman niya na tinanguan ko lang.

Nagpatuloy ang biyahe hanggang sa makarating na kami sa proper barangay ng bayan. Ang akala ko sa plaza nga kami pupunta pero nang nasa rotunda na kami, imbes na sa kaliwang daan liliko si Kano, idineretso niya sa kanan ang traysikel. Agad akong napatingin kay Sia na nakakunot ang noo.

“Saan tayo pupunta?”

Siya na ang una kong tinanong kasi mas malapit kaming dalawa. Nasa tabi ko rin naman si Fabio pero baka hindi niya lang marinig ang itatanong ko kaya si Sia na lang ang tinanong ko.

“Sea wall daw. Road trip nga ‘di ba?” may pag-irap pang sagot niya.

Ngumisi na lang ako at hindi na ginawang big deal ang sinabi niya. Tama nga naman kasi, sinabi nga pala nila kanina.

Pamilyar na ako sa lugar na sinabi ni Sia. Sea wall. Sakop ito ng Barangay Old Poblacion, ang barangay sa bayan namin na malapit sa dagat. Para itong port pero hindi talaga siya port. Ah basta, mahirap ipaliwanag. Basta ang alam ko lang kung bakit sea wall ang tawag dito kasi ‘yong sementong inilagay sa may dagat ay parang pader na siyang nagpo-protekta sa malaking alon kung may bagyo o kung ano pa. Ganoon daw kasi. At natawag ko siyang port kasi ang desinyo nito ay parang daungan ng barko pero mga maliliit na bangka lang ang mayroon dito at sakayan lang ito papunta sa nag-iisang isla na ginawang resort ng bayan namin na Jomabo Island. Ewan ko ba, hindi naman ako nakatira sa dagat.

Papalapit na kami sa sea wall nang maramdaman kong nag-vibrate ang hawak kong cell phone. Tiningnan ko ito at nang maalalang kay Fabio nga pala ang hawak kong cell phone, mag-iiwas na sana ako ng tingin pero hindi ko nagawa.

Anak ng baboy?

Ako ito, ah?

Biglang nawala ang nakita kong mukha ko sa screen ng cell phone kaya naangat ko ang tingin ko para tingnan si Fabio na tumatawa, siguro dahil sa birong sinabi ni Astro.

Bakit ako ang nasa cell phone ni Fabio? Bakit mukha ko iyon?

Hanggang sa makarating at makababa na kami sa traysikel ni Kano, nanatili ang tingin ko kay Fabio na sa tuwing tumitingin sa akin ay malawak lang na nakangiti at bigla ring iiwas para kausapin ang sinabi ng isa sa kaniyang kaibigan.

Bakit nandito sa cell phone ni Fabio ang mukha ko?

Gusto kong tingnan ulit kung tama ba ang nakita ko pero hindi ko naman pag-aari ito at hindi dapat akong kumalikot ng cell phone na hindi akin.

Matinding paglunok na lang ang nagawa ko, pilit hinahanap pa rin ang rason kung bakit nga ba.

“F-Fab, ‘yong cell phone mo.” Nilapitan niya ako nang makababa na kaming lahat at agad ko nang pinaalala sa kaniya ang tungkol sa cell phone niya.

“D’yan na muna ‘yan, Ay,” sabi niya lang sa akin tapos ay ibinaling ang atensiyon kay Jayce.

“Baby!”

Tili ni Zubby ang nakapagpatigil sa akin sa pagkakatitig kay Fabio. Agad kong tiningnan kung sino ‘yong tinawag niyang baby.

Anak ng baboy.

“My gosh, kaya pala super atat siyang pumunta tayo ng sea wall ngayon? Oh, my God. Your cousin Fabio, is so unbelievable.”

Anak ng baboy talaga, Zubby.

“Che, ang sabihin mo lang, inggit ka,” sagot naman ni Zubby sa kaniya na mas lalong inangkla ang kamay niya sa braso ni Raymond.

Hindi talaga ako makapaniwala, guys. Maski ngayon na ilang linggo na ang nakaraan, hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

“Excuse me? Ako mainggit sa inyong dalawa ni Raymond?” sagot naman ni Sia. “Raymond, pinatulan mo itong Zubeida Mahinay na ito?” nilingon naman ngayon ni Sia si Raymond na talagang itinuro pa si Zubby at hindi man lang ikinubli ang pagkagulat sa boses niya nang itanong niya iyon. Sa harapan mismo ng kaibigan ko.

“Tama na ‘yan, Sia, napaghahalataan ka talagang bitter, e.” Hinilamosan ni Astro ang mukha ni Sia at pilit inilalayo sa harapan ni Zubby at Raymond.

Natawa ang ibang lalaki sa ginawang iyon ni Astro sa kamag-anak ko.

“Mahal ko, Sia, e, kaya wala tayong magagawa.”

Oh! Anak ng baboy!

Napasapo agad ako sa aking bibig at gulat na tiningnan si Zubby at Raymond dahil sa biglang sinabi no’ng huli. Niyakap niya kasi si Zubby sa harapan namin.

Hindi ko alam kung matatawa ako, mandidiri, o kikiligin sa lovelife ng kaibigan ko, e. Pero sana nga totoo itong sinasabi ni Raymond sa amin, na mahal niya talaga si Zubby.

“Hoy, Raymond! Puntahan mo bahay n’yan, magpakilala ka kay Tito at Tita. Akala mo ha!”

Nang humupa ang tawanan at asaran nila ay nagsalita rin agad si Fabio na may kasama pang pagturo kay Raymond.

“Oo, Fab, akong bahala sa angkan niyo!”

Napatitig ako kay Fabio. Isang matagal na titig.

Ayokong mag-assume pero tama ba ang kutob ko? Ayokong maglagay ng malisya pero tama ba ang pagkakaintindi ko sa ipinaparamdam niya sa akin?

Mariin akong pumikit at dinama ang hangin na hatid ng dagat. Magtatakip-silim na, mamaya ay aalis na kami para pumunta ng proper. Nagkukulitan pa rin sila, nagtatawanan, habang nasa may malayong parte si Zubby at Raymond. Pero ako, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang napagtanto ko. Hindi na nga ako makasabay sa usapan nila. Lalo na kapag maya’t-maya ang pagtingin ni Fabio sa akin lalo na kung may sasabihing isang biro ang isa niyang kaibigan at magtatawanan kaming lahat, awtomatiko siyang mapapatingin sa akin. Na mas lalong nakadagdag sa aking hinala.

Sabi nila, kung gusto mong malaman kung sino ang may gusto sa ’yo sa grupo ng mga kaibigan mo, tingnan mo raw kung sino ang nakatingin sa ’yo kung tatawa ka kasi instinct ng isang tao na tingnan ang taong gusto nila kung paano ito tumawa, ngumiti, o kung paano mag-reak sa isang impormasiyon at iba. Ganoon daw iyon.

Ayokong mag-assume! Pero kung tama itong hinala ko, malilintikan talaga ako.

Pinilit kong sabayan silang lahat sa trip nila sa buhay. Kahit bumabagabag na sa akin ang natanto ko, pinilit ko pa rin. Paano pala kung tinanong ko siya? Edi napahiya ako? Mabuti pa siguro, kalimutan ko na lang kung ano itong napagtanto ko? Masamang pag-isipan ng masama ang isang kaibigan. Mabait na tao lang talaga si Fabio, magiliw sa lahat ng tao kaya hindi naman siguro, mali naman siguro itong napagtanto ko. Sana.

Gaya ng napag-usapan kanina, sa plaza nga kami naghapunan.

Tuwing gabi kasi, nagtatayo ng mga tent, lamesa, bangko, at puwesto ang mga negosyante na nagtitinda ng inihaw na baboy, manok, atbp. Barbeque-han kung ito’y kanilang tawagin. Ang puwestong ganito ay nasa tabi lang ng malaking fountain ng plaza.

Inasal at Puso, ito ang pangunahing binebenta rito sa Barbeque-han sa Plaza. Ang inasal ay mga laman ng baboy na hiniwa sa maliliit na piraso tapos ay itinusok sa isang barbeque stick. Puwede ring manok ang ilagay mo r’yan, bituka ng manok, betamax, adidas, helmet, at kung anu-ano pa, ‘yan ang inasal. Ang Puso naman ay hindi puso ng tao at mas lalong hindi rin puso ng saging. Ang puso ay isang simbolo naming mga bisaya, nanggaling talaga ito sa Cebu pero sa buong Negros Island, ang bayan lang yata namin ang may nagbebenta nang ganoon. Kanin ito na ni-wrap sa coconut fronds o lukay. Sa English, hanging rice.

Kuwentuhan pa rin sila nang kuwentuhan habang naghihintay sa in-order nilang inasal at puso. Gabi na at dahil Sabado ngayon, maraming tao sa plaza ng bayan. Mukhang may basketball game rin na nagaganap sa basketball court ng plaza. May Zumba rin sa may stage kung saan naman naglalagi ang mga Nanay ng bayan namin. Ang mga bata naman ay paikot-ikot lang sa malaking espasyo ng plaza kasama ang bike na dala nila, ‘yong iba rin ay tumatakbo lang. May iba rin naman na nanunood lang sa malaking TV na nasa plaza.

Abala ang lahat ng nasa paligid ko. Iba talaga kapag nasa kabisera ng bayan ang bahay niyo, madali kang makakagala sa mga ganitong klaseng lugar. Ibang-iba talaga sa amin, tahimik, medyo malayo sa kabihasnan.

Isang mahabang lamesa ang inokupa namin. Nasa dulo ako at nasa kaliwa ko si Zubby. Ang katabi ni Zubby ay si Raymond tapos ang katabi niya ay si Jayce. Nasa harapan ko mismo si Fabio. Katabi niya si Astro tapos si Sia tapos si Kano.

Hinayaan ko silang mag-usap nang kung anu-ano habang ako ay nakamasid lang sa likuran ni Fabio, which is ang fountain area ng plaza. Pinagmamasdan ko ang bawat pagbulwak nito ng tubig kasabay ang nag-iibang kulay hatid ng mga ilaw na nasa ilalim naman ng fountain.

“Fabio, picture naman tayo, hindi ‘yong si Ayla lang ang pini-picture-an mo.”

Naputol ang pagtitig ko sa fountain nang marinig kong sinabi ni Sia ang pangalan ko. Napalingon ako sa kanila.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero nalipat ang tingin ko kay Fabio na abala na ngayon sa kaniyang cell phone.

“Shit ka naman Sia, e. Oo na, heto na,” sagot ni Fabio pero tinawanan pa ng kaniyang mga kaibigan.

Hindi ko talaga alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero nakisabay na rin ako sa pagtawa. Inangat ni Fabio ang kaniyang kamay na may hawak ng cell phone. Isang postura na ang ibig sabihin ay groufie.

Wala man akong naintindihan sa sinabi nila kanina, lumingon pa rin ako sa itaas para makangiti kahit papaano sa camera ni Fabio.

“Gusto niyo ako kumuha ng picture niyo?”

Anak ng baboy?

Naka-dalawang click pa lang yata si Fabio ay mayroon nang nagsalita sa mismong harapan namin. Tiningnan ko siya at hindi ko alam kung bakit sunod-sunod ang marahas na pagtibok ng aking puso.

“Boss Sonny! Okay lang ba?” Narinig ko ang boses ni Fabio pero hindi ko inalis ang tingin ko kay boy tingkoy. Hindi ko kayang i-alis.

Nandito siya sa harapan namin. May nakasukbit na face towel sa kaniyang balikat, suot ang isang puting t-shirt na hapit na hapit sa kaniyang matipunong katawan. Nakapang-basketball shorts siya at naka-medyas pero tsinelas ang kaniyang suot na may isang strap lang.

Matinding paglunok ang nagawa ko at nang napagtantong masiyado na akong natulala sa kaniya, pinilit ko ang sarili kong ngumiti sa camera’ng hawak niya.

Tatlong click ang kaniyang ginawa bago niya ibinalik ang cell phone kay Fabio.

“Hi, Kuya Sonny!” Narinig kong bati ni Sia sa kaniya.

“Hi, Kuya Sonny!” bati rin ni Zubby at ng iba pang kasamahan namin sa lamesang ito.

Sinulyapan ko siya at ngumiti lang siya sa lahat tapos sumaludo tapos umupo sa kabilang lamesa malapit lang sa amin. Sinundan ko ang bawat galaw niya kaya nakita ko kung sinu-sino ang mga kasama niya. Hindi ko kilala pero katulad niya, nakapang-basketball attire rin sila.

“Mukhang maglalaro si Kuya Sonny ngayon, ah?” Ibinalik ko ang tingin ko sa mga kasamahan ko, lalo no’ng narinig ko ang sinabi ni Raymond.

“Hindi ba siya busy? ‘Di ba graduating na siya sa colllege?” tanong naman ni Zubby.

“Kaya nga special player ang tawag sa kaniya kasi kung kailan lang niya gustong maglaro, saka lang siya sasali sa team ng central nila,” sagot naman ni Kano.

At na-iba na naman ang pinag-usapan nila.

Nilingon ko si Zubby dahil medyo nagtaka ako sa naging reaksiyon niya nang mapag-usapan namin si boy tingkoy sa lamesang ito. Nakapagtataka kasi na wala man siyang reaksiyon at mukhang wala lang sa kaniya.

Inilapit ko ang bibig ko sa may tenga niya para bumulong.

“Hindi mo na crush si Sonny?” Umatras ako pagkatapos para makita kung ano ang magiging reaksiyon niya.

Nakataas ang dalawang kilay niya na animo’y nagulat pa sa naging tanong ko.

“Hindi na, Ayla. Simula no’ng nakahihiyang pangyayari ko sa kaniya, hindi na talaga. At saka, may Raymond na ako, oh, maghahanap pa ba ako ng iba?” ngumisi siya sa akin para sa pagtatapos ng kaniyang sinabi.

Hindi na? Impressive.

Dahan-dahan na lang akong tumango sa sinabi ni Zubby at dahan-dahan din ang ginawa kong paglingon sa puwesto ni boy tingkoy.

Abala siyang makipag-usap sa mga kasamahan niya. May mga ulong nakatingin sa kaniya mula sa kabilang lamesa at isa sa mga ulong iyon ay akin.

Hindi ko alam bakit ako napatingin sa kaniya. Naalala ko na naman kasi si Tungkung Langit. ‘Yong kuwento niya mismo, pumasok na naman sa utak ko.

Interesadong-interesado ako sa buhay mo. Hindi ko alam kung bakit. Kay Vad Montero lang ako ganito, e, bakit ngayon gusto kong sa ’yo rin?

“Ayla!”

“H-Ha?”

Anak ng baboy!

Napaiktad ako dahil sa boses ni Fabio. Agad kong ibinaling kay Fabio ang tingin ko.

“Wala…” nag-half smile siya sa akin at ibinalik ang tingin sa kaniyang cell phone.

Kung tama man itong hinala ko, sana sa kaniya ko na lang naramdaman ang kung anong naramdaman ko kay boy tingkoy kanina. Mas madaling abutin si Fabio kaysa kay Sonny. Abot-kamay ko lang siya, nandito pa sa harapan ko. Habang si boy tingkoy, parang si Tungkung Langit, nasa itaas, mahirap abutin. Gusto kong kapag tumibok ulit ang puso ko, kay Fabio Varca ko ibibigay ito.

Pero ang puso… hindi natuturuan. Kapag oras na para ito’y tumibok sa isang tao, kusa itong titibok, nang walang pasabi, abiso, warning. It comes spontaneously in an unexpected circumstances.

~

Kaugnay na kabanata

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 10: The College

    Nakapasa ako sa entrance exam sa State College na kinuhanan ko ng entrance exam noong nakaraan. Ito ay ang Northern Negros State College of Science and Technology, in short Nonescost. Pero kaakibat ng aking pagkapasa ang listahan ng mga kursong puwede kong kunin base sa naging score ko sa entrance exam. Nakatitig ako ngayon sa papel na iyon at ang nangunguna sa listahan ay ang kurso na Information Technology. I.T.Takip-silim na at nakaupo ako ngayon sa labas ng aming bahay, hawak ang kapirasong papel na iyon na ngayong araw ko rin natanggap, matiyaga akong naghintay sa pagdating ng aking mga magulang para ibalita ito sa kanila. Sa makalawa na rin nga pala ang araw ng pagtatapos namin. Handa na ako, handa na ang susuotin kong puting toga, ang mga makakasama ko na lang ang hindi. Hindi ko kasi alam kung tuloy ba na masasamahan ako ng mga magulang ko sa araw ng pagtatapos ko. Isa kasi iyon sa itatanong ko sa kanila mamaya kapag umuwi na sila galing sa trabaho.

    Huling Na-update : 2021-05-22
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 11: The After College

    Ang akala kong magbabalik naming relasyon ni Tatay ay muling nalamatan nang dahil lang sa nalaman niyang tinulungan ako sa pag-aaral ni Kuya Osias. Pala-isipan pa rin sa akin ang lahat, kung bakit. Pamilya naman kami at may maitutulong naman sila, bakit hindi puwedeng tanggapin?Matapos ang lahat. Matapos kong makapagtapos ng pag-aaral, parang hindi sapat iyon para bumalik ang pakikitungo sa akin ni Tatay bilang isang tunay na anak. Para akong ampon dito, sampid, napulot lang sa tae ng kalabaw. Sobrang saklap. Pero kahit ganoon, nagpatuloy pa rin ako sa buhay.Ilang linggo na matapos akong maka-graduate sa kolehiyo. Ilang linggo na rin akong naghahanap ng trabaho. Pero hanggang ngayon, wala pa rin. Naabutan na ako ng pista ng bayan namin, wala pa rin. Ilang resume at curriculum vitae na ang naipasa ko sa mga lokal na kompanya sa Bacolod pero wala pa rin. Hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako ng tawag, baka sakaling matawagan para sa isang

    Huling Na-update : 2021-05-23
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 12: The Savior

    Nang hindi ko na makayanan ang tibok ng aking puso, ako na mismo ang umiwas ng tingin. Nilingon ko si Fabio at pinilit ang sariling ngumiti sa kaniya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. Nakatingala pa rin siya at pinagmamasdan ang fireworks.Habul-habol ang hininga, pinilit ko ang sarili kong tingnan ulit ang fireworks pero wala na roon ang isipan ko. Nasa kaniya na.Minsan lang akong kapusin ng hangin katititig sa isang tao. At sa minsang iyon, alam kong may kakaiba talaga sa nararamdaman ko.Pero imposible. Imposibleng-imposible. Hindi puwede. Paano si Fabio? Oo, si Fabio! Si Fabio Menandro Varca na naghihintay sa akin, na hinihintay ko. Paano? Mali. Hindi puwede. Imposible siya. Bawal.At kung anu-anong salita na lang ang itinatanim ko sa aking sarili. Kaya kinabukasan, habang pauwi ako sa amin, ‘yon pa rin ang laman ng isipan ko: ang titigan naming dalawa.Nilaba

    Huling Na-update : 2021-05-26
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 13: The Job

    Trenta minutos na ang nakalipas, alas-otso na pero wala pa ring tao ang front desk na sinasabi ni manong sekyu. Maya’t-maya rin kaming napapatingin sa isa’t-isa nitong sekyung ito. Hindi ko alam, mukha kaming mga timang na dalawa, promise.Napapatingin ako sa kaniya kasi nararamdaman kong maya’t-maya talaga ang tingin niya sa akin. Ewan ko ba kay manong sekyu. Nakaka-intimidate talaga.Mahigpit ang naging hawak ko sa plastic envelope na dala ko, tiningnan ko ang mga empleyadong isa-isang nagsipasukan na sa loob. Sa tuwing titingin ako sa front desk, wala pa rin talagang tao.Hanggang ang trenta minutos na paghihintay ko ay naging isang oras. Tiningnan ko ang orasan sa aking cell phone.Eight thirty-eight A.M. na pero mukhang wala pa ring tao roon sa front desk.Maya-maya lang ay biglang umalingawngaw ang tunog ng telepono rito sa tabi ko. Tiningnan ko si manong

    Huling Na-update : 2021-05-27
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 14: The Office

    ‘Yong akala kong isang pagkakataon lang na maririnig ko ang ganoong mga salita mula sa ka-officemates ko ay biglang naging routine na sa loob ng dalawang linggo. Sa tuwing darating ako, sa tuwing makikita nila akong lumalabas ng opisina namin, sa tuwing nagla-lunch ako sa canteen ng central, nakikita kong napapatingin sila sa akin at biglang magbubulong-bulongan.Gusto ko mang palampasin, hindi naman maatim ng konsensiya ko ang mga naririnig kong salita na tungkol sa akin. Hindi ko gusto ang atensiyong nakukuha ko mula sa kanila.May ibang tao naman na nakikipag-usap sa akin pero hindi ko tuloy mawari kung totoo ba iyon o nangangalap lang ng impormasiyon.“Gusto mo, isumbong na natin sa HR dept. ito?”Napabuntonghininga ako sa sinabi ni Shame at pagak siyang nginitian nang lingunin ko siya.“’Wag na, mas lalala lang ang usapan kapag nagsumbong pa ako

    Huling Na-update : 2021-05-29
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 15: The Friendship

    Nagpatuloy ang buhay. At patuloy itong magpapatuloy habang-buhay.Ilang linggo ulit ang lumipas. ‘Yong trabaho namin, hindi madali. Pero the best thing that happened is nawala ‘yong chismis tungkol sa akin. Parang balik ulit sa dati, Aylana Encarquez does not exist again. And gusto ko ‘yon.“Ayla, pa suyo naman… pakidala naman ito sa office ni Engineer Sonny. Sabihin mo lang na papipirmahan lang natin. Okay lang ba? Kailangan ko pa kasing tapusin ‘tong ginagawa ko.” Lumingon si Shame sa akin at may inabot na isang folder.“Okay…” sagot ko sabay abot no’ng folder at iniwan sandali ang cubicle ko.Nang makalabas sa opisina, inayos ko nang bahagya ang buhok ko at kumatok sa opisina ni Engr. Sonny. Nang makapasok, agad kong nakita ang iilan sa staff ni Engr. Sonny na abala sa kani-kanilang mga trabaho, sa kani-kanilang table.&nbs

    Huling Na-update : 2021-06-02
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 16: The Seminar

    Handa na ang mga gamit ko. Handa na ang sarili ko. At nasa airport na kami ngayon, kasama ko si Engr. Sonny.Halata namang may bahay talaga itong si Engr. Sonny sa Manila at puwedeng-puwede siyang ma-una sa akin sa pag-alis pero bakit sinamahan niya ako?Ah, para siguro hindi ako maligaw. Malaki ang Metro Manila. Oo nga naman, Ayla, kung anu-ano 'yang iniisip mo!“Is this your first time riding a plane?” biglang tanong ni Engr. Sonny sa akin habang nakiki-linya kami para raw sa check-in ng aming gamit at ticket. Air Asia ‘yong sasakyan namin kasi nga ‘yon ‘yong nakalagay sa plane ticket at itenerary ko.Tumango ako kay Engr. Sonny. Nasa likuran niya ako pero nakaharap ang katawan niya sa akin.“So I assume that it’s your first time sa Manila?” follow-up na tanong niya matapos kong tumango sa unang tinanong niya.

    Huling Na-update : 2021-06-03
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 17: The Tour

    Nagising ang diwa ko dahil sa isang masigabong palakpakan na narinig ko. Napa-iktad ang buo kong katawan kaya wala sa sarili akong napa-palakpak na rin habang iginagala ang tingin sa paligid.Ano na ang nangyayari?Wala na ‘yung katabi ko pero may tao pa naman sa round table namin. Si Engr. Sonny lang talaga ‘yung wala.Itatanong ko na sana sa isang katabi ko nang bigla kong nakita siya sa may harapan ng venue. ‘Yung puwesto kung saan namamalagi ang mga speaker ng seminar na ito.Anong ginagawa niya roon?May ka-usap siya na isa ring lalaki pero ang direksiyon ng kaniyang ulo ay naka-direkta sa puwesto ko. Hindi ko lang alam kung sa akin ba talaga siya nakatingin pero parang, wala naman kasi sa ka-usap niya nakatuon ang kaniyang tingin, mukhang sa direksiyon ko talaga.O baka malabo lang talaga itong mata ko? Kaonting pagbababad sa computer

    Huling Na-update : 2021-07-11

Pinakabagong kabanata

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 9: The Feeling

    Ulap… Isang parte ng kalangitan na araw-araw mong makikita. Tumingala ka lang at ito’y iyong mapagmamasdan. Maputi at malambot na animo’y bulak Puwede ring cotton candy, marshmallow, at icing ng cake. Sinarado ko ang aking cell phone (‘yong ibinigay ni Fabio noong huling kaarawan ko) at isinantabi ito. Ang pangit ng nagawa kong tula tungkol sa ulap. Bigla na lang kasi itong sumulpot sa aking utak habang nagpapahinga sa lilim ng kahoy. Napabuntonghininga ako at pinagmasdan ang ulap. Minsan talaga ang buhay ng tao, parang ulap. May dalawa silang katangian. Una, ang isang kalmadong ulap na hatid ay magandang panahon. Kung ihahalintulad mo ito sa tao, isa ito sa mga masaya at normal na buhay ng tao, ‘yong chill lang, walang problemang dala. Pangalawa, ‘yong ulap na may dalang ulan, ‘yong madilim at ‘yong tinatawag naming dag-om. Nagre-representa iyon ng isang masalimoot na parte ng buhay

DMCA.com Protection Status