Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2911 - Chapter 2920

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2911 - Chapter 2920

5687 Chapters

Kabanata 2911

Nang makita ni Falco na biglang umanib si Carvalho sa kabilang panig, napuno siya ng galit.Pinagtuturo niya si Carvalho habang nagngingitngit ang kanyang ngipin, “Kung alam ko lang na masama ang budhi mo taranrado ka, pinatay na sana kita at ang apo nang magkita tayo kahapon dito sa Mount Phoenix Cemetery!”Malamig na tumugon si Carvalho, “Falco Xanthos, marami ka nang napatay na tao sa buhay mo at marami ka ring hindi pinakawalan na mga inosenteng indibidwal. Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na masama ang budhi ko?! Sa tingin ko ikaw ang tunay na salbahe rito!”Habang nagsasalita, pumunta si Carvalho sa harap ni Charlie at pinagtama niya ang dalawa niyang palad saka siya nagsalita sa isang magalang na boses, “Young Master Wade, maraming nagawang masamang bagay ang taong ito sa buhay niya. Nararapat lamang na mamatay siya. Ngayong araw, dapat mo siyang tapusin. Masasabing tinutulungan mo ang mundo kapag inalis mo ang mga kagaya niyang peste!”Takot na takot si Falco lalo na n
Read more

Kabanata 2912

Nang makita ni Charlie na paparating ang isang Thunder Order sa kanyang direksyon, nasorpresa siya nang kaunti at naging maingat siya. Hindi niya rin alam kung bakit walang kakaibang nangyayari o kahit anong pagbabago sa langit nang ilabas ni Falco ang kanyang Thunder Order.Mula sa sariling karanasan ni Charlie sa paggamit ng Thunder Order, kapag inilabas niya ito, magkakaroon ng mga kulay itim na ulap, umaalingawngaw na kulog, at kidlat. Subalit, walang ganitong klase ng senyales nang ilabas ni Falco ang kanyang Thunder Order.Ganoon din, para bang may sumabog sa harap ng mga mata ni Charlie.Sa isang malakas na ugong, isang lightning bolt ang nagpakita mula sa ere. Subalit, tanging kulog at kaunting ulan lamang ang napansin ni Charlie sa pangyayari. Isang metro lang rin ang haba ng lightning bolt na lumitaw sa kanyang harap. Hindi man lang ito katumbas ng 1% ng enerhiya ng Thunder Order na mayroon si Charlie.Kaya, hindi kumilos si Charlie at hinayaan niya lamang na tumama ang i
Read more

Kabanata 2913

“Ano sinabi mo?!”Nanlaki ang mga mata ni Falco, namutla ang kanyang mukha at napuno siya ng taranta, “Ikaw… Ikaw… may Thunder Order ka rin?!”Natawa si Charlie, “Bakit? Kakaiba ba ang bagay na iyan? Pwede kang magkaroon ng Thunder Order, pero ako hindi pwede?”Napabulalas si Falco, “Pero… pero matagal nang nawala sa kasaysayan ang paraan kung paano gumawa ng Thunder Order! Nakuha ko pa ang Thunder Order ko mula sa ancient tomb ng isang metaphysics master sa tulong ng isang ancient military officer! Maliban sa tatlong Thunder Orders na mayroon ako, hindi pa ako nakakakita ng kahit sinong may Thunder Order!”Natawa ulit si Charlie, “Mukhang hindi ka lang salbaheng tao, pero isa ka ring hangal! Sa mga mata ko, defective item lang ang Thunder mo. Bakit naman magkakaroon ng Thunder Order na isang beses mo lang magagamit? Hindi na nga magandang isang beses mo lang magagamit, pero napakaliit pa ng lightning bolt nito. Hindi ba masyadong nakakahiya na ipinagyayabang mo ito?”Habang nagsa
Read more

Kabanata 2914

Sa madaling salita, matitikman niya ang sarili niyang medisina.Takot na takot si Falco na gagawin rin ni Charlie sa kanya ang ginagawa niya sa iba.Umaasa na lang siya na walang alam si Charlie sa pagpapalaki ng isang parasitic worm o kaya wala rin itong sariling native parasitic worms. Kung hindi, kung hahayaan ni Charlie na kagatin at butasan ng parasitic worm ang ulo ni Falco hanggang sa kainin nito ang utak niya, dadanas si Falco ng isang tortyur na mas matindi pa sa 18 levels of hell bago siya mamatay….Kaya, agad na nagmakaawa si Falco, “Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan. Master, pakiusap maawa kayo sa akin at patayin niyo na lang ako nang hindi ako nakakaramdam ng kahit anong sakit…”“Hindi ka makakaramdam ng kahit anong sakit?” Napangiti si Charlie, “Hindi mo pwedeng sabihin ang bagay na iyan sa akin. Pakiusapan mo na lang ang silkworm mo!”Habang nagsasalita ginamit ni Charlie ang dulo ng daliri ng kanyang paa para tapakan ang parasitic worm na nasa bingit ng ka
Read more

Kabanata 2915

Nanginig nang matindi si Falco nang maramdaman niyang pumapasok ang simoy ng malamig na hangin sa kanyang bungo.Hindi nagtagal, nakaramdam siya ng sakit na para bang sampung libong beses na mas matindi kaysa maputulan ka ng mga braso at binti!Posible ang bagay na ito dahil sa nakasisindak na toxin na inilalabas ng parasitic worm na dahilan para maging sensitibo ng ilang daang beses ang kanyang nervous system.Maliban sa katotohanang direktang kinakain ng native parasitic worm ang ulo ni Falco at binubutasan nito ang kanyang bungo, kahit pa ang simpleng karayom na hindi matalas, magdudulot ito ng sakit sa kanya na para bang ilang milyong beses siyang pinapatamaan ng palaso ng isang tao.Nahimatay si Falco sa tindi ng sakit na nararamdaman niya, pero muli rin siyang nagising dahil sa parehong sakit. Malubha ang pinagdaraanan niya ngayon.Sa pagkakataong ito, nabuksan na ng parasitic worm ang kanyang bungo at narating na nito ang utak niya na pagpipiyestahan nito.Gusto nang mamat
Read more

Kabanata 2916

Tumango nang kuntento si Charlie at sinabi, “Kung gano’n, pwede mo akong sundan pabalik.”Sumang-ayon nang nagmamadali si Carvalho, at nang tumingala siya, bigla siyang napabulalas nang malakas.“Eh?! Maaari bang nag-iwan si Falco Xanthos ng sarira pagkatapos siyang tamaan ng kidlat?”Nang marinig ito ni Charlie, napatingin siya sa lugar kung saan ginawang abo ng kidlat si Falco, at oo nga, may nakita siyang isang bagay na kasing laki ng itlog ng itik may kulay abong kayumanggi sa sahig.Hindi niya napigilan ang pagkunot ng noo niya habagn sinabi, “Paano naging sobrang laki ng sarira? Sa tingin ko ay bato lang ito sa kidney stone lang ito, tama?”“Sa tingin ko ay hindi…” Sinabi ni Carvalho habang naglakad siya papunta doon at pinulot ang kulay abong kayumanggi na bagay.Sinuri niya ito nang maingat, at hindi niya napigilang sabihin, “Oh, jusko! Isa… isa pala itong ambergris!”“Ambergris?” Kumunot ang noo ni Charlie. Kahihingi niya lang ng tulong kay Graham na maghanap ng ambergr
Read more

Kabanata 2917

Itinabi ni Charlie ang ambergris, at naramdaman niya rin na mukhang medyo umayos ang hitsura ni Carvalho sa mga mata niya kumpara sa dating paningin niya kay Carvalho.Pagkatapos, sinabi niya, “Mananatili kayo ni Mason sa Shangri-La simula ngayong gabi. Magpapaayos ako ng kwarto para sa’yo, at bibigyan ka ng tatlong masaganang pagkain araw-araw pati na rin ang ibang pang araw-araw na kailangan mo. Pero, hindi ka pwedeng makipag-ugnayan sa labas sa ngayon, at hindi kayo pwedeng umalis sa Shangri-La nang walang pahintulot.”Habang nagsasalita siya, idinagdag ni Charlie, “Ito ang pinakamagandang solution na maaalok ko sa’yo. Magtiwala ka, mas komportable ang Shangri-La kumpara sa dog farm.”Hinding-hindi mangangahas si Carvalho na mayamot, at yumuko na lang siya nang tapat habang sinabi, “Susundan ko ang lahat ng uto ni Young Master Wade…”Tumango si Charlie bago tinawagan si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagmamadaling pumunta si Isaac gamit ang helicopter.Pagkatapos, iniwan
Read more

Kabanata 2918

Tinanong ulit ni Doris, “Dahil kararating mo lang sa Aurous Hill, nasasanay ka na ba?”“Medyo maayos naman.” Ngumiti si Autumn at sinabi, “Sa totoo lang, mas maganda ang pakiramdam na nasa Oskia ka kumpara sa United States. Sa isang dako, ito ay dahil mas malaki ang pakiramdam ng pagiging tagarito, at sa ibang dako, isa pang mahalagang dahilan ay dahil pakiramdam ko napaka-ligtas sa Oskia.”“Totoo.” Bumuntong hininga si Doris habang sinabi, “Nanatili rin ako sa United States nang ilang panahon. Mas malala nga ang seguridad doon kumpara sa seguridad sa bansa natin. Bukod sa downtown area, hindi ako nangahas na pumunta sa ibang lugar makalipas ang alas diyes ng gabi dahil kadalasan ay maraming armadong pagnanakaw sa kalye, at sobrang mapanganib ito para sa mga babae.”Tumango nang paulit-ulit si Autumn sa pagsang-ayon habang sinabi nang walang magawa, “Noon pa man ay tuloy-tuloy na problema na ang seguridad sa United States. Noong nasa United States pa ako, madalas akong hindi lumalab
Read more

Kabanata 2919

Nang marinig ni Autumn ang tanong ni Charlie, medyo namula at nahiya siya. Ayaw niyang malaman ni Charlie na tinatanong niya si Doris kung madali bang pakasamahan si Charlie.May napakataas na emotional intelligence din si Doris, kaya ngumiti lang siya nang bahagya habang sinabi kay Charlie, “Pinag-uusapan lang namin ang trabaho namin sa hinaharap. Dahil, pareho kaming magtatrabaho sa kumpanya mo dito sa hinaharap. Kaya, maraming bagay ang maaaring pag-usapan.”Habang nagsasalita siya, tumingin si Doris kay Autumn at sinabi, “Young Master, kababalik lang ni Miss Hart sa Oskia, at naghahanda siyang tanggapin ang isang bagong negosyo mula sa wala. Kaya, kailangan mo siyang gabayan pa pagdating ng oras para matulungan mo siyang paganahin ang negosyo nang mas mabilis at mas madali.”Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie, at tumango siya nang marahan habang sinabi nang seryoso, “Sigurado iyan. Malaki ang pagpapahalaga ko sa negosyo na ito. Kaya, sa sandaling nagsimula ang negosyo,
Read more

Kabanata 2920

Kaya, hindi siya sigurado kung gaano karaming pera ang mayroon si Charlie para paganahin ang negosyo na ito.Sa sandaling ito, nag-isip saglit si Charlie bago siya nagsalita, “Maglalabas ako ng five billion dollars bilang start-up capital para sa unang yugto. Pagkatapos, marahil ay mag-invest ako ng sampu-sampung bilyong dolyar sa hinaharap. Pero, nakadepende ito sa magiging epekto ng unang yugto natin.”Habang nagsasalita siya, tinanong ni Charlie si Autumn, “Sa opinyon mo, sapat na ba ang five billion dollars para sa unang yugto?”Hindi nag-alangan si Autumn na sabihin, “Oo, talagang sapat na ito! Kung gano’n, palalaweakin ko ang sukat ng orihinal na ideya ko, at makakapag-order tayo ng sampung bagong cargo ship mula sa mga shipbuilding enterprise sa parehong oras. Sa ganitong paraan, lalaki nang sobra ang capacity natin sa susunod na taon.”Tumango si Charlie at sinabi, “Iiwan ko ang lahat ng desisyon na ito sa iyo.”Sa sandaling ito, ay kumatok nanaman sa pinto, at narinig ang
Read more
PREV
1
...
290291292293294
...
569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status