Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 541 - Chapter 550

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 541 - Chapter 550

5607 Chapters

Kabanata 541

Sa sandaling ito, si Reuben, na matagal nang hindi nagsasalita, ay tumingin nang malamig sa kanilang dalawa. Nakikita niya na ang mag-ama ng pamilya Webb ay interesado at naantig sa pinsan niya, kay Jasmine.Sa oras na ito, hindi niya maiwasang masabik nang kaunti.Maganda kung makakasal si Jasmine sa pamilya Webb!Sa oras na iyon, ikakasal si Jasmine sa pamilya Webb at magiging parte ng kanilang pamilya. Kapag nangyari iyon, hindi niya siyang pwedeng kalabanin para sa pamana at pag-aari ng pamilya Moore. Siya na ang magiging tagapagmana ng pamilya Moore.Sa totoo lang, natatakot talaga si Reuben na mapupunta si Jasmine kay Charlie.Hindi niya alam ang totoong pagkakakilanlan at katayuan ni Charlie. Alam niya lang na mayroon siyang kakaibang kapangyarihan, at iyon ang dahilan kung bakit siya nirerespeto nang sobra ng kanyang lolo.Kung magiging asawa ni Jasmine si Charlie, siguradong ikakasal si Charlie sa pamilya Moore. Sa sandaling iyon, manganganib siya!Si Jasmine na ang pin
last updateLast Updated : 2021-08-30
Read more

Kabanata 542

Pagkatapos siyang makita ngayon, lumiyab ulit ang natatagong pagnanasa at pakiramdam niya para kay Jasmine.Kaya, gusto niyang tingnan ang bawat at lahat ng litrato ng sirkulo ng mga kaibigan ni Jasmine.Maingat niyang inobserbahan ang bawat litrato ni Jasmine at ng mga kaibigan niya. Habang tinitingnan niya ang mga litrato ni Jasmine, nagbuntong hininga siya habang inisip niya na sobrang perpekto niya talagang babae, at wala siyang mahanap na kahit anong kapintasan sa kanya.Kaya, palihim siyang nangako sa sarili niya na dapat niyang makuha si Jasmine kahit na anong kailangang gawin niya!***Sa daan pauwi sa mansyon ng pamilya Moore, sinabi nang pansamantala ni Reuben kay Jasmine, “Jasmine, sa tingin ko ay interesado sa’yo si Sean!”Sumagot nang payak si Jasmine, “Ah.”“Ah?” Ginaya siya ni Reuben bago tinanong nang mausisa, “Bakit sobrang lamig mo at walang pakialam dito?”“Tapos?” Tinanong ni Jasmine, “May halaga ba siya sa akin? Wala, wala siya sa akin. Kaya, kailangan ko b
last updateLast Updated : 2021-08-30
Read more

Kabanata 543

Sa parehong oras, nasa Serene World Clinic si Anthony at kasalukuyang nakatulala habang nakatingin siya sa Rejuvenating Pill na binigay sa kanya ni Charlie.Iniisip niya ang sinabi sa kanya ni Charlie. Sinabi sa kanya ni Charlie na kaya siyang gawing bata nang sampung taon ng medisinang ito, at papahabain din nito ang kanyang buhay ng sampung taon.Kahit na alam niya na mayroong mahiwagang kapangyarihan si Charlie, naramdaman niya pa rin na pantasya lang ang ganitong klaseng epekto ng medisina.Tulad sa kasabihan, may araw na mamumulaklak ang mga bulaklak at ang mga tao ay hindi na magiging bata ulit.Kayang kontrolin ng mga tao ang kahit anong bagay sa mundong ito, pero oras lang ang hindi nila kailanman makokontrol.Gaano karaming tao ang talagang kayang makaisip ng Rejuvenating Pill para baliktarin ang oras?Gayunpaman, dahil binigay sa kanya ni Charlie ang medisina, buo ang kumpiyansa ni Anthony sa abilidad ng medisina.Alam niya na hinding-hindi siya lolokohin ni Charlie o
last updateLast Updated : 2021-08-30
Read more

Kabanata 544

Kung mayroon talagang ganitong salamankang gamot at mahiwagang medisina, kahit na isang bilyon pa ito, magmamadali ang mga matanda at mayamang tao na bilhin ito.Dahil, ano pang saysay ng pagpaparami ng pera kung tumatanda na sila? Kung magagamit nila ang pera na iyon para ibalik ang pagkabata nila, tiyak na ang mga bilyonaryo na may sampu-sampung bilyong dolyar ay hindi mag-aatubili na gastusin ang kalahati o halos lahat ng kayamanan nila para magkaroon ng sampu o dalawampung taon na buhay!Ganito sila bibili ng oras para sa sarili nila!Hindi maiwasang maiyak ni Anthony sa sabik sa sandaling ito.Hindi niya maiwasang umiyak nang mapait.Pagkatapos, agad niyang nilabas ang kanyang cellphone at nagapdala ng text message kay Charlie: [Mr. Wade, ginamit ko na ang Rejuvenating Pill na binigay mo sa akin. Salamat sa gantimpala mo. Siguradong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa’yo sa hinaharap!]Sumagot nang magaan si Charlie: [Kung maganda ang epekto ng medisina, magaling. Pe
last updateLast Updated : 2021-08-30
Read more

Kabanata 545

Nang makita niya ang taimtim at tapat na ekspresyon sa mukha ng kanyang lolo, nag-atubili saglit si Xyla bago niya kinuha ang tableta sa mga kamay ni Anthony.Noong unang panahon, pinangarap rin niya na magkaroon ng sarili niyang mahiwagang medisina para sa kanya. Pero, alam niya na matanda na ang lolo niya, at alam niya na mas kailangan ng lolo niya ang medisina kaysa sa kanya. Kaya, hindi na niya ito masyadong pinag-isipan.Kailanman ay hindi inaasahan ni Xyla na kusang loob na ibibigay ng lolo niya ang medisina na binigay sa kanya ni Charlie!Kaya, pagkatapos matanggap ang mahiwagang tableta na ito, naging sobrang sabik din siya. Sa parehong oras, patuloy na umalingawngaw sa isip niya ang sinabi ng kanyang lolo.Pagsilbihan si Mr. Wade habang buhay?Gusto itong gawin ni Xyla, pero hindi niya alam kung kamumuhian siya ni Charlie para dito.Nakikita ni Anthony ang laman ng maingat niyang pag-iisip. Kaya, ngumiti siya nang bahagya at sinabi, “Xyla, si Mr. Wade ay isang taong pina
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more

Kabanata 546

“Ayos lang.” Sumagot nang walang pakialam si Lord Moore. “Maaari ko ring ibigay ang invitation card kay Dr. Simmons para maimbita ko siya na pumunta sa 80th birthday ko.”Pagkatapos, tinuro niya ang pasukan ng Serene World Clinic bago sinabi, “Tara, dalhin mo na ako sa clinic ngayon.”Sa sandaling ito, nagkataon na abala si Xyla sa outer hall ng Serene World Clinic. Nang makita niyang pumasok si Lord Moore sa clinic, nagmadali siyang pumunta habang sinabi nang magalang, “Lord Moore, bakit nandito ka ngayon? May nararamdaman ka bang kakaiba sa katawan mo?”Bahagyang umubo si Lord Moore bago siya ngumiti at sinabi, “Kapag tumatanda na ang isang tao, hindi na kasing lusog ng dati ang katawan nila. Kailan lang, medyo lumalamig na ang panahon, at sa tingin ko ay may lagnat ako.”Sumagot nang nagmamadali si Xyla, “Mangyaring pumasok ka agad. Pupunta ako sa loob at tatawagin si lolo!”Pagkatapos, inimbita ni Xyla si Lord Moore papasok ng clinic. Pagkatapos umpo ni Lord Moore, tumakbo siy
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more

Kabanata 547

Hindi tanga si Lord Moore. Anong klaseng pagkakataon ang talagang kayang pabatain ang isang tao nang sampung taon?!Natatakot siya na may isang tao lamang sa Aurous Hill na kayang gawin ang himalang ito.Ang taong iyon ay walang iba kundi si Charlie Wade!Kahit na hindi sumagot si Anthony, alam ni Lord Moore na siguradong natanggap niya ang swerteng ito mula kay Charlie. Iyon ang dahilan kung bakit biglang bumata si Anthony!Sa sandaling ito, hindi maiwasang maging kumplikado ng pakiramdam ni Anthony at mabalisa nang kaunti.Hindi siya nangahas na pag-usapan ang tungkol sa Rejuvenating Pill nang walang pahintulot ni Charlie.Dahil, pinaalalahanan na siya ni Charlie kahapon na huwag sabihin sa iba ang tungkol sa bagay na ito.Gayunpaman, nahulaan na ito ni Lord Moore. Kaya, ngayon ay nahihirapan na si Anthony.Nang makita niya ang hitsura sa mukha ni Lord Moore, sumagot lang nang hindi mapagalay si Anthony, “Brother Moore, ikaw ang naghula nito. Huwag mo sanang sabihin kay Mr.
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more

Kabanata 548

Nang nakapagpasya na si Lord Moore, biglang tinanong ni Anthony, “Brother Moore, masama ba ang pakiramdam mo ngayon?”Tinapon ni Lord Moore ang mga iniisip niya bago siya tumingin kay Anthony at inabi, “Brother Simmons, suriin mo lang ako ngayon. Lumalala ang katawan at kalusugan ko araw-araw. Dahil taglagas na at lumalamig na ang panahon, nagkaroon ako ng lagnat kailan lang dahil hindi ko masyadong binigyan atensyon ang kalusugan ko. Ito ang dahilan kung bakit ako nagpasya na pumunta at humiling sa iyo na resetahan mo ako ng medisina ngayon.”Sumagot nang nagmamadali si Anthony, “Hayaan mong suriin ko muna ang pulso mo para makita kung anong mali sa katawan mo.”Tumango si Lord Moore bago niya inabot ang kanyang kamay.Nilagay ni Anthony ang kanyang daliri sa pulso ni Lord Moore para suriin ang kanyang pulso at tingnan ang ibang kondisyon ni Lod Moore. Pagkatapos, huminga siya nang maluwag nang madisukubra niya na may lagnat lang si Lord Moore.“Panginginig lang ito at bahagyang
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more

Kabanata 549

Mamayang hapon, sa mansyon ng pamilya Moore.Nakabili na sina Donald at Sean ng mga regalo bago sila pumunta sa mansyon ng pamilya Moore.Alam ni Lord Moore na nasa Aurous Hill ang mag-ama ng pamilya Webb, pero alam niya rin na may nangyari sa bunsong anak na lalaki ng pamilya Webb. Kaya, hindi niya inaasahan na pupunta sila at bibisita agad.Gayunpaman, dahil nandito ang pinakamatandang anak at pinakamatandang apo ng pamilya Moore, syempre ay sobrang naging magalang si Lord Moore, at lumabas siya para aliwin sila sa personal.Sa sandaling ito, sina Donald at Sean ay nakaupo sa tapat ni Lord Moore sa sala, at naglabas si Oscar ng tsaa at meryenda para sa lahat habang nag-uusap sila nang masaya.Binigyan ni Donald si Lord Moore ng maraming regalo at nakipagkamay kay Lord Moore habang sinabi, “Tito Moore, matagal na kitang hindi nakita! Hindi ko inaasahan na mukhang malakas at malusog ka pa sa edad na ito. Talagang naiinggit ako sa’yo, Lord Moore!”Bahagyang ngumiti si Lord Moore a
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more

Kabanata 550

Tumango si Lord Moore at sinabi, “Oo, naniniwala ang mga mayaman at makapangyarihang pamilya sa Feng Shui at walong katangian. Ito ang pinakadiwa ng ating ninuno. Para naman sa mga hamak na tao sa Southeast Asia, wala talaga akong respeto sa kanila.”Sinabi ni Donald, “Sa ganitong pananaw, mukhang wala talaga kaming mahahanap na baka tungkol sa nangyari. Kung gano’n, hindi namin madaling mahahanap ang salarin sa pangyayaring ito!”Pagkatapos, pinagdaup ni Donald ang mga kamao niya nang mahigpit at sinabi, “Tito Moore, mananatili kami ni Sean sa Aurous Hill nang ilang araw. Gusto naming manatili dito para imbestigahan at humanap ng bakas tungkol sa biglaang sakit ng anak ko. Tito Moore, kung ayos lang sa iyo, maaari ba kaming manatili sa bahay mo nang ilang araw?”Sa sandaling ito, ngumiti si Lord Moore at sinabi, “May magandang pagkakaibigan ang pamilya Moore at pamilya Webb. Bakit ka nagiging sobrang galang sa maliit na bagay na ito? Dahil nandito ka na, syempre ay gagawin ko ang l
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more
PREV
1
...
5354555657
...
561
DMCA.com Protection Status