Bellona.NAKATITIG ako sa big bike ko habang ini-isa isang tignan ng lalaking pag sasanglaan ko ang bahagi nito."30k na lang 'to," nasa balbas ang kamay na wika nito."35k," seryosong sabi ko."30k," ulit niya."33," may paninindigan na sabi ko.Mahal ang bili ko rito kaya hindi ako papayag na baratin lang ako. At saka kukuhanin ko rin naman 'to kapag nakaluwag luwag na ako.Bumuntong hininga siya at tumingin sa 'kin, "33k, sagad na. Aayusin ko lang ang kontrata," dire-diretsong pagpapasya niya.Umalis siya sa harapan ko at iniwan kami ng big bike ko. Pinakatitigan ko 'to, limang taon na sa 'kin ang motor ko na 'to kaya pikit mata ko 'tong ipagbibili para may maipang bayad sa hospital.Hinawakan ko ang manibela nito at ngumiti ng mapait."Kukunin ulit kita," pangako ko rito na
Last Updated : 2021-05-02 Read more