Natakot nang sobra ang babae dahil nakatutok sa kanya ang pistol ng napakaraming tao, kaya, nanginig siya at nagmamadaling nilabas ang isang gusot-gusot na kahon ng mga condom mula sa lumang shoulder bag na dala-dala niya.Tiningnan ni Xavion ang litrato ng condom at dumilim agad nang sobra ang ekspresyon sa kanyang mukha. Akala niya na isa lang itong prank at minura niya nang malamig, “Ito ang pinabigay sayo ng g*gong iyon sa akin?!”“Oo…” Nataranta ang babae at sinabi niya nang nagmamadali, “May… may pinapasabi rin siyang mensahe sa iyo…”Galit na sinigaw ni Xavion, “Sabihin mo ito! Papatayin kita kung mauutal ka o mag-aalangan ulit!”Nanginig sa takot ang babae at sinabi nang nagmamadali, “Sinabi niya… Pasensya na, Mr. Fox, nagmamadali ako at… hindi ako… hindi ako nakahanap ng isang maayos na lalagyan, kaya itong kahon na lang ang nagamit ko… Kahit na sobrang pangit ng balot, sobrang halaga pa rin ng mga laman sa loob nito…”Inabot ni Xavion ang kanyang kamay at kukunin na sana
Hinihiling niya na mahuli agad ang mga ninja na iyon at pagpira-pirasuhin sila, pero sa kasamaang palad, sa ngayon, hindi nila makuha ang totoong pagkakakilanlan ng mga ninja na iyon.Maraming ispiya si Spencer at karamihan ng mga bodyguard sa paligid ni Xavion ay nag-ulat sa kanya. Kaya, narinig na niya ang tungkol dito bago pa makabalik si Xavion.Partikular na mahal niya si Homer at nang marinig niya na pinutol ang mga tainga ng kanyang apo, nagalit siya at dahil nasa study room siya, binasag niya ang lahat na kaya niyang mabasag.Nang marinig ng old mistress ang balita, sumugod siya para makita ang nangyayari at sa wakas ay napigilan niya si Spencer. Pagkatapos niyang malaman ang buong kwento, pinadyak niya ang kanyang paa sa pagkabalisa at nang makita niya na wala nang mababasa sa study room, sinimulan niyang suntukin si Spencer habang umiiyak at sumisigaw, “Kailangan mong iligtas nang buhay ang apo ko. Kung hindi, mamamatay ako bago ka!”Masama ang loob ni Spencer at ayaw niy
Ang pinaka gusto ni Charlie ay durugin ang puso at katawan ng isang tao.Alam niya ang pinaka pinapahalagahan ng mga mayayamang tao, kaya, nahahanap niya palagi ang kahinaan nila.Para sa karamihan ng mga mayayamang tao, dalawang bagay lang ang inaalala nila—kita at reputasyon.Dahil gusto niyang palakihin ang bagay na ito at gumawa ng mas malaking pinsala sa pamilya Fox, ang ganitong paraan ng paglalantad ng iskandalo ang pinakamagandang solusyon.Nang nakauwi si Xavion at nakita nag isang grupo ng galit na mga miyembro ng pamilya, napagtanto niya na naging sikat na siya sa internet.Nang makita niya na marahas na kumakalat sa internet ang video niya, halos namatay na siya sa galit.Nandiri siya nang sobra habang nasa daan dahil sa hindi kanais-nais na babaeng kalye at halos nasuka na siya nang ilang beses sa kotse.Kasama na ang pakiramdam ng paghahawk ng dalawang tainga ng anak niya, mas lalong naging miserable ang nararamdaman niya.Pagkatapos itong iuwi at nang handa na si
Sinabi ng isa, “Sa tingin ko ay siguradong manyakis si Xavion Fox. Kung hindi, imposible para sa kanya na lapitan ang ganitong prostitute. Ang ganitong uri ng prostitute ay 10 dollars lang sa kalye at wala mang lang titingin sa kanila!”“Sa tingin ko ay hindi makakapagpahinga nang payapa ang mga ninuno ng pamilya Fox! Siguradong hindi nila maintindihan kung paano sila nakagawa ng ganitong supling sa sarili nilang pamilya!”Sinabi ng iba, “Sa tingin ko ay may abnormal na kagustuhan si Xavion Fox. Marahil ay ang mga taong may pera ay gusto ang babae na puno ng butas mula sa mga karayo, at marahil ay may AIDS pa.”May ilang nakapipinsalang tao pa na nagkomento, “Marahil ay hindi mo ito alam pero nag-invest ang pamilya Fox sa maraming drug research and developed teams at mga biological laboratory sa mga nagdaang taon. Hula ko na marahil ay nakagawa ang pamilya Fox ng isang espesyal na gamot para gamutin ang AIDS at balak ng master ng pamilya Fox na magkaroon ng AIDS para subukan ang gam
Sa opinyon ni Spencer, hindi mahalaga kung mali ang pagkakaintindi sa kanila basta’t mababaliktad nila ito sa lalong madaling panahon, madalas ay makakakuha sila ng magandang resulta.Halimbawa, ang mga love movie sa buong mundo. Madalas ay may hindi maayos na opinyon ang lalaki at babaeng bida sa isa’t isa, at madalis silang nagkakaroon ng gusto sa isa’t isa pagkatapos masira ang opinyon na iyon.Ganito ang ugali ng tao.Kaya, naramdaman ni Spencer na magandang pagkakataon ito para sa crisis management ng public relations.Basta’t sasamantalahin nila ang pagkakataon na bigyan ng katauhan si Xavion bilang isang dakilang ama, hindi lang mababaliktad ni Xavion ang mga bagay-bagay, ngunit magkakaroon din ng mas magandang pundasyon ang pamilya Fox.Sa sandaling ito, ang nakababatang kapatid niya, si Steton, ay nagsalita. “Kuya, hindi ba’t masyadong detalyado kung iimbitahin natin nang direkta ang mga reporter sa bahay natin? Kahit na hindi magalit ang mga kidnapper, iisipin ng iba na
Nagpadala sila ng maraming tao para maghanap ng mga saksi na malapit sa eksena ng pangyayari sa Brooklyn, kasunod ang pangako na 100 thousand US dollars na pera para makuha ang video na nakuha sa oras ng pangyayari na iyon.Bukod dito, nangako rin ang pamilya Fox sa paggamit ng cash transaction para sa lahat ng magbibigay ng video, at walang personal na impormasyon nila ang itatala, para masigurado ang mga tao na iyon.Kahit hindi na sabihin, sobrang epektibo ng ginawa nila.Sa lalong madaling panahon, kumalat ang balita sa Brooklyn at lumapit ang mga taong kumuha ng video at binenta ang mga video nila sa pamilya Fox.Sa loob ng dalawampung minuto, binili ng pamilya Fox ang walong iba’t ibang video na nakuha sa iba’t ibang pananaw.Pero, ang ilang sa kanila ay nagsimula lang kumuha ng video nang hinalikan ni Xavion ang prostitute habang ang iba ay kumuha lang ng video nang mahanap ni Xavion ang dalawang tainga.Ang pangalawang video ang gusto ng pamilya Fox.Ito ay dahil gusto n
Hindi talaga inaasahan ni Finley na may tao sa mundong ito na mangangahas na putulin ang mga tainga ni Homer.Mrahil ang ganitong uri ng bagay, tulad ng pagpuputol ng mga tainga, ay hindi mangyayari ng kahit isang beses sa mga malalaking pamilya.Ito ay dahil medyo malupit talaga ang mga ganitong pamamaraan. Kahit gaano pa kalaki ang isang pamilya, sa sandaling pinutol ang mga tainga ng isang miyembro, siguradong lalabanan ng pamilya na iyon ang kabila kahit anong mangyari.Hindi niya mapigilan na ibulong sa sarili niya, “Kung ang mga ninja talaga na iyon ang gumawa nito, siguradong hindi sila magkakaroon ng ganitong tapang… Dahil, nandoon ang lakas ng pamilya Fox. Kahit na nahahati ng malayong distansya ang United States at Japan, sa sandaling nagpasya ang pamilya Fox na patayin ang isang tao, hindi malalabanan ng pamilya Iga ang pamilya Fox.”Nang maisip niya ito, hindi niya mapigilan na isipin sa sarili niya, ‘Maaari ba na hindi ang mga ninja ang totoong mastermind sa likod nito
Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Finley, “Kapag tapos na ang bagay na ito at nakabalik na nang ligtas si Young Master Fox, sasabihin ko sa kanya na patigilin ka nang magtrabaho sa pamilya Fox sa hinaharap at pwede kang pumunta sa Seattle kasama ko.”Tinanong nang kasambahay sa sorpresa, “Young Master George… Seryoso ka ba?!”“Syempre!” Hinawakan ni Finley ang kanyang mukha at sinabi nang mapagmahal, “Ikaw ang babae na ako, si Finley George, ay nagustuhan. Imposible na hayaan ko ang babaeng gusto ko na magtrabaho bilang kasambahay sa bahay ng iba. Nakatadhana ka na maging isang mistress at hayaan ang iba na pagsilbihan ka at alagaan ka. Paano ko magagawa na hayaan kang alagaan ang iba?”Nahulog agad nang sobra ang kasambahay dahil sa mga malambing na sinabi ni Finley. Mukhang nahulog siya nang direkta sa dagat.Naramdaman niya na siya na ang pinakamasayang Cinderella sa buong mundo at sa wakas ay nandito na ang Prince Charming niya.Agad binuksan ni Finley ang pangarap ng isa
Para naman sa mga Acker, masyadong maraming beses na silang niligtas ni Charlie at isa-isa pang naglabas ng tatlong Rejuvenating Pill. Kaharap ang kabaitan na ito, naaalala ito nang mabuti ng mga miyembro ng pamilya Acker. Dati, walang utang na loob ang mga Acker sa kahit sino, pero ngayon, may utang na loob na sila kay Charlie na hindi nila kayang bayaran. Kaya, umaasa silang lahat na matatanggap ni Charlie ang mga asset ng mga Acker. Sa ganitong paraan, gagaan din ang kalooban nila.Sa sandaling ito, nagsalita si Charlie, “Lolo, kaya kong mangako na tatanggapin ko ang mga asset ng mga Acker, pero hindi muna ngayon. Dahil, sa mga mata ng Qing Eliminating Society, hindi pa rin nila alam ang presensya ko. Kung ipapadala ng mga Acker ang mga asset nang direkta sa pangalan ko, marahil ay mabunyag ang pagkakakilanlan ko sa parehong araw. Kaya, sa ngayon, pakitulungan muna akong hawakan ang mga asset na ito. Kapag natalo ko na ang Qing Eliminating Society, hindi pa huli para ibigay ang mga
Kaharap ang tanong ni Lord Acker, hindi nagpaligoy-ligoy si Charlie. Sinabi niya nang maayos, “Alam ko na hindi ka pa magaling, lalo na ang sitwasyon mo sa Alzheimer’s disease na mukhang hindi optimistiko. Kaya, bago kayo dumating ni Lola, nag-iwan ako ng isang formation at isang Rejuvenating Pill sa villa. Unti-unting ilalabas ng formation ang bisa ng Rejuvenating Pill, at uunlad ang kalusugan ng lahat ng nakatira sa loob. Bukod dito, kapag mas malala ang kalusugan, mas marami silang matatanggap na benepisyo.”Walang masabi ang mga miyembro ng pamilya Acker dahil sa gulat. May gustong sabihin si Lord Acker, pero parang nanigas ang kanyang vocal chords sa kalagitnaan, at hindi siya makagawa ng tunog nang ilang sandali.Kahit hindi siya nagsalita, naipon na ang mga luha sa mga mata niya. Naluluha na rin ang kanyang asawa sa tabi niya.Ang mataas na presyo na 300 billion US dollars para sa Rejuvenating Pill ay itinakda ng mga Acker, pero kahit na handang magbayad ng 300 billion US dol
Nagsalita si Keith at sinabi, “Simula ngayon, ang 60% ng lahat ng asset sa iba’t ibang larangan ng industriya ng mga Acker ay ililipat sa pangalan ni Charlie.”Ngapatuloy siya, “Huwag niyo munang ipahayag ang opinyon niya. Hayaan niyong ipaliwanag ko ang desisyon na ito. May tatlong dahilan. Una, ang hindi bababa sa kalahati ng kasalukuyang asset ng mga Acker ay kinita ng ina ni Charlie. Pangalawa, maraming taon nang wala sa bahay si Charlie, at may utang tayo sa kanya. Pangatlo, dalawang beses niligtas ni Charlie ang mga Acker, at ginawan niya tayo ng pabor. Ano sa tingin niyo?”Sabay-sabay na sumagot ang mga tito at tita ni Charlie, “Pa, wala kaming tutol!”Sa puntong ito, nagsalita si Charlie, “Lola, ang mga asset ng mga Acker ay pagmamay-ari ng mga Acker, hindi sa akin. Hindi ko ito matatanggap.”Kinaway ni Keith ang kanyang kamay at sinabi, “Charlie, nagiging magalang lang ako sayo. Hindi mahalaga ang pera sa mga Acker. Kahit na bigyan ka namin ng 60%, aabot ng ilang henerasyo
Tumango nang bahagya si Jaxson at binulong, “Naiintindihan ko, Pa…”Hindi na nagsalita masyado si Keith. Sa halip, ipinakilala niya ang tita ni Charlie, sinasabi, “Charlie, ito ang tita mo, si Lulu. Ang huling beses na pumunta ka sa United States kasama ang iyong ina, bata pa lang siya. Siya ang pinakamahal ng mama mo dati.”Magalang na binati ni Charlie, “Hello, Aunt Lulu.”Namula ang mga mata ni Lulu, at umiyak siya habang umabante para yakapin si Charlie, humihikbi habang sinasabi, “Maraming taon na akong naghihintay para makauwi ka, Charlie. Charlie, lumaki ka na at ang dami mo nang nakamit. Siguradong ipinagmamalaki ka ng mga magulang mo sa langit…”Bilang pinakabata sa mga Acker, natural na natanggap ni Lulu ang pinakamaraming pagmamahal. Pinalaki siya ng kanyang ate simula pagkabata, kaya maituturing na naging parang isang ina si Ashley para kay Lulu. Kahit hindi na sabihin, minahal din siya nang sobra ng tatlong kapatid na lalaki ni Lulu.Kahit na ang pinaka pinapahalagaha
Kumakain siya kasama ang kanyang lolo at lola at ang pamilya nila sa unang pagkakataon makalipas ang dalawampung taon, pero pakiramdam ni Charlie na hindi makahabol ang utak niya bago pa magsimula ang pagkain.Hindi niya sinabi sa lolo at lola niya o kay Merlin ang tungkol sa Apocalyptic Book na nakuha niya. Sa ngayon, kay Vera niya lang ibinahagi ang impormasyon na ito. Hindi ito dahil ibinahagi ni Vera ang sikreto niya na apat na raang taon na siyang buhay, ngunit dahil sa kailaliman niya, pakiramdam niya na sobrang pareho sila ni Vera. Masasabi pa na may parehong pagkakaintindihan silang dalawa. Hindi pagmamalabis na sabihin na siya ang confidante niya.Sa sandaling ito, ang gusto lang ni Charlie ay makita si Vera sa lalong madaling panahon. Pakiramdam niya na ang tungkol sa ascending dragon, ang Preface to the Apocalyptic Book, at ang Apocalyptic Book ay maaari lang pag-usapan kasama si Vera. Maraming alam si Vera at marahil ay matulungan niya siyang lutasin ang mga pagdududa niy
Pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, medyo nakakalito at mahira nga itong intindihin.Sa sandaling ito, ahit si Keith ay nalito nang kaunti. Tumingin siya kay Charlie, kumunot ang noo, at sinabi, “Tama si Lulu. Si Charlie ang nag-iisang anak nila. Kapag mas mapanganib ang sitwasyon, mas lalyo dapat nilang ipinadala sa malayo ang anak nila, pero bakit nila sinama si Charlie sa Aurous Hill?”Pagkatapos itong sabihin, tinanong niya si Charlie, “Charlie, naaalala mo pa ba ang mga detalye noong dinala ka ng mga magulang mo sa Aurous Hill?”Nag-isip saglit si Charlie bago sumagot, “Magkasama kami sa Aurous Hill ng halos kalahating taon, at napakaraming detalye na hindi ko na maalala ngayon. Pero kung iisipin, wala akong napansin na kahit anong kakaiba sa oras na iyon.”Nagpatuloy siya, “Noon pa man, akala ko na pumunta ang mga magulang ko sa Aurous Hill dahil may alitan sila kay Lolo at sa buong pamilya Wade, kaya kailangan nilang manatili sa Aurous Hill. Kaya, sa pananaw ko, akala k
Dahil sa mga sinabi ni Merlin, biglang naging malinaw sa mga tao ang lahat ng nangyari.Sa napakaraming taon, hindi maintindihan ng mga Acker kung bakit nakipag-away si Curtis, na puno ng husay sa panitikan at may maginoong kilos, sa pamilya Rothschild sa magaspang na paraan. Kahit si Charlie ay hindi maintindihan kung bakit kinalaban ng kanyang ama ng pamilya Rothschild. Sa matagal na panahon, naisip pa ni Charlie na ang mga sobrang yaman at makapangyarihan ng pamilya Rothschild pa ang mga salarin sa likod ng pagpatay sa mga magulang niya.Pero ngayong araw, pagkatapos makipag-usap nang matagal sa pamilya ng kanyang lolo at kay Merlin, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit kumilos nang ganito ang kanyang ama dati. Gusto niya lang gumawa ng maayos na distansya mula sa pamilya Wade at kahit sa mga Acker.Marahil ay napagtanto na niya at ng kanyang ina na may kaharap silang panganib at gusto nilang dumistansya sa dalawang pamilya para protektahan sila.Hindi mapigilan ni Keith
Umiling si Christian at sinabi, “Hindi ako interesado sa mga bagay na iyon, kaya hindi ko ito binigyan ng atensyon.”Tinanong ulit ni Charlie, “Alam mo ba kung saan napunta ang libro na ito pagkatapos?”Patuloy na umiling si Christian. “Hindi ko alam… Pagkatapos pag-aralan ng mga magulang mo ang libro na iyon, pumunta sila sa Oskia para sa ilang kadahilanan. Para naman sa kung saan napunta ang libro, hindi rin ako sigurado.”Tumango si Charlie. Mukhang ang pag-alis ng mga magulang niya sa United States at pagpunta sa Oskia ay iba sa iniisip niya dati.Dati, naalala ni Charlie na naging malamig ang kanyang lolo sa kanyang ama, kaya palagi niyang iniisip na bumalik ang mga magulang niya sa Eastcliff dahil sa iba’t ibang pressure mula sa kanyang lolo, at ito ang naglatag ng pundasyon para sa kanilang pagkamatay sa hinaharap. Ngayon, mukhang aksidente nilang nakuha ang Preface to the Apocalyptic Book habang nasa United States, at pagkatapos saliksikin ang libro, nagpasya sila na bumali
Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m