Tumango nang kuntento si Charlie at sinabi, “Kung gano’n, pwede mo akong sundan pabalik.”Sumang-ayon nang nagmamadali si Carvalho, at nang tumingala siya, bigla siyang napabulalas nang malakas.“Eh?! Maaari bang nag-iwan si Falco Xanthos ng sarira pagkatapos siyang tamaan ng kidlat?”Nang marinig ito ni Charlie, napatingin siya sa lugar kung saan ginawang abo ng kidlat si Falco, at oo nga, may nakita siyang isang bagay na kasing laki ng itlog ng itik may kulay abong kayumanggi sa sahig.Hindi niya napigilan ang pagkunot ng noo niya habagn sinabi, “Paano naging sobrang laki ng sarira? Sa tingin ko ay bato lang ito sa kidney stone lang ito, tama?”“Sa tingin ko ay hindi…” Sinabi ni Carvalho habang naglakad siya papunta doon at pinulot ang kulay abong kayumanggi na bagay.Sinuri niya ito nang maingat, at hindi niya napigilang sabihin, “Oh, jusko! Isa… isa pala itong ambergris!”“Ambergris?” Kumunot ang noo ni Charlie. Kahihingi niya lang ng tulong kay Graham na maghanap ng ambergr
Itinabi ni Charlie ang ambergris, at naramdaman niya rin na mukhang medyo umayos ang hitsura ni Carvalho sa mga mata niya kumpara sa dating paningin niya kay Carvalho.Pagkatapos, sinabi niya, “Mananatili kayo ni Mason sa Shangri-La simula ngayong gabi. Magpapaayos ako ng kwarto para sa’yo, at bibigyan ka ng tatlong masaganang pagkain araw-araw pati na rin ang ibang pang araw-araw na kailangan mo. Pero, hindi ka pwedeng makipag-ugnayan sa labas sa ngayon, at hindi kayo pwedeng umalis sa Shangri-La nang walang pahintulot.”Habang nagsasalita siya, idinagdag ni Charlie, “Ito ang pinakamagandang solution na maaalok ko sa’yo. Magtiwala ka, mas komportable ang Shangri-La kumpara sa dog farm.”Hinding-hindi mangangahas si Carvalho na mayamot, at yumuko na lang siya nang tapat habang sinabi, “Susundan ko ang lahat ng uto ni Young Master Wade…”Tumango si Charlie bago tinawagan si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagmamadaling pumunta si Isaac gamit ang helicopter.Pagkatapos, iniwan
Tinanong ulit ni Doris, “Dahil kararating mo lang sa Aurous Hill, nasasanay ka na ba?”“Medyo maayos naman.” Ngumiti si Autumn at sinabi, “Sa totoo lang, mas maganda ang pakiramdam na nasa Oskia ka kumpara sa United States. Sa isang dako, ito ay dahil mas malaki ang pakiramdam ng pagiging tagarito, at sa ibang dako, isa pang mahalagang dahilan ay dahil pakiramdam ko napaka-ligtas sa Oskia.”“Totoo.” Bumuntong hininga si Doris habang sinabi, “Nanatili rin ako sa United States nang ilang panahon. Mas malala nga ang seguridad doon kumpara sa seguridad sa bansa natin. Bukod sa downtown area, hindi ako nangahas na pumunta sa ibang lugar makalipas ang alas diyes ng gabi dahil kadalasan ay maraming armadong pagnanakaw sa kalye, at sobrang mapanganib ito para sa mga babae.”Tumango nang paulit-ulit si Autumn sa pagsang-ayon habang sinabi nang walang magawa, “Noon pa man ay tuloy-tuloy na problema na ang seguridad sa United States. Noong nasa United States pa ako, madalas akong hindi lumalab
Nang marinig ni Autumn ang tanong ni Charlie, medyo namula at nahiya siya. Ayaw niyang malaman ni Charlie na tinatanong niya si Doris kung madali bang pakasamahan si Charlie.May napakataas na emotional intelligence din si Doris, kaya ngumiti lang siya nang bahagya habang sinabi kay Charlie, “Pinag-uusapan lang namin ang trabaho namin sa hinaharap. Dahil, pareho kaming magtatrabaho sa kumpanya mo dito sa hinaharap. Kaya, maraming bagay ang maaaring pag-usapan.”Habang nagsasalita siya, tumingin si Doris kay Autumn at sinabi, “Young Master, kababalik lang ni Miss Hart sa Oskia, at naghahanda siyang tanggapin ang isang bagong negosyo mula sa wala. Kaya, kailangan mo siyang gabayan pa pagdating ng oras para matulungan mo siyang paganahin ang negosyo nang mas mabilis at mas madali.”Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie, at tumango siya nang marahan habang sinabi nang seryoso, “Sigurado iyan. Malaki ang pagpapahalaga ko sa negosyo na ito. Kaya, sa sandaling nagsimula ang negosyo,
Kaya, hindi siya sigurado kung gaano karaming pera ang mayroon si Charlie para paganahin ang negosyo na ito.Sa sandaling ito, nag-isip saglit si Charlie bago siya nagsalita, “Maglalabas ako ng five billion dollars bilang start-up capital para sa unang yugto. Pagkatapos, marahil ay mag-invest ako ng sampu-sampung bilyong dolyar sa hinaharap. Pero, nakadepende ito sa magiging epekto ng unang yugto natin.”Habang nagsasalita siya, tinanong ni Charlie si Autumn, “Sa opinyon mo, sapat na ba ang five billion dollars para sa unang yugto?”Hindi nag-alangan si Autumn na sabihin, “Oo, talagang sapat na ito! Kung gano’n, palalaweakin ko ang sukat ng orihinal na ideya ko, at makakapag-order tayo ng sampung bagong cargo ship mula sa mga shipbuilding enterprise sa parehong oras. Sa ganitong paraan, lalaki nang sobra ang capacity natin sa susunod na taon.”Tumango si Charlie at sinabi, “Iiwan ko ang lahat ng desisyon na ito sa iyo.”Sa sandaling ito, ay kumatok nanaman sa pinto, at narinig ang
Alam lang ni Charlie na ang dahilan kung bakit hindi inakusahan o nagreklamo si Sophie tungkol kay Cadfan sa live broadcast ng kaniyang press conference ay dahil siguradong may pinagkasunduan sila ni Cadfan.Pero, hindi sigurado si Charlie kung ano ang nakuha ni Sophie mula kay Cadfan.Nang marinig ni Charlie na nakuha ni Sophie ang Schulz Ocean Shipping Group para sa kaniya, medyo nasorpresa siya.Hindi niya talaga inaasahan na sobrang galing ng babaeng ito, si Sophie. Kaya niyang humiwa ng napakalaking laman mula kay Cadfan!O sa halip, hindi na ito kasing simple ng paghihiwa ng laman sa ilalim ng paanan niya, ngunit katumbas na nito ang pagputol ni Sophie sa isa sa mga binti ni Cadfan!Pero, medyo nasorpresa si Charlie habang tinanong si Nanako, “Dahil ganap na hinarangan na ang ocean shipping business ng pamilya Schulz, may paraan ba si Sophie Schulz na muling buhayin ang negosyo na ito?”Sumagot nang nagmamadali si Nanako, “Sa totoo lang, hindi ako masyadong sigurado sa solu
Hindi nag-aalala si Charlie na malantad ang pagkakakilanlan niya sa pamilya Schulz. DAhil, nasa kaniya sina Sheldon at Steven. Bukod dito, pinatay niya na rin si Falco. Kaya, kahit na gusto siyang patayin ng pamilya Schulz, wala silang paraan para gawin ito. Kaya, hindi talaga siya masyadong nag-aalala sa sarili niya.Kay Sophie talaga siya nag-aalala.Sa sandaling nagpasya siyang makipagtulungan sa kaniya, siguradong magagalit si Cadfan. Sa sandaling iyon, marahil ay posibleng ilipat ni Cadfan ang galit niya kay Sophie.Dahil, may galit sa isa’t isa ang pamilya Schulz at ang pamilya Wade, at sila ang pinakamalaking karibal ng isa’t isa. Kung makikipagtulungan si Sophie sa kaniya, sa mga mata ni Cadfan, para bang pinagtaksilan na ni Sophie ang pamilya Schulz at nakipagtulungan na siya sa kalaban.Kahit na gusto rin ni Charlie na humanap ng shortcut para sa sarili niyang negosyo, naramdaman niyan a hindi dapat itayo ang shortcut na ito sa batayan na mailalagay sa mapanganib na sitwa
Sa sandaling ito, nag-aalala rin nang sobra si Sophie sa mga susunod na hakbang niya para sa ocean shipping business.Nakuha nga ni Sophie ang napakalaking piraso ng cake, pero hindi niya ito makain.Dahil, nahrangan na ang ocean shipping business ng pamilya Schulz, at wala siyang paraan para magamit ang mga resources na ito.Gusto niya talagang makipagkita kay Charlie para sabihin sa kaniya ang tungkol dito upang masubukan niyang makipagtulungan sa kaniya at muling buhayin ang mga resources na ito.Pero, nag-aalala rin siya na mandidiri sa kaniya o sa pamilya Schulz si Charlie. Dahil, matagal nang kinakalaban ng kaniyang ama at kahit ng sarili niyang pamilya ang pamilya Wade. Bukod dito, marahil ay may kinalaman pa sila sa pagkamatay ng mga magulang niya.Kaya, sa ngayon ay hindi pa naiisip ni Sophie ang susunod na hakbang niya.Pero kahit na, ang mabuting bagay ay napalitan na at nasa pangalan na niya ang ocean shipping group. Kaya, naramdaman ni Sophie na kahit papaano ay may
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl