Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 971 - Chapter 980

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 971 - Chapter 980

5618 Chapters

Kabanata 971

Si Scott ay isa sa mga alipures ni Max na ilang taon na siyang sinusunod.Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ah, nasa kumpanya niyo ba rin si Scott?”“Oo,” sumagot si Max nang nakangiti, “Isa siya sa mga assistant ko.”Pagkatapos, humarap siya kay Charlie at sinabi, “Tara at tulungan mo ako. Hindi ko kailangan ng kahit anong karanasan sa trabaho o hindi rin ako umaasa na mayroon ka nito, kailangan mo lang gawin ang mga utos ko. Halimbawa, gawan mo ako ng kape, linisin mo ang opisina ko, at iba pa. Ikaw ang pinakamagaling sa pagsisilbi sa mga tao. Bibigyan kita ng tatlong libong dolyar kada buwan. Ano sa tingin mo?”Gawan siya ng kape, linisin ang opisina niya, at iba?Tatlong libo kada buwan?Sumagot si Charlie nang nakangiti, “Ah, sobrang ganda ng alok mo. Hindi ako karapat-dapat para dito, hindi ko na tatanggapin.”Tumango nang matagumpay si Max at sinabi, “Hindi sa pagmamayabang, pero magtiwala ka sa’kin, malaki ang kikitain mo kapag nagtrabaho ka sa akin. Tingnan mo si Scott
Read more

Kabanata 972

Nilalarawan talaga ni Max ang sarili niyang karanasan.Siya ang nag-akala na ang kotse ay Passat nang tiningnan niya lang ang Volkswagen na logo, hindi niya nakita ang ‘Phaeton’, at binangga niya ito.Ang laki na ng problema niya ngayon. Mayroon na siyang milyong-milyong dolyar na utang at hindi niya alam kung paano niya ito mababayaran.Yari siya kung hindi magtatagumpay ang plano niya.“Grabe! Isa talaga itong Phaeton?”Nakilala ng isang lalaki ang susi ng kotse ng Phaeton. Sinabi niya sa sabik nang makita niya ang W12 doon, “Grabe, ito ang pinakamahal na model ng Volkswagen! Ang top-spec model ay mahigit 2 milyong dolyar! Kilala ito bilang pinaka underrated na super luxury car. Grabe, Max, nakabili ka talaga ng maalamat na Phaeton! Sobrang galing mo, pre!”Sa kabilang dako, ang mga lalaking sumakay sa kotse ni Max at nakakita sa buong pangyayari ay tumingin nang hindi mapalagay sa isa’t isa.Hindi nila inaasahan na ginamit talaga ni Max ang kwento tungkol kay Jayden para mag
Read more

Kabanata 973

Ang dahilan kung bakit tinatanggihan ni Max ang hiling ni Joey ay dahil nagpapanggap siya at sinusubukan niyang maging isang pakipot na tao.Siya ang investment director ng isang scam fund, tulad ng mga P2P. Ang trabaho niya ay gawin ang lahat ng makakaya niya para lokohin ang mga taong walang alam dito para iinvest nila ang lahat ng pera nila sa tinatawag na fund na ito.Sa totoo lang, wala sa mga fund ang kaya silang pakitain ng pera. Hangga’t mag-iinvest ang isa sa fund, siguradong mawawala ang lahat ng pera nila at walang mababalik ni singko sa kanila.Nang naloko dat sa investment ang biyenan na babae ni Charlie, si Elaine, ganitong fake funding company din ang nanloko sa kanya. Hangga’t pumasok sa account ng kumpanya nila ang pera, talagang imposible nang makuha nila ang pera.Pero, ang ginagawa ni Max ngayon ay hindi ang pag-iinvest sa fund ng kumpanya nila. Sa halip, gusto niyang ibigay ni Joey ang lahat ng pera sa kanya at magkukunwari siya na ilalagay niya ang perang iyon
Read more

Kabanata 974

Sinabi ng lalaki, “Brother Max, sali mo ako! Sali mo ako!”Wala pang sinasabi si Mrs. Lewis pero nang marinig niya ito, hindi niya maiwasang sabihin nang nag-aalala, “Max, maraming online loan platform na may mataas na interes at nilalantad na sa telebisyon ngayon. Nakakatakot talaga ang interes nila. Sa tingin ko ay mas mabuti kung hindi kayo masasangkot sa kahit anong online loan platform kung hindi ito ang huling takbuhan niyo.”Hindi talaga inaasahan ni Max na magsasalita si Mrs. Lewis at susubukang sirain ang plano niya. Kaya, sinabi niya, “Mrs. Lewis, sobrang taas nga ng interes ng mga online loan platform na sinabi mo. Pero, ang mga online loan platform na pinapatakbo ng mga kaibigan ko ay sobrang pormal at matapat. Hindi mataas ang interes nila kumpara sa interes ng ibang loan companies. Sa totoo lang, halos hindi mapapansin ang interes nila.”Pagkatapos huminto, sinabi ulit ni Max, “Sa totoo lang, sa karaniwang sitwasyon, hindi ko ito gagawin. Wala akong mapapala sa paggawa
Read more

Kabanata 975

Hindi naman isang mabuting tao si Charlie.Susubukan niya lang iligtas ang isang tao kung naaaawa siya sa kanya.Pero, gagawin niya lang ito kung kayang husgahan ng taong ito ang tama at mali.Pero, kung hindi alam ng kabila kung ano ang mabuti para sa sarili niya, hindi niya hahayaan na apihin siya ng iba kahit na maganda ang intensyon niya.Dahil may mga taong matitigas ang ulo, mas mabuti para sa kanila na makaranas ng kamalasan.Kahit ano pa, ginawa nila ang desisyon na ito at hindi nila masisisi ang iba para sa kamalasan nila sa hinaharap.Kaya, sadyang iniba ni Charlie ang paksa. Sa sandaling ito, sinabi niya agad, “Kung gusto mong pag-usapan ang pera, sa tingin ko ay dapat kang umatras at pag-usapan ito nang pribado. Nandito tayo ngayon dahil gusto nating ilibre si Mrs. Lewis sa hapunan. Hindi pa nga tayo umoorder ng kahit anong pagkain pagkatapos nating umupo dito.”Ngumiti agad si Max at sinabi, “Tara, tara. Ibigay natin ang menu kay Mrs. Lewis para makaorder siya ng il
Read more

Kabanata 976

Kumaway si Max at sinabi, “Oo, syempre! Bakit hindi? Ihanda mo lang sa amin ang pagkain!”Pagkatapos niyang magsalita, nagpatuloy si Max, “Ah, siya nga pala, pakidalhan kami ng dalawang bote ng Ace of Spades na champagne!”Sumagot ang waiter, “Sir, ang isang bote ng Ace of Spades champagne ay $18,888.00. Ito rin ay isang non-refundable kapag nabuksan na ang bote ng champagne. Ayos lang ba iyon?”Sumagot agad si Max, “Oo! Bilis at ihanda mo ito sa lalong madaling panahon!”Nang marinig nila na umorder siya ng dalawang bote ng champagne na may halagang $18,888.00 bawat bote, hindi na nila natiis ito.Pagkatapos ikalkula ang lahat, mahigit animnapung libong dolyar na ang kabuuan. Kahit na kalahati lang ang babayaran nilan gayong gabi, hindi ba’t kailangan pa rin nilang magbayad ng tatlumpung libong dolyar?Kahit na paghati-hatian nila ito, kailangan pa rin nilang magbayad ng dalawang libong dolyar kada tao!Medyo nahihiyang sinabi ni Harvey, “Max, hindi natin kailangang kumain nang
Read more

Kabanata 977

Sa sandaling naring ni Max ang mga sinabi ni Charlie, ngumiti siya bago niya sinabi nang sarkastiko, “Ah, Charlie, ang galing mo talaga magyabang!”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi, “Anong pinagyayabang ko? Kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede tayong dalawa magbayad ng tig-isang daang libong dolyar nang maaga para mabayaran ang dalawang daang libong dolyar ngayong gabi. Ano sa tingin mo?”Pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya nang sabik, “Totoo ba ito?”Nilabas ni Charlie ang kanyang cellphone bago niya binuksan ang kanyang mobile banking app habang sinabi niya sa waiter, “Tara at i-scan mo muna ang QR code para sa bayarin.”Nang makita ito ni Max, gusto niya na talagang tumalon sa sabik!Sa una ay balak niyang gumastos ng mas malaking pera ngayong gabi. Pagkatapos, makakakuha siya ng mas maraming pera kapag sinubukan niyang kunin ng reimbursement sa kanyang boss. Pero, nakalulunos nang sobra ang mga kaibigan niya sa bahay ampunan. Gumagawa sila ng i
Read more

Kabanata 978

Hindi pa siya nakakaamoy o nakakainom ng kahit anong champagne na nasa dalawampung libong dolyar kada bote. Kaya, gusto niyang gamitin ang pagkakataon na ito para uminom hangga’t makakaya niya.Sa sandaling ito, ang alipures ni Max, si Scott, ay kinakain ang buong inihaw na baboy habang sinabi sa payak na tono, “Bakit parang naging mabuting kapatid ako ni Daryl Wayne mula sa The Richest Man Zion? Para bang katulad nito ang eksena sa pelikula kung saan kumakain sila at umiinom sa restaurant!”Sa sandaling sinabi niya ito, sumang-ayon agad ang lahat. Tumango sila at tumawa bago nila sinabi, “Oo, tama ka! Katulad talaga ito ng eksenang iyon!”Ngumiti si Scoot at sinabi, “Ang lahat ng ito ay salamat kay Brother Max! Salamat, Brother Max!”Sinabi nang galit ni Stephanie, “Bakit si Max lang ang pinapasalamatan mo? Si Brother Charlie rin ang magbabayad ng kalahati ng pagkain, okay?”Sumagot nang mapanghamak si Scott, “Kinakain ko ang kalahating binayaran ni Brother Max habang kinakain mo
Read more

Kabanata 979

Habang nilalasap ng lahat ang kanilang pagkain na may halagang dalawang daang libong dolyar, lumapit si Charlie sa front desk bago niya sinabi sa waiter, “Hello, isa akong bisita mula sa Table 03 sa lobby. Pakibigyan ako ng resibo para sa lamesa ko.”Nagmamadaling tinanong ng waiter sa magalang na paraan, “Hello, sira. Maaari ko bang malaman kung ang lamesa ba na gumastos ng dalawang daang libong dolyar ngayong gabi ang tinutukoy mo?”“Oo!” Tumango agad si Charlie.Tinanong ulit ng waiter, “Gusto mo bang ilabas ang resibo sa ilalim ng kumpanya o sa personal na pangalan?”Sumagot si Charlie, “Sa personal na pangalan.”“Okay, sir. Maaari mo bang ibigay ang pangalan mo?”Tumango ang kaunti si Charlie at sinabi, “Charlie Wade.”Nagmamadaling nag-type ang waiter sa computer bago niya iimprenta ang resibo mula sa printer.Narinig muna ang tunog ng printer bago lumabas ang resibo na may pangalan ni Charlie at may halagang dalawang daang libong dolyar.Sa sandaling natanggap ni Charli
Read more

Kabanata 980

Sumagot agad si Joey, “Brother Max, tiningnan ko na ang mga online platform kanina lang. Hiniling nila na iupload ko ang harap at likod ng identity card ko sa online platform pero naiwan ko ang identity card ko sa dormitoryo ko. Huwag kang mag-alala. Ang una kong gagawin sa sandaling makabalik ako sa dormitoryo ay iupload ang impormasyon ng identity card ko sa lalong madaling panahon para makautang ako sa lalong madaling panahon!”“Okay.” Tumango si Max habang umiihi siya. Pagkatapos, sinabi niya, “Kailangan mo itong gawin sa lalong madaling panahon. Huwag mong sayangin ang magandang pagkakataon na ito. Sa totoo lang, kaya pa kitang turuan ng isa pang paraan para mas lalong kumita ng pera.”Sa sandaling narinig ito ni Joey, nanginig siya sa sabik at aksidente niyang naihian ang sarili niyang kamay. Pero, wala siyang masyadong pakialam dito. Sa halip, nagmamadali niyang pinunas sa kanyang pantalon ang kanyang kamay bago siya tumalikod at tinanong kay Max, “Brother Max, anong paraan an
Read more
PREV
1
...
96979899100
...
562
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status