Nang makita ni Charlie na sumaludo at yumuko si Anthony sa harap niya, iwinagayway ni Charlie ang kanyang kamay bago niya sinabi. “Mr. Simmons, hindi mo na kailangan na maging sobrang galang sa akin. Hindi mo na rin ako kailangang tawaging Mr. Wade, pwede mo akong tawaging Charlie.”“Paano ko ito magagawa?” Nagmamadaling yumuko si Anthony sa harap niya at sinabi, “Mr. Wade, ikaw ang master ko, kaya paano ko kakayanin na tawagin ka sa unang pangalan mo?”Nang makita ni Charlit kung gaano makulit at paulit-ulit ang matandang lalaki, hindi na niya siya pinilit. Sa halip, sinabi niya lang, “‘Narinig ko na pumunta sina Jason Grant at Kenneth Wilson kahapon para makita ka?”Nasorpresa nang sobra si Anthony sa sandaling ito. “Mr. Wade, paano mo ito nalaman?”Nilabas ni Xyla ang kanyang dila at sinabi, “Lolo, ako ang nagsabi kay Mr. Wade tungkol dito…”Agad pinagsabihan ni Anthony si Xyla. “Dalaga! Sobrang abala ni Mr. Wade sa mga pang araw-araw na gawain niya, kaya paano mo siya inabala
Tulad sa kasabihan, ang tao ay hindi dapat bigyan ng gantimpala para sa merito.Naramdaman ni Anthony na ang ginawa niya lang ay tanggihan sina Jason at Kenneth. Sa opinyon niya, hindi siya karapat-dapat na makatanggap ng mahalagang medisina mula kay Charlie dahil sa maliit na ginawa niya.Pero, walang pakialam dito si Charlie.Kung gusto niya talagang gawin ang medisinang ito, kaya niyang gumawa ng libo-libong medisina tulad nito sa isang araw.Ang tanging dahilan kung bakit hindi siya gumawa ng maraming tableta ay dahil gusto niyang manatiling mahalaga ang mahiwagang tabletang ito.Kaya, wala lang kay Charlie ang pagbibigay ng isa pang mahiwagang tableta kay Anthony.Sinabi ni Charlie nang magaan, “Mr. Simmons, dahil gusto mong manatili sa tabi ko at ibahagi ang mga pag-aalala ko, dapat mong malaman na palagi kong bibigyan ng pabuya at paparusuhan ang mga tao sa kilos nila. Sa tingin ko ay magaling ang ginawa mo at sa tingin ko ay dapat kitang biyayaan. Kaya, natural lang na bi
Ang ama ni Jason, si Justin, ay wala pang sinasabing salita at tiningnan niya lang si Elaine mula ulo hanggang paa. Naramdaman niya na kahit medyo matanda na ang babaeng ito, nakakaakit pa rin siyang babae. Bukod dito, maituturing siyang mas maganda at nakakaakit sa mga kaparehong edad niya.Sa sandaling ito, tumingin siya kay Elaine na may sakim na ekspresyon sa kanyang mukha habang iniisip niya na kapag dumating dito si Claire mamaya, itatali niya agad silang dalawa! Pagkatapos, magagawa niya na ang gusto niya kay Elaine.Kung may oras pa siya, kaya niya pang galawin ang bata at magandang si Claire!Habang iniisip niya ito, ngumiti siya bago niya sinabi kay Elaine, “Oh, Miss Elaine, kung papayag si Claire na maging sila ni Jason, magiging magkamag-anak tayo sa hinaharap!”Tumingin si Elaine kay Justin bago siya tumango at sinabi sa masayang tono, “Oo, Mr. Grant. Magiging biyaya sa pamilya namin kung magiging magkamag-anak tayo sa hinaharap!”Ngumiti si Justin at sinabi, “Sa ting
Pagkatapos, nilabas ni Justin ang kanyang baril galing sa kanyang baywang bago niya ito sinuri at sinabi sa malamig na tono, “Sige. Pagdating ni Charlie, babarilin ko agad siya sa ulo! Paghihiganti agad kita!”***Walang alam si Claire.Hinintay niya ang ina niya sa pasukan ng villa sa tabing ilog at sa sandaling ito, bigla niyang nakita si Elaine na tumatakbo para puntahan siya.Mabilis na binuksan ni Elaine ang maliit na gate at sinabi, “Claire! Pumasok ka!”Tumango si Claire sa kanyang ina.Pagkatapos, hindi niya maiwasang itanong sa kanyang ina, “Ma, bakit wala pa akong naririnig tungkol sa kaibigan mong may villa sa tabing ilog?”Ang riverside villa ay matatagpuan sa tabi ng ilog at isa ito sa mga lokal na high-end na komunidad sa Aurous Hill. Ang lahat ng taong nakatira dito ay mga mayaman at makapangyarihan at halatang hindi ito maabot ng ordinaryong mga kaibigan ni Elaine.Ngumisi si Elaine bago niya sinabi, “Isa ito sa mga dati kong kaklase. Bumili siya ng villa dito k
Hindi alam ni Elaine na tinutulak niya sa panganib ang kanyang anak sa sandaling ito, pati na rin ang sarili niya.Umaasa si Elaine na maaayos nina Claire at Jason ang mga hindi nila pagkakaintindihan at umaasa rin siya na gaganda ang tingin ni Claire kay Jason sa sandaling ito.Kung gagana ang plano, sa huli ay hihiwalayan na ni Claire ang walang kwentang basura na iyon, si Charlie, at pakakasalan niya si Jason.Hindi maiwasang mainis nang kaunti at mabalisa si Claire sa sandaling tinulak siya ng ina niya papasok ng villa.Alam niya na materyalistikong tao ang ina niya na walang moral pero akala niya na may limitasyon si Elaine.Gayunpaman, hindi siya makapaniwala na makikipagtulungan ang ina niya sa ibang tao para lokohin siya. Talagang sobrang nabigo siya sa kanya!Sa sandaling ito, tumalikod si Claire dahil gusto niyang umalis agad sa villa. Sa hindi inaasahan, sinra ni Jason ang pinto at ni-lock ito sa likod niya.Tumingin nang masama si Claire kay Jason na may malamig eksp
Pinapangarap palagi ni Jason na tikman ang katawan ni Claire.Dahil, kilala si Claire bilang ang pinakamagandang babae sa Aurous Hill. Bukod dito, talagang karapat-dapat sa kanya ang titulong ito. Siya talaga ang pinakamaganda.Ngayon, magiging kanya na ang perpektong babae na ito. Sobrang nasabik siya dahil dito!Si Elaine, na nakatayo sa tabi ni Claire, ay tumingin kay Jason nang hindi makapaniwala.Hindi ba’t sinabi ni Jason na gusto niyang humingi ng tawad kay Claire bago siya magtatapat ng pag-ibig niya sa kanya?Anong nangyayari ngayon?Nagmamadaling umabante si Elaine bago niya pinigilan si Jason at sinabi, “Jason, anong nangyayari? Hindi ito ang sinabi mo sa akin!”“Manahimik ka!” Nagbago ang ekspresyon ni Jason bago niya agad sinipa si Elaine papunta sa sahig. Pagkatapos, umirap siya at sinabi, “Sa tingin mo ba talaga ay hiniling ko sa’yo na papuntahin ang anak mo dito para lang magtapat ako? Maging manugang mo? Nangangarap ka ata ng gising!”.Pagkatapos, nagpatuloy si
Natakot si Claire sa masamang ekspresyon ni Jason sa kanyang mukha.Nagpapanic na rin si Elaine sa sandaling ito.Sa sandaling ito, naramdaman ni Elaine na gusto niya talagang sampalin ang sarili niya.Bakit sobrang materyalistiko niya? Bakit niya pinilit ang kanyang anak na kitain si Jason?Magaling. Napunta siya at ang anak niya sa panganib nang dahil sa kanya...Pagkatapos, tumingin si Elaine kay Claire bago niya sinabi sa guilty na paraan, “Claire, hindi ko talaga alam na mangyayari to. Patawarin mo ako dahil nadamay ka pa…”Nagbuntong hininga si Claire habang umiyak siya pero wala siyang sinabi.Tumingin si Jason kay Elaine bago niya kinagat ang kanyang ngipin at sinabi, “Hindi ko talaga gustong gawin ito sa iyo. Sa una, ay gusto kong humanap ng doktor na gagamot sa asawa mo para maging maganda ang tingin sa akin ni Claire. Akala ko na papayag siyang maging kami kung magiging maganda ang tingin niya sa akin pagkatapos kong iligtas ang ama niya…”Nang sinabi niya ito, minut
”Ah, Charlie. Hindi mo inaasahan na ako ang tatawag sa’yo?”“Jason Grant?” Tinanong ni Charlie sa malamig na tono. “Bakit na sa’yo ang cellphone ni Claire?”Umirap si Jason at sinabi, “Dahil nasa akin na ang asawa mo! Handa na kong hubaran siya at mag-enjoy sa katawan niya!”Pagkatapos, sinabi ulit ni Jason, “Ah, siya nga pala, narinig ko na birhen pa rin si Claire? Hahaha! Charlie, wala ka talagang kwenta! Tatlong tao na kayong kasal ni Claire pero hindi pa kayo nagtatalik? Huwag kang mag-alala, sisirain ko ang pagiging birhen niya para sa’yo! Hahaha!”Nagalit nang sobra si Charlie sa sandaling ito at sinigaw niya sa malamig na boses, “Jason! Binabalaan kita ngayon. Kung mangangahas kang saktan ang asawa ko, hindi kita pakakawalan nang gano’n lang!”“Sumpain ka!” Sinabi nang malamig ni Jason. “May dalawampung minuto ka para pumunta sa riverside villa. Kung hindi ka dadating sa oras, hindi ko maipapangako na birhen pa rin ang asawa mo! Baka mamatay pa siya! Hahaha!”Sa sandaling
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang