Share

Kabanata 3806

Author: Lord Leaf
Nagawang alamin ni Kathleen na si Charlie ang may-ari ng Rejuvenating Pill sa loob lamang ng ilang araw na pananatili niya sa Aurous Hill. Nagawa niya ring makuha ang loob ng biyenan ni Charlie sa pamamagitan ng kaunting tulong at nahanap niya rin ang oportunidad na makamit ang ambisyon ni Claire sa larangan ng interior design. Talagang nakamamanghang babae si Kathleen.

Higit sa lahat, pakiramdam ni Charlie malakas ang loob ni Kathleen.

Halata namang alam niya na maraming nakatagong bibigatin o kaya eksperto sa Aurous Hill, pero pinili niya pa ring manatili sa halip na umalis. Masasabing kahit bata pa si Kathleen, hindi pwedeng maliitin ang kanyang kakayahan lalo na ang kanyang puso na malalim ang pang-unawa sa mundo.

Habang ganito ang sitwasyon, lalong nararamdaman ni Charlie na isang malaking balakid si Kathleen.

Sa kabutihang palad, hindi naman nakababahala ang kanyang presensya. Maliban dito, nang makita ni Charlie na masaya ang kanyang asawa, ayaw niya namang madismaya ito kap
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3807

    Sa ganap na alas nuwebe ng umaga sa Aurous Airport, isang matangkad at hindi gaanong katandaang babae na may blonde na buhok at kulay asul na mga mata ang dumating.Masasabing maganda ang itsura ng babaeng ito, pero madaling mapapansin na hindi na siya bata mula sa mga kulubot sa gilid ng kanyang mga mata.Siya si Kelly Wearstler at nasa 50s na ang edad niya.Subalit, dahil sa kanyang background bilang designer, nakakasabay pa rin siya sa trend ng fashion. Kung hindi mo titignan nang mabuti, iisipin mong nasa 30s pa lang siya.Nang maglakad si Kelly palabas ng airport, nakilala siya agad ni Claire sa isang sulyap lang, pero dahil kakatingin lang ni Kathleen ng impormasyon ni Kelly kahapon, nagulat siya at hindi niya ito nakilala agad.Mabuti na lang, nagawang makilala ni Kelly si Kathleen agad kaya magiliw siyang kumaway at sumigaw, “Jane, andito na ako!”Nakabalik agad si Kathleen sa kanyang huwisyo at napagtanto niyang si Kelly ang kumakaway sa kanya. Nagpanggap siyang nasasabi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3808

    Napatitig si Kelly kay Kathleen nang buong sorpresa. Hindi niya inaasahang masyadong matalas ang isip ng young lady ng pamilya Fox at agad niyang mapapansin ang bagay na ito.Napangiti na lang nang bahagya si Kelly, “Sa totoo lang, kilang kilala siya sa American high society 30 na taon ang nakararaan. Hanggang ngayon, marami pa rin sa kanila ang bumabanggit ng kanyang pangalan nang buong respeto.”Nang marinig ito ni Kathleen, hndi niya mapigilang magtaka kaya napatanong siya, “Kung totoo ang sinasabi mo, baka narinig ko na ang pangalan niya. Ano pala ang pangalan niya? Ayos lang ba kung sabihin mo ito sa akin?”Napaisip si Kelly sa loob ng ilang sandali saka siya tumawa, “Ilang taon na rin simula nang lumisan siya sa mundong ito. Ayos lang naman siguro kung sasabihin ko.”Habang nagsasalita, nawala ang ngiti sa mukha ni Kelly at tila ba nangungulila siya sa taong hinahangaan niya. Kasabay nito, makikita ang lungkot sa kanyang mukha, “Ashley Acker ang pangalan niya. Siya ang tinata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3809

    Hindi inaakala ni Kelly na kahit masyadong bata pa si Kathleen malalim na ang impresyon na mayroon siya kay Ashley.Higit sa lahat, mula sa ekspresyon ni Kathleen, nakikita ni Kelly na hinahangaan niya talaga si Ashley.Nakaramdam siya ng panatag sa kanyang loob at hindi niya mapigilang mapabuntong hininga, “Masaya akong marami pa ring nakakaalala sa kanya kahit ilang taon na ang nakalipas…”Tumango si Kathleen at agad siyang nagtanong, “Kelly, paano mo nakilala si Ashley Acker?”Puno ng pangungulila ang mukha ni Kelly nang tumugon siya, “Nang unang beses akong pumasok sa design industry, hindi naging maganda ang karanasan ko. Kahit marami akong ginawang high-end private house designs, marami sa mga high-end customers na ito ang mababa ang tingin sa akin dahil baguhan lang ako. Maliban dito, naririyan rin ang diskriminasyon bilang babae sa American society sa pagkakataong iyon. Syempre, walang pinagkaiba ang design industry…”Habang nagsasalita, bumuntong hininga si Kelly at nagsa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3810

    Nang makauwi si Claire ng bahay at pagkaupo niya ng sofa, naramdaman niya ang pagod at pagkabalisa ng kanyang katawan.Nang makita ni Charlie na maraming paltos si Claire sa kanyang paa nang tanggalin nito ang kanyang medyas, hindi mapigilang mag-alala ni Charlie, “Mahal, anong ginawa mo buong araw? Bakit ang dami mong paltos?”Nahihiyang ngumiti si Claire, “Wala ako sa sarili ngayong araw kaya nakalimutan kong magsuot ng sneakers. Dinala ko sila sa maraming tourist spots sa Aurous Hill, mahigit siguro sa 20,000 steps ang nilakad ko ngayong araw.”Nang mabanggit ito, napasinghal si Claire, “Ayos lang naman. Bubuti rin ito bukas kapag nagsuot ako ng sneakers!”Napabulalas si Charlie, “Ganito na nga ang itsura ng paa mo pero lalabas ka pa bukas?!”Tumango si Claire at seryoso siyang nagsalita, “Syempre naman, pupunta ako! Mahal, hindi mo siguro alam pero marami akong natutunan sa simpleng pagsama kay Miss Jane at Madam Wearstler. Pakiramdam ko hindi kami pareho ng mundo dahil maram

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3811

    Nang marinig ni Charlie ang pangalan ng kanyang nanay sa bibig ng kanyang asawa, nagulantang siya at nanigas siya sa kanyang puwesto na para bang may naglagay ng mahika sa kanyang katawan.Sa pagkakataong ito, tila ba wala humiwalay ang kaluluwa ni Charlie sa kanyang katawan dahil sa matinding gulat. Nawalan siya ng kontrol sa kanyang emosyon at agad siyang nagtanong, “Ano ang sinabi nila sa’yo?!”Nang makita ni Claire na masyadong nabagabag si Charlie, napatanong siya sa sorpresa, “Mahal, bakit masyado ka namang nagulat? Narinig mo na ba ang tungkol kay Ashley Acker dati?”Tila ba nagkaroon ng bara sa lalamunan ni Charlie.Dati, ilang beses nang tinanong ni Claire ang sitwasyon ng mga magulang niya.Hindi kaya ni Charlie na magsinungaling tungkol sa kamatayan ng kanyang mga magulang, kaya sinabi niya nang matapat kay Claire na pumanaw ang kanyang mga magulang sa isang aksidente noong 8 years old siya.Subalit, kahit hindi nagawang magsinungaling ni Charlie tungkol sa bagay na it

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3812

    Pagkatapos, nagsuspetsa si Charlie na may kinalaman ang aksidente sa pamilya Rothschild pero wala pa siyang nahahanap na kahit anong impormasyon.Kaya, hindi mapigilan ni Charlie na magkaroon ng pag-asa sa loob ng kanyang puso pagkatapos marinig ang sinabi ni Claire.Pakiramdam niya, kapag nakahanap siya ng paran para makausap ang lolo ni Kathleen, magkakaroon ng posibilidad na malaman niya ang katotohanan sa likod ng aksidente!Nang maisip ito, nakapagpasya na siya sa loob ng kanyang puso. Kapag pumunta si Jordan ng Aurous Hill, kailangan niya itong puwersahin na magsalita kahit ano man ang mangyari! Kailangan niyang pigain mula kay Jordan ang lahat ng kuwentong nalalaman niya kahit dumating pa sa puntong kailangan niya itong alisan ng kamalayan o bigyan ito ng malakas na psychological hint!Sa parehong pagkakataon, nasabik si Charlie at mas inaabangan niya pa ang pagkakataong ito kumpara sa auction ng RejuvenatingPill!Para naman kay Kathleen, walang paki si Charlie kung ano pan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3813

    Hindi kasing ganda ng Rolls Royce ang Houlmount cars.Pero, sa mga mata ni Charlie, ang Houlmount ang pinakamahal na car brand sa Oskia at wala ng iba pa.Kaya, tama lang na ito ang gamitin nila.Sinunod ni Isaac ang utos ni Charlie at agad siyang tumugon, “Sige, Young Master. Ako na ang bahalang kumausap sa mga contacts ko. Sisiguruhin kong darating ang mga sasakyan sa susunod na dalawang araw.”Tumango si Charlie saka siya nagdagdag ng utos, “Huwag mong kalimutan na taasan ang presyo ng bawat kwarto. Ilang daan dapat na mas mataas ang presyo ng mga kwarto sa Shangri-La habang ginaganap ang auction ng Rejuvenating Pill. Maliban dito, hindi mo sila pwedeng bigyan ni kahit isang kusing para sa discount.”“Masusunod,” ngumiti si Isaac, “Huwag kayong mag-alala, Young Master. Naasikaso ko na ang bagay na ito. Hindi ko lang itinaas ng 100 na beses ang presyo ng mga kwarto natin pero may dagdag pa na 20% service charge, 20% security fees, at 20% organization fee. Sinubukan ko lang mag-i

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3814

    Higit sa lahat, black-market price na ang presyo ng unipormeng ito sa taas ng patong nila at profit margin na katumbas ng 99.99%.Sa pagkakataong ito, naging seryoso ang tono ng boses ni Charlie, “Mr. Cameron, tignan mo naman. Madalas na nagsusuot ng LV at Hermes ang grupo ng mga taong ito at akala nila nakamamangha sila dahil sa bagay na iyan. Ilang daang libo ang halaga ng bawat damit na may logo ng LV, at ang presyo naman ng isang Hemes bag ay hindi kapani-paniwala. Dahil arogante ang mga taong ito, hindi naman masama kung gagawin nating luxury brand ang Rejuvenating Pill. Ano naman ang laban ng Hermes kumpara sa sportswear natin na nagkakahalaga ng 1.5 million dollars?”Pinagpawisan si Isaac dahil sa hiya.Alam niyang maitim ang budhi ng kanyang young master minsan, pero hindi niya inakalang aabot sa ganitong punto.Kung lalabas ang impormasyong ito sa publiko, sasabihin nilang walang hiya ang management ng Shangri-La.Subalit, alam niyang ganito talaga kumilos si Charlie. Kah

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5738

    Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5737

    Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5736

    Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5735

    Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5734

    Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5733

    Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5732

    Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5731

    Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5730

    Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status