Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2961 - Chapter 2970

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2961 - Chapter 2970

5687 Chapters

Kabanata 2961

Hindi tanga at hindi inosenteng babae si Wendy. Kahit hindi pa siya nakakatapak sa business industry, masasabing marami naman siyang napagdaanan sa nakalipas na isa o dalawang taon. Kaya, malinaw sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin para mabuhay sa lipunan—kailangan niyang ipaglaban ang sarili niyang mga interes.Maliban dito, hindi lang mag-isa si Wendy ngayon. Ilang daang mga dalaga ang tumitingala at umaasa sa kanya para kumita ng pera. Syempre, natural lang na gustong ipaglaban ni Wendy na magkaroon sila ng mas malaking benepisyo.Nang marinig ni Maya na gusto ni Wendy ng 1,000,000 dollars, napatitig siya sa kanyang katabi na si Tom.Personal assistant lamang ni Tom si Maya. Kaya, depende kay Tom kung mag-aaksaya ba sila ng ganito kalaking pera o hindi.Pangit ang ekspresyon sa mukha ni Tom sa pagkakataong ito.Nagngitngit ang kanyang ngipin nang magsalita siya, “Masyadong gahaman ang Wendy Wilson na ito! Ang lakas ng loob niyang manghingi ng 1,000,000 dollars para lang sa
Read more

Kabanata 2962

Mabuti na lang, naresolbahan na nila ang lahat ngayon.Kahit malaki ang nagastos ni Tom sa nangyari, kasalanan naman ito ni Daxton, at wala itong kinalaman sa kanya.Ganoon din, mabilis na kinumpirma ni Maya ang collaboration nila kay Wendy saka niya hiningin ang bank account number ng kumpanya nito. Pagkatapos, sinabihan niya agad ang finance department na ipadala ang pera.Nang makasakay si Tom sa kanyang private jet at hinihintay niya na ang takeoff nito, natapos na ng finance department ang proseso ng pagpapadala ng pera kay nila Wendy. Nang apbruhan ni Tom ang payment gamit ang kanyang cellphone, nakatanggap agad si Wendy ng balita mula sa finance department ng kumpanya nila na nakatanggap sila ng 1,000,000 dollars mula sa agency studio ni Tom Zielinski.Tuwang-tuwa si Wendy. Sa kanyang opinyon, mapapaangat ng business deal na ito ang buhay nilang lahat. Kaya, agad siyang nagpadala ng voice message sa WhatsApp group ng kumpanya nila na hihigit sa isang libo ang empleyado. Pagk
Read more

Kabanata 2963

Napakahusay ng ginawa ni Wendy.Nakumpirma niya ang 300 na empleyado pagkatapos ng sampung minuto sa pamamagitan ng screening at personnel attendance list.Pagkatapos, pinag-usapan nila ni Maya ang ilang mga detalye, kasama na ang mga slogans na isisigaw ng lahat, ang mga banners, pati na rin ang mga ekspresyon at kilos nila sa pagkakataong iyon.Noong una, hindi natutuwa si Tom kay Wendy, pero nang makita niyang mabilis itong kumilos at propesyunal ito sa kanyang trabaho, lumuwag ang kanyang pakiramdam.Sa pagkakataong ito, nakaalis na ang eroplano ni Tom at patungo na ito sa Aurous Hill. Ganoon din, nagsimula na si Wendy sa pagbibigay ng direksyon sa kanyang mga empleyado. Naghahanda na ang 300 na hostesses para umalis sa iba’t ibang bahagi ng Aurous Hill papunta ng airport.Nang matapos si Wendy sa pag-aayos ng mga kailangan, nakaramdam siya ng tuwa na para bang nanalo siya sa isang digmaan. Tuwang-tuwa siya sa kaibuturan ng kanyang puso.Naalala ni Wendy ang pagkakataon nang
Read more

Kabanata 2964

Kaswal na tumugon si Charlie, “Wala naman akong ginagawa talaga. Nagkita lang kami ng kaibigan ko sa labas. Bakit?”Agad na nagsalita si Wendy, “Gano’n pala… Sa totoo lang… wala namang dahilan kung bakit kita tinawagan. Gusto ko lang sana magbigay ng report tungkol sa sitwasyon ng Mallow Stenhouse Etiquette Corporation.”Napangiti si Charlie saka siya nagtanong, “Ibig sabihin ba maganda ang sitwasyon ng kumpanya ngayon?”Agad na sumagot si Wendy, “Bayaw, maganda nga talaga ang sitwasyon ng kumpanya ngayong mg araw! Salamat kay Don Albert at sa mga kasama niya. Sa tulong nila, mas lumago ang negosyo at mas tumaas rin ang kinikita namin. Padami rin nang padami ang mga empleyado namin.”Napangiti si Charlie, “Hindi na rin masama. Umaasa akong ipagpapatuloy mo ang pagsisikap mo para ma-i-angat mo ang kumpanya niyo sa mas mataas na lebel.”Siniguro ni Wendy si Charlie, “Huwag kang mag-alala, bayaw. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mas mapalakas at mapalaki ang Mallow Stenhouse
Read more

Kabanata 2965

Kahit hindi pa nakikilala ni Charlie si Tom, hindi na agad maganda ang impresyon niya sa kanya dahil kay Daxton pati na rin ang tungkol sa nangyari sa presidential suite.Higit sa lahat, gusto ni Tom na ligawan si Quinn kaya lalong hindi natuwa si Charlie.Nang maalala niya ang mga masasakit na salita na binanggit ni Tom kay Isaac sa tawag kanina, naisip ni Charlie na dapat niya ring gawin ang makakaya niya para maging mabuting host kay Tom. Sisiguraduhin niyang mararamdaman ni Tom ang mainit na pagmamahal ng mga tao mula sa Aurous Hill pagkababa niya ng eroplano.Hindi ba nagbayad ka pa ng mga babaeng magpapanggap na fans mo paglapag mo ng airport? Kung iyan ang kaso, maghahanda ako ng maliit na sorpresa para sa’yo.Sa pagkakataong ito, habang nasa kabilang dulo ng linya, napatanong si Wendy, “Bayaw, kilala mo ba si Tom Zielinski?”Sumagot si Charlie, “Hindi ko siya kilala, pero sa tingin ko malapit na kaming magkakilala.”Pagkatapos itong sabihin, nagsalita si Charlie, “Nga pal
Read more

Kabanata 2966

Napatanong si Albert, “Master Wade, ilang tao ang kailangan niyo? May requirements ka ba?”Tumugon si Charlie, “Gusto ko lalaki silang lahat, ‘yung tipo ng mga lalaki na madalas gumagawa ng fitness training. Dapat maskulado sila at mas maganda rin kung may mga peklat sila sa mukha at leeg. Para naman sa dami ng tao, dapat na 200 o 300 sila. Kung mas marami, mas mabuti.”Nasorpresa si Albert at napatanong siya, “Master Wade, balak mo bang dalhin ang mga taong ito para makipag-away?”“Hindi,” kumaway si Charlie, “Gusto kong pumunta sila sa airport para salubungin ang isang tao.’“Salubungin ang isang tao?!” Nalilito si Albert dahil hindi niya maunawaan kung ano ang balak gawin ni Charlie sa pagkakataong ito.Subalit, habang nasa tabi, naunawaan agad ni Isaac kung ano ang intensyon ni Charlie. Hindi niya mapigilang mapangiti, “Young Master, balak mo bang ipadala ang mga siga na ito para salubungin si Tom Zielinski sa airport at magpanggap na mga fans niya?”“Oo!” Tumawa si Charlie s
Read more

Kabanata 2967

Hindi maganda ang mood ni Tom habang nasa biyahe.Pero, nang makita niya ang ilang daang hostesses na naghihintay sa kanya sa video call kasama si Wendy ngayon, agad na gumaan ang kanyang loob.Sa totoo lang, madalas siyang bumibili ng mga fans na magsusundo sa kanya sa airport dati, pero hindi pa nangyayaring nakahanap siya ng mga fans na mataas ang kalidad.Dati, lagi siyang nakikipagtulungan sa headhunter para sa ganitong klase ng bagay. Madalas puro actresses ang mga resources na hawak ng headhunter. Iba’t ibang klase ng mga babae ang pumupunta bilang fans niya pero kakaunti lang sa kanila ang tunay na maganda ang itsura at katawan.Pero sa pagkakataong ito, hindi na kagaya ng dati. Ngayon, mahigit sa 168 sentimetro ang tangkad ng mga babaeng naririto. Mapapayat sila at magaganda ang itsura. Kita rin na mahinhin ang pag-uugali ng marami sa kanila. Hindi madaling mahalata kung isa o dalawang babae lamang ang ganito, pero kung pagsasamahin ang 200 hanggang 300 na mga ganitong bab
Read more

Kabanata 2968

Subalit, nasorpresa nang kaunti si Tom pagkapasok niya. Tinignan niya ang daan na halos walang tao at hindi niya mapigilang magtanong, “Bakit masyadong kaunti ang tao sa airport niyo? Parang wala yatang ibang pasahero maliban sa amin?”Kinamot ng customer service manager ang kanyang ulo saka siya ngumiti, “Ito… siguro may kinalaman lang ito sa traffic control ngayong araw. Wala kaming mga Hong Kong planes na dumarating ngayon, at marami rin sa mga flights ang delayed o kaya canceled.”Naramdaman ni Tom na tila ba may mali. Sa pangkalahatan, kahit hindi masyadong matao ang mga airports sa isang second-tier city, hindi naman sa puntong wala talagang naririto, hindi ba?Habang nalilito, itinuro ng customer service maanger ang isang frosted glass door, “Mr. Zielinski, nasa harap niyo ang exit. Maraming fans ang naghihintay sa inyo sa labas. Kung hindi kayo komportable, pwede kong pakiusapan ang mga security guards na i-escort kayo para makaalis kayo agad. Kung hindi, pwede ko ring utusa
Read more

Kabanata 2969

Pakiramdam ni Tom parang bumabagting ang kanyang utak pagkatapos masampal.Brutal at malakas ang puwersang natanggap niya ngayon lang. Pagkatapos ng dalawang magkasunod na sampal, pakiramdam ni Tom wala na siya sa tamang pag-iisip.Pinanganak siyang may pilak na kutsara sa bibig, at kahit kailan hindi pa siya nahahampas sa buong buhay niya. Pero, ngayong araw, nakatanggap siya ng dalawang sampal direkta sa kanyang mukha pagkababa niya ng eroplano. Higit sa lahat, may kumurot pa ng mukha niya. Pakiramdam ni Tom gusto niya nang mamatay sa puntong ito.Para bang isa siyang manok na napapalibutan ng isang grupo ng mga lobo.Habang kaharap ni Tom ang malulupit at malalakas na mga lalaking ito, takot na takot siya sa loob niya.Wala ring magawa ang kanyang mga bodyguards. Para bang naging laruan na sila ng grupong ito. Ganoon din, napatanong na lamang si Tom, “Mga ginoo, may hindi pagkakaunawaan ba tayo rito?”Matapos ang lahat, nakita ni Tom kanina sa video call ang ilang daang magaga
Read more

Kabanata 2970

Ang mas nakakainis pa sa sitwasyong ito, walang maupuan si Tom habang nasa loob ng bus na mahigit sa 40 seats ang capacity. May nakaupo na ritong mga sigang lalaki samantalang nasa gitna lamang si Tom, ang kanyang assistant, at ang mga bodyguards na kasama niya.Nang makapasok sila sa loob ng bus, nagbago agad ang ugali ng mga maskuladong lalaking ito. Isa sa mga lalaki ang nagsalita, “Ibigay niyo ang mga cellphones niyo ngayon din. Kung hindi, huwag niyo akong sisisihin kapag naging bastos ako!”Kinakabahan nang matindi si Tom at hindi niya mapigilang magtanong, “Pinadala ba kayo ni Chairman Cameron ng Shangri-La?”Malamig na nagsalita ang lalaking sumampal kay Tom kanina, “Bakit ba ang dami mong tanong? Nasaan na ang cellphone mo? Bilisan mo at ilabas mo na ito!”Nanginginig si Tom habang inaabot niya ang kanyang cellphone. Inipon niya ang lahat ng lakas ng kanyang loob saka siya nagtanong, “Kayo… dinudukot niyo kami! Kahit si Chairman Cameron, hindi niya pwedeng gawin ang ganit
Read more
PREV
1
...
295296297298299
...
569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status