Tumawa nang malakas ang lahat sa nalaman nila! Walang nag-aakala na may pambihirang mangyayari sa kwento!Dinagdag ni Jake, “Wow, Tito Wilson, ang galing mo! Para kang bida sa isang romance movie kung saan nakipaghiwalay ka sa kasintahan mo s kolehiyo at pinakasalan mo ang kalaban mo! Hahaha!”Walang lugar si Charlie para magsalita sa bagay na ito, pero natawa rin siya sa buong pangyayari.Kailan may ay hindi niya inisip na may ganitong kwento ang mga biyenan niya. Talagang ganito si Elaine. Hindi lamang niya nilasing si Jacob, ngunit nakipagtalik pa sa kanya! Isa itong malademonyong kilos!Pagkatapos pigilan ang pagtawan nila, naaawa ang mga lalaki kay Jacob at binigyan siya ng lakas ng loob at maginhawang mga salita.Binabantayan pa rin ni Aaron si Jacob at sinabi niya nang tumatawa, “Huwag muna kayong maawa kay Jacob. Sobrang miserable ni Elaine na pakasalan siya!”Nalito ang mga tao. “Anong sobrang miserable tungkol dito? Napakasalan niya si Jacob, hindi ba’t sapat na ito?”
Salamat sa impormasyon ni Aaron, nagpadala si Charlie ng mensahe kay Isaac na ipa-imbestiga ang personal na impormasyon ni Aaron Philips at ng kanyang asawa pat na rin ang kanilang track record sa petrochemical company. Sa parehong oras, hiniling niya sa kanya ang humanap ng mahahalagang impormasyon tungkol sa Aurous Continental Technology.Habang ginagawa ito ni Isaac, nag-eenjoy si Aaron sa mga papuri at paghanga ng mga kaibigan niya.Ang grupo ng mga matatandang tao ito ay kadalasang nagtatrabaho sa mga sektor ng gobyerno o mga negosyo na pagmamay-ari ng estado. Karaniwan sa kanila ay mga regular na tauhan na ilang taon nang nagsisikap para sa kumpanya. Ilang libong dolyar lang ang kinikita nila kada buwan at ito ay medyo kaunti sa pinakamataas pero mas mabuti kaysa sa pinakamalala.Kaya, nainggit sila nang sobra kay Aaron, na nasa senior management ng petrochemical company.Ang petrochemical company ay nagbibigay ng perpektong tala ng performance at revenue. Kahit na ang manage
Sa sandaling iyo, may isang sumigaw sa labas, “Nandito na si Mr. Lee. Bilis, kumuha kayo ng dalawang binata para tulungan na buhayin siya sa hagdan.”Sa wakas ay huminga na nang maluwag si Jacob at inutusan si Charlie, “Bilis, tumulong ka.”Tumango si Charlie.Sinabi rin ni Aaron kay Jake, “Ikaw rin. Kaming mga matatandang lalaki ay hindi na kasing lakas ng mga binata, hindi na namin ito kaya.”“Okay.” Tumango si Jake at lumabas ng pinto kasama si Charlie.Habang bumababa sila ng hagdan, naglakad sa harapan ni Charlie ang mapagmataas na si Jake at hindi man lang nag-abala na tumingin sa kanya.Hindi rin nag-abala dito si Charlie. Mawawala na rin naman ang kupal na ito at ang kumpanya mamaya. Kailangan niya lang hanapin ang pinakamagandang oras para ibigay ang parusa.Ang matinding saya ay nanganganak ng matinding lungkot, at ito ang pinakamalalang parusa na matatanggap ng isang lalaki. Hindi pa naaabot ni Jake ang matinding saya.Dumating sila sa baba at nakita ang isang mahigi
Sumitsit si Jake sa walang katuturan na sagot ni Charlie, “Sa tingin mo ba ay nakakatawa ito? Karangalan mo na nga na magtrabaho sa construction site!”Tumanga si Charlie at tumawa. “Sige, alam ko, kuha ko na. Aayusin ko na ito para sa’yo.”Nairita si Jake sa malabong sagot ni Jake at sinabi, “Baliw!”Pagkatapos, dinagdag niya, “Bilang isang sanay na tao, bibigyan kita ng payo. Bata ka pa, lumabas ka at humanap ka ng seryosong gagawin mo. Marahil ay maging matagumpay ka sa mga susunod na araw.”“Ano? Sa tingin mo ba ay pangit magtrabaho sa construction? Hindi. Kilala mo ba si Arnold Schwarzenegger? Naglalagay siya ng mga bloke at nagsimula siya ng sarili niyang negosyo sa construction. Okay, nabigo ang negosyo niya, pero naging sikat siya, tama?”“Bukod dito, tingnan mo ang mga uso ngayon. Sobrang sikat na ngayon ng TikTok, Snapchat, Instagram, at Facebook, pwede kang mag-register ng account at mag-post ng araw-araw na trabaho mo sa construction site, baka maging sikat ka pa!”“S
Namula ang mga mata ng lahat, umiyak pa nang kaunti ang iba. “Ah, Mr. Lee. Pakiusap at huwag, hindi mo na kailangan humingi ng paumanhin sa amin…”Naglabas ng mabait na ngiti si Mr. Lee. “Nabuhay ako kahit gaano kahirap, nasaksihan ko ang paglaki niyo, nasaksihan ko ang pag-unlad ng bansa. Wala na akong masyadong sasabihin kundi ito, ‘maging kuntento ka sa isang simple at mabait na buhay, malugod ka sa karunungan’. Mahirap na matandang lalaki ako pagkatapos ng maraming taon na pagtuturo, pero ang ideolohiya ko sa buong buhay ko ay mabuhay nang masaya at makuntento nang walang pagsisisi!”Yumanig ang classroom sa malakas na palakpakan. Naghiyawan ang lahat, lalo na si Jacob. Naramdaman niya na si Mr. Lee ang ilaw na nagpakita sa kanya ng daan pagkatapos niyang marinig ang sinabi niya.Kahit na hindi marami ang pera niya, ang pagkahumaling niya sa mga antigo at kultural na relikya ang kanyang paraan para habulin ang kaligayahan, kaya malugod siya tungkol dito.Syempre, nandoon pa rin
Hindi nagtagal, sumakay na ang lahat sa iba’t ibang kotse at pumunta sa Glorious Club.Nag-aalangan si Mr. Lee na pumunta, pero dahil bihira lang sila magkasama-sama at inimbita siya nang sabik ng mga estudyante niya, pumayag siya.Sumakay sina Charlie at Jacob sa taxi nang magkasama. Sinabi ni Jacob nang galit, “Sobra na ang Aaron Philips na iyon! Bakit hindi niya na lang ako layuan? Argh, letse, naiinis ako!”Humagikgik si Charlie sa pagrereklamo nia at sinabi, “Pa, kung masama ang loob mo, umuwi na lang tayo.”“Hindi!” Sinabi ni Jacob, “Hindi pa ako nakakapunta sa clubhouse, gusto kong pumunta at makita ito!”Nagkibit-balikat si Charlie at tumango.Nang dumating sila sa clubhouse, nagtipon ang lahat sa lobby. Nahumaling sila at namangha sa marangyang dekorasyon ng clubhouse.Sobrang mahal at sopistikado ng disenyo ng clubhouse at lumampas ito sa imahinasyon ng mga matatandang tao at ang ala-ala nila sa isang recreation center.Namangha rin si Jacob. Tinutok niya ang kanyang
Sinabi ng receptionist na may humihingi ng paumanhin na ekspresyon, “Sir, pasensya na, nakareserba na ang lahat ng suite sa ikapitong palapag. Tiningnan na namin, pero ang mga magagamit na suite na lang sa membership level mo ay ang nasa ikatlong palapag at pababa. Gusto mo bang maghanda ng suite para sa inyo sa ikatlong palapag?”Sinabi ni Jake nang naiirita, “Ano? Seryoso ka ba? Gusto mong pumunta ako sa ikatlong palapag? Isa itong kahihiyan sa katayuan ko at sa membership ko! Paano na ako titingnan ng iba kung pupunta ako sa ikatlong palapag?”“Humihingi ako ng paumanhin, sir, pero wala akong magagawa. Ang lahat ng suite sa ikaapat hanggang sa ikapitong palapag ay nakareserba na. Hindi ka nagreserba, kaya, wala kaming magagawa…”“Kung gano’n, bigyan mo na lang ako ng libreng upgrade at hayaan mong pumunta ako sa ikawalong palapag o mas mataas!”“Pasensya na, sir,” sinabi ng receptionist sa magalang pero mahigpit na tono, “Sa Glorious Club, pwede lang kaming mag-downgrade ng memb
Si Albert ay nasa Heaven Springs sa sandaling iyon.Si Donald, ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang lalaki sa South Region ay nagreserba ng Diamond Box sa Heaven Springs ngayong gabi kaya naghanda siya para aliwin ang mga pinuno ng ilang pinaka prestihiyosong pamilya sa Aurous Hill.Alam ni Albert na ang pamilya Webb ay mas mayaman at mas makapangyarihan sa pamilya Moore. Kaya, hindi siya nangahas na pabayaan ang utos ni Donald at siya mismo ang nangasiwa sa chef na naghahanda ng mga pagkain sa Heaven Springs.Habang inaayos niya ang mga paghahanda sa pagkain, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula kay Jake. Sa sandaling ito, tinanong niya nang naiinip, “Oh, anong gusto mo? Bilisan mo at magsalita ka! Abala ako dito.”Sa mga mata ni Albert, isang aso lang si Jake. Wala siyang pakialam kay Jake kahit kaunti dahil marami naman siyang aso sa paligid niya.Alam ni Jake na hindi niya pwedeng galitin si Albert. Kaya, sinabi niya nang mapagpakumbaba, “Don Albert, naas Glorious Clu
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro