Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 2931 - Kabanata 2940

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 2931 - Kabanata 2940

5687 Kabanata

Kabanata 2931

Saka lamang naunawaan ni Sophie ang dahilan kung bakit tinawagan ni Charlie ang kanyang lolo para pagbantaan ito ngayon lang. Ginawa pala ni Charlie ang bagay na ito para matakot si Cadfan kay Sophie.Hindi na kailangang sabihin pa dahil naantig nang matindi si Sophie sa ginawa ni Charlie para sa kanya.Noong una, nag-aalala siya na hindi niya magagawang panghawakan ang ganitong klase ng malaking ocean shipping group. Maliban dito, natatakot siyang kapag lumipas na ang isyu, uulitin ni Cadfan ang pareho niyang pakulo para manakaw ang Schulz Ocean Shipping Group mula sa kanyang mga kamay.Subalit, sa ginawang tawag ni Charlie ngayon, naniniwala si Sophie na hindi niya na kailangang mag-alala pa sa kahit anong peligro sa loob ng matagal na panahon.Ganoon din, tumayo si Sophie at yumuko siya nang bahagya papunta kay Charlie saka siya nagsalita sa isang magalang na boses, “Sir… Hindi, ang ibig kong sabihin. Mr. Wade…. Maraming-maraming salamat…”Kumaway nang banayad si Charlie saka s
Magbasa pa

Kabanata 2932

Tumango si Cadfan saka siya bumuntong hininga at bumulalas, “Hay! Madali lang naman umalis ng Sudbury, pero saan naman tayo pupunta pagkatapos?”Agad na tumugon si Arrington, “Lord Schulz, bakit hindi na lang tayo bumalik ng Eastcliff?!”Naging mapanglaw ang ekspresyon sa mukha ni Cadfan nang magsalita siya, “Hindi natin masasabing ligtas tayo kahit bumalik tayo ng Eastcliff. Matapos ang lahat, hindi mapapantayan ang lakas ng binatang iyon. Kung nagawa niyang dukutin nang tahimik si Steven habang nagbabantay si Henderson, sino naman ang nakakaalam kung gagawin niya rin ang parehong bagay sa akin?”Nang mabanggit ito, muling nagdagdag si Cadfan, “Hindi ako magiging tunay na ligtas kahit saan pa ako pumunta ngayon. Kung pupunta ako sa South China Sea, mahahanap niya rin ako pagkatapos lang ng tatlong oras na flight.”Sa puntong ito, nagsalita na si Henderson pagkatapos manahimik mula kanina, “Lord Schulz, bakit hindi ka na lang muna pumunta ng Maldives para maiwasan ang peligrong ito
Magbasa pa

Kabanata 2933

Nauunawaan ni Cadfan nang mabuti sa loob ng kanyang puso kung ano ang sitwasyon.Ang taong pwedeng pumigil sa misteryosong top master ay wala ng iba kundi ang sarili niyang apo na si Sophie.Kinausap ni Cadfan si Arrington at Henderson, “Kung ipagtatanggol ako ni Sophie, siguradong mapapasuko niya ang taong iyon sa pagtugis sa akin…”Tumango nang paulit-ulit si Arrington, “Sa tingin ko, malalim ang nararamdaman ng misteryosong top master para sa eldest young lady. Kung hindi, bakit naman siya mag-aaksaya ng oras para sundan si Miss Sophie mula sa Japan hanggang sa Aurous Hill para protektahan ito. Kung talagang ipagtatanggol kayo ng eldest young lady, maaaring maging maliit na bagay na lamang ang malaking isyung ito…”Bumuntong hininga si Cadfan, “Hindi ako mananalo sa labang ito at hindi rin ako pwedeng magtago. Kaya, ang natitirang solusyon na lamang ay magmakaawa ako.”Hindi mapigilang magtanong ni Henderson, “Lord Schulz, kilala ko ang ugali ng eldest young lady. Natatakot ako
Magbasa pa

Kabanata 2934

Napabuntong hininga si Cadfan at nagsalita siya na para bang nakokonsensya, “Hindi ako makakain at hindi rin ako makatulog sa nakaraang dalawang araw dahil hindi ko mapigilang makonsensya sa inyo ng mama mo. Pinag-iisipan ko rin kung paano ako babawi. Nagkataong napag-usapan namin ni Arrington ang Maldives ngayong araw. Naisip kong ibigay ang islang nakareserba para sa pamilya natin sa’yo. Sa ganitong paraan, pwede kayong magbakasyon ng mama mo roon.”Kahit napakataas ng market price ng isla nila sa Maldives, mababa ang tunay nitong value. Halimbawa, nagkakahalaga ng ilang milyong dolyar ang ginastos ng pamilya Schulz sa development ng islang binili nila at sa purchase rights na gamitin ito sa loob ng 100 na taon. Pero, ang tunay na mahal dito ay ang cost of development at construction sa loob ng isla. Hindi lamang kumpletong set ng architectural solutions ang kailangan para sa renovation ng isang isla, kundi marami rin itong mga magarbong dekorasyon na kakailanganin. May full set r
Magbasa pa

Kabanata 2935

Nang marinig ito ni Sophie, hindi niya mapigilang i-angat ang kanyang ulo para tignan si Charlie.Napagtanto niyang maingat at magaling magbasa ng sitwasyon si Charlie lalo na pagdating sa mga binabalak ng kanyang lolo. Sinabi ni Charlie kanina na siguradong lalapitan ni Cadfan si Sophie para humingi ng tulong, at sa hindi inaasahang pagkakataon, kumikilos nga talaga si Cadfan gaya ng sinabi ni Charlie.Subalit, hindi alam ni Sophie ang dahilan kung bakit nagalit si Charlie, hindi niya rin alam na nagpadala ang kanyang lolo ng isang top master sa Aurous Hill para subukang patayin si Charlie.Ganoon din, hindi agad pumayag si Sophie sa pakiusap ni Cadfan. Sa halip, nagtanong siya, “Lolo, sabi mo nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ng misteryosong lalaking nagligtas sa akin. Sabihin mo muna sa akin kung ano ang hindi pagkakaunawaan na ito? Kahit pumayag ako sa pakiusap niyo, makakahanap lang ako ng oportunidad na sabihin ito sa kanya kung naiintindihan ko nang malinaw ang sitwasyon
Magbasa pa

Kabanata 2936

Pagkatapos, nang makamit ni Cadfan ang kanyang layunin, hindi niya na tinuloy ang diskusyon ng isyu. Agad niyang binago ang paksa, “Nga pala, Sophie, kumusta na ang diskusyon mo kasama si Mr. Ito Yahiko? Matagal nang gusto ng taong ito na magkaroon ng collaboration kasama tayo para magkaroon siya ng breakthrough sa Asia at maging global ang kanilang group. Pero, simula nang mangyari ang insidente sa Tokyo, tila ba hindi na nila tayo tinitingala.”“Oo,” sambit ni Sophie, “Mukhang may pagbabago nga sa ugali ni Mr. Ito. Pero, nauunawaan ko naman ang dahilan. Maganda ang takbo ng diskusyon namin ngayon. Matapos ang lahat, hindi na pareho ang lahat gaya ng dati. Ibinaba ko ang posisyon ko at handa akong gamitin ang buong ocean shipping group para bumuo ng isang bagong kumpanya kasama ang pamilya Ito. Sa pagkakataong iyon, mapupunta ang 51% ng shares sa kanila at 49% naman ng shares ang nasa akin. Sa ganitong paraan, ililipat ko ang fixed assets sa bagong kumpanya saka ko itutuloy ang nulli
Magbasa pa

Kabanata 2937

Pagkatapos ibaba ang tawag, kahit mas magaan ang pakiramdam ni Cadfan, pangit ang ekspresyon sa kanyang mukha.Gusto niya lang sanang mag-iwang ng magandang impresyon kay Sophie nang banggitin niya ang tungkol sa Maldives, pero hindi niya naman inaakalang direkta itong tatanggapin ng kanyang apo. Higit sa lahat, mukhang hindi na rin makapaghintay si Sophie na mapunta sa kanya ang property rights. Hindi tuloy mapigilang magdalamhati ni Cadfan.Ito dapat ang lugar na hinanda niya para sa kanyang retirement. Mahalaga ang islang ito para sa kanya, katumbas ito ng isang kabaong na hinahanda ng mga sinaunang tao para sa kanilang sarili bago pa ang kanilang kamatayan.Tumutukoy ang kabaong na ito sa isang mamahalin at mabigat na kabaong na pinapagawa nila nang maaga bago pa man sila pumanaw. Marami sa mga nakatatanda sa sinaunang panahon ang nagbibigay pagpapahalaga sa ganitong klase ng kabaong higit pa sa kanilang sariling buhay dahil dito sila matutulog pagkatapos ng kanilang huling hini
Magbasa pa

Kabanata 2938

Napangiti si Isaac, “Baka gusto niya siguro kayong sorpresahin.”Kumaway si Charlie. “Kung gusto niya talaga akong sorpresahin, hindi dapat sa Shangri-La ang accommodation niya.”Habang nagsasalita, inilabas ni Charlie ang cellphone niya, “Tatawagan ko na lang siya.”Matalinong tao si Isaac kaya agad siyang lumabas ng opisina. Para naman kay Charlie, agad na sinagot ni Quinn ang tawag.Nang kumonekta ang linya, masaya ang boses ni Quinn nang magsalita siya, “Charlie! Bakit mo ako tinatawagan ngayon?”Tumawa si Charlie, “May problem aba kung tinatawagan kita ngayon?”Tumawa rin si Quinn saka siya nagsalita, “Syempre wala namang problema. Nasorpresa lang ako nang kaunti nang makitang tumatawag ka. Madalas, hindi ikaw ang nauunang tumawag.”Agad na tumugon si Charlie, “Narinig ko kay Mr. Cameron na pupunta na raw ang team mo bukas dito. Ikaw ba? Pupunta ka na rin ba rito?”Nagpaliwanag si Quinn, “Hindi pa ako makakasama. Mauuna lang muna ang team ko para inspeksyunin ang lahat sa
Magbasa pa

Kabanata 2939

Hindi inaakala ni Charlie na pupunta rin ng Aurous Hill si Yule Golding at Rachel Golding.Nang marinig niya ang mga salitang ito, agad siyang nagtanong, “Naihanda na ba ni Uncle Golding at Aunt Golding ang itinerary nila? Gusto mo bang maghanda agad ako ng accommodation para sa kanila?”Napangiti si Quinn saka siya nagsalita, “Sa tingin ko, sa mismong araw pa ng concert sa Aurous Hill sila makakapunta. Maliban dito, marami rin silang mga dapat tapusin sa Eastcliff. Kaya, pupunta lang sila sa concert sa araw na iyon pero uuwi rin sila agad sa gabi.”Habang nagsasalita, muling nagdagdag si Quinn, “Sa totoo lang, hindi talaga pupunta sila mama at papa para sa concert ko. Sa Eastcliff rin naman ang susunod kong concert. Gusto lang talaga nilang bisitahin ka at magkaroon ng selebrasyon para sa birthday mo.”Nang marinig ni Charlie na pupunta si Yule at Rachel sa Aurous Hill para sa kanya, hindi niya mapigilang maantig. Sa parehong pagkakataon, nakaramdam siya ng kaunting hiya. Agad siy
Magbasa pa

Kabanata 2940

Napangiti si Quinn saka siya nagtanong, “Bakit ka nagtatanong nang maaga? Pupunta ka ba para sunduin ako sa airport?”Tumugon si Charlie, “Pwede kitang sunduin kung kaya ng oras ko.”“Sige! Gusto ko iyan!” Agad na nagsalita si Quinn, “Pwede mong sabihin sa akin kung anong oras ka bakante sa makalawa. Lilipad na lang ako sa oras na hindi ka abala. Gagamitin ko naman ang private plane ng pamilya namin, pwede akong umalis kahit kailan.”Habang nagsasalita, nagdagdag si Quinn, “Nga pala, Charlie, kailangan kong dumating ng 2:00 PM sa venue para sa rehearsal namin. Kaya, dapat nasa Aurous Hill na ako ng 12:00 PM. May bakante ka bang oras sa umaga?”Napaisip si Charlie sa loob ng ilang sandali, “Kailangan kong ihatid ang hipag mo ng 8:00 AM sa kumpanya niya. Bakante na ako pagkatapos nito.”Napabulalas si Quinn, “Hindi ko siya kinikilalang hipag! Maliban sa sarili ko, wala akong ibang tatanggapin na hipag! Ako lang ang pwedeng maging hipag ko!”Nakaramdam ng matinding hiya si Charlie a
Magbasa pa
PREV
1
...
292293294295296
...
569
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status