Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2971 - Chapter 2980

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2971 - Chapter 2980

5690 Chapters

Kabanata 2971

Nang mailantad ang video ni Tom, naging hot search agad ito sa maraming malalaking websites.Naisip ng netizens na gumawa na naman si Tom ng isang hangal na bagay gaya ng ginawa niya noong nakaraan nang magbayad siya ng isang grupo ng mga actors para umarte sa isang Japanese anti-war film. Kaya lang, mas nakakatawa naman ang ginawa niya ngayon.Subalit, agad na naramdaman ng pamilya Zielinski na may mali.Agad nilang tinawagan si Tom, pero hindi nila inakalang nawalan sila ng kontak rito pati na rin sa mga kasama nito.Dito nila napagtanto na mukhang nasa peligro si Tom.Pagkatapos, agad na ginamit ng pamilya Zielinski ang kanilang mga koneksyon para magtanong-tanong. Sinubukan rin nilang kuhanin ang impormasyon ng mga bibigatin sa Aurous Hill para malaman nila kung nasaan ang lokasyon ni Tom.Samantala, sa pagkakataong ito, direktang hinatid ng bus si Tom sa Shangri-La.Hindi inaakala ni Tom na hindi niya matutupad ang kanyang plano na mag-book ng presidential suite sa Shangri-
Read more

Kabanata 2972

Marami nga talagang mga branch families ang pamilya Wade kaya marami rin silang malalayong kamag-anak. Nakakalat ang mga malalayong kamag-anak na ito sa buong mundo. Kahit Wade rin ang kanilang apelyido, kumpara sa pamilya Wade ng Eastcliff, hindi masyadong maganda ang kanilang pinansyal na sitwasyon.Kaya, kung talagang miyembro ng pamilya Wade ng Eastcliff ang lalaking nasa harap niya, hindi siya pwedeng kalabanin ni Tom. Pero, dahil malayong kamag-anak lamang si Charlie ng pamilya Wade, alam ni Tom na hindi niya kailangang matakot.Matapos ang lahat, isa ring kilala at prestihiyosong pamilya ang Zielinskis. Higit sa lahat, maganada ang relasyon ng pamilya Zielinski sa pamilya Wade. Hindi naman siguro hahayaan ng Wades na masira ang relasyon nila sa Zielinskis dahil lang sa isang malayong kamag-anak?Sa pagkakataong ito, ngumiti nang mapanloko si Charlie, “Sinabi mong kilala mo si Carmen Wade ngayon lang. Malapit ka ba sa kanya?”“Oo naman!” Napabulalas si Tom, “Maganda ang relas
Read more

Kabanata 2973

Simula nang umalis si Carmen ng Aurous Hill, agad siyang nakakaramdam ng pangingilabot sa buong katawan niya sa tuwing naririnig niya ang mga salitang ‘Aurous Hill’.Lagi niyang tinuturing ang Aurous Hill bilang Waterloo ng kanyang buhay, at baka ito ang maging Waterloo niya na hindi niya na gustong puntahan kahit kailan. Matagal na rin simula nang magkaroon siya ng traumatic experience sa lugar na iyon. Simula noon, naging black hole na ito ng kanyang sa aspetong sikolohikal.Narinig ni Zacheus na hindi natural ang boses ni Carmen kaya hindi niya mapigilang magtanong, “Carmen, anong mayroon sa Aurous Hill? May problem aba?”Sa halip na sumagot, napatanong si Carmen, “Sabi mo dinala si Tom sa Shangri-La, hindi ba?”“Oo!” Agad na sambit ni Zacheus, “Nakatanggap kami ng impormasyon na tinangay ng isang grupo si Tom papunta sa Shangri-La. Hindi ko alam kung may kinalaman ang pamilya Wade sa bagay na ito, pero hindi ba pagmamay-ari ng pamilya Wade ang Shangri-La industry? Iyan ang raso
Read more

Kabanata 2974

Matagal nang buong pusong sinusubukan ni Carmen na kunin ang loob ni Lord Wade, at dahil hindi nito gusto na magkaroon siya ng divorce, hindi niya na muling binanggit ang bagay na ito kahit kailan.Subalit, dahil hindi na maganda ang relasyon nilang mag-asawa, matagal na rin silang hiwalay. Bibihira lamang silang magkita at masasabing estranghero na sila sa isa’t isa.Para naman kay Carmen at Zacheus, noong una dating magkaklase lang naman talaga sila, at wala namang ipinagbabawal na relasyon sa kanila.Pero, sa isang class reunion ilang taon ang nakararaan, nakainom si Carmen nang kaunti. Nang magkuwentuhan na ang lahat tungkol sa kanilang kasalukuyang sitwasyon, nagsimula siyang magreklamo at ikuwento sa kanyang mga kaklase na sira na ang relasyon nila ng kanyang asawa at hiwalay na sila. Pero, hindi siya makakuha ng divorce dahil ayaw pumayag ng kanyang tatay. Ilang beses na pinag-isipan ni Zacheus ang bagay na ito dahil matagal na rin siyang byudo.Para kay Zacheus na laging na
Read more

Kabanata 2975

Dahil tunay ang nararamdaman ni Carmen kay Zacheus kaya napagpasyahan niyang tawagan si Isaac kahit halata namang takot na takot siya kay Charlie.Sa parehong pagkakataon, natanggap na rin ni Tom ang kanyang cellphone.Nang i-abot ni Charlie ang cellphone, pinagbantaan niya agad si Tom sa isang malamig na boses, “Tandaan mo, si Carmen Wade lang ang pwede mong tawagan. Babalian kita ng kamay kapag may iba ka pang tinawagan!”Galit na galit si Tom sa loob ng kanyang puso, pero ayaw niyang magpanggap na matapang sa harap ni Charlie.Tumango na lamang siya, “Huwag kang mag-alala. Tatawagan ko na agad si Aunt Wade ngayon!”Napangiti si Charlie, “Huwag mong kalimutan na i-turn on ang speaker!”Tumango si Tom kahit ayaw niya itong gawin. Nang magliwanag ang screen ng kanyang cellphone, napagtanto niyang may iba’t ibang push notifications sa kanyang cellphone.Higit sa lahat, siya ang paksa ng mga push notifications na ito!Ilan sa mga ito ang ‘Tom Zielinski nagkamali sa pagbili ng mga
Read more

Kabanata 2976

“Bukod dito… Bukod dito, hindi niya lang ako pinahiya, at… sinampal pa nila ako!”“Ngayon, nama… namamaga na ang mukha ko… pagkatapos nilang sampalin…”“Pero sa loob ng ilang araw… pupunta ako sa concert ni Quinn… bilang special guest niya…”“Ang mukha ko… kung namamaga nang sobra ang mukha pagdating ng oras… Paano ako makikipagkita sa mga tao?”“Hi… hindi posible… hindi posible na magsuot ako ng face mask… at gayahin ang isang masked singer, tama?”Walang magawa si Carmen nang marinig niyang umiiyak nang miserable si Tom sa kabilang linya.Bumuntong hininga siya bago magsalita at tinanong, “Tom… paano mo ginalit si Charlie?”Umiyak si Tom habang sinabi, “Nag… nagtalo lang kami sa tawag. Hindi ko inaasahan na huhulihin ako ng mga tauhan niya sa sandaling bumaba ako sa eroplano…”Walang magawa si Carmen habang sinabi, “Tom, kaya kitang tulungan na ayusin ang alitan niyo ng kahit sino sa Aurous Hill, pero kung si Charlie ang ginalit mo, wala akong magagawa dito!”“Ahh?!” Napabul
Read more

Kabanata 2977

Nagulantang nang ganap si Tom nang marinig ito.Inisip niya, ‘Dapat bang sabihin ito ng isang tao? Paano mangyayari ito?! Sadyang ipinagtatanggol ng p*tang ito ang pamilya niya. Alam niya na ginalit ko ang pamangkin niya, at iyon ang dahilan kung bakit sadya siyang tumatanggi na mamagitan para sa akin?!’Habang galit na galit si Tom, humingi ng tawad si Carmen, “Tom, hindi talaga ako nagsisinungaling sa yio. Kung magsasalita ako, marahil ay palalain ko lang ang parusa ni Charlie para sayo sa halip na pagaanin ito…”Nang marinig ni Tom ang katapatan sa tono ni Carmen, hindi niya maiwasan na mas lalong malito habang tinanon, “Ito… Anong ibig mong sabihin dito, Tita Wade? Hindi… hindi ko talaga ito maintindihan… Hindi ba’t ikaw ang tita niya?! Hindi ba siya magpapakita ng respeto sayo kahit papaano?”Tumawa si Carmen sa mapanira sa sariling paraan habang sinabi, “Haha… Rerespetuhin ako ni Charlie? Nangahas pa nga ang mga tauhan niya na bugbugin ako! Bukod dito, hindi man lang siya kum
Read more

Kabanata 2978

Hindi niya mapigilan na punahin siya sa puso niya, ‘Kung hindi mo balak na pagbigyan si Tom, pwede mo namang sabihin na hindi mo siya mapapatawad at walang saysay na magmakaawa ang kahit sino para sa kanya, tama?’‘Pero kailangan mo talaga akong puwersahin na aminin na hindi ako pumunta para magmakaawa kay Tom sa harap ni Tom. Hindi ba’t pinagbabalakan mo lang ako? Marahil ay maging stepmother niya ako sa hinaharap! Kung mahuhulog ako sa patibong mo dahil dito, hindi ba’t magkakaroon ng galit ang batang ito sa akin sa hinaharap?’Kaya, walang nagawa si Carmen kundi magmakaawa, “Charlie, ang batang ito, si Tom, ay mabuting tao talaga. Medyo mainitin lang ang ulo niya paminsan-minsan, sana ay mapatawad mo siya at pagbigyan ngayon para sa akin.”Ngumiti si Charlie, habang sinabi nang mabagal, “Pasensya na, Tita, pero hindi ka talaga karapat-dapat ng ganitong respeto!”Habang nagsasalita siya, naging malamig at mahigpit ang boses ni Charlie habang sinabi, “Kung hindi ka pumunta sa Auro
Read more

Kabanata 2979

Nanginig si Tom sa sandaling narinig niya na babaliin ni Charlie ang mga binti niya at papagapangin siya pabalik sa Eastcliff.Mahigit dalawampung taon na siya sa sirkulo ng mga mayaman na tagapagmana sa Eastcliff, at ayon sa pagkakaintindi niya sa sirkulo na ito, kahit na mayabang ang lahat ng tao sa sirkulo na ito, dominante, at malupit, kikilos lang sila nang ganito sa mga taong nasa labas ng sirkulo nila. Karamihan sa kanila ay magpipigil pagdating sa mga taong nasa parehong sirkulo.Halimbawa, si Tom. Maraming tao na ang inapi niya sa mga nagdaang taon, at mahigit isang beses na rin niyang binali ang binti ng ibang tao. Pero, iyon lang ay kapag pinupuntirya niya ang mga taong may mas mahinang pamilya kumpara sa kanya. Kung nasa parehong sirkulo ito tulad niya, siguradong bibigyan niya ng respeto ang kabila.Dahil, lahat sila ay mayaman at makapangyarihan, at paminsan-minsan ay makikipag-ugnayan sila sa isa’t isa sa kanilang negosyo. Kaya, alam ng lahat na kailangan nilang mag-i
Read more

Kabanata 2980

Nagising agad si Tom dahil sa mga sinabi ni Carmen.Tama si Carmen. Kahit na umaasa pa rin siya na may pagkakataon pang maayos ito, dapat kunin niya muna ang pinaka magandang kondisyon ngayon. Kung hindi, magiging tatlong taon ang dalawang taon, at kung wala siyang magagawa kundi tanggapin ito, mawawalan siya ng isa pang taon para sa wala!Nang maisip niya ito, sinabi nang nagmamadali ni Tom kay Charlie, “Pipiliin ko ang una!”Tumango si Charlie at ngumiti habang sinabi, “Sa kasamaang palad, tapos na ang isang minuto. Ang unang pagpipilian mo na ngayon ay pumunta sa dagat at maging seaman ng tatlong taon. Hindi ka pwedeng bumaba sa barko sa tatlong taon na ito.”Nanghina bigla ang mga binti ni Tom habang iniyak niya at sinabi, “Charlie, nagmamakaawa ako sayo na huwag mo na akong paglaruan. Pinili ko na ang una. Hindi ba’t ayos lang kung dalawang taon ito?”Sinabi nang walang magawa ni Charlie, “Pasensya na, pero hindi pwedeng sirain ang tuntunin ng laro. Tatlong taon na ang unang
Read more
PREV
1
...
296297298299300
...
569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status