Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2881 - Chapter 2890

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2881 - Chapter 2890

5687 Chapters

Kabanata 2881

Pagkatapos ihatid si Yolden at Autumn, inutusan ni Charlie ang driver ng MPV na dumiretso ng Shangri-La.Hinihintay ni Rosalie ang pagdating ng kanyang ina na si Yashita. Hindi niya mapigilang maubusan ng pasensya.Nang dumating ang kotse sa entrance ng hotel, kinausap ni Charlie si Isaac, “Mr. Cameron, pakidala na lang si Madam Harker sa taas. Hindi na ako sasama.”Agad na nagtanong si Yashita, “Master Wade, hindi ka ba sasama sa itaas kahit saglit?”Ngumiti si Charlie, “Hindi na. Medyo malalim na ang gabi, kailangan ko nang dumiretso nang uwi.”Tumango si Yashita, “Sige. Maraming salamat sa paghahatid sa akin dito. Master Wade, pwede niyo akong tawagan kung may kailangan kayo! Kahit kailan!”Tumugon si Charlie, “Sige, mag-usap na lang tayo sa cellphone. Nagkaroon tayo ng agreement na magbabayad ako ng 100 million dollars sa pamilya Harker bawat taon. Kaya, pakisend na lang sa akin ang bank account mamaya, Madam Harker. Magpapadala agad ako ng pera. Para naman sa natitirang pill
Read more

Kabanata 2882

“Sige.” Walang masyadong sinabi si Charlie, “Pakisend na lang sa akin sa text.”Hindi nagtagal, nakatanggap si Charlie ng isang text message na naglalaman ng isang American phone number.Direktang tinawagan ni Charlie ang numero. Ilang segundo lamang ang hinintay niya bago niya narinig ang prompt na nagsasabing sinagot na ang linya.Maririnig ang boses ni Chandler mula sa kabilang bahagi. “Hello, sino ito?”Sumagot si Charlie, “Master Chandler, ako ito, si Charlie.”Nang marinig at makilala ni Chandler ang boses ni Charlie, nasorpresa siya, “Oh! Ikaw pala iyan Young Master Wade! Bakit bigla kang napatawag?”Nagsalita si Charlie, “Ito ang kaso. May gusto sana akong itanong sa’yo. May ginagawa ka ba?”Agad na tumugon si Chandler, “Pakiusap, sabihin mo lang sa akin.”Nagtanong si Charlie, “May kilala ka bang matanda na tinatawag na Carvalho Mason? Isa siyang American-Oskian.”“Carvalho Mason?!” Napatanong si Chandler sa sorpresa, “Young Master Wade, nakita mo na ba siya?”“Oo.”
Read more

Kabanata 2883

20 minuto ang makalipas.Tumigil ang taxi sa harap ng entrance ng Mount Phoenix Cemetery, ang pinakamalaking sementeryo sa labas ng Aurous Hill.Sakop ng sementeryo ang marami sa nakapaligid na mga bundok. Masasabing malawak talaga ito. Madalas, marami rin ang pumupunta rito para bisitahin ang kanilang mga yumao, pero sa gabi, kahit aso hindi masisilayan sa lugar na ito.Ganooon din, ibinaba ng taxi ang mag-lolo sa harap ng gate ng sementeryo saka mabilis na tinapakan ng taxi driver ang accelerator para umalis.Sinuri ni Mason ang kulay white jade na gate sa kanyang harap sa tulong ng liwanag ng buwan. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kaunting kaba, “Lolo, bakit wala ni isang empleyado ang makikitang nagtatrabaho rito?”Umiling si Carvalho. “Hindi rin ako sigurado. Nakasara ang gate, pero hindi ko alam kung naka-lock bai to. Bakit hindi mo ako tulungang tingnan ang entrance?”Lumapit ang dalawa sa gate. Nang itulak ni Mason ang gate, hindi gumalaw ang bakal na entrada. Ganoon
Read more

Kabanata 2884

“Patay na talaga siya?!” Nang marinig ito ni Mason, nasindak siya sa puntong mahihimatay na siya. Kinakabahan siyang nagsalita, “Hindi… hindi ba ito ang tinatawag nating mga zombies sa mga palabas?”“Hindi!” Kumaway si Carvalho at seryoso siyang sumagot, “Ito ang nangyayari kapag infected ang isang tao ng isang parasitic worm. Hindi na siya pinapakilos ng sarili niyang kamalayan, kundi ang parasitic worm na ang kumokontrol sa kanya.”“Parasitic worm?!” Napatulala si Mason at hindi niya mapigilang magtanong, “Ano ang prinsipyo sa likod ng bagay na iyan?”Seryoso ang boses ni Carvalho, “Wala namang masyadong prinsipyo. Ito lang talaga ang uri ng misteryo na nasa likod ng metaphysics. Para sa mga parasitic worms, mga poisonous worms na nagpapatayan lamang ang nasa mababang lebel nito. Kung sino ang makakaligtas sad ulo, siya ang tatawaging parasitic worm. Pero, masyadong mababaw ang ganitong klase ng paraan at para bang maihahalintulad ito sa pagpapalaki ng isang nakakalasong ahas o ka
Read more

Kabanata 2885

Napatitig si Carvalhon kay Mason saka siya nagpaliwanag, “Iniisip mo sigurong hindi nakabase sa science ang mga parasitic worms na ito, pero sa totoo lang, scientific basis talaga ang dahilan sa likod nito.”Habang nagsasalita, nagpaliwanag pa si Carvalho, “Kinakain ng parasitic worm ang utak ng isang tao. Maliban dito, kailangan nito ang isang preskong utak. Ibig sabihin, kailangang kamamatay lamang ng taong papasukin nila. Kahit kakainin ng parasitic worm ang buong utak ng isang tao at wala na itong central nervous system, hindi naman mawawala agad ang mga bodily functions nito. Kagaya ito ng isang brain-dead na pasyente na tumitibok pa ang puso at dumadaloy pa rin ang dugo.”“Iyan ang rason kung bakit nakamamangha ang isang parasitic worm. Kahit kainin na nito ang utak ng isang tao, kaya nitong manipulahin pansamantala ang central nervous system ng bangkay at pagawin ito ng mga simpleng manipulasyon at kilos ng katawan.”“Halimbawa, nakapaglakad ang bangkay ng security guard na n
Read more

Kabanata 2886

Hindi alam ni Carvalho kung paano sagutin ang mga sinabi niya. Kaya, pinilit niya na lang na tumawa bilang sagot.Tumingin si Falco sa security guard na nakatayo nang hindi gumagalaw sa tabi niya habang itinaas niya ang kaniyang kamay at biglang sumigaw, “Bumalik ka!”Sa sandaling ito, isang puting uod na maikukumpara sa laki ng isang sea cucumber ang biglang lumabas sa buhok ng security guard. Mataba at kulay puti ang uod, at may malaking bibig ito na puno ng itim at sirang ngipin. May ilang pula at puting dumi rin ito sa kaniyang ngipin, sobrang nakakadiri ang hitsura.Pagkatapos lumabas sa ulo ng security guard, bigla nitong pinilipit ang kaniyang katawan na parang isang karpa bago ito lumipad sa hangin at napunta sa kamay ni Falco.Hinawakan ni Falco ang uod gamit ang isang kamay habang hinimas niya ito nang malambing gmit ang kabila.Para naman sa uod, gumulong ito nang pabalik-balik sa kaniyang palad habang naglabas ito ng kakaibang tumitirit na tunog. Patuloy na hinimas n
Read more

Kabanata 2887

Ayaw na ayaw ni Carvalho na makipagtulungan sa ganito kasamang tao.Pero, hindi siya nangahas na galitin ang kabila. Kaya, tumango na lang siya at sinabi, “Natural lang iyon! May sari-sarili tayong lakas. Kaya, magiging akma tayo sa lakas ng isa’t isa sa pamamagitan ng pagtutulungan.”“Tama!” Ngumiti nang kaunti si Falco at sinabi, “Kung gano’n, gusto kong abalahin si Master Mason na subukang humanap ng paraan para lapitan si Sophie Schulz bukas. Ipapadala ko ang address sa iyo gamit ang text message mamaya.”“Okay.” Tumango si Carvalho at tinanong ulit, “Master Xanthos, may iba pa ba?”“Wala na.” Bahagyang ngumiti si Falco at sinabi, “Ito lang ang mahalaga. Pasensya na at inabala pa kitang pumunta dito, Master Mason. Nag-aalala rin ako na maririnig ng ibang tao ang usapan natin. Sana ay hindi mo ito isapuso.”Umirap si Carvalho sa puso niya. Hindi niya ba nakikita ang iniisip ni Falco? Hindi talaga nag-aalala ang taong ito na may makakarinig sa usapan nila. Tinawag siya dito ni F
Read more

Kabanata 2888

Sa sandaling ito, naghihintay sa dilim sa entrance ng hotel ang mga tauhan ni Isaac. Hinihintay nila na bumalik ang mag-lolo para makagawa sila ng backward tracing kung saan sila pumunta kanina lang.Hindi alam ni Carvalho na may nagbabantay na sa kanila.Nang tumigil ang taxi sa entrance ng Shangri-La, lumabas si Carvalho sa kotse sa tulong ni Mason.Pagkatapos, silang dalawa, na pagod na, ay nagmamadaling bumalik sa kanilang kuwarto para magpahinga.Para naman sa mga tauhan ni Isaac at sa mga binata mula sa pamilya Harker, gumamit sila ng kotse para habulin ang taxi habang umalis sila sa eksena.Makalipas ang ilang minuto, puwersahan nilang pinatigil ang taxi sa isang intersection. Pagkatapos, lumapit ang isa sa mga tauhan ni Isaac sa bintana ng taxi driver habang tumingin siya sa taxi driver at tinanong, “Saan sumakay ang mag-lolo kanina lang?”“Ito…”Nang makita ng taxi driver na mukhang walang mabuting layunin ang taong ito, medyo kinabahan siya, at hindi niya alam kung sas
Read more

Kabanata 2889

Napagtanto ni Isaac na marahil ay medyo nagiging seryoso na ang mga bagay-bagay, at nagmamadali niyang sinabihan ang mga tauhan niya na suriin ito.Sobrang lawak ng saklaw ng mga surveillance camera sa entrance ng Shangri-La hotel, at masasabi na may 360-degree na saklaw ito at walang blind spot.Kaya, mabilis na nahanap ng mga tauhan ni Isaac ang license plate ng kotse gamit ang mga video sa surveillance camera.Pagkatapos, agad nilang nahanap ang taxi na naghahanap ng pasahero sa siyudad gamit ang taxi positioning system ng siyudad.Para mapatigil talaga ang taxi driver, ipinadala ni Isaac ang kaniyang tauhan, si Jayden Marquez, para si Jayden mismo ang kumausap sa taxi driver.Hindi inaasahan ng taxi driver na maalarma niya ang isa sa Four Great Guardian na nasa ilalim ni Don Albert. Kaya, kahit na gulat na gulat siya at natakot sa parehong oras, agad niyang ikinuwento ang bawat detalye na naalala niya sa sandaling iyon.Pinag-uusapan nina Carvalho at Mason ang taong nagnganga
Read more

Kabanata 2890

“Pagkatapos nito, nagsimula siya ng isang sect at nag-recruit ng maraming disipulo. Medyo matagal siyang sumikat. Maraming mayaman na tycoon at mobster sa Hong Kong ay disipulo niya…”“Nakita ko ang taong ito nang ilang beses, at nakipag-inuman at nakipag-usap na rin ako sa kaniya tungkol sa nakaraan at kasalukuyan. Kaya, may mabuting pang-unawa ako sa kaniya. Sobrang lakas niya, at hindi lang siya magaling sa larangan ng misteryosong Feng Shui, ngunit magaling din siya sa black magic at metaphysics. Sobrang galing niya talaga!”“Hindi siya tulad ng mga Feng Shui master kagaya namin na may alam lang sa misteryosong Feng Shui, Book of Changes, at Eight Diagrams, ngunit walang alam sa black magic, pangkukulam, at ibang paraan ng pagpatay ng tao.”Habang nagsasalita siya, sinabi niya, “Marahil ay mahigit tatlumpung taon na ang nakalipas noong naging disipulo ni Japheth Machen si Falco Xanthos. Nakita ko rin siya noong pumunta ako sa Hong Kong para bisitahin si Japheth Machen, tatlumpun
Read more
PREV
1
...
287288289290291
...
569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status