Home / Romance / Clouded Feelings / Simula: Ayla Encarquez

Share

Clouded Feelings
Clouded Feelings
Author: doravella

Simula: Ayla Encarquez

Author: doravella
last update Last Updated: 2021-05-10 00:11:33

AYLA ENCARQUEZ

Mahirap daw ang buhay ng isang taong hindi kilala ng iba. ‘Yong tipong parang alikabok lang sa earth at walang silbi.

Mahirap daw kapag hindi ka pa kagandahan, walang papansin sa ’yo kasi hindi ka naman talaga kapansin-pansin.

Mahirap ka na nga, mas lalo ka pang pinahirapan dahil sa mga pinagdaanan mo sa buhay.

Hindi ako maganda. Mahirap ako. Walang nakakapansin sa akin.

Alikabok ako sa earth kaya automatic daw na wala akong karapatan sa lahat ng bagay.

Pero no’ng makilala ko siya, no’ng aksidente akong nakapasok sa buhay niya, sa unang pagkakataon sa buhay ko… pinangarap ko na sana naging ka-level ko na lang sila, mas mapapadali siguro ang buhay at mas lalong hindi ko sisisihin ang sarili ko sa nangyayari ngayon sa leche kong buhay.

Huminga akong malalim at pinagsalikop ang aking dalawang kamay. Pinagpapawisan ako ng malamig, kinakabahan ako, hindi ko alam kung kakayanin ko.

“Ayla… Bakit mo ako pinapunta rito?”

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko namalayan ang kaniyang pagdating. Kung hindi dahil sa kaniyang mala-kulog na boses, baka hindi ako magigising sa aking mala-bangin na problema. Sinalubong ko ang mga mata niyang unang nagpahamak sa akin.

“M-May sasabihin sana ako, Engineer Lizares.”

“Ano ba ‘yong sasabihin mo at bakit dito pa tayo sa Gilligan’s? Mabuti na lang at na-cancel ang dinner ko with MJ, I have the time to meet you.”

Nagbaba ako ng tingin at ipinatong ang aking kamay sa ibabaw ng lamesa.

Simula pa lang, alam ko na naman na magiging second choice ako, o mas malala ay wala talaga ako sa pagpipilian.

“Ayla? Is this about the work? Nahihirapan ka ba?”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang ipatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng aking kamay. ‘Yong epekto niya sa akin, parang isang milyong boltahe ang dumating sa aking katawan. Pero siya, alam kong wala lang sa kaniya ito, itong lahat na ginagawa niya sa akin, itong lahat ng epekto niya sa akin.

Para na akong sasabog sa kaba sa harapan niya ngayon. Kung puwede nga lang na hindi ko na siya lapitan pero walang-wala na kasi talaga ako. Tapos siya, heto’t nasa harapan ko at kasing kalmado ng lawa.

Tinatagan ko ang sarili ko kasi kahit anong oras ay babagsak na ang aking mga luha.

“Engineer Lizares, buntis ako at kailangan ko ang tulong mo.”

~

Related chapters

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 1: The Beginning

    "Ayla, bumangon ka na riyan at ihatid mo na itong agahan sa Tatay mo."Napasinghap ako at pinutol ang pakikipagtitigan sa bubong ng aming bahay nang marinig ko ang sigaw ni Nanay mula sa labas ng aking silid.Bumangon ako at humarap sa maliit na basag na salamin ng aking silid. Pinusod ko ang buhok ko at tinanggal lang ang muta at ang mga natuyong laway.Lumabas ako ng aking silid at agad kinuha kay Nanay ang isang basket na nilagyan ng pagkain, tubig, basahan, at extra'ng damit."Bilisan mo para makapasok ka sa eskuwelahan mo nang maaga," bilin pa sa akin ni Nanay nang ma-i-abot sa akin ang basket."Opo."Tinalikuran ko si Nanay at kahit hindi pa naliligo, tinahak ko ang daan papunta sa bukirin kung saan ngayon ang trabaho ni Tatay.Papasikat pa lang ang araw at palabas na ako ng kawayang bakod ng aming bakuran nang may dumaan mismo sa t

    Last Updated : 2021-05-11
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 2: The Old Flame

    Panghihinayang sa lahat ng nangyari sa nakaraan, isang pakiramdam na pinakamahirap sagupain.“Ayla!”Nabalik ako sa realidad at agad pinutol ang titig ko sa litratong iyon nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko sa dagat ng tao.“Ayla! Saan ka ba galing? Kanina pa ako nagti-text sa ’yo ha!” Agad kong nakita ang pagmumukha ni Zubby.“Dinaanan ko pa—““Halika na, baka mawala pa ‘yong ni-reserve kong bangko natin doon, e.”Napa-iling na lang ako sa biglang paghablot ni Zubby sa akin pero nagpapasalamat din na hindi niya binanggit ang tungkol sa tarpaulin na iyon. Kapag nalaman na naman ni Zubby ito, tatalakan na naman ako ng babaeng ito.Bitbit ang malaking bag ni Sia, nakipagsapalaran kaming dalawa ni Zubby sa medyo masikip na entrance. Mabuti na lang talaga at medyo pal

    Last Updated : 2021-05-11
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 3: The Party

    “Sayaw tayo, Ayla!” Biglang kinuha ni Fabio ang dalawang kamay ko at iwinagayway sa ere.Ang kaninang sakit na naramdaman ko ay pansamantalang nawala dahil sa ginawa ni Fabio.“Fabio, hindi ako sumasayaw,” pasigaw na sabi ko sa kaniya dahil hindi na kami magkarinigan dahil sa ingay.Malapit kami sa barikada, ‘yong barikadang naghihiwalay sa aming mga walang sinabi sa lipunan at sa mga taong malaki ang sinabi sa lipunan.Itinigil din agad ni Fabio ang ginagawa niya pero sinasabayan ko naman ng pag-sway sa ulo ang musikang naririnig ko. Ibang banda naman ngayon ang nagpapatugtog sa stage.Nang mawala sa akin ang atensiyon ni Fabio, inilipat ko ang tingin ko sa loob ng barikada at tahimik na pinagmasdan ang mga kasing-edad ko na nandoon.Hindi sila katulad ng nandito sa labas, na ‘yong tipong halos magwala na sa kakasayaw. Chi

    Last Updated : 2021-05-12
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 4: The Brokenhearted

    “Ayla!”Tahimik akong nagsusulat sa kuwaderno ko nang biglang may sumigaw ng pangalan ko. Lumingon ako sa may pinto at nakita ko nga roon si Sia na seryosong nakatingin sa akin.Nagmartsa siya papunta sa puwesto ko at basta-basta na lang hinablot ang kamay ko. Hindi ako nakaangal dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Narinig ko pa nga’ng tinawag ni Zubby ang pangalan ko pero walang nakapigil kay Sia na kaladkarin ako sa kung saan.Patuloy ang paglalakad niya at mahigpit na rin ang naging hawak niya sa may palapulsohan ko.Hindi man alam kung ano ang mga nangyayari, iginala ko na lang ang tingin ko sa paligid. Maya-maya lang ay tumigil si Sia sa paglalakad. Dito niya ako dinala sa stage ng sirang covered court ng aming eskuwelahan.Agad kong sinipat ng tingin ang palapulsohan ko nang mabitiwan na iyon ni Sia. Pulang-pula ito at bumakat talaga ang kamay ni Sia

    Last Updated : 2021-05-13
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 5: The Campaign

    “Grabe na talaga girl, pinagpala yata talaga ako ngayong araw na ito! Ikaw ba naman sunod-sunod na pakitaan ng crush? Love na love talaga ako ni Lord!”Mas lalo na nga’ng nangisay si Zubby dahil matapos niyang makita si Sonny Lizares, sumunod naman na nagpakita sa headquarters ang anak ni Congressman Yap na si Major Yap. At saka ‘yong anak din ni Konsehal Escala na si Carter Escala. Oo, crush niya ‘yong lahat ng iyon, kulang pa nga, e.“Mukhang nakikinita ko na productive at masaya ang magiging bakasyon ko ngayon,” biglang salita ni Zubby habang nakataas pa ang dalawang kamay na animo’y nag-i-imagine sa langit. Nasa labas kami ngayon ng headquarters, hinihintay ‘yong Mama niya para sabay-sabay na kaming umuwi.Ang weird-weird talaga nitong si Zubby. Kung sa iba, ako na ‘yong weird, para sa akin siya, e.“Ilan na ‘yong crush mo?&r

    Last Updated : 2021-05-14
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 6: The Memory

    Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko kayang titigan siya sa mga mata dahil hindi ko alam kung saan ako masasaktan. Hindi ito ang inaasahan ko."Ikaw si Ayla Encarquez 'di ba?" pag-uulit niya pa sa unang sinabi kanina.Napalunok ako. Hindi ko alam kung giginhawa ba ang pakiramdam ko dahil hindi nangyari ang inaasahan ko o masasaktan dahil sa napagtantong ako na lang ang nakakaalala sa nakaraan."S-Sir Vad..." pahapyaw akong ngumiti, hindi alam kung ano ang sasabihin. Meron ba dapat?"Grabe, ilang taon kitang hindi nakita. Kumusta ka na?"Bumalik ang tingin ko sa kaniyang mga mata.Nasa iisang bayan lang tayo, palagi kitang nakikita, pero ako nga pala si nobody kaya hindi mo na talaga ako mapapansin. Ibang-iba ka na talaga."O-Okay lang, heto b-buhay pa rin," sagot ko, hindi makatingin sa kaniyang mga mata. "Sige po, Sir Vad, kailangan

    Last Updated : 2021-05-16
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 7: The Death

    Yumuko ako at tiniis ang hapdi ng sikat ng araw hanggang sa makarating ako sa isang silid-aralan. Sanay ako sa initan pero hindi sa ganitong wala man lang proteksiyon sa katawan.Inilapag ko ang mga kuwadernong pinadala ni Ma’am Villarosa sa akin. Nasa kabilang ibayo pa ng eskuwelahan kasi ang silid-aralan niya. Ako ‘yong na-trip-an ng mga kaklase ko na magdala ng mga kuwadernong ipinasa namin sa kaniya kaya heto ako ngayon at tagaktak ang pawis.“Ayla!”Dahil silid-aralan ng star section itong pinasok ko, inaasahan ko na talaga na babatiin ako ni Fabio kahit matinding pagdarasal ang ginawa ko na sana wala siya sa silid-aralan niya ngayon pero heto na nga’t nagkamali ako.Tinanguan ko siya at sa huling pagkakataon ay inayos ko ang mga kuwaderno ng aming klase.“Bakit ikaw ang nagdala n’yan? Hindi ka man lang ba tinulongan ng mga kak

    Last Updated : 2021-05-18
  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 8: The Story

    "I knew you're here."Hindi pa man nakaka-recover sa gulat na aking naramdaman nang makita ko siya, bigla niya akong tinabihan at inilapag ang isang basket ng bulaklak at isang mukhang espesyal na kandila.Speaking of bulaklak! Oo nga pala!"N-Naaalala mo pa siya," sabi ko habang kinukuha ang palumpon ng mga rosas na ibibigay ko nga pala kay Ate."Of course. I never forgot her. Though ngayon lang ako nakadalaw sa mismong death anniversary niya. I always visit kasi during her birthday. Never on her death anniversary. Ngayon lang."Inilapag ko ang mga bulaklak katabi ng bulaklak na dinala niya."Wow, red roses. That's kind of unusual but okay..." puna niya sa mga bulaklak na ibinigay ko."B-Bigay ng mga kaklase ko. Ibibigay ko sa kaniya kaysa naman malanta lang sa bahay."Nagsimula na namang kumabog ang dibdib ko. Mas d

    Last Updated : 2021-05-19

Latest chapter

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 17: The Tour

    Nagising ang diwa ko dahil sa isang masigabong palakpakan na narinig ko. Napa-iktad ang buo kong katawan kaya wala sa sarili akong napa-palakpak na rin habang iginagala ang tingin sa paligid.Ano na ang nangyayari?Wala na ‘yung katabi ko pero may tao pa naman sa round table namin. Si Engr. Sonny lang talaga ‘yung wala.Itatanong ko na sana sa isang katabi ko nang bigla kong nakita siya sa may harapan ng venue. ‘Yung puwesto kung saan namamalagi ang mga speaker ng seminar na ito.Anong ginagawa niya roon?May ka-usap siya na isa ring lalaki pero ang direksiyon ng kaniyang ulo ay naka-direkta sa puwesto ko. Hindi ko lang alam kung sa akin ba talaga siya nakatingin pero parang, wala naman kasi sa ka-usap niya nakatuon ang kaniyang tingin, mukhang sa direksiyon ko talaga.O baka malabo lang talaga itong mata ko? Kaonting pagbababad sa computer

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 16: The Seminar

    Handa na ang mga gamit ko. Handa na ang sarili ko. At nasa airport na kami ngayon, kasama ko si Engr. Sonny.Halata namang may bahay talaga itong si Engr. Sonny sa Manila at puwedeng-puwede siyang ma-una sa akin sa pag-alis pero bakit sinamahan niya ako?Ah, para siguro hindi ako maligaw. Malaki ang Metro Manila. Oo nga naman, Ayla, kung anu-ano 'yang iniisip mo!“Is this your first time riding a plane?” biglang tanong ni Engr. Sonny sa akin habang nakiki-linya kami para raw sa check-in ng aming gamit at ticket. Air Asia ‘yong sasakyan namin kasi nga ‘yon ‘yong nakalagay sa plane ticket at itenerary ko.Tumango ako kay Engr. Sonny. Nasa likuran niya ako pero nakaharap ang katawan niya sa akin.“So I assume that it’s your first time sa Manila?” follow-up na tanong niya matapos kong tumango sa unang tinanong niya.

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 15: The Friendship

    Nagpatuloy ang buhay. At patuloy itong magpapatuloy habang-buhay.Ilang linggo ulit ang lumipas. ‘Yong trabaho namin, hindi madali. Pero the best thing that happened is nawala ‘yong chismis tungkol sa akin. Parang balik ulit sa dati, Aylana Encarquez does not exist again. And gusto ko ‘yon.“Ayla, pa suyo naman… pakidala naman ito sa office ni Engineer Sonny. Sabihin mo lang na papipirmahan lang natin. Okay lang ba? Kailangan ko pa kasing tapusin ‘tong ginagawa ko.” Lumingon si Shame sa akin at may inabot na isang folder.“Okay…” sagot ko sabay abot no’ng folder at iniwan sandali ang cubicle ko.Nang makalabas sa opisina, inayos ko nang bahagya ang buhok ko at kumatok sa opisina ni Engr. Sonny. Nang makapasok, agad kong nakita ang iilan sa staff ni Engr. Sonny na abala sa kani-kanilang mga trabaho, sa kani-kanilang table.&nbs

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 14: The Office

    ‘Yong akala kong isang pagkakataon lang na maririnig ko ang ganoong mga salita mula sa ka-officemates ko ay biglang naging routine na sa loob ng dalawang linggo. Sa tuwing darating ako, sa tuwing makikita nila akong lumalabas ng opisina namin, sa tuwing nagla-lunch ako sa canteen ng central, nakikita kong napapatingin sila sa akin at biglang magbubulong-bulongan.Gusto ko mang palampasin, hindi naman maatim ng konsensiya ko ang mga naririnig kong salita na tungkol sa akin. Hindi ko gusto ang atensiyong nakukuha ko mula sa kanila.May ibang tao naman na nakikipag-usap sa akin pero hindi ko tuloy mawari kung totoo ba iyon o nangangalap lang ng impormasiyon.“Gusto mo, isumbong na natin sa HR dept. ito?”Napabuntonghininga ako sa sinabi ni Shame at pagak siyang nginitian nang lingunin ko siya.“’Wag na, mas lalala lang ang usapan kapag nagsumbong pa ako

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 13: The Job

    Trenta minutos na ang nakalipas, alas-otso na pero wala pa ring tao ang front desk na sinasabi ni manong sekyu. Maya’t-maya rin kaming napapatingin sa isa’t-isa nitong sekyung ito. Hindi ko alam, mukha kaming mga timang na dalawa, promise.Napapatingin ako sa kaniya kasi nararamdaman kong maya’t-maya talaga ang tingin niya sa akin. Ewan ko ba kay manong sekyu. Nakaka-intimidate talaga.Mahigpit ang naging hawak ko sa plastic envelope na dala ko, tiningnan ko ang mga empleyadong isa-isang nagsipasukan na sa loob. Sa tuwing titingin ako sa front desk, wala pa rin talagang tao.Hanggang ang trenta minutos na paghihintay ko ay naging isang oras. Tiningnan ko ang orasan sa aking cell phone.Eight thirty-eight A.M. na pero mukhang wala pa ring tao roon sa front desk.Maya-maya lang ay biglang umalingawngaw ang tunog ng telepono rito sa tabi ko. Tiningnan ko si manong

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 12: The Savior

    Nang hindi ko na makayanan ang tibok ng aking puso, ako na mismo ang umiwas ng tingin. Nilingon ko si Fabio at pinilit ang sariling ngumiti sa kaniya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. Nakatingala pa rin siya at pinagmamasdan ang fireworks.Habul-habol ang hininga, pinilit ko ang sarili kong tingnan ulit ang fireworks pero wala na roon ang isipan ko. Nasa kaniya na.Minsan lang akong kapusin ng hangin katititig sa isang tao. At sa minsang iyon, alam kong may kakaiba talaga sa nararamdaman ko.Pero imposible. Imposibleng-imposible. Hindi puwede. Paano si Fabio? Oo, si Fabio! Si Fabio Menandro Varca na naghihintay sa akin, na hinihintay ko. Paano? Mali. Hindi puwede. Imposible siya. Bawal.At kung anu-anong salita na lang ang itinatanim ko sa aking sarili. Kaya kinabukasan, habang pauwi ako sa amin, ‘yon pa rin ang laman ng isipan ko: ang titigan naming dalawa.Nilaba

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 11: The After College

    Ang akala kong magbabalik naming relasyon ni Tatay ay muling nalamatan nang dahil lang sa nalaman niyang tinulungan ako sa pag-aaral ni Kuya Osias. Pala-isipan pa rin sa akin ang lahat, kung bakit. Pamilya naman kami at may maitutulong naman sila, bakit hindi puwedeng tanggapin?Matapos ang lahat. Matapos kong makapagtapos ng pag-aaral, parang hindi sapat iyon para bumalik ang pakikitungo sa akin ni Tatay bilang isang tunay na anak. Para akong ampon dito, sampid, napulot lang sa tae ng kalabaw. Sobrang saklap. Pero kahit ganoon, nagpatuloy pa rin ako sa buhay.Ilang linggo na matapos akong maka-graduate sa kolehiyo. Ilang linggo na rin akong naghahanap ng trabaho. Pero hanggang ngayon, wala pa rin. Naabutan na ako ng pista ng bayan namin, wala pa rin. Ilang resume at curriculum vitae na ang naipasa ko sa mga lokal na kompanya sa Bacolod pero wala pa rin. Hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako ng tawag, baka sakaling matawagan para sa isang

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 10: The College

    Nakapasa ako sa entrance exam sa State College na kinuhanan ko ng entrance exam noong nakaraan. Ito ay ang Northern Negros State College of Science and Technology, in short Nonescost. Pero kaakibat ng aking pagkapasa ang listahan ng mga kursong puwede kong kunin base sa naging score ko sa entrance exam. Nakatitig ako ngayon sa papel na iyon at ang nangunguna sa listahan ay ang kurso na Information Technology. I.T.Takip-silim na at nakaupo ako ngayon sa labas ng aming bahay, hawak ang kapirasong papel na iyon na ngayong araw ko rin natanggap, matiyaga akong naghintay sa pagdating ng aking mga magulang para ibalita ito sa kanila. Sa makalawa na rin nga pala ang araw ng pagtatapos namin. Handa na ako, handa na ang susuotin kong puting toga, ang mga makakasama ko na lang ang hindi. Hindi ko kasi alam kung tuloy ba na masasamahan ako ng mga magulang ko sa araw ng pagtatapos ko. Isa kasi iyon sa itatanong ko sa kanila mamaya kapag umuwi na sila galing sa trabaho.

  • Clouded Feelings   Clouded Feelings 9: The Feeling

    Ulap… Isang parte ng kalangitan na araw-araw mong makikita. Tumingala ka lang at ito’y iyong mapagmamasdan. Maputi at malambot na animo’y bulak Puwede ring cotton candy, marshmallow, at icing ng cake. Sinarado ko ang aking cell phone (‘yong ibinigay ni Fabio noong huling kaarawan ko) at isinantabi ito. Ang pangit ng nagawa kong tula tungkol sa ulap. Bigla na lang kasi itong sumulpot sa aking utak habang nagpapahinga sa lilim ng kahoy. Napabuntonghininga ako at pinagmasdan ang ulap. Minsan talaga ang buhay ng tao, parang ulap. May dalawa silang katangian. Una, ang isang kalmadong ulap na hatid ay magandang panahon. Kung ihahalintulad mo ito sa tao, isa ito sa mga masaya at normal na buhay ng tao, ‘yong chill lang, walang problemang dala. Pangalawa, ‘yong ulap na may dalang ulan, ‘yong madilim at ‘yong tinatawag naming dag-om. Nagre-representa iyon ng isang masalimoot na parte ng buhay

DMCA.com Protection Status