Nanginig si Kazuo sa takot. Kahit kailan ay hindi niya inaakala na uutusan siya ni Porter na putulin ang dalawang tainga ni Homer.Natakot din si Homer.Siya ang eldest young master ng pamilya Fox, at walang nangangahas na galawin siya. Pero, hinding-hindi niya inaakala na sobrang sama ng tao na nasa harap niya. Gusto niyang putulin ang dalawang tainga niya!Nataranta si Homer at umungol, “Kilala mo ba kung sino ako?! Ako si Homer mula sa pamilya Fox! Kailangan ko pa bang sabihin sa iyo kung gaano kalakas ang pamilya Fox?! Papatayin ka ng papa ko at ng lolo ko kung sasaktan mo ako!”Tumingin nang walang interes si Porter kay Homer bago sinabi nang walang bahala, “Ako si Porter, at galing ako sa Ten Thousand Armies. Wala akong pakialam sa iyo, isang apo lang ng pamilya Fox, o ang papa mo at ang lolo mo. Papatayin kita basta’t sasabihin ni Mr. Wade! Hindi man lang ako kukurap kahit na patayin ko ang buong pamilya mo!”Nang marinig ito ni Homer, naramdaman niya na gumagalaw na ang la
May dalawa nang madugong tainga sa sahig. Desperadong tinakpan ni Homer ang lugar kung nasaan dati ang mga tainga niya at patuloy siyang sumigaw, tuloy-tuloy ang pagdaloy ng dugo niya mula sa mga daliri niya.Isa itong kakila-kilabot na eksena.Pagkatapos ay sumenyas si Porter sa mga tauhan niya, “Gamutin niyo ang sugat niya.”Tumango ang tauhan niya at naglabas ng isang bote ng Golden Pain Medicine bago siya umabante at nagwisik ng medicinal powder sa mga sugat ni Homer.Pagkatapos, sinabi ni Porter kay Kazuo, “Pulutin mo ito sa sahig at linisin mo sila sa banyo. May pag gagamitan pa ako nito.”Hindi nangahas si Kazuo na suwayin si Porter, kaya nagmamadali siyang yumuko para pulitin ang dalawang tainga, naglakad sa banyo, at nilinisan ito gamit ang tubig.Samantala, isang helicopter ang dumating sa bakuran ng villa.Bumaba nang mag-isa si Charlie sa helicopter. Pagkatapos, isang sundalo muila sa Ten Thousand Armies ang umabante at binati siya nang magalang, sinabi niya, “Mr. Wa
Nakita ni Homer ang tunay na nakamamatay na layunin sa mga mata ni Charlie at natakot agad siya nang sukdulan!Lumuhod siya at yumuko habang umiiyak at nagmakaawa, “Mr. Wade, Ba… Bata ako at padalus-dalos… Patawarin mo sana ako ngayon at pagbigyan dahil ang pamilya ko naman ang pangalawang pinakamalaking Oskian family sa United States… Papayag din ang ama ko kahit gaano kalaking pera pa ang hilingin mo… Pakiusap…”Ayaw siyang makita ni Charlie na nagpapanggap, kaya, sinabi niya nang malamig, “Homer, sa tingin mo ba talaga ay pera ang lahat? Sobrang yaman ng lolo mo sa tuhod pero hindi ba’t nabigo siyang hawakan ang posisyon niya bilang head ng pamilya? May sasabihin ako sayo, hindi ako papayag kahit na ipagpalit mo ang buong asset ng pamilya Fox para sa buhay mo! Dapat pagbayaran ng mga matatanda ang presyo ng mga kilos nila! Hindi lang ikaw, pero kahit ang ama mo at ang lolo mo ay magbabayad para sa mga ginawa mo! Dahil tulad sa kasabihan, ang ama ang may kasalanan dahil hindi niya
Nang marinig ito ni Kazuo, sumigla siya.Hindi siya tanga, kaya paano niya hindi maiintindihan ang kahulugan sa likod ng mga sinabi ni Charlie?Biglang bumaliktad ang mentalidad niya ng 180 degree.Bago ito, natatakot siya na gaganti ang pamilya Fox sa pamilya Iga, at mauubos sila sa trahedya.Pero sa sandaling iyon, bigla niyang naramdaman na totoo ang isang kasabihan sa Oskia sa internet: ‘Kung makikipagsapalaran ka, posible ang kahit ano!’Nang maisip niya ito, nanabik na siya nang kaunti at sinabi niya, “Mr.. Wade, ibigay mo lang sa akin ang utos mo kahit ano pa ang kailangan mong ipagawa sa akin. Siguradong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapusin ang lahat!”Tumango nang kuntento si Charlie at ngumiti habang sinabi, “Okay! Tara na!”Pagkatapos itong sabihin, ipinaalam ni Charlie kay nang detalyado Kazuo ang mga kailangan niya.Pagkatapos itong marinig, kahit na nangangamba siya, sinabi ni Kazuo nang walang pag-aatubili, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade! Kukumpletuh
Ang Brooklyn ang dating pinaka-ghetto na siyudad sa New York.Sa kasalukuyan, kahit na umunlad na ang kapaligiran, ito pa rin ang medyo pinaka magulo at pinaka pangit na lugar sa New York.Lalo na sa North Brooklyn, kung saan napakaraming imigrante, at kaya ito ang pinakamaganda at pinakamalaking pinagkukunan ng tao para sa mga major gang sa New York.Maraming binata ang may dala-dalang baril kung saan-saan at masasabing nagsisilbi na sa isang gang sa edad na 12 o 13 years old.Sa 14 o 15 years old, umiinom na sila, nagsusugal, naninira ng pader, at nagnanakaw.Ang ganitong uri ng lugar ay may masamang seguridad at kung pipili ka nang sapalaran ng sampung binata, makakahanap sila ng labing-isang baril sa kanila. Kahit ang mga pulis ay hindi mangangahas na mag-patrol sa mga ganitong uri ng lugar, lalo na ang mga ordinaryong tao..Sinabihan din ni Kazuo si Xavion na magkita doon, sa hiling ni Charlie.Nang makita ni Xavion ang mensahe, nataranta siya at sinabi nang nagmamadali, “P
Nang dumating ang convoy ni Xavion sa Brooklyn, naakit talaga nito ang atensyon ng maraming kabataan sa kalye.Sa Brooklyn, ang mga gang boss lang ang kayang bumili ng Rolls-Royce, pero matagal nang alam ng mga lokal na gang member ang license plate ng mga Rolls-Royce ng mga boss na iyon. Kaya, nakikita nila sa isang tingin na dayuhan ang mga kotse na iyon.Hindi mapigilan ng ilang gang member na magkaroon ng masamang hangarin nang makita nila ang convoy.Pero, pagkatapos makita na may anim na kotse ang kabila, napagtanto ng kaisipan nila na wala silang magagawa kundi manood lang.Sa sandaling ito, si Xavion, na nasa loob ng kotse, ay biglang nakatanggap ng isang text message.Ngayon, iniba na ng kabila ang cellphone number at ipinadala ang mensahe: “Pumunta ka sa North Brooklyn Wharton Motel.”Ang motel ang pinakamababang uri ng express hotel sa United States.Nandito ang pinaka pangit na mga kwarto at lokasyon, na may pinaka maluwag at pinaka malalang seguridad.Hindi kailang
Pagkatapos matanggap ni Xavion ang text message na ito, tumingin siya sa ilang babae na nakatayo sa gilid ng kalsada, at nakita niya na ang blonde na babae na walang pangil ay ang babae na kakakatok lang sa bintana ng kanyang kotse. Hindi ba’t siya ang babae na gumulat sa kanya?Nang maisip niya na maaaring may AIDS din ang kabila, nahilo siya at halos nasuka na siya..Pero, hinding-hindi niya inaakala na ang misteryosong tao na dumukot sa anak niya ay sasabihan siya na maglagay ng pera sa kwelyo ng babaeng iyon!Hindi niya mapigilan na magmura nang galit. “Hindi ba’t inaapi niya ang isang tao na nasa mahinang posisyon kaysa sa kanya? Kung may gusto talaga siyang ibigay sa akin, hindi ba’t sapat nang sabihan ang babae na ilabas ito?!”Hindi mapigilan na itanong ng bodyguard, “Master, nag-text ba ulit sa iyo ang kabila?”Tumingin si Xavion sa babae na nasa labas ng bintana ng kotse at sinabi nang nandidiri, “Sinabi ng anak ng p*ta na iyon na maglagay ako ng one thousand dollars sa
Sinabi nang kinakabahan ng bodyguard, “Master, masyadong mapanganib kung direkta kang pupunta. Bakit hindi na lang muna ako pumunta at tingnan kung may mali sa babaeng iyon?!”“Hindi na…” Umiling si Xavion. Sinabi na ng kanyang ama, ni Spencer, ang lahat ng iyon. Kung mababalitaan ni Spencer na pinapunta niya ang ibang tao pra suriin ang babaeng iyon, siguradong madidismiya nang sobra si Spencer sa kanya.Kaya, ginawa niya na lang ito at binuksan ang pinto para lumabas sa kotse bago siya naglakad papunta sa babae na nasa gilid ng kalsada.Ilang babae ang hindi inaasahan na isang lalaki na nasa katanghaliang gulang ang bababa mula sa loob ng Cadillac at naglakad papunta sa kanila.Kaya, ilan sa kanila ang abala pa rin sa pagkakamot ng kanilang ulo at pagkindat, umaasa na makuha ang pabor ng lalaki.Mas lalong nandiri si Xavion nang makita niya ito.Pero, wala siyang nagawa kundi ihanda ang sarili niya at maglakad sa blonde na babae, nirolyo ang one thousand dollars sa kanyang kama
Para naman sa mga Acker, masyadong maraming beses na silang niligtas ni Charlie at isa-isa pang naglabas ng tatlong Rejuvenating Pill. Kaharap ang kabaitan na ito, naaalala ito nang mabuti ng mga miyembro ng pamilya Acker. Dati, walang utang na loob ang mga Acker sa kahit sino, pero ngayon, may utang na loob na sila kay Charlie na hindi nila kayang bayaran. Kaya, umaasa silang lahat na matatanggap ni Charlie ang mga asset ng mga Acker. Sa ganitong paraan, gagaan din ang kalooban nila.Sa sandaling ito, nagsalita si Charlie, “Lolo, kaya kong mangako na tatanggapin ko ang mga asset ng mga Acker, pero hindi muna ngayon. Dahil, sa mga mata ng Qing Eliminating Society, hindi pa rin nila alam ang presensya ko. Kung ipapadala ng mga Acker ang mga asset nang direkta sa pangalan ko, marahil ay mabunyag ang pagkakakilanlan ko sa parehong araw. Kaya, sa ngayon, pakitulungan muna akong hawakan ang mga asset na ito. Kapag natalo ko na ang Qing Eliminating Society, hindi pa huli para ibigay ang mga
Kaharap ang tanong ni Lord Acker, hindi nagpaligoy-ligoy si Charlie. Sinabi niya nang maayos, “Alam ko na hindi ka pa magaling, lalo na ang sitwasyon mo sa Alzheimer’s disease na mukhang hindi optimistiko. Kaya, bago kayo dumating ni Lola, nag-iwan ako ng isang formation at isang Rejuvenating Pill sa villa. Unti-unting ilalabas ng formation ang bisa ng Rejuvenating Pill, at uunlad ang kalusugan ng lahat ng nakatira sa loob. Bukod dito, kapag mas malala ang kalusugan, mas marami silang matatanggap na benepisyo.”Walang masabi ang mga miyembro ng pamilya Acker dahil sa gulat. May gustong sabihin si Lord Acker, pero parang nanigas ang kanyang vocal chords sa kalagitnaan, at hindi siya makagawa ng tunog nang ilang sandali.Kahit hindi siya nagsalita, naipon na ang mga luha sa mga mata niya. Naluluha na rin ang kanyang asawa sa tabi niya.Ang mataas na presyo na 300 billion US dollars para sa Rejuvenating Pill ay itinakda ng mga Acker, pero kahit na handang magbayad ng 300 billion US dol
Nagsalita si Keith at sinabi, “Simula ngayon, ang 60% ng lahat ng asset sa iba’t ibang larangan ng industriya ng mga Acker ay ililipat sa pangalan ni Charlie.”Ngapatuloy siya, “Huwag niyo munang ipahayag ang opinyon niya. Hayaan niyong ipaliwanag ko ang desisyon na ito. May tatlong dahilan. Una, ang hindi bababa sa kalahati ng kasalukuyang asset ng mga Acker ay kinita ng ina ni Charlie. Pangalawa, maraming taon nang wala sa bahay si Charlie, at may utang tayo sa kanya. Pangatlo, dalawang beses niligtas ni Charlie ang mga Acker, at ginawan niya tayo ng pabor. Ano sa tingin niyo?”Sabay-sabay na sumagot ang mga tito at tita ni Charlie, “Pa, wala kaming tutol!”Sa puntong ito, nagsalita si Charlie, “Lola, ang mga asset ng mga Acker ay pagmamay-ari ng mga Acker, hindi sa akin. Hindi ko ito matatanggap.”Kinaway ni Keith ang kanyang kamay at sinabi, “Charlie, nagiging magalang lang ako sayo. Hindi mahalaga ang pera sa mga Acker. Kahit na bigyan ka namin ng 60%, aabot ng ilang henerasyo
Tumango nang bahagya si Jaxson at binulong, “Naiintindihan ko, Pa…”Hindi na nagsalita masyado si Keith. Sa halip, ipinakilala niya ang tita ni Charlie, sinasabi, “Charlie, ito ang tita mo, si Lulu. Ang huling beses na pumunta ka sa United States kasama ang iyong ina, bata pa lang siya. Siya ang pinakamahal ng mama mo dati.”Magalang na binati ni Charlie, “Hello, Aunt Lulu.”Namula ang mga mata ni Lulu, at umiyak siya habang umabante para yakapin si Charlie, humihikbi habang sinasabi, “Maraming taon na akong naghihintay para makauwi ka, Charlie. Charlie, lumaki ka na at ang dami mo nang nakamit. Siguradong ipinagmamalaki ka ng mga magulang mo sa langit…”Bilang pinakabata sa mga Acker, natural na natanggap ni Lulu ang pinakamaraming pagmamahal. Pinalaki siya ng kanyang ate simula pagkabata, kaya maituturing na naging parang isang ina si Ashley para kay Lulu. Kahit hindi na sabihin, minahal din siya nang sobra ng tatlong kapatid na lalaki ni Lulu.Kahit na ang pinaka pinapahalagaha
Kumakain siya kasama ang kanyang lolo at lola at ang pamilya nila sa unang pagkakataon makalipas ang dalawampung taon, pero pakiramdam ni Charlie na hindi makahabol ang utak niya bago pa magsimula ang pagkain.Hindi niya sinabi sa lolo at lola niya o kay Merlin ang tungkol sa Apocalyptic Book na nakuha niya. Sa ngayon, kay Vera niya lang ibinahagi ang impormasyon na ito. Hindi ito dahil ibinahagi ni Vera ang sikreto niya na apat na raang taon na siyang buhay, ngunit dahil sa kailaliman niya, pakiramdam niya na sobrang pareho sila ni Vera. Masasabi pa na may parehong pagkakaintindihan silang dalawa. Hindi pagmamalabis na sabihin na siya ang confidante niya.Sa sandaling ito, ang gusto lang ni Charlie ay makita si Vera sa lalong madaling panahon. Pakiramdam niya na ang tungkol sa ascending dragon, ang Preface to the Apocalyptic Book, at ang Apocalyptic Book ay maaari lang pag-usapan kasama si Vera. Maraming alam si Vera at marahil ay matulungan niya siyang lutasin ang mga pagdududa niy
Pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, medyo nakakalito at mahira nga itong intindihin.Sa sandaling ito, ahit si Keith ay nalito nang kaunti. Tumingin siya kay Charlie, kumunot ang noo, at sinabi, “Tama si Lulu. Si Charlie ang nag-iisang anak nila. Kapag mas mapanganib ang sitwasyon, mas lalyo dapat nilang ipinadala sa malayo ang anak nila, pero bakit nila sinama si Charlie sa Aurous Hill?”Pagkatapos itong sabihin, tinanong niya si Charlie, “Charlie, naaalala mo pa ba ang mga detalye noong dinala ka ng mga magulang mo sa Aurous Hill?”Nag-isip saglit si Charlie bago sumagot, “Magkasama kami sa Aurous Hill ng halos kalahating taon, at napakaraming detalye na hindi ko na maalala ngayon. Pero kung iisipin, wala akong napansin na kahit anong kakaiba sa oras na iyon.”Nagpatuloy siya, “Noon pa man, akala ko na pumunta ang mga magulang ko sa Aurous Hill dahil may alitan sila kay Lolo at sa buong pamilya Wade, kaya kailangan nilang manatili sa Aurous Hill. Kaya, sa pananaw ko, akala k
Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith
Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali
Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m