Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 4151 - Chapter 4160

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 4151 - Chapter 4160

5744 Chapters

Kabanata 4151

Noon pa man ay hindi na nasisiyahan si Merlin kay Xavion, ang pangunahing dahilan ay ayaw niya kay Xavion.Narinig niya rin na ang ama ni Xavion, si Spencer, ay sinamantala ang pagkakataon para kunin ang kapangyarihan habang wala si Jordan. Hinahangaan nang sobra ni Merlin si Jordan, kaya kinamumuhian niya si Spencer at ang anak niya, si Xavion.Hindi pwedeng patayin ni Xavion si Merlin dahil sikat na sikat si Merlin, at may mataas na political status siya sa White House. Kilala si Merlin bilang ilaw ng mga Oskian sa United States. Nakatanggap pa siya ng isang award mula sa pangulo para sa paglutas ng isang serial murder case na tumagal ng sampung taon.Mayroon siyang malakas na mga tagasunod at mga sumusuportang base sa United States at tinitingnan siya bilang simbolo ng mga Oskian sa United States. Kung may mangyari sa kanya, magpaparada ang mga Oskian sa United States para sa hustisya niya.Kaya, walang paraan si Xavion para galawin si Merlin. Hindi niya siya pwedeng galitin o g
Read more

Kabanata 4152

Umabante agad ang isang police officer at binalaan siya, “Sir, kailangan mo nang umalis ngayon! Kung patuloy Nagngalit si Xavion habang kinahol niya, “Tingnan natin kung sino ang maglalakas-loob na hawakan ako!”Kilala ng mga pulis si Xavion, kaya hindi sila nangahas na gumamit ng puwersa sa galit na si Xavion.Bumalik si Merlin at sinabi, “Sige. Xavion, pwede kang manatili dito kung sobrang tigas ng ulo mo.”Nalugod si Xavion na makita na nagkompromiso si Merlin. Hindi siya makahangi kapag tinatrato siya nang marahas ng iba at ayaw sumunod sa kanya. Sa wakas, kahit papaano ay nanalo siya.Suminghal siya at sinabi nang mayabang, “Merling, malugod ako na alam mo ang dapat gawin!”Hindi nagalit si Merlin sa kayabangan ni Xavion. Sa halip, sinabi niya sa medyo nakangiwing ngiti, “Siya nga pala, Xavion, obligado ang mga pulis na ibahagi sa publiko ang ganitong trahedya. Sigurado ako na malapit nang dumating ang media para iulat ang kasong ito. Pwede kang manatili dito at kausapin si
Read more

Kabanata 4153

Mas lalong nataranta si Finley dahil sa sinabi ng bodyguard, at tinanong niya nang mabilis, “Sino pa ang namatay?!”Umiling ang bodyguard at sinabi, “Hindi ako sigurado dito.”Pagkatapos nito, hindi na siya nag-abala na kausapin si Finely at umalis siya nang nagmamadali.Napaisip agad nang malalim si Finley. ‘Nawala si Homer? Sinong gumawa nito? Anong nangyari sa mga Iga ninja na iyon? Sila ba ang mga namatay?!’Hinding-hindi inakaa ni Finley na ang walong Iga ninja na kinuha niya ay ang umatake kay Homer. Kaya, hula niya na marahil ay may ibang kalaban na dumukot kay Homer.Marami nang ginawang kasamaan si Finley sa buhay niya. Pero, alam niya na wala talaga siyang kinalaman sa pagkawala ni Homer.Bihira para sa kanya na harapin ang isang bagay na may malinaw na konsensya tulad nito.Hindi siya nag-aalala na may kinalaman sa kanya ang pagkawala ni Homer. Nag-aalala lang siya sa mga madadamay dito.Kung may nangyari kay Homer, marahil ay pansamantalang mawala ang proteksyon ni
Read more

Kabanata 4154

Ayon sa student visa policy ng United States, mawawalan ng bisa ang visa kapag pinatalsik ka sa school. Kung gano’n, kailangan munang umalis ng estudyante sa United States sa normal na proseso. Pero, masyadong nahihiya ang binatang ito na harapin ang mga magulang niya, kaya nanatili siya sa dilim sa New York.Ilegal na pinatagal ng binata ang visa niya, at wala siyang nakapirming trabaho o permanenteng tahanan. Para mabuhay, madalas siyang nananatili sa internet cafe sa Oskiatown araw-araw, at kumikita siya sa pamamagitan ng pagpapataas ng mga ranggo sa mga laro at iba pang part-time na trabaho.Kung hindi sapat ang kinikita niya sa mga laro, maghahanap siya ng trabaho para sa isang araw. Kapag may sapat na pera na siya, patuloy siyang mananatili sa internet cafe. Lalabas siya para magtrabaho ulit kapag naubusan na siya ng pera.Nakatayo ang binata sa meeting room habang ang iba ay naghihintay para tanungin sila ng mga pulis.Pero, nababalisa siya nang sobra at kinakabahan dahil i
Read more

Kabanata 4155

Tumaas ang sigla ni ni Merlin, at tinanong niya nang nagmamadali ang binata, “Sabihin mo pa sa akin ang tungkol sa mga Japanese.”Hindi nangahas ni Hamley na patagalin pa ito at sumagot nang nagmamadali, “Kinuha ko ng hotel bilang isang pansamantalang katulong, at may dose-dosenang tao na nasa parehong batch ng mga pansamantalang katulong na pumasok kasama ko. Mayroon ding nasa pito o walong Japanese na lalaki. Pero, wala sila sa mga litrato na ito!”Tinanong ni Merlin, “Pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang hitsura nila? Ano ang mga katangian nila?”Pinag-isipan ito ni Hamley at sinabi, “Mukhang mga ordinaryong tao sila. Pero, mukhang mas mahigpit sila at hindi sila ngumingiti. Hindi sila nagsasalita at gumagamit lang ng mga tingin para makipag-usap. Mukhang palihim sila kumilos at hindi sila mabubuting tao sa unang tingin.”Tinanong ni Merlin sa sorpresa, “Paano mo nalaman na mga Japanese sila kung hindi sila nagsasalita?”Sinabi ni Hamley, “Hindi ko sinasadyang makita ang
Read more

Kabanata 4156

Hindi nangahas si Fisher na sabihin sa pulis ang totoo o umamin kay Xavikon. Dahil, nasa kamay ng mga ninja ang buhay ng pamilya niya.Hindi mahalaga ang buhay niya. Pero, ano pa ang punto na mabuhay kung hindi niya maliligtas ang buhay ng pamilya niya?!Habang nangangamba siya, lumapit sa kanya ang isang pulis at tinanong, “Ikaw ba si Mr. Fisher Charles?”Nataranta nang kaunti si Fisher at sumagot, “A-A… Ako nga…”Kumaway sa kanya ang pulis at sinabi nang malamig, “Sumama ka sa akin.”Nataranta si Fisher. Wala siyang nagawa kundi sumunod sa pulis nang nahihirapan. Pagkatapos ay dumating siya sa pansamantalang opisina ni Merlin na nasa kabilang kwarto, at sa sandaling nasa loob na siya, nanginig siya sa takot.Natatakot siya kay Merlina dahil narinig na niya ang reputasyon ni Merlin. Kaya, lumapit siya nang nanghihina kay Merlin at sinabi nang nauutal, “H-Hello, Chief… Chief Lammy…”Tinitigan siya ni Merlin bago siya biglang tinanong nang malamig, “Fisher Charles! Bakit ka nakip
Read more

Kabanata 4157

Sa pananaw ni Merlin, binago lang ng salarin ang surveillance footage sa loob ng hotel. Kung nagkita si Fisher at ang mga Japanese sa labas dati, mahihirapan silang iwasan ang lahat ng city surveillance.Kung kaya siyang bigyan ni Fisher ng oras at lugar kung saan sila nagkita dati, mahahanap niya ang video ng mga taong ito.Umalis si Charlie sa Palace Hotel kasama sila Quinn, Dorothy, at Janus, habang pinapakilos ni Merlin ang mga pulis para hanapin ang video data ayon sa pag-amin ni Fisher.Naudlot ang charity dinner, at hindi sila nakapag hapunan. Kaya, iminungkahi ni Charlie na maghanap muna sila ng lugar para mag hapunan.At saka, sigurado siya na may gustong sabihin sa kanya si Janus. Gusto niya ring marinig ang ilang mungkahi mula kay Janus.Marami ngang tanong si Janus para kay Charlie. Inutusan ni Charlie ang mga Japanese ninja na dukutin ang young master ng pamilya Fox, at hindi ito isang biro. Natatakot siya na hindi ito magagawa nang mabuti ni Charlie, at magiging isan
Read more

Kabanata 4158

Tumango si Janus at sinabi, “Matagal bago ko narinig ang tungkol dito. Sinabi nila na sinuko ng pamilya Wade ang kalahati ng asset ng pamilya nila sa Ten Thousand Armies para maiwasan ang sakuna. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko ito binanggit sa iyo nang nakita kita kanina.”Kumaway si Charlie at sinabi nang kaswal, “Tsismis lang iyon na sadya kong nilabas. Kabaliktaran talaga ang totoong nangyari. Hindi binigay ng pamilya Wade ang asset nila sa Ten Thousand Armies. Sa halip, pinangako ng Ten Thousand Armies ang katapatan nila sa akin. Ayoko lang maging sentro ng atensyon ang pamilya Wade, kaya nangyari ang tsismis na ito.”Nagulantang si Janus sa sinabi ni Charlie, at hindi siya makapaniwala dito. Hindi sinabi ni Charlie sa kanya ang tungkol dito kanina.Nasa ilalim na ni Charlie ang sikat na Ten Thousand Armies, at isang malaking dagdag ito sa lakas ng pamilya Wade. Nasa daang-daang bilyong US dollars ang asset ng pamilya Fox, pero kahit sila ay hindi kayang gumawa ng isang ar
Read more

Kabanata 4159

Kanina, akala ni Janus na ilalagay ni Charlie ang sarili niya sa masamang sitwasyon dahil inutusa niya ang mga ninja na iyon na dukutin si Homer. Sobrang mapanganib ang ginawa niya!Pero, nagbago na ang isip ni Janus ngayon. Mukhang hindi isang higante ang pamilya Fox para kay Charlie. Sa kabaliktaran, madaling kalaba lang ang pamilya Fox. Nakadepende sa saloobin ni Charlie kung kailan siya kikilos.Kahit sina Xavion o Spencer ay walang kalamangan sa harap ni Charlie.May Ten Thousand Armies si Charlie. Kung gusto niyang labanan ang pamilya Fox, hindi malaking problema ang pamilya Fox.Sa kabilang dako, nakay Charlie si Jordan Fox, ang dating head ng pamilya Fox bilang sikretong sandata niya.Kayang pabalikin ni Charlie si Jordan sa United States at ipahatid siya sa Ten Thousand Armies para siguraduhin ang kaligtasan niya. Kung gano’n, kailangan ibalik ni Spencer ang kapangyarihan niya. Marahil ay babawiin din ang posisyon niya bilang head ng pamilya.Kung hindi, sa sandaling nal
Read more

Kabanata 4160

Kinausap ni Porter ang dalawang natirang lalaki at inutusan sila, “Kunin niyo ang garbage truck na ito at sirain niyo ito.”Tumango ang isa sa mga lalaki at sinabi, “Mr. Porter, huwag kang mag-alala. Nakahanap ako ng isang car recycling station. Kaya nilang pagpira-pirasuhin ang mga kotse sa loob ng isang oras. Sa sandaling kinuha nila ang mga parter nito, yuyupiin nila ang mga kotse sa dose-dosenang bakal na discus. Walang makakahanap dito!”“Okay!” Tumango nang kuntento si Porter at sinabi, “Kayong dalawa, bilisan niyo at ayusin niyo na ito. Makipagkita kayo sa akin sa siyudid pagkatapos niyo.”“Masusunod!”***Samantala, sa wakas ay nakakuha na ng mga bakas ang pulis at ang pamilya Fox sa garbage truck sa parehong oras.Kahit na hindi nag-iwan ng kahit anong surveillance footage sa hotel si Kazuo at ang team niya, wala na sa kontrol niya ang monitoring surveillance ng munisipyo ng lungsod.Kaya, siguradong magpapakita ang kotse o ang mga tao sa nakapalibot na city surveillanc
Read more
PREV
1
...
414415416417418
...
575
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status