Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 561 - Kabanata 570

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 561 - Kabanata 570

5607 Kabanata

Kabanata 561

Hindi maiwasang ilabas ni Charlie ang pagkausisa niya at tinanong, “Pa, sino ang Matilda na ito na sinasabi ng lahat?”Inikot ni Jacob ang mga mata niya at pinatahimik siya, “Shush! Hindi mo na kailangan idiin ito!”Nagkibit-balikat si Charlie nang walang pakialam at nanahimik.Samantala, habang parami nang parami ang mga taong pumapaligid sa kanila, inayos ni Aaron nang mapagmataaas ang sarili niya at ipinakilala ang binata na nakatayo sa tabi niya. “Gusto kong ipakilala sa inyong lahat ang manugang ko, si Jake Dunn. Mayroon siyang startup company sa internet service industry, at malapit na itong matala sa Growth Enterprise Market.”“Wow!” Sinabi ni Eric. “Magkano ang magiging halaga ng kumpanya pagkatapos ilista? Taya ko na siguradong daang-daang milyon ito, tama?”“Daang-daang milyon?” Binaluktot nang hambog ni Aaron ang mga labi niya at sinabi, “Sa pinakamababa, mga isang bilyon ito! Isipin niyo, alam niyo ba kung gaano kahirap na mailista ang isang kumpanya?! Kapag walang tiy
last updateHuling Na-update : 2021-09-02
Magbasa pa

Kabanata 562

”Mataas ang sahod?” Napangisi si Aaron. “Gaano kalaki ang gusto mo? Sapat na ba ang apat o limang libo para kunin ka bilang chef?”Gustong pasayahin ni Jake ang biyenan na lalaki niya, kaya sinabi niya, “Pa, dahil manugang siya ng matanda mong kaibigan, dapat ko siyang bigyan ng karagdagang benepisyo. Sige, bibigyan kita ng sampung libo kada buwan!”Humagikgik sa aliw si Charlie at sinabi, “Paumanhin, pero ayoko ng pera.”Kumunot ang noo ni Aaron, nalito. “Ayaw mo ng pera, kaya ano ang gusto mo?”“Kung sinong kukuha sa akin ay dapat ikasal sa akin ang anak niyang babae. Halimbawa, ang biyenan kong lalaki. Gusto niya akong kunin para gawin ang gawaing bahay, kaya kinasal niya sa’kin ang mahal na anak niyang babae. Kaya, Aaron, kung gusto mo akong kunin, kailangan mo rin na ikasal sa akin ang anak mong babae!”Namula sa galit ang mukha ni Aaron habang sumigaw siya, “Sobrang walang utang na loob ka! Naging mabait ako na alukin ka ng trabaho at ganito mo ako susuklian?!”Tumingin nan
last updateHuling Na-update : 2021-09-02
Magbasa pa

Kabanata 563

Para baliktarin ito, naalala ni Jake ang pangalan na ginamit ni Aaron para kutyain si Jacob, si Matilda. Kaya, nagpanggap siya na nauusisa siya at tinanong, “Pa, anong mayroon sa Matilda na sinasabi mo kanina? Mukhang sobrang lapit niyo sa kanya, medyo nauusisa ako…”Sumulyap sandali si Aaron kay Jacob at sinabi nang nakangisi, “Si Matilda Hall ang pinakamagandang babae sa batch namin, at maraming lalaki ang nahulog sa kanya. Sa totoo lang, kung pipila ang lahat ng tagahanga niya, dalawang beses itong iikot sa university.”Pagkatapos, sinadyang lakasan ni Aaron ang boses niya at tumawa, “Sa huli, siguradong nagayuma si Matilda, dahil pinili niya si Jacob! Dahil mahal niya ang pinakamagandang babae at pinakasikat na babae sa eskwelahan, kailangan niyang iwasan ang mga tao dahil natatakot siyang matambangan at mabugbog.”“Anong nangyari pagkatapos?”Tumingin ulit si Aaron kay Jacob sa aliw at humagikgik. “Pagkatapos, iniwan siya ni Matilda at pumunta sa United States. Hindi pa siya b
last updateHuling Na-update : 2021-09-02
Magbasa pa

Kabanata 564

Sama-samang naglakad papasok ng school ang mga tao. May nagtanong kay Eric, “Hey, anong pinag-usapan niyo kanina? Mukhang matindi ito.”Tumawa si Eric at sinabi, “Pinag-uusapan namin si Matilda Hall. Siya nga pala, pupunta ba siya ngayon?”Tumawa ang isa. “Hindi nga ito tinanong ni Jacob, huwag kang masyadong pakialamero.”“Ah, tinanong ko ito para sa kanya! Si Matilda ang unang minahal niya, iniisip ko kung naaalala niya pa rin si Matilda pagkalipas ng maraming taon.”Sumingit si Aaron at umirap, “Taya ko na hindi niya makakalimutan si Matilda sa buong buhay niya, dahil sa grabe at magulong buhay niya ngayon.”“Huh? Anong nangyari?” Tinanong nang mausisa ng isa.“Sasabihin ko sa iyo mamaya pagkadating natin sa classroom.”Sinabi nang naiirita ni Jacob, “Ah, pwede ka bang manihimik kahit saglit?”Humagikgik si Aaron at sinabi, “Pero gusto kong pag-usapan ito, makokontrol mo ba ang bibig ko?”Habang naglalakad sila sa classroom, tumingin sa paligid ang grupo ng mga lalaki, at b
last updateHuling Na-update : 2021-09-02
Magbasa pa

Kabanata 565

Nang umalingawngaw ang pangalan ni Elaine sa kwarto, nagulat nang sobra si Charlie at halos mahulog na ang panga niya. Hinding-hindi niya inaakala na nasa parehong kolehiyo sina Elaine at Jacob!Hindi niya nga inaasahan na may reputasyon siya bilang pinakamabangis na babae!Sa totoo lang, si Elaine ay hindi mukhang isang tao na pumunta sa university dati.Sa katunayan, para ngang hindi siya nagtapos ng junior high!Dahil sa kanyang mababang ugali at pagkatao, hindi kapani-paniwala na matatanggap siya sa university.Hindi lamang si Charlie ang nasorpresa sa sandaling ito.Ang lahat ng kaklase ni Jacob ay nagulantang at nagulat!Walang nakaisip na mapapang-asawa ni Jacob si Elaine.Kahit na hindi nila kaklase si Elaine, malaki ang reputasyon niya dati!Siya ang simbolo ng kayabangan at kasutilan dati, sobrang bangis din. Normal lang sa kanya ang pang-aagaw ng mga gamit ng iba. Kapag nahuli siya, sa halip na aamin siya sa pagkakamali niya, lalabanan niya ang taong nakahuli sa kan
last updateHuling Na-update : 2021-09-02
Magbasa pa

Kabanata 566

Tumawa nang malakas ang lahat sa nalaman nila! Walang nag-aakala na may pambihirang mangyayari sa kwento!Dinagdag ni Jake, “Wow, Tito Wilson, ang galing mo! Para kang bida sa isang romance movie kung saan nakipaghiwalay ka sa kasintahan mo s kolehiyo at pinakasalan mo ang kalaban mo! Hahaha!”Walang lugar si Charlie para magsalita sa bagay na ito, pero natawa rin siya sa buong pangyayari.Kailan may ay hindi niya inisip na may ganitong kwento ang mga biyenan niya. Talagang ganito si Elaine. Hindi lamang niya nilasing si Jacob, ngunit nakipagtalik pa sa kanya! Isa itong malademonyong kilos!Pagkatapos pigilan ang pagtawan nila, naaawa ang mga lalaki kay Jacob at binigyan siya ng lakas ng loob at maginhawang mga salita.Binabantayan pa rin ni Aaron si Jacob at sinabi niya nang tumatawa, “Huwag muna kayong maawa kay Jacob. Sobrang miserable ni Elaine na pakasalan siya!”Nalito ang mga tao. “Anong sobrang miserable tungkol dito? Napakasalan niya si Jacob, hindi ba’t sapat na ito?”
last updateHuling Na-update : 2021-09-03
Magbasa pa

Kabanata 567

Salamat sa impormasyon ni Aaron, nagpadala si Charlie ng mensahe kay Isaac na ipa-imbestiga ang personal na impormasyon ni Aaron Philips at ng kanyang asawa pat na rin ang kanilang track record sa petrochemical company. Sa parehong oras, hiniling niya sa kanya ang humanap ng mahahalagang impormasyon tungkol sa Aurous Continental Technology.Habang ginagawa ito ni Isaac, nag-eenjoy si Aaron sa mga papuri at paghanga ng mga kaibigan niya.Ang grupo ng mga matatandang tao ito ay kadalasang nagtatrabaho sa mga sektor ng gobyerno o mga negosyo na pagmamay-ari ng estado. Karaniwan sa kanila ay mga regular na tauhan na ilang taon nang nagsisikap para sa kumpanya. Ilang libong dolyar lang ang kinikita nila kada buwan at ito ay medyo kaunti sa pinakamataas pero mas mabuti kaysa sa pinakamalala.Kaya, nainggit sila nang sobra kay Aaron, na nasa senior management ng petrochemical company.Ang petrochemical company ay nagbibigay ng perpektong tala ng performance at revenue. Kahit na ang manage
last updateHuling Na-update : 2021-09-03
Magbasa pa

Kabanata 568

Sa sandaling iyo, may isang sumigaw sa labas, “Nandito na si Mr. Lee. Bilis, kumuha kayo ng dalawang binata para tulungan na buhayin siya sa hagdan.”Sa wakas ay huminga na nang maluwag si Jacob at inutusan si Charlie, “Bilis, tumulong ka.”Tumango si Charlie.Sinabi rin ni Aaron kay Jake, “Ikaw rin. Kaming mga matatandang lalaki ay hindi na kasing lakas ng mga binata, hindi na namin ito kaya.”“Okay.” Tumango si Jake at lumabas ng pinto kasama si Charlie.Habang bumababa sila ng hagdan, naglakad sa harapan ni Charlie ang mapagmataas na si Jake at hindi man lang nag-abala na tumingin sa kanya.Hindi rin nag-abala dito si Charlie. Mawawala na rin naman ang kupal na ito at ang kumpanya mamaya. Kailangan niya lang hanapin ang pinakamagandang oras para ibigay ang parusa.Ang matinding saya ay nanganganak ng matinding lungkot, at ito ang pinakamalalang parusa na matatanggap ng isang lalaki. Hindi pa naaabot ni Jake ang matinding saya.Dumating sila sa baba at nakita ang isang mahigi
last updateHuling Na-update : 2021-09-03
Magbasa pa

Kabanata 569

Sumitsit si Jake sa walang katuturan na sagot ni Charlie, “Sa tingin mo ba ay nakakatawa ito? Karangalan mo na nga na magtrabaho sa construction site!”Tumanga si Charlie at tumawa. “Sige, alam ko, kuha ko na. Aayusin ko na ito para sa’yo.”Nairita si Jake sa malabong sagot ni Jake at sinabi, “Baliw!”Pagkatapos, dinagdag niya, “Bilang isang sanay na tao, bibigyan kita ng payo. Bata ka pa, lumabas ka at humanap ka ng seryosong gagawin mo. Marahil ay maging matagumpay ka sa mga susunod na araw.”“Ano? Sa tingin mo ba ay pangit magtrabaho sa construction? Hindi. Kilala mo ba si Arnold Schwarzenegger? Naglalagay siya ng mga bloke at nagsimula siya ng sarili niyang negosyo sa construction. Okay, nabigo ang negosyo niya, pero naging sikat siya, tama?”“Bukod dito, tingnan mo ang mga uso ngayon. Sobrang sikat na ngayon ng TikTok, Snapchat, Instagram, at Facebook, pwede kang mag-register ng account at mag-post ng araw-araw na trabaho mo sa construction site, baka maging sikat ka pa!”“S
last updateHuling Na-update : 2021-09-03
Magbasa pa

Kabanata 570

Namula ang mga mata ng lahat, umiyak pa nang kaunti ang iba. “Ah, Mr. Lee. Pakiusap at huwag, hindi mo na kailangan humingi ng paumanhin sa amin…”Naglabas ng mabait na ngiti si Mr. Lee. “Nabuhay ako kahit gaano kahirap, nasaksihan ko ang paglaki niyo, nasaksihan ko ang pag-unlad ng bansa. Wala na akong masyadong sasabihin kundi ito, ‘maging kuntento ka sa isang simple at mabait na buhay, malugod ka sa karunungan’. Mahirap na matandang lalaki ako pagkatapos ng maraming taon na pagtuturo, pero ang ideolohiya ko sa buong buhay ko ay mabuhay nang masaya at makuntento nang walang pagsisisi!”Yumanig ang classroom sa malakas na palakpakan. Naghiyawan ang lahat, lalo na si Jacob. Naramdaman niya na si Mr. Lee ang ilaw na nagpakita sa kanya ng daan pagkatapos niyang marinig ang sinabi niya.Kahit na hindi marami ang pera niya, ang pagkahumaling niya sa mga antigo at kultural na relikya ang kanyang paraan para habulin ang kaligayahan, kaya malugod siya tungkol dito.Syempre, nandoon pa rin
last updateHuling Na-update : 2021-09-03
Magbasa pa
PREV
1
...
5556575859
...
561
DMCA.com Protection Status