Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2871 - Chapter 2880

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2871 - Chapter 2880

5687 Chapters

Kabanata 2871

Sa nakalipas na dalawang araw ng pagpapahinga, puno ng imahe ni Charlie ang isip ni Autumn.Iniisip niya sanang kontakin agad si Charlie sa pinakamadaling panahon para direkta na siyang makapagsimula ng trabaho para sa kanya.Pero, dahil hindi masyadong maganda ang kondisyon ng kanyang katawan at kalusugan, hindi siya pinayagan ng kanyang tatay na magsimula agad sa kanyang trabaho. Wala siyang magawa kundi maghintay na lang.Ngayong narinig niyang nasa malapit si Charlie, hindi niya mapigilang masabik na makita ito.Balak sanang pilitin ni Yolden ang kanyang anak na magpahinga muna at magpaiwan sa bahay, pero nang makita niyang ayaw nitong magpaawat, wala na siyang masabing iba pa, “Sige, bilisan mo na lang at magpalit ka na ng damit para makalabas tayo. Hinihintay na tayo ni Charlie.”“Sige!” Tuwang tuwa si Autumn at tila ba gumaan ang kanyang loob at buong pangangatawan. Agad siyang tumalikod para bumalik sa kanyang kwarto.Maingat na pumili si Autumn ng damit na susuotin, pero
Read more

Kabanata 2872

Hindi nag-alangang tumugon si Holden, “Master Wade, huwag kayong mag-alala. Pwede akong puntahan ni Professor Hart at ni Miss Hart kahit kailan kung may kailangan sila sa hinaharap!”Napaisip si Yolden noong una. Hindi niya maunawaan kung bakit pinapakiusapan ni Charlie ang isang matandang lalaki na halos kasing tanda na ng tatay niya na protektahan silang dalawa ni Autumn.Pero, alam din naman ni Yolden na may supernatural powers si Charlie. Siguradong may rason ito kung bakit niya ito ginagawa. Tumugon na lamang si Yolden, “Lord Harker, gusto ko na kayong pasalamatan ngayon pa lang!”Pinagtama ni Holden ang dalawa niyang kamao saka siya ngumiti, “Professor Hart, hindi mo kailangang maging pormal sa akin. Magkakaibigan tayong lahat. Natural lang na magtulungan tayo.”Hindi mapigilang maramdaman ni Yolden na hindi ordinaryong tao si Yolden. Maliban dito, tila ba nagsasalita si Holden ng may awtoridad. Kahit may katandaan na si Holden, mukha siyang isang top master. Kaya, naisip ni
Read more

Kabanata 2873

Samantala, may dala-dalang makapal na school bag si Sophie sa kanyang likod nang bumalik siya sa mansyon ng Dunn mula sa labas.Kanina, napag-usapan na nila ng butler na si Arrington kung ano ang mga terms at conditions ng kontrata sa pagitan nila ng kanyang lolo na si Cadfan. Natapos na rin nila ang proseso ang paglilipat ng mga shares ng Schulz Ocean Shipping Group papunta sa kanya.Sa ngayon, si Sophie na ang may-ari ng buong Schulz Ocean Shipping Group na kasalukuyang nakatigil ang operations.Pagdating sa bahay, pinaulanan si Sophie ng lahat ng iba’t ibang tanong dahil hindi nila alam kung saan ito nagpunta kanina.Nagbigay lamang si Sophie ng palusot na lumabas siya para asikasuhin ang isang bagay. Sa tulong nito, nagawa niyang pansamantalang iwasan ang usapan.Tanging ang kanyang nakatatandang kambal na si Jaime ang nakaramdam na may kakaibang nangyayari.Pakiramdam niya nagkaroon si Sophie ng negosasyon kasama ang kanyang lolo na si Cadfan.Kaya, bumalik siya sa kanyang
Read more

Kabanata 2874

Pagkatapos magsalita, nagpatuloy si Cadfan, “Jaime, kailangan mo akong tulungan na bantayan nang mabuti ang bawat galaw ni Sophie simula ngayon. Kailangan mong imbestigahan kung saan siya pumupunta, sino ang mga nakakausap niya, at kung ano ang ginagawa niya. Nauunawaan mo ba?”Tumugon si Jaime, “Nauunawaan ko, Lolo. Huwag kang mag-alala!”“Sige.” Bumuntong hininga si Cadfan, “Hindi ako nag-aalala kung magagawa bang buhayin ni Sophie ang ocean shipping business natin o hindi. Ang problema ko lang kung ibebenta niya ang lahat ng fixed assets nito pagkatapos ng transfer ng shares… Katumbas ng ilang hundred billion dollars ang mga barko, port resources, at rights to the canal passage na pwede niyang ibenta. Kaya pagtuunan mo siya ng atensyon! Sabihan mo agad ako kapag may problema!”Naging malamig agad ang ekspresyon sa mukha ni Jaime, “Lolo, ako na ang bahala!”Pagkatapos ibaba ang tawag, nakaramdam ng matinding pag-aalala at panghihinayang si Jaime.‘Matagal ko na itong pinaghihira
Read more

Kabanata 2875

Habang nagkukuwentuhan at umiinom sila Charlie sa The Heaven Springs, kasalukuyang nagsasagawa ng press conference si Sophie sa internet.Ginanap ang press conference gamit ang isang full live broadcast sa social media. Pinili rin ni Sophie na gawin ang live broadcast sa loob ng isang vintage study room sa lumang mansyon ng pamilya Dunn.Akala ng lahat magpapakita ng galit si Sophie kay Cadfan habang isinasagawa ang press conference.Subalit, sa ikinagulat ng lahat, kalmado lamang si Sophie at wala siyang ipinakitang kahit anong agresibong ekspresyon sa kanyang mukha habang nagsasalita.Nang magsimula ang press conference, tumayo si Sophie at hinarap niya ang camera, “Magandang araw sa inyong lahat. Ako si Sophie Schulz. Gusto ko kayong pasalamatan para sa inyong pag-aalala sa amin. Ginawa ko ang press conference na ito para sabihan ang lahat ng nag-alala at nangangamba sa kaligtasan namin ni mama na ligtas kaming nakabalik sa pamilya namin. Bukod pa rito, maganda rin ang kondisyon
Read more

Kabanata 2876

Nagtaka si Isaac kaya nagtanong siya, “Bakit hindi ginamit ni Miss Schulz ang pagkakataong ito para gipitin si Cadfan Schulz? Ilang milyong tao ang nanonood ng live broadcast niya ngayon sa iba’t ibang online platforms sa bansa. Perpekto sana ang oportunidad na ito para magdulot siya ng malaking pinsala kay Cadfan Schulz. Ika nga nila, ‘it’s now or never’. Hindi na siya magkakaroon ng ganitong pagkakataon sa hinaharap.”Ngumiti nang bahagya si Charlie. “Hindi mo kailangang masyadong masorpresa. Sigurado akong may mga bagay siyang kailangang isipin.”***Sa puntong ito, tinapos na ni Sophie ang kanyang live broadcast. Nakaupo siya nang hindi gumagalaw sa loob ng study room habang paulit-ulit niyang iniisip ang susunod niyang hakbang.Kumatok si Helen sa pinto ng kwarto, “Sophie, lumabas ka muna para kumain tayo.”Nakabalik si Sophie sa kanyang huwisyo at agad siyang sumagot, “Sige, Mama. Lalabas na rin ako.”Habang nagsasalita, inilabas ni Sophie ang isang makapal na salansan ng m
Read more

Kabanata 2877

Kahit sikretong nagrereklamo si Jaime at hindi niya mapigilang magalit sa loob ng kanyang puso, mas nag-aalala siya.Natatakot siyang makarating ang mga salita ni Sophie sa mga tainga ng kanilang lolo na si Cadfan. Paano kung maisip ni Cadfan na siya ang nagbigay ng ganitong ideya kay Sophie? Hindi ba parang kinakalaban niya ang lolo nila kung sakali?!Kahit si Jaime ang pinakamatandang apo sa pamilya Schulz, madali pa rin para kay Cadfan na siguruhing walang makukuhang kahit ano si Jaime mula sa pamilya.Matapos ang lahat, hindi siya katulad ni Sophie. Nagkakahalaga ng ilang hundred billion dollars ang net worth ng kanyang kapatid. Kapag naisapubliko ito, maaaring si Sophie na ang maging pinakamayamang babae sa buong Oskia.Nang maisip ito, hindi mapigilang bumigat lalo ng loob ni Jaime.Subalit, hindi pinagdudahan nila Jefferson at ng iba pang mga miyembro ng pamilya Dunn ang mga salita ni Sophie.Pumalakpak pa si Jefferson at pinuri niya ang kanyang apo, “Sophie, napakagaling
Read more

Kabanata 2878

“Oo, dito rin ako kumain.” Ngumiti si Matilda, “Nagkataong kumain kami ng mga kasamahan ko sa Senior University dito.”Ganoon din, habang nakatalikod sa tabi ni Charlie, bumalik na rin si Yolden sa kanyang huwisyo. Nang makita niya ang magandang si Matilda, nakaramdam siya ng tuwa, “Matilda, andito ka pala!”Nasorpresa rin si Matilda at napangiti siya, “Oh! Yolden, andito ka rin pala?”Pagkatapos itong sabihin, itinuro ni Matilda si Charlie at napabulalas siya, “Kilala… mo si Charlie?”Sumagot agad si Charlie habang nakangiti, “Aunt Hall, nagkataong may bagong negosyo na pinapatakbo ang kaibigan ko. Inimbitahan niya rito si Professor Hart para kumain ng hapunan. Hindi ko rin inaakalang magiging magkakilala kami.”Alam ni Yolden na ayaw ni Charlie na marami ang nakakaalam ng kanyang tunay na pagkatao. Kaya, sumang-ayon na lamang siya, “Oo, Matilda. Nasorpresa rin ako nang magkita kami ni Charlie. Mukhang itinadhana ang pagkikita namin.”Walang kahit anong duda si Matilda kaya tuma
Read more

Kabanata 2879

Nang marinig ni Matilda ang mga salita ni Autumn, tumango siya bilang pagsang-ayon saka siya tumawa, “Bibihira ka lang makakilala ng isang tao na may mga parehong karanasan sa’yo. Syempre, masaya akong makilala ang tatay mo.”Nanggaling ang mga salitang ito mula sa kaibuturan ng puso ni Matilda.Hindi man naging masyadong mahirap ang buhay niya, may sarili pa rin siyang mga problemang pinagdadaanan.Umalis siya papunta ng ibang bansa, doon siya nanirahan, nagpakasal siya, nanganak siya, nawalan siya ng asawa, at pinili niyang bumalik sa Oskia kasama ang kanyang anak.Maiksi man ang pangungusap na ito pero ito ang naglalarawan sa 50 na taong buhay ni Matilda.Sa tulong siguro ng tadhana, pareho rin ang mga naging karanasan ni Yolden sa kanya.Napagpasyahan rin ni Yolden na bumalik ng Oskia nang pumanaw ang kanyang asawa.Noong una, inakala ni Matilda na ang pinagkaiba lamang nila ni Yolden ay mag-isa itong bumalik sa bansa samantalang nasa United States naman ang anak nito. Subal
Read more

Kabanata 2880

“Oo naman!” Seryosong tugon ni Autumn, “Hindi naman ako boomer. Matanda ka na kaya ayos lang na magkaroon ka ng makakasama sa buhay. May permiso ka na galing sa akin kung balak mo talagang ligawan si Aunt Hall. Hindi mo kailangang mag-alala sa akin o sa kahit ano. Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong.”Sa totoo lang, nag-aalangan talaga si Autumn sa ideya na mahulog ang kanyang ama sa ibang babae.Ito ay dahil matagal siyang galit na galit kay Yolden dahil sa nangyari sa kanyang nanay. Naniniwala siyang may kasalanan si Yolden sa pagkamatay ng kanyang ina.Subalit, pagkatapos ng kanyang karanasan sa Syria, mas naging maluwag ang kanyang loob at mas naunawaan niya na rin ang sitwasyon ng kanyang tatay.Matapos ang lahat, sila ang dahilan kung bakit pumupunta si Yolden sa iba’t ibang lugar para magtrabaho sa lahat ng taong ito. Gustong bigyan ni Yolden ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Hindi rin naman siya nagkaroon ng ibang babae at hindi rin siya nangaliwa sa kabil
Read more
PREV
1
...
286287288289290
...
569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status