Nang mailantad ang video ni Tom, naging hot search agad ito sa maraming malalaking websites.Naisip ng netizens na gumawa na naman si Tom ng isang hangal na bagay gaya ng ginawa niya noong nakaraan nang magbayad siya ng isang grupo ng mga actors para umarte sa isang Japanese anti-war film. Kaya lang, mas nakakatawa naman ang ginawa niya ngayon.Subalit, agad na naramdaman ng pamilya Zielinski na may mali.Agad nilang tinawagan si Tom, pero hindi nila inakalang nawalan sila ng kontak rito pati na rin sa mga kasama nito.Dito nila napagtanto na mukhang nasa peligro si Tom.Pagkatapos, agad na ginamit ng pamilya Zielinski ang kanilang mga koneksyon para magtanong-tanong. Sinubukan rin nilang kuhanin ang impormasyon ng mga bibigatin sa Aurous Hill para malaman nila kung nasaan ang lokasyon ni Tom.Samantala, sa pagkakataong ito, direktang hinatid ng bus si Tom sa Shangri-La.Hindi inaakala ni Tom na hindi niya matutupad ang kanyang plano na mag-book ng presidential suite sa Shangri-
Marami nga talagang mga branch families ang pamilya Wade kaya marami rin silang malalayong kamag-anak. Nakakalat ang mga malalayong kamag-anak na ito sa buong mundo. Kahit Wade rin ang kanilang apelyido, kumpara sa pamilya Wade ng Eastcliff, hindi masyadong maganda ang kanilang pinansyal na sitwasyon.Kaya, kung talagang miyembro ng pamilya Wade ng Eastcliff ang lalaking nasa harap niya, hindi siya pwedeng kalabanin ni Tom. Pero, dahil malayong kamag-anak lamang si Charlie ng pamilya Wade, alam ni Tom na hindi niya kailangang matakot.Matapos ang lahat, isa ring kilala at prestihiyosong pamilya ang Zielinskis. Higit sa lahat, maganada ang relasyon ng pamilya Zielinski sa pamilya Wade. Hindi naman siguro hahayaan ng Wades na masira ang relasyon nila sa Zielinskis dahil lang sa isang malayong kamag-anak?Sa pagkakataong ito, ngumiti nang mapanloko si Charlie, “Sinabi mong kilala mo si Carmen Wade ngayon lang. Malapit ka ba sa kanya?”“Oo naman!” Napabulalas si Tom, “Maganda ang relas
Simula nang umalis si Carmen ng Aurous Hill, agad siyang nakakaramdam ng pangingilabot sa buong katawan niya sa tuwing naririnig niya ang mga salitang ‘Aurous Hill’.Lagi niyang tinuturing ang Aurous Hill bilang Waterloo ng kanyang buhay, at baka ito ang maging Waterloo niya na hindi niya na gustong puntahan kahit kailan. Matagal na rin simula nang magkaroon siya ng traumatic experience sa lugar na iyon. Simula noon, naging black hole na ito ng kanyang sa aspetong sikolohikal.Narinig ni Zacheus na hindi natural ang boses ni Carmen kaya hindi niya mapigilang magtanong, “Carmen, anong mayroon sa Aurous Hill? May problem aba?”Sa halip na sumagot, napatanong si Carmen, “Sabi mo dinala si Tom sa Shangri-La, hindi ba?”“Oo!” Agad na sambit ni Zacheus, “Nakatanggap kami ng impormasyon na tinangay ng isang grupo si Tom papunta sa Shangri-La. Hindi ko alam kung may kinalaman ang pamilya Wade sa bagay na ito, pero hindi ba pagmamay-ari ng pamilya Wade ang Shangri-La industry? Iyan ang raso
Matagal nang buong pusong sinusubukan ni Carmen na kunin ang loob ni Lord Wade, at dahil hindi nito gusto na magkaroon siya ng divorce, hindi niya na muling binanggit ang bagay na ito kahit kailan.Subalit, dahil hindi na maganda ang relasyon nilang mag-asawa, matagal na rin silang hiwalay. Bibihira lamang silang magkita at masasabing estranghero na sila sa isa’t isa.Para naman kay Carmen at Zacheus, noong una dating magkaklase lang naman talaga sila, at wala namang ipinagbabawal na relasyon sa kanila.Pero, sa isang class reunion ilang taon ang nakararaan, nakainom si Carmen nang kaunti. Nang magkuwentuhan na ang lahat tungkol sa kanilang kasalukuyang sitwasyon, nagsimula siyang magreklamo at ikuwento sa kanyang mga kaklase na sira na ang relasyon nila ng kanyang asawa at hiwalay na sila. Pero, hindi siya makakuha ng divorce dahil ayaw pumayag ng kanyang tatay. Ilang beses na pinag-isipan ni Zacheus ang bagay na ito dahil matagal na rin siyang byudo.Para kay Zacheus na laging na
Dahil tunay ang nararamdaman ni Carmen kay Zacheus kaya napagpasyahan niyang tawagan si Isaac kahit halata namang takot na takot siya kay Charlie.Sa parehong pagkakataon, natanggap na rin ni Tom ang kanyang cellphone.Nang i-abot ni Charlie ang cellphone, pinagbantaan niya agad si Tom sa isang malamig na boses, “Tandaan mo, si Carmen Wade lang ang pwede mong tawagan. Babalian kita ng kamay kapag may iba ka pang tinawagan!”Galit na galit si Tom sa loob ng kanyang puso, pero ayaw niyang magpanggap na matapang sa harap ni Charlie.Tumango na lamang siya, “Huwag kang mag-alala. Tatawagan ko na agad si Aunt Wade ngayon!”Napangiti si Charlie, “Huwag mong kalimutan na i-turn on ang speaker!”Tumango si Tom kahit ayaw niya itong gawin. Nang magliwanag ang screen ng kanyang cellphone, napagtanto niyang may iba’t ibang push notifications sa kanyang cellphone.Higit sa lahat, siya ang paksa ng mga push notifications na ito!Ilan sa mga ito ang ‘Tom Zielinski nagkamali sa pagbili ng mga
“Bukod dito… Bukod dito, hindi niya lang ako pinahiya, at… sinampal pa nila ako!”“Ngayon, nama… namamaga na ang mukha ko… pagkatapos nilang sampalin…”“Pero sa loob ng ilang araw… pupunta ako sa concert ni Quinn… bilang special guest niya…”“Ang mukha ko… kung namamaga nang sobra ang mukha pagdating ng oras… Paano ako makikipagkita sa mga tao?”“Hi… hindi posible… hindi posible na magsuot ako ng face mask… at gayahin ang isang masked singer, tama?”Walang magawa si Carmen nang marinig niyang umiiyak nang miserable si Tom sa kabilang linya.Bumuntong hininga siya bago magsalita at tinanong, “Tom… paano mo ginalit si Charlie?”Umiyak si Tom habang sinabi, “Nag… nagtalo lang kami sa tawag. Hindi ko inaasahan na huhulihin ako ng mga tauhan niya sa sandaling bumaba ako sa eroplano…”Walang magawa si Carmen habang sinabi, “Tom, kaya kitang tulungan na ayusin ang alitan niyo ng kahit sino sa Aurous Hill, pero kung si Charlie ang ginalit mo, wala akong magagawa dito!”“Ahh?!” Napabul
Nagulantang nang ganap si Tom nang marinig ito.Inisip niya, ‘Dapat bang sabihin ito ng isang tao? Paano mangyayari ito?! Sadyang ipinagtatanggol ng p*tang ito ang pamilya niya. Alam niya na ginalit ko ang pamangkin niya, at iyon ang dahilan kung bakit sadya siyang tumatanggi na mamagitan para sa akin?!’Habang galit na galit si Tom, humingi ng tawad si Carmen, “Tom, hindi talaga ako nagsisinungaling sa yio. Kung magsasalita ako, marahil ay palalain ko lang ang parusa ni Charlie para sayo sa halip na pagaanin ito…”Nang marinig ni Tom ang katapatan sa tono ni Carmen, hindi niya maiwasan na mas lalong malito habang tinanon, “Ito… Anong ibig mong sabihin dito, Tita Wade? Hindi… hindi ko talaga ito maintindihan… Hindi ba’t ikaw ang tita niya?! Hindi ba siya magpapakita ng respeto sayo kahit papaano?”Tumawa si Carmen sa mapanira sa sariling paraan habang sinabi, “Haha… Rerespetuhin ako ni Charlie? Nangahas pa nga ang mga tauhan niya na bugbugin ako! Bukod dito, hindi man lang siya kum
Hindi niya mapigilan na punahin siya sa puso niya, ‘Kung hindi mo balak na pagbigyan si Tom, pwede mo namang sabihin na hindi mo siya mapapatawad at walang saysay na magmakaawa ang kahit sino para sa kanya, tama?’‘Pero kailangan mo talaga akong puwersahin na aminin na hindi ako pumunta para magmakaawa kay Tom sa harap ni Tom. Hindi ba’t pinagbabalakan mo lang ako? Marahil ay maging stepmother niya ako sa hinaharap! Kung mahuhulog ako sa patibong mo dahil dito, hindi ba’t magkakaroon ng galit ang batang ito sa akin sa hinaharap?’Kaya, walang nagawa si Carmen kundi magmakaawa, “Charlie, ang batang ito, si Tom, ay mabuting tao talaga. Medyo mainitin lang ang ulo niya paminsan-minsan, sana ay mapatawad mo siya at pagbigyan ngayon para sa akin.”Ngumiti si Charlie, habang sinabi nang mabagal, “Pasensya na, Tita, pero hindi ka talaga karapat-dapat ng ganitong respeto!”Habang nagsasalita siya, naging malamig at mahigpit ang boses ni Charlie habang sinabi, “Kung hindi ka pumunta sa Auro
Napansin ni Charlie na naging madilim ang ekspresyon ni Ruby, kaya kumunot ang noo niya at tinanong, “Anong problema? Sabihin mo.”Nagngalit si Ruby at sinabi, “Sa simula ay sinabi ni Fleur na mapanganib para sa aming apat na gawin ang mga misyon sa labas, natatakot siya na mamatay kami kung may makakalaban kami na malakas na cultivator. Kaya, naglaan siya ng ilang taon para gumawa ng isang sobrang tago at makapangyarihan na formation sa loob ng pineal gland namin. Sinabi niya na kung papaganahin ang formation na ito sa kritikal na sandali, kaya nitong iligtas ang bahagi ng kaluluwa namin, hahayaan na mamatay ang pisikal na katawan namin ngunit mabubuhay ang kaluluwa namin. Nang sinabi ni Mr. Chardon na magpapalit siya ng pisikal na katawan at hahanapin ka niya para maghiganti, ito ay dahil dito…”Pagkasabi nito, sinabi nang mapait ni Ruby, “Pero hindi ko inaasahan na hindi ililigtas ng formation ang kaluluwa namin, ngunit isa pala itong napakalakas na formation para pasabugin ang sa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Siguradong nagdurusa nang sobra si Fleur ngayong gabi. Hindi matagal pagkatapos dumating ni Mr. Chardon sa Willow Manor, hinarangan ko ang lahat ng signal doon. Siguradong hindi siya makakatulog ngayong gabi pagkatapos maglaho nang sabay ng dalawang great earl niya.”Tumango nang bahagya si Ruby. “Sa oras na iyon, wala rin akong signal sa cellphone ko. Siguro ay nababalisa nang sobra si Fleur. Sa ugali niya, siguradong magpapadala siya ng tao sa Aurous Hill para alamin ang sitwasyon sa lalong madaling panahon.”Tumawa si Charlie. “Ipapadala niya rin ba dito ang pang-apat na great earl?”Umiling si Ruby. “Hindi siguro. Namatay si Mr. Chardon sa pagsabog, at naglaho rin ako. Wala na ngayon ang tatlo sa apat na great earl, kaya maingat na siguro si Fleur sa Aurous Hill, at imposible na ipadala niya si Mr. Zorro dito.”Tinanong siya ni Charlie, “Sa ugali niya, pupunta ba siya nang personal sa Aurous Hill?”“Imposible!” Umiling si Ruby. “Sobrang ingat ni
Nanabik nang sobra si Ruby sa mga sinabi ni Charlie. Nang mangyari ang pagsabog at nagkatinginan sila ni Charlie, alam niya na siguradong patay na si Charlie. Pero, si Charlie, na nagpalit na ng damit, ay nakatayo sa harap niya ngayon nang walang sugat. Sapat na ang isang suntok mula sa kanya, gamit ang isang bugso ng enerhiya, para suportahan ang pabagsak na katawan niya.Lampas ng mahigit isang realm ang lakas ni Charlie kaysa sa kanya. Kahit na naniniwala siya na wala pa sa antas ni Fleur ang lakas ni Charlie, ang mahalagang punto ay 28 years old pa lang si Charlie, habang si Fleur, ang British Lord, ay 400 years old na.Sa ganitong bilis, mahahabol agad ni Charlie ang British Lord! Nang maisip niya ito, hindi niya maiwasan na magsisi nang kaunti, dahil, sa opinyon niya, may dalawang taon na lang siya para mabuhay. Mukhang katawa-tawa na pangarapin na talunin ni Charlie si Fleur sa napakaikling panahon.Hindi alam ni Charlie ang tumatakbo sa isipan ni Ruby sa sandaling ito. Dinal
Yumuko siya nang magalang kay Charlie nang may gulat at pasasalamat habang sinabi nang may luha sa mga mata, “Salamat sa pagligtas sa buhay ko, Mr. Wade…”Niluwagan ni Charlie ang kanyang kamay na umaalalay sa kanya at sinabi nang kalmado, “Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, sabihin mo sa akin mamaya ang lahat ng nalalaman mo nang detalyado.”Sumagot agad si Ruby nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, makasisiguro ka na sasabihin ko sayo ang lahat nang walang tinatago.”Tumango si Charlie at hindi na nagsalita, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad pabalik.Nagmamadaling sumunod si Ruby at nakita rin ang magandang babae na nakatayo sa harap niya.Nang makita niya nang malinaw ang mukha ng babae, nagulat siya na tila ba nakakita siya ng isang muto, at sinabi niya sa pagkabigla, “Vera… Vera Lavor?!”“Oo, ako nga!” Sumagot nang direkta si Vera. Pagkatapos ay tumingin siya kay Ruby, kumurap nang mapaglaro, at sinabi nang nakangiti, “Ikaw si Miss Dijo, tama? Matagal ko nang nari
Pagkatapos itong sabihin, nahihirapan na sinubukan ni Ruby na tumayo. Kahit na pinili niyang bumigay kay Charlie, bilang isang cultivator, ayaw niyang makita siya ni Charlie na gumagapang palabas mula sa siwang ng malaking bato.Pero, sinugatan nang malala ng pagsabog ang katawan niya, at halos naubos na ang lakas niya sa pag-akyat dito. Kaya, nang sinubukan niyang tumayo, nanginginig ang mga binti niya.Nang nagngalit siya at sinubukang humakbang paabante, isang matinding sakit ang biglang dumaan sa kanyang kanang binti, at hindi niya nakontrol ang pagbagsak ng buong katawan niya.Nang makita ni Charlie na babagsak siya sa mga matalas at matigas na bato, agad siyang sumuntok papunta sa kanya habang pabagsak siya.Isang malakas na alon ng enerhiya ang lumabas sa kanyang kamao, gumawa ng isang malakas na buhawi. Sa sobrang lakas ng buhawi, binuhat nito nang matatag ang katawan ni Ruby, na nasa 45 degree na anggulo at malapit nang bumagsak!Sa sandaling pabagsak na ang katawan ni Ru
Kinakabahan nang sobra si Ruby. Alam niya na kung madidiskubre siya ng kabila, halos sigurado siya na mamamatay siya, at siguradong pahihirapan siya sa lahat ng posibleng paraan para makakuha ng impormasyon tungkol sa Qing Eliminating Society at sa British Lord.Bukod dito, paulit-ulit na sinubukan ng Qing Eliminating Society na puksain ang mga Acker. Sa sandaling mapunta siya sa mga kamay nila, kahit na makipagtulungan siya nang masunurin, marahil ay hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya. Kaya, ang huling pag-asa niya na lang sa ngayon ay hindi siya mahahanap ng kabila.Habang nakakapit sa huling pag-asa na ito, biglang nagsalita nang malakas si Charlie, “Miss Dijo, palihim mong pinapanood ang laban namin ni Mr. Chardon sa dilim kanina lang, at ngayon, nagtatago ka pa rin sa dilim. Hindi ba’t medyo hindi ito makatwiran?”Biglang tumama sa isipan ni Ruby na parang kidlat ang mga sinabi ni Charlie.Sa sandaling iyon, maraming bagay ang dumaan sa isipan niya, ‘Nahanap talaga
Nang makita ni Vera na tinuro ni Charlie ang isang direksyon, hindi na siya tumingin at ginamit agad ang control lever, pinalipad ang helicopter sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Charlie.Sa sandaling ito, si Ruby, na nagtatago sa siwang ng mga malalaking bato, ay hindi pa rin alam na napuntirya na siya ng kabila. Gusto niya lang gawin ang lahat ng makakaya niya na huwag pagalawin ang katawan niya, huwag gumawa ng kahit anong ingay, at hintayin ang mga tao sa helicopter na maghanap at natural na umalis sa lugar na ito. Kampante talaga siya na hindi siya madidiskubre ng kabila.Umikot nang ilang beses ang helicopter sa lambak, pero hindi bumaba ang mga tao para maghanap, at sobrang kapal ng malaking bato na nakaharang sa ulo ni Ruby. Kahit na gumamit ang kabila ng mga kagamitan tulad ng thermal imaging, hindi nila siya mahahanap sa ilalim ng malaking bato na ito.Ang dahilan kung bakit unti-unting hindi mapalagay si Ruby ay dahil papunta talaga ang helicopter sa direksyon
Ganap na nabasag at nabaluktot na ang cellphone, at kahit ang baterya ay lumobo dahil sa pagbaluktot nito. Nang makita niya ito, sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag, napagtanto niya na imposible na patuloy na ipadala ng cellphone ang posisyon niya sa British Lord.Makalipas ang halos sampung minuto, sa wakas ay gumaling na si Charlie dahl sa epekto ng Regeneration Pill. Binatak niya ang kanyang leeg, tamad na inunat ang kanyang katawan sa masikip na cabin, hindi mukhang isang tao na may malalang injury at nanghihina.Si Vera, na nasa gilid, ay sinabi sa sorpresa, “Young Master, magaling ka na?!”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Magaling na ang katawan ko, pero hindi ko pa naibabalik ang Reiki ko.”Habang sinasabi niya ito, naglabas siya ng dalawang Cultivating Pill at nilagay ito sa kanyang bibig. Sa sandaling pumasok ang mga pill sa kanyang tiyan, naging purong Reiki sila, na dumaloy sa mga naayos na meridian at elixir field niya, kumalat sa kanyang buong katawan
Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Tarlon, “Bukod dito, sa mga nagdaang panahon, isa-isa ang tagumpay nila at hindi sila mapigilan. Kung hindi natin sila pipigilan ngayon, natatakot ako na mas magiging marami ang problema sa hinaharap! British Lord, hindi inaasahan ang krisis na ito, kaya hindi ka na pwedeng mag-atubili!”Nanahimik saglit si Fleur.Nadagdagan ang pagkabalisa at pangamba niya dahil sa pag-aalala ni Tarlon. Alam niya na makatwiran ang sinabi ni Tarlon. Kung hahayaan nila ang kabila na umunlad nang palihim, marahil ay magkaroon ito ng malaking banta sa kanya sa hinaharap!Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ipaalam mo agad sa Central Governor Office na ipadala ang mga pinakamagaling na scout nila sa isang eroplano papunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang bagay na ito!”“Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, hindi maiiwasan na mag-iiwan ng bakas ng pagsabog ang napakalakas na puwersa sa loob ng saklaw na ilang daang metro. Pagkatapos ng mada