Pero, ang punto ay hindi niya pwedeng ilabas ang sampung milyong dolyar nang hindi nag-iisip. Kung tutuusin, mahihirapan talaga siyang ipaliwanag ang sarili niya dahil sobrang daming tao ang nanonood sa kanya.Bukod dito, mahihirapan si Charlie na ipaliwanag ang sarili niya kay Claire. Dahil, sobrang laking pera nito. Kaya, naramdaman ni Charlie na mas makatwiran ang isang milyong dolyar.Tumingin si Charlie kay Max bago siya ngumiti at sinabi, “Kung kaya ko talagang magdonate ng isang milyong dolyar sa bahay ampunan, magdodonate ka talaga ng sampung milyong dolyar sa bahay ampunan?”“Oo!” Sumagot si Max nang walang pag-aatubili. Pagkatapos, sinabi niya nang mayaabng, “Kung kayang magdonate ng isang milyong dolyar ng isang kalunos-lunos na tanga na tulad mo, wala akong problema kahit na isang daang milyong dolyar ang idonate ko sa bahay ampunan!”Tumango si Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Teka lang. Gusto kong kumuha ng video bilang patunay ng kasunduan natin!”Pagkatapos, n
Read more