”Mataas ang sahod?” Napangisi si Aaron. “Gaano kalaki ang gusto mo? Sapat na ba ang apat o limang libo para kunin ka bilang chef?”Gustong pasayahin ni Jake ang biyenan na lalaki niya, kaya sinabi niya, “Pa, dahil manugang siya ng matanda mong kaibigan, dapat ko siyang bigyan ng karagdagang benepisyo. Sige, bibigyan kita ng sampung libo kada buwan!”Humagikgik sa aliw si Charlie at sinabi, “Paumanhin, pero ayoko ng pera.”Kumunot ang noo ni Aaron, nalito. “Ayaw mo ng pera, kaya ano ang gusto mo?”“Kung sinong kukuha sa akin ay dapat ikasal sa akin ang anak niyang babae. Halimbawa, ang biyenan kong lalaki. Gusto niya akong kunin para gawin ang gawaing bahay, kaya kinasal niya sa’kin ang mahal na anak niyang babae. Kaya, Aaron, kung gusto mo akong kunin, kailangan mo rin na ikasal sa akin ang anak mong babae!”Namula sa galit ang mukha ni Aaron habang sumigaw siya, “Sobrang walang utang na loob ka! Naging mabait ako na alukin ka ng trabaho at ganito mo ako susuklian?!”Tumingin nan
Para baliktarin ito, naalala ni Jake ang pangalan na ginamit ni Aaron para kutyain si Jacob, si Matilda. Kaya, nagpanggap siya na nauusisa siya at tinanong, “Pa, anong mayroon sa Matilda na sinasabi mo kanina? Mukhang sobrang lapit niyo sa kanya, medyo nauusisa ako…”Sumulyap sandali si Aaron kay Jacob at sinabi nang nakangisi, “Si Matilda Hall ang pinakamagandang babae sa batch namin, at maraming lalaki ang nahulog sa kanya. Sa totoo lang, kung pipila ang lahat ng tagahanga niya, dalawang beses itong iikot sa university.”Pagkatapos, sinadyang lakasan ni Aaron ang boses niya at tumawa, “Sa huli, siguradong nagayuma si Matilda, dahil pinili niya si Jacob! Dahil mahal niya ang pinakamagandang babae at pinakasikat na babae sa eskwelahan, kailangan niyang iwasan ang mga tao dahil natatakot siyang matambangan at mabugbog.”“Anong nangyari pagkatapos?”Tumingin ulit si Aaron kay Jacob sa aliw at humagikgik. “Pagkatapos, iniwan siya ni Matilda at pumunta sa United States. Hindi pa siya b
Sama-samang naglakad papasok ng school ang mga tao. May nagtanong kay Eric, “Hey, anong pinag-usapan niyo kanina? Mukhang matindi ito.”Tumawa si Eric at sinabi, “Pinag-uusapan namin si Matilda Hall. Siya nga pala, pupunta ba siya ngayon?”Tumawa ang isa. “Hindi nga ito tinanong ni Jacob, huwag kang masyadong pakialamero.”“Ah, tinanong ko ito para sa kanya! Si Matilda ang unang minahal niya, iniisip ko kung naaalala niya pa rin si Matilda pagkalipas ng maraming taon.”Sumingit si Aaron at umirap, “Taya ko na hindi niya makakalimutan si Matilda sa buong buhay niya, dahil sa grabe at magulong buhay niya ngayon.”“Huh? Anong nangyari?” Tinanong nang mausisa ng isa.“Sasabihin ko sa iyo mamaya pagkadating natin sa classroom.”Sinabi nang naiirita ni Jacob, “Ah, pwede ka bang manihimik kahit saglit?”Humagikgik si Aaron at sinabi, “Pero gusto kong pag-usapan ito, makokontrol mo ba ang bibig ko?”Habang naglalakad sila sa classroom, tumingin sa paligid ang grupo ng mga lalaki, at b
Nang umalingawngaw ang pangalan ni Elaine sa kwarto, nagulat nang sobra si Charlie at halos mahulog na ang panga niya. Hinding-hindi niya inaakala na nasa parehong kolehiyo sina Elaine at Jacob!Hindi niya nga inaasahan na may reputasyon siya bilang pinakamabangis na babae!Sa totoo lang, si Elaine ay hindi mukhang isang tao na pumunta sa university dati.Sa katunayan, para ngang hindi siya nagtapos ng junior high!Dahil sa kanyang mababang ugali at pagkatao, hindi kapani-paniwala na matatanggap siya sa university.Hindi lamang si Charlie ang nasorpresa sa sandaling ito.Ang lahat ng kaklase ni Jacob ay nagulantang at nagulat!Walang nakaisip na mapapang-asawa ni Jacob si Elaine.Kahit na hindi nila kaklase si Elaine, malaki ang reputasyon niya dati!Siya ang simbolo ng kayabangan at kasutilan dati, sobrang bangis din. Normal lang sa kanya ang pang-aagaw ng mga gamit ng iba. Kapag nahuli siya, sa halip na aamin siya sa pagkakamali niya, lalabanan niya ang taong nakahuli sa kan
Tumawa nang malakas ang lahat sa nalaman nila! Walang nag-aakala na may pambihirang mangyayari sa kwento!Dinagdag ni Jake, “Wow, Tito Wilson, ang galing mo! Para kang bida sa isang romance movie kung saan nakipaghiwalay ka sa kasintahan mo s kolehiyo at pinakasalan mo ang kalaban mo! Hahaha!”Walang lugar si Charlie para magsalita sa bagay na ito, pero natawa rin siya sa buong pangyayari.Kailan may ay hindi niya inisip na may ganitong kwento ang mga biyenan niya. Talagang ganito si Elaine. Hindi lamang niya nilasing si Jacob, ngunit nakipagtalik pa sa kanya! Isa itong malademonyong kilos!Pagkatapos pigilan ang pagtawan nila, naaawa ang mga lalaki kay Jacob at binigyan siya ng lakas ng loob at maginhawang mga salita.Binabantayan pa rin ni Aaron si Jacob at sinabi niya nang tumatawa, “Huwag muna kayong maawa kay Jacob. Sobrang miserable ni Elaine na pakasalan siya!”Nalito ang mga tao. “Anong sobrang miserable tungkol dito? Napakasalan niya si Jacob, hindi ba’t sapat na ito?”
Salamat sa impormasyon ni Aaron, nagpadala si Charlie ng mensahe kay Isaac na ipa-imbestiga ang personal na impormasyon ni Aaron Philips at ng kanyang asawa pat na rin ang kanilang track record sa petrochemical company. Sa parehong oras, hiniling niya sa kanya ang humanap ng mahahalagang impormasyon tungkol sa Aurous Continental Technology.Habang ginagawa ito ni Isaac, nag-eenjoy si Aaron sa mga papuri at paghanga ng mga kaibigan niya.Ang grupo ng mga matatandang tao ito ay kadalasang nagtatrabaho sa mga sektor ng gobyerno o mga negosyo na pagmamay-ari ng estado. Karaniwan sa kanila ay mga regular na tauhan na ilang taon nang nagsisikap para sa kumpanya. Ilang libong dolyar lang ang kinikita nila kada buwan at ito ay medyo kaunti sa pinakamataas pero mas mabuti kaysa sa pinakamalala.Kaya, nainggit sila nang sobra kay Aaron, na nasa senior management ng petrochemical company.Ang petrochemical company ay nagbibigay ng perpektong tala ng performance at revenue. Kahit na ang manage
Sa sandaling iyo, may isang sumigaw sa labas, “Nandito na si Mr. Lee. Bilis, kumuha kayo ng dalawang binata para tulungan na buhayin siya sa hagdan.”Sa wakas ay huminga na nang maluwag si Jacob at inutusan si Charlie, “Bilis, tumulong ka.”Tumango si Charlie.Sinabi rin ni Aaron kay Jake, “Ikaw rin. Kaming mga matatandang lalaki ay hindi na kasing lakas ng mga binata, hindi na namin ito kaya.”“Okay.” Tumango si Jake at lumabas ng pinto kasama si Charlie.Habang bumababa sila ng hagdan, naglakad sa harapan ni Charlie ang mapagmataas na si Jake at hindi man lang nag-abala na tumingin sa kanya.Hindi rin nag-abala dito si Charlie. Mawawala na rin naman ang kupal na ito at ang kumpanya mamaya. Kailangan niya lang hanapin ang pinakamagandang oras para ibigay ang parusa.Ang matinding saya ay nanganganak ng matinding lungkot, at ito ang pinakamalalang parusa na matatanggap ng isang lalaki. Hindi pa naaabot ni Jake ang matinding saya.Dumating sila sa baba at nakita ang isang mahigi
Sumitsit si Jake sa walang katuturan na sagot ni Charlie, “Sa tingin mo ba ay nakakatawa ito? Karangalan mo na nga na magtrabaho sa construction site!”Tumanga si Charlie at tumawa. “Sige, alam ko, kuha ko na. Aayusin ko na ito para sa’yo.”Nairita si Jake sa malabong sagot ni Jake at sinabi, “Baliw!”Pagkatapos, dinagdag niya, “Bilang isang sanay na tao, bibigyan kita ng payo. Bata ka pa, lumabas ka at humanap ka ng seryosong gagawin mo. Marahil ay maging matagumpay ka sa mga susunod na araw.”“Ano? Sa tingin mo ba ay pangit magtrabaho sa construction? Hindi. Kilala mo ba si Arnold Schwarzenegger? Naglalagay siya ng mga bloke at nagsimula siya ng sarili niyang negosyo sa construction. Okay, nabigo ang negosyo niya, pero naging sikat siya, tama?”“Bukod dito, tingnan mo ang mga uso ngayon. Sobrang sikat na ngayon ng TikTok, Snapchat, Instagram, at Facebook, pwede kang mag-register ng account at mag-post ng araw-araw na trabaho mo sa construction site, baka maging sikat ka pa!”“S
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara