Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 3801 - Kabanata 3810

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 3801 - Kabanata 3810

5738 Kabanata

Kabanata 3801

Nang maunang bumati si Kathleen, nakaramdam si Claire ng gulat at tuwa.Mapagkumbaba siyang sumagot, “Miss Jane, masyado naman kayong pormal. Ordinaryong tao lang ako kaya imposible namang narinig niyo na ang pangalan ko?”Tumawa si Kathleen. “Lagi kong naririnig ang pangalan mo kay Sherry. Mataas ang tingin niya sa’yo.”Habang nagsasalita si Kathleen, dinala niya si Claire sa reception area habang nakangiti, “Madam Wilson, umupo muna tayo at mag-usap.”“Sige.” Tumango si Claire at sinundan niya si Kathleen saka siya umupo sa reception area.Nang makaupo si Claire, pasimpleng inutusan ni Kathleen si Sherry, “Sherry, maghanda ka ng dalawang baso ng kape.”Pagkatapos, nilingon ulit ni Kathleen si Claire saka siya nagtanong, “Madam Wilson, anong klase ng kape ang gusto mo? Iisa lang ang capsule coffee machine ko rito, kaya pakiusap sana mapatawad mo ako para sa pagkukulang na ito.”Agad na kumaway si Claire, “Miss Jane, hindi mo kailangang mag-alala. Hindi ko kailangang uminom ng k
Magbasa pa

Kabanata 3802

Tumawa si Kathleen. “Bakit naman ako magbibiro ng ganyan? Totoong kakilala ko siya. Sa totoo lang, nagpadala rin ako sa kanya ng imbitasyon na pumunta ng Oskia dalawang araw ang nakararaan, sinabihan ko siyang dumaan rito kung may oras siya.”Makikita ang pananabik sa mukha ni Claire at hindi niya mapigilang magtanong, “Miss Jane, ano ang naging sagot ni Madam Wearstler sa imbitasyon niyo?”“Pumayag siya.” Ngumiti si Kathleen. “Pinag-usapan na namin kung anong oras kami magkikita. Sabi niya darating siya sa pinakamabilis na panahon. Nagkataon ring hindi pa siya nakakarating ng Oskia kaya interesado siyang bumisita.”Lalo pang nasabik si Claire nang marinig ito. “Miss Jane, may pakiusap sana ako. Hindi ako sigurado kung ayos lang ba…”Napatitig si Kathleen kay Claire habang nakangiti. “Madam Wilson, gusto mong makita si Kelly, tama ba?”“Oo!” Hindi inaakala ni Claire na mababasa agad ni Kathleen kung ano ang nasa isip niya. Nagtanong siya habang nasasabik at kinakabahan, “Miss Jane
Magbasa pa

Kabanata 3803

Nang marinig ni Claire ang mga salita ni Kathleen, bigla siyang nagkaroon ng realisasyon.Hindi niya pa nakakausap si Kathleen tungkol sa bagay na ito at madalas ang assistant ni Kathleen na si Sherry ang nakakausap niya tungkol sa renovation ng villa. Kaya, hindi niya alam kung ano ang intensyon ni Kathleen sa pagbili ng property na ito.Pero ngayong narinig niya ang dahilan mula kay Kathleen, agad niyang naunawaan sa loob ng kanyang puso ang dahilan.Kaya, agad siyang nagsalita, “Miss Jane, tama ka. Mas gusto ka ng mga nakatatanda ang Oskian style. Nakatuon sa mix and match ng iba’t ibang materyales ang Western modernist style, pero mas binibigyang atensyon ng Oskian style ang woodwork. Halimbawa, partikular ang tatay ko sa mga ancient Oskian style furniture. May Lexington sofa set kami sa bahay at gustong-gusto ito ng tatay ko. Nililinis niya pa nga ito nang pito hanggang walong beses bawat araw!”“Tama ang sinabi mo.” Para bang nakahanap si Kathleen ng isang kaibigan, “Ganyan r
Magbasa pa

Kabanata 3804

Nang malaman ni Kelly na interesado ang young lady ng pamilya Fox na maging kaibigan siya, natural na hindi siya nag-alangang pumayag, at kagabi lang, nangako na siya na iiwanan niya ang lahat ng hawak niyang project para lumipad ng Oskia at makita si Kathleen sa pinakamabilis na panahon.Ito ang kapangyarihan ng pera.Maihahalintulad ito sa mga ordinaryong tao na nangangarap na makakita ng artista. Handang magbayad ang netizen ng ilang milyong dolyar para lang sa appearance fees at siguradong lilipad ang artistang ito para samahan ang netizen sa kanyang birthday at kantahan ito.Isa pa itong bentahe kapag marami kang pera.Kaya, agad na bumalik si Sherry sa kanyang kwarto at tinawagan niya si Kelly.Nang sagutin ni Kelly ang tawag, direktang nagsalita si Sherry, “Hello, Miss Wearstler. Ako si Sherry Connor, ang assistant ni Miss Fox.”Nang marinig ito ni Kelly, magalang siyang nagsalita, “Hello, Miss Connor! Pwede ko bang tanungin kung ano ang gustong mangyari ni Miss Fox?”Tu
Magbasa pa

Kabanata 3805

Nang umalis si Claire ng Shangri-La, para bang wala pa siya sa kanyang sarili.Hindi talaga siya makapaniwala sa kakayahan na mayroon si Miss Jane. Hindi niya inaakalang magagawang imbitahan ni Miss Jane ang kanyang idol sa Aurous Hill sa iisang tawag lang.Higit sa lahat, imbitado rin si Claire na sumama sa kanilang pasyal.Para kay Claire, kasing saya ng okasyong ito ang manalo sa lotto.Nanatili ang saya at pananabik sa mukha ni Claire mula umaga hanggang gabi. Kita pa rin ang kanyang ngiti at hindi niya maitago ang saya sa kanyang mukha hanggang sa pag-uwi niya.Nang makita ni Charlie ang nakangiting si Claire pagkapasok nito ng pinto, hindi niya mapigilang magtanong, “Mahal, anong nangyari at ang saya mo? Nakangiti ka na para bang hindi mo masasara ang bibig mo…”Agad na lumapit si Claire at masaya siyang nagkuwento, “Mahal, may nangyaring maganda ngayong araw! Hindi ko mapigilang masabik!”Napatanong si Charlie sa pagtataka, “Ano ang nangyari? Sobrang saya mo naman yata.”S
Magbasa pa

Kabanata 3806

Nagawang alamin ni Kathleen na si Charlie ang may-ari ng Rejuvenating Pill sa loob lamang ng ilang araw na pananatili niya sa Aurous Hill. Nagawa niya ring makuha ang loob ng biyenan ni Charlie sa pamamagitan ng kaunting tulong at nahanap niya rin ang oportunidad na makamit ang ambisyon ni Claire sa larangan ng interior design. Talagang nakamamanghang babae si Kathleen.Higit sa lahat, pakiramdam ni Charlie malakas ang loob ni Kathleen.Halata namang alam niya na maraming nakatagong bibigatin o kaya eksperto sa Aurous Hill, pero pinili niya pa ring manatili sa halip na umalis. Masasabing kahit bata pa si Kathleen, hindi pwedeng maliitin ang kanyang kakayahan lalo na ang kanyang puso na malalim ang pang-unawa sa mundo.Habang ganito ang sitwasyon, lalong nararamdaman ni Charlie na isang malaking balakid si Kathleen.Sa kabutihang palad, hindi naman nakababahala ang kanyang presensya. Maliban dito, nang makita ni Charlie na masaya ang kanyang asawa, ayaw niya namang madismaya ito kap
Magbasa pa

Kabanata 3807

Sa ganap na alas nuwebe ng umaga sa Aurous Airport, isang matangkad at hindi gaanong katandaang babae na may blonde na buhok at kulay asul na mga mata ang dumating.Masasabing maganda ang itsura ng babaeng ito, pero madaling mapapansin na hindi na siya bata mula sa mga kulubot sa gilid ng kanyang mga mata.Siya si Kelly Wearstler at nasa 50s na ang edad niya.Subalit, dahil sa kanyang background bilang designer, nakakasabay pa rin siya sa trend ng fashion. Kung hindi mo titignan nang mabuti, iisipin mong nasa 30s pa lang siya.Nang maglakad si Kelly palabas ng airport, nakilala siya agad ni Claire sa isang sulyap lang, pero dahil kakatingin lang ni Kathleen ng impormasyon ni Kelly kahapon, nagulat siya at hindi niya ito nakilala agad.Mabuti na lang, nagawang makilala ni Kelly si Kathleen agad kaya magiliw siyang kumaway at sumigaw, “Jane, andito na ako!”Nakabalik agad si Kathleen sa kanyang huwisyo at napagtanto niyang si Kelly ang kumakaway sa kanya. Nagpanggap siyang nasasabi
Magbasa pa

Kabanata 3808

Napatitig si Kelly kay Kathleen nang buong sorpresa. Hindi niya inaasahang masyadong matalas ang isip ng young lady ng pamilya Fox at agad niyang mapapansin ang bagay na ito.Napangiti na lang nang bahagya si Kelly, “Sa totoo lang, kilang kilala siya sa American high society 30 na taon ang nakararaan. Hanggang ngayon, marami pa rin sa kanila ang bumabanggit ng kanyang pangalan nang buong respeto.”Nang marinig ito ni Kathleen, hndi niya mapigilang magtaka kaya napatanong siya, “Kung totoo ang sinasabi mo, baka narinig ko na ang pangalan niya. Ano pala ang pangalan niya? Ayos lang ba kung sabihin mo ito sa akin?”Napaisip si Kelly sa loob ng ilang sandali saka siya tumawa, “Ilang taon na rin simula nang lumisan siya sa mundong ito. Ayos lang naman siguro kung sasabihin ko.”Habang nagsasalita, nawala ang ngiti sa mukha ni Kelly at tila ba nangungulila siya sa taong hinahangaan niya. Kasabay nito, makikita ang lungkot sa kanyang mukha, “Ashley Acker ang pangalan niya. Siya ang tinata
Magbasa pa

Kabanata 3809

Hindi inaakala ni Kelly na kahit masyadong bata pa si Kathleen malalim na ang impresyon na mayroon siya kay Ashley.Higit sa lahat, mula sa ekspresyon ni Kathleen, nakikita ni Kelly na hinahangaan niya talaga si Ashley.Nakaramdam siya ng panatag sa kanyang loob at hindi niya mapigilang mapabuntong hininga, “Masaya akong marami pa ring nakakaalala sa kanya kahit ilang taon na ang nakalipas…”Tumango si Kathleen at agad siyang nagtanong, “Kelly, paano mo nakilala si Ashley Acker?”Puno ng pangungulila ang mukha ni Kelly nang tumugon siya, “Nang unang beses akong pumasok sa design industry, hindi naging maganda ang karanasan ko. Kahit marami akong ginawang high-end private house designs, marami sa mga high-end customers na ito ang mababa ang tingin sa akin dahil baguhan lang ako. Maliban dito, naririyan rin ang diskriminasyon bilang babae sa American society sa pagkakataong iyon. Syempre, walang pinagkaiba ang design industry…”Habang nagsasalita, bumuntong hininga si Kelly at nagsa
Magbasa pa

Kabanata 3810

Nang makauwi si Claire ng bahay at pagkaupo niya ng sofa, naramdaman niya ang pagod at pagkabalisa ng kanyang katawan.Nang makita ni Charlie na maraming paltos si Claire sa kanyang paa nang tanggalin nito ang kanyang medyas, hindi mapigilang mag-alala ni Charlie, “Mahal, anong ginawa mo buong araw? Bakit ang dami mong paltos?”Nahihiyang ngumiti si Claire, “Wala ako sa sarili ngayong araw kaya nakalimutan kong magsuot ng sneakers. Dinala ko sila sa maraming tourist spots sa Aurous Hill, mahigit siguro sa 20,000 steps ang nilakad ko ngayong araw.”Nang mabanggit ito, napasinghal si Claire, “Ayos lang naman. Bubuti rin ito bukas kapag nagsuot ako ng sneakers!”Napabulalas si Charlie, “Ganito na nga ang itsura ng paa mo pero lalabas ka pa bukas?!”Tumango si Claire at seryoso siyang nagsalita, “Syempre naman, pupunta ako! Mahal, hindi mo siguro alam pero marami akong natutunan sa simpleng pagsama kay Miss Jane at Madam Wearstler. Pakiramdam ko hindi kami pareho ng mundo dahil maram
Magbasa pa
PREV
1
...
379380381382383
...
574
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status