Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2841 - Chapter 2850

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2841 - Chapter 2850

5687 Chapters

Kabanata 2841

Nang makita ni Hamed ang ilang mga tao na East Asian ang mga itsura, agad siyang ngumiti saka siya nagsalita nang matatas sa Oskian dialect, “Kayo siguro ang ilan sa mga tauhan ni Brother Wade. Welcome! Welcome! Most welcome!”Napatingin sa isa’t isa ang mga tauhan ni Charlie. Hindi nila mapigilang magtaka.Sa kanilang impresyon, mga cheerleaders na namumula ang mukha na may suot na mga pulang bandana sa leeg ang sumisigaw ng ganitong klase slogan na ‘Welcome! Welcome! Most welcome!’ habang may mga flower garlands sa kanilang mga kamay.Pero, hindi nila inaakalang lalabas ang mga ganitong salita sa bibig ng isang malaki at matipunong Middle Eastern warlord na may makapal na balbas.Sa kabilang panig, si Yanciel Zewell ang namumuo sa grupo ng mga taunang pinadala ni Charlie, siya rin ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Isaac.Nang makita ni Yanciel na magalang ang pakikitungo ni Hamed sa kabila ng dating nito na parang isang warlord, ngumiti rin siya ng may respeto, “Kayo siguro si Com
Read more

Kabanata 2842

Wala ng oras si Hamed para pansinin pa si Sheldon.Nginitian niya lamang si Yanciel, “Mga Sir, may hinanda akong masarap na black tea. Pakiusap, pumasok muna kayo. Uminom muna tayo kahit kaunti!”Mahilig sa black tea ang mga tao sa Middle East. Mahilig rin silang magluto ng marami at kakaibang mga dahon ng tsaa hanggang sa magkaroon ito ng sabaw saka nila ito lalagyan ng maraming puting asukal. Ito ang madalas nilang panghimagas—isang tsaa na may napakataas na sugar content. Ibang-iba ang bagay na ito kumpara sa mga nakagawian ng Oskians.Nang makita ng panig nila Yanciel na napakabuti ng pakikitungo ni Hamed sa kanila, pakiramdam niya hindi niya ito matatanggihan.Sumagot na lamang siya, “Commander Hamed, kung iyan ang kaso, aabalahin muna kita na utusan ang ilan sa mga tao mo na dalhin si Mr. Sheldon sa titirahan niya.”“Oo naman! Walang problema!” Sambit ni Hamed saka niya tinapik ang kanyang dibdib. “Inutusan ko na ang mga tauhan ko na maghanda ng isang bahay ayon sa sinabi
Read more

Kabanata 2843

Nang ibaba ni Sheldon ang kanyang tingin, nadiskubre niyang hindi pala ito kwarto, kundi isang banyo na may bubong!Walang kahit ano sa loob, maliban sa isang malalim na hukay sa gitna ng kwarto. May dalawang kahoy na nakapatong roon at may maliit na butas sa gitna. Doon pwedeng dumumi. Maliban dito, walang kahit anong sewage device sa loob, masasabing kailangang tanggalin nang mano-mano ang mga dumi rito kapag puno na ito…Halos mahimatay si Sheldon sa puntong ito.‘Sino ang makakaatim na dumumi rito kung kailangan niyang tanggalin ng mano-mano ang mga dumi kapag napuno na ito?’‘Higit sa lahat, sira pa ang nag-iisang bintana sa gula-gulanit na bahay na ito. Hindi maganda ang ventilation dito. Kung dudumi ako sa loob nito, gaano katagal bago mawala ang amoy?!’Pakiramdam ni Sheldon madilim ang kanyang kinakabukasan sa pagkakataong ito.Wala siyang kahit anong gamit dito. Wala siyang cellphone o computer at wala ring internet. Wala rin siyang mapagkukuhanan ng tubig na maiinom! S
Read more

Kabanata 2844

Mabigat ang loob ni Sheldon.Kahit gusto niyang bigyan si Charlie ng dagdag na 100 million US dollars kapalit ng mas magandang kondisyon ng pamumuhay niya sa Syria, wala na siyang perang pwedeng gamitin ngayon.Mahigpit ang kontrol ni Lord Schulz sa financial power ng pamilya. Kahit si Sheldon ang pinakamatandang anak at marami siyang real estate at iba’t ibang mga assets, wala talaga siyang pera sa sarili niyang pangalan.Gumamit ang pamilya Schulz ng family credit bilang sistema sa kanilang capital expenditure. Pwede silang gumastos ng pera, pero nasa kontrol ito ng financial system ng pamilya.Hindi naman madamot si Cadfan, pero matindi ang kanyang paghahangad na kontrolin ang lahat. Hindi siya mag-aalangan na hayaan silang gumastos ng ilang daang milyon para bumili ng isang eroplano. Pero, kailangan niya muna itong malaman nang maaga. Kapag binigay niya na ang kanyang permiso, saka lamang makakagastos ang kahit sinong miyembro sa pamilya na humihingi nito. Kapag nalaman ni Cadf
Read more

Kabanata 2845

Nag-aalala siya na baka hindi pa rin pakawalan ni Cadfan ang kanyang ina sa hinaharap. Iyan ang dahilan kung bakit balak niyang mas palakihin pa ang isyu.Sa ganitong paraan, mapupunta ang atensyon ng lahat sa buong bansa sa nangyaring aksidente.Walang kahit sino ang maglalakas-loob na gumawa ng masamang bagay kung nasa kanya ang atensyon ng buong bansa. Magiging sentro lamang siya ng kritisismo kung sakali.Kaya, kung mas papalakihin ni Sophie ang kaso, mas magiging maingat si Cadfan sa hinaharap at hindi siya basta-bastang kikilos. Sa ganitong sitwasyon, mas magiging ligtas si Sophie at ang kanyang ina.Ganoon din, kinausap ni Sophie ang kanyang lolo na si Jefferson. Pinakiusapan niya itong tulungan siyang kontakin ang media. Handa siyang magsagawa ng press conference mamayang gabi para ipaliwanag ang lahat ng nangyari sa kanila ng kanyang nanay sa loob ng tunnel.Matagal nang inaabangan ng media, pulis, at ng karamihan sa bansa ang balita tungkol kay Sophie at Helen. Naniniwal
Read more

Kabanata 2846

Kamakailan, masyadong abala si Jaime sa pag-aasikaso sa mga detalye tungkol sa concert ni Quinn. Maaga siyang umalis ng bahay para gawin ang mga dapat gawin. Kahit nakita niyang magsasagawa ng press conference ang kapatid niya, hindi siya nag-abalang tanungin si Sophie kung ano ang balak nitong gawin.Tumugon siya kay Cadfan, “Lolo, nagkataong medyo abala ako sa ilang mga bagay ngayong araw, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na kausapin si Sophie. Bakit hindi niyo ako hintayin saglit? Tatawagan ko siya. Tatanungin ko kung ano ang balak niyang gawin.”Napabulalas si Cadfan, “Huwag mo na siyang tawagan. Marami kang bagay na hindi mapapansin kapag nag-usap kayo gamit ang cellphone. Bilisan mo at umuwi ka muna para kausapin si Sophie nang harapan. Mas mabuti kung dumiretso ka na kay Sophie agad. Kausapin mo siya nang mag-isa. Hindi mo na kailangang dumaan sa mama mo o kaya sa Lolo Jefferson mo. Tanungin mo lang si Sophie nang malinaw kung ano ang balak niyang gawin para makapaghanda ako
Read more

Kabanata 2847

Agad na itinabi ni Sophie ang kanyang manuscript at hinampas niya nang marahan ang kanyang mga pisngi sa kabila ng kanyang malamig na ekspresyon.Pagkatapos magmukhang natural, nagsalita siya, “Jaime, pumasok ka lang. Hindi naman nakasara ang pinto.”Agad na binuksan ni Jaime ang pinto saka siya pumasok.Pagkapasok niya, kinandado niya ang pinto saka siya napatitig kay Sophie.Nang makita niyang walang kakaiba sa ekspresyon ni Sophie, ngumiti siya, “Sophie, bakit bigla mong naisip na magsagawa ng press conference?”Seryosong tumugon si Sophie, “Malaking aksidente ang nangyari. Siguradong marami sa publiko ang nag-aalala sa kaligtasan namin ni mama. Pakiramdam ko kailangan nating ipaliwanag nang mabuti sa kanila kung ano ang nangyari. Kailangang nating mapanatag ang loob ng mga taong nag-alala sa amin.”“Oh…” Tumango si Jaime at muli siyang ngumiti, “Iyan pala ang nasa isip mo! Tama ka! Simula nang mangyari ang aksidente, marami sa buong bansa ang nag-aalala sa kaligtasan niyo ni
Read more

Kabanata 2848

Sumasakit ang ulo ni Jaime sa sagot ni Sophie.Hindi niya mapigilang tanungin si Sophie sa loob ng kanyang puso, ‘Kahit totoong pinagtangkaan ni lolo ang buhay ni mama, ibig sabihin ba walang nagawang mali si mama sa nangyari?’‘Bilang manugang ng pamilya Schulz, mali na lagi niya pa ring iniisip ang yumaong si Curtis Wade. Maliban pa rito, sumali pa siya sa public bidding ng mansyon na dating tinirahan ni Curtis Wade. Hindi ba pinapahiya niya lang ang pamilya Schulz sa ginawa niya?’‘Matatanda na tayong lahat ngayon. Mahalaga pa ba ang pagkamuhing nararamdaman natin? Ilang trilyon ang kayamanan ng pamilya Schulz. Talaga bang guguhit tayo ng hanggana sa lolo natin dahil lang brutal niyang inatake si mama?’‘Kung maglalagay ako ng lamat sa pagitan namin ni lolo, magiging katumbas ito ng pagsasayang ko sa oportunidad na makuha ang ilang trilyon na kayaman ng pamilya. Hindi ba malulugi rin tayo sa huli?’‘Kung mawawalan tayo ng karapatan na manahin ang mga assets ng pamilya Schulz, a
Read more

Kabanata 2849

Posible ang bagay na ito dahil laging itinatago ng pamilya Schulz ang personal information ng mga miyembro nila.Hindi alam ng publiko ang mga pangalan ng mga miyembro ng Schulz kaya natural lang na hindi nila alam kung sino si Jaime Schulz o kaya Sophie Schulz.Subalit, iba na ang sitwasyon ngayon para kay Sophie.Tinawag na ‘Oskia’s Princess Diana incident’ ang nangyaring aksidente sa Forbidden Mountain ng Aurous Hill. Higit pa rito, naisapubliko ang isang video kung saan inamin ni Steven at ng mga tauhan ng mga Schulz kung sino ang salaring nasa likod ng lahat.Kalahati lamang ang dami ng populasyon ng Europe kumpara sa Oskia, pero masyadong malayo ang narating ng balita ng aksidente ni Princess Diana. Dahil dalawang beses na mas malaki ang populasyon ng Oskia kaysa sa Europe, natural lang na kumalat rin ang balita tungkol sa nangyari kay Helen at Sophie.Sa mga nakalipas na taon, lalo pang lumalago ang internet. Mas nagiging aktibo na rin ang publiko sa paghahanap ng hustiya.
Read more

Kabanata 2850

Gaya ng inaasahan.Nakaramdam agad ng kaba si Jaime at hindi niya mapigilang manigas nang marinig ang mga sinabi ni Sophie.Alam niyang iniligtas ng misteryosong tao sila Sophie at ang kanyang nanay.Alam niya ring hindi mapapantayan ang lakas ng lalaking ito.Dati, may dalawang top masters ang pamilya Schulz. Isa na rito si Henderson, at ang isa naman si Holden.Malapit nang mabuksan ni Henderson ang ikatlo niyang meridian.Para naman kay Holden, masasabing mas malakas siya. Matapos ang lahat, kasama siya sa kakarampot na taong nagawang buksan ang ikatlo niyang meridian.Subalit, sa lakas na mayroon si Holden, katumbas niya lamang ang isang Jonin mula sa mga Japanese ninjas.Pero, nasaksiyan niya sa Japan dati na kayang patayin ng misteryosong tagapagligtas nila ang ilang mga ninjas kahit may isang Jonin dito!Mula sa sitwasyon, masasabing dalawa o tatlong beses na mas malakas ang misteryosong lalaking ito kumpara kay Holden.Higit pa rito, walang kahit anong natamong galos
Read more
PREV
1
...
283284285286287
...
569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status