Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 371 - Kabanata 380

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 371 - Kabanata 380

5605 Kabanata

Kabanata 371

Buong umaga na nangarap nang gising si Elaine tungkol sa milyong dolyar na regalo sa kanya ni Jason. Ano kaya ito? Nawalan siya nang gana na maglaro ng baraha at mabilis siyang pumunta sa Divine Lounge para makipagkita kay Jason nang dumating ang oras.Ano kaya ang regalo? Alahas? Diyamante? Pera? Cheque? O iba?Para sa mga taong katulad ni Elaine, nakakaakit nang sobra ang mga marangyang regalo ni Jason.Noong nakaraang araw, nang ginamit niya ang cheque ni Claire para bayaran ang mga bayarin sa hospital at kinupit ang 160,000 dolyar, ilang araw siyang sobrang masaya sa katalinuhan niya.Kaya, agad siyang sumaya nang sobra nang maisip niya ang tungkol sa milyong dolyar na regalo sa kanya ni Jason.Sa 11:30 a.m., nagpaalam si Elaine sa mga kaibigan niya, sumakay ng taxi, at dumiretso sa Divine Lounge.Nang dumating siya sa restaurant, tumayo siya sa gilid ng pinto tulad nang pinag-usapan at hinintay na dumating si Jason.Hindi matagal, isang bagong itim na Mercedes Benz ang maba
last updateHuling Na-update : 2021-08-06
Magbasa pa

Kabanata 372

Pera lang ang nasa isipan niya!Para sa kanya, ang pinakaimportanteng elemento na hinahanap niya sa kanyang manugang ay dapat mayaman sila at handang gumastos ng pera para sa kanya. Kung hindi, sila ay mga dumi lang sa kanyang mga mata kahit gaano pa sila kagaling.Ang lalaking tulad ni Jason ang pinakamagandang kandidato bilang manugang niya dahil handa siyang gumastos sa biyenan niyang babae!Sobrang mapagbigay niya at binigyan siya ng Mercedes Benz bilang regalo bago pa maging sila ng anak niya, anong mangyayari kung papakasalan siya ni Claire? Bibigyan niya ba siya ng malaking mansyon o marangyang yacht?Sobrang saya niya, at kung ano-ano na ang naisip niya!Gayunpaman, kailangan niya pa ring ipakita ang pagiging magalang niya. Hinawakan niya ang braso ni Jason at sinabi niya nang tapat, “Jason, naantig ako sa pagiging mapagbigay mo, pero sobrang mahal ng kotse. Ayos lang ba talaga na tanggapin ko ito nang gano’n lang?”“Bakit naman hindi?” Sumagot si Jason. “Tita, ito ang ta
last updateHuling Na-update : 2021-08-06
Magbasa pa

Kabanata 373

Sa sandaling ito, sina Claire, Charlie, at Jacob ay kakatapos lang magtanghalian sa bahay.Habang papunta na si Charlie sa kusina upang maghugas ng mga pinagkainan, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula kay Xyla.Sa sandaling sinagot niya ang tawag, sumagot nang may kahihiyan si Xyla at sinabi, “Mr. Wade, ano pong ginagawa mo ngayon?”“Nasa bahay lang ako.” Sumagot nang kaswal si Charlie. Pagkatapos, tinanong niya, “Anong mayroon? May gusto ka bang sabihin sa akin?”Sa sandaling ito, mabilis na sumagot si Xyla, “Tinawagan po kita ngayon dahil may gusto akong i-ulat sa iyo.”“Magsalita ka.”Nagmamadaling ipinaliwanag ni Xyla ang sarili niya sa sandaling ito, “Ganito ang nangyari. Kahapon, pumunta sina Jason Grant at Kenneth Wilson sa klinika ng lolo ko at nagmakaawa sila na gamutin sila! Hindi alam ng lolo ko na kinalaban ka ni Kenneth at muntikan niya nang ibigay ang kalahati ng mahiwagang gamot na ibinigay mo sa kanya!”Dahil sa pagkausisa, tinanong ni Charlie, “Bakit? May mag
last updateHuling Na-update : 2021-08-06
Magbasa pa

Kabanata 374

Sumagot lang si Charlie, “Oo, pupunta ako at titingin mamayang hapon.”“Magaling iyon, Mr. Wade!” Sumigaw nang sabik si Xyla at sinabi, “Sasabihin ko na kay lolo ang magandang balita. Siguradong magiging sabik siya nang sobra!”Pagkatapos maglinis ni Charlie sa kusina, lumabas siya sa kusina at nakita niya na naghahanda nang umalis si Claire sa bahay. Pagkatapos, tinanong niya, “Mahal kong asawa, pupunta ka na ba sa studio mo?”Umiling si Claire bago sinabi, “Hindi. Tinawagan ako ni Mama at sinabi niya sa akin na may kaibigan siyang interesado na magpa-renovate ng villa. Kaya, pupunta ako roon para tingnan ito.”Sa sandaling ito, sumagot nang nagmamadali si Charlie, “Saang lugar ka pupunta?”Sumagot agad si Claire, “Sa villa sa tabi ng ilog.”Ngumiti si Charlie bago siya sumagot, “Sakto! Pwede mo ba akong ibaba sa Serene World Clinic habang papunta ka sa villa? Gusto kong bisitahin ang henyong doktor, si Dr. Simmons.”Nasorpresa nang sobra si Claire at tinanong niya, “Kikitain m
last updateHuling Na-update : 2021-08-06
Magbasa pa

Kabanata 375

Nang makita ni Charlie na sumaludo at yumuko si Anthony sa harap niya, iwinagayway ni Charlie ang kanyang kamay bago niya sinabi. “Mr. Simmons, hindi mo na kailangan na maging sobrang galang sa akin. Hindi mo na rin ako kailangang tawaging Mr. Wade, pwede mo akong tawaging Charlie.”“Paano ko ito magagawa?” Nagmamadaling yumuko si Anthony sa harap niya at sinabi, “Mr. Wade, ikaw ang master ko, kaya paano ko kakayanin na tawagin ka sa unang pangalan mo?”Nang makita ni Charlit kung gaano makulit at paulit-ulit ang matandang lalaki, hindi na niya siya pinilit. Sa halip, sinabi niya lang, “‘Narinig ko na pumunta sina Jason Grant at Kenneth Wilson kahapon para makita ka?”Nasorpresa nang sobra si Anthony sa sandaling ito. “Mr. Wade, paano mo ito nalaman?”Nilabas ni Xyla ang kanyang dila at sinabi, “Lolo, ako ang nagsabi kay Mr. Wade tungkol dito…”Agad pinagsabihan ni Anthony si Xyla. “Dalaga! Sobrang abala ni Mr. Wade sa mga pang araw-araw na gawain niya, kaya paano mo siya inabala
last updateHuling Na-update : 2021-08-08
Magbasa pa

Kabanata 376

Tulad sa kasabihan, ang tao ay hindi dapat bigyan ng gantimpala para sa merito.Naramdaman ni Anthony na ang ginawa niya lang ay tanggihan sina Jason at Kenneth. Sa opinyon niya, hindi siya karapat-dapat na makatanggap ng mahalagang medisina mula kay Charlie dahil sa maliit na ginawa niya.Pero, walang pakialam dito si Charlie.Kung gusto niya talagang gawin ang medisinang ito, kaya niyang gumawa ng libo-libong medisina tulad nito sa isang araw.Ang tanging dahilan kung bakit hindi siya gumawa ng maraming tableta ay dahil gusto niyang manatiling mahalaga ang mahiwagang tabletang ito.Kaya, wala lang kay Charlie ang pagbibigay ng isa pang mahiwagang tableta kay Anthony.Sinabi ni Charlie nang magaan, “Mr. Simmons, dahil gusto mong manatili sa tabi ko at ibahagi ang mga pag-aalala ko, dapat mong malaman na palagi kong bibigyan ng pabuya at paparusuhan ang mga tao sa kilos nila. Sa tingin ko ay magaling ang ginawa mo at sa tingin ko ay dapat kitang biyayaan. Kaya, natural lang na bi
last updateHuling Na-update : 2021-08-08
Magbasa pa

Kabanata 377

Ang ama ni Jason, si Justin, ay wala pang sinasabing salita at tiningnan niya lang si Elaine mula ulo hanggang paa. Naramdaman niya na kahit medyo matanda na ang babaeng ito, nakakaakit pa rin siyang babae. Bukod dito, maituturing siyang mas maganda at nakakaakit sa mga kaparehong edad niya.Sa sandaling ito, tumingin siya kay Elaine na may sakim na ekspresyon sa kanyang mukha habang iniisip niya na kapag dumating dito si Claire mamaya, itatali niya agad silang dalawa! Pagkatapos, magagawa niya na ang gusto niya kay Elaine.Kung may oras pa siya, kaya niya pang galawin ang bata at magandang si Claire!Habang iniisip niya ito, ngumiti siya bago niya sinabi kay Elaine, “Oh, Miss Elaine, kung papayag si Claire na maging sila ni Jason, magiging magkamag-anak tayo sa hinaharap!”Tumingin si Elaine kay Justin bago siya tumango at sinabi sa masayang tono, “Oo, Mr. Grant. Magiging biyaya sa pamilya namin kung magiging magkamag-anak tayo sa hinaharap!”Ngumiti si Justin at sinabi, “Sa ting
last updateHuling Na-update : 2021-08-08
Magbasa pa

Kabanata 378

Pagkatapos, nilabas ni Justin ang kanyang baril galing sa kanyang baywang bago niya ito sinuri at sinabi sa malamig na tono, “Sige. Pagdating ni Charlie, babarilin ko agad siya sa ulo! Paghihiganti agad kita!”***Walang alam si Claire.Hinintay niya ang ina niya sa pasukan ng villa sa tabing ilog at sa sandaling ito, bigla niyang nakita si Elaine na tumatakbo para puntahan siya.Mabilis na binuksan ni Elaine ang maliit na gate at sinabi, “Claire! Pumasok ka!”Tumango si Claire sa kanyang ina.Pagkatapos, hindi niya maiwasang itanong sa kanyang ina, “Ma, bakit wala pa akong naririnig tungkol sa kaibigan mong may villa sa tabing ilog?”Ang riverside villa ay matatagpuan sa tabi ng ilog at isa ito sa mga lokal na high-end na komunidad sa Aurous Hill. Ang lahat ng taong nakatira dito ay mga mayaman at makapangyarihan at halatang hindi ito maabot ng ordinaryong mga kaibigan ni Elaine.Ngumisi si Elaine bago niya sinabi, “Isa ito sa mga dati kong kaklase. Bumili siya ng villa dito k
last updateHuling Na-update : 2021-08-08
Magbasa pa

Kabanata 379

Hindi alam ni Elaine na tinutulak niya sa panganib ang kanyang anak sa sandaling ito, pati na rin ang sarili niya.Umaasa si Elaine na maaayos nina Claire at Jason ang mga hindi nila pagkakaintindihan at umaasa rin siya na gaganda ang tingin ni Claire kay Jason sa sandaling ito.Kung gagana ang plano, sa huli ay hihiwalayan na ni Claire ang walang kwentang basura na iyon, si Charlie, at pakakasalan niya si Jason.Hindi maiwasang mainis nang kaunti at mabalisa si Claire sa sandaling tinulak siya ng ina niya papasok ng villa.Alam niya na materyalistikong tao ang ina niya na walang moral pero akala niya na may limitasyon si Elaine.Gayunpaman, hindi siya makapaniwala na makikipagtulungan ang ina niya sa ibang tao para lokohin siya. Talagang sobrang nabigo siya sa kanya!Sa sandaling ito, tumalikod si Claire dahil gusto niyang umalis agad sa villa. Sa hindi inaasahan, sinra ni Jason ang pinto at ni-lock ito sa likod niya.Tumingin nang masama si Claire kay Jason na may malamig eksp
last updateHuling Na-update : 2021-08-08
Magbasa pa

Kabanata 380

Pinapangarap palagi ni Jason na tikman ang katawan ni Claire.Dahil, kilala si Claire bilang ang pinakamagandang babae sa Aurous Hill. Bukod dito, talagang karapat-dapat sa kanya ang titulong ito. Siya talaga ang pinakamaganda.Ngayon, magiging kanya na ang perpektong babae na ito. Sobrang nasabik siya dahil dito!Si Elaine, na nakatayo sa tabi ni Claire, ay tumingin kay Jason nang hindi makapaniwala.Hindi ba’t sinabi ni Jason na gusto niyang humingi ng tawad kay Claire bago siya magtatapat ng pag-ibig niya sa kanya?Anong nangyayari ngayon?Nagmamadaling umabante si Elaine bago niya pinigilan si Jason at sinabi, “Jason, anong nangyayari? Hindi ito ang sinabi mo sa akin!”“Manahimik ka!” Nagbago ang ekspresyon ni Jason bago niya agad sinipa si Elaine papunta sa sahig. Pagkatapos, umirap siya at sinabi, “Sa tingin mo ba talaga ay hiniling ko sa’yo na papuntahin ang anak mo dito para lang magtapat ako? Maging manugang mo? Nangangarap ka ata ng gising!”.Pagkatapos, nagpatuloy si
last updateHuling Na-update : 2021-08-08
Magbasa pa
PREV
1
...
3637383940
...
561
DMCA.com Protection Status