Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2821 - Chapter 2830

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2821 - Chapter 2830

5687 Chapters

Kabanata 2821

Pero ito ang nakamamanghang bahagi. Kung nabuksan sana ni Yashita hanggang tatlo sa kanyang meridians, o kung dinala niya sana si Rosalie na may tatlong bukas na meridians sa harap ni Holden, siguradong mapapansin ng matanda ang pagbabago sa isang tingin lang. Matapos ang lahat, magkaibang mundo ang pagitan ng pagkakaroon ng dalawang bukas na meridians sa pagkakaroon ng tatlo. Para bang kasinglaki lamang ng basketball court ang lawa kahapon pero naging dalawang beses itong mas malaki ngayon at naging soccer field na ito. Malaki ang pinagkaiba, kaya para kay Holden na bukas ang tatlong meridians, siguradong mapapansin niya ang pinagkaiba sa isang sulyap lang.Subalit, kahit hindi nabuksan ni Yashita ang pangatlo niyang meridian gaya ni Rosalie, nagkaroon naman ng malaking paglago ang dalawa niyang meridians.Ganoon pa man, sa mga mata ni Holden, pareho pa rin ang laki ng lawa sa isang basketball court, lumalim lang ito, pero wala itong pinagkaiba.Hindi niya makita ang detalye ng mga
Read more

Kabanata 2822

Matagal nang pinapangarap ni Holden na mapalago ang pamilya Harker sa sarili niyang mga kamay.Handa siyang isuko ang kahit ano, kahit pa ang sarili niyang buhay, para sa rasong ito.Iyan rin ang dahilan kung bakit nagawa niyang tiisin ang galit niya kay Cadfan sa nangyari sa kanyang apo na si Rosalie. Kailangan niya ang 2 billions dollars na inaalok nito para sa pamilya Harker. Sa kanyang opinyon, kahit mahalaga ang kanyang apo, hindi pa rin siya kasinghalaga ng hinaharap ng buong pamilya nila.Subalit, nang makita niyang may fully functional Ren meridian na si Yashita, agad niyang napagtanto na mas mahalaga at mas pambihira ang ganitong pagkakataon kumpara sap era. Kung may 2 billion dollars siya sa kanyang kamay, masisiguro niyang matutulungan niya ang mga miyembro ng pamilya Harker sa kanilang cultivation. Pero, ordinaryo lamang ang mga halamang gamot na mabibili nila. Kahit gumastos siya ng 2 billion dollars sa iisang tao, imposible pa ring magkaroon ito ng fully functional Ren
Read more

Kabanata 2823

Kung magagawang buksan ng isang tao ang dalawa sa kanyang meridians, magiging bahagi siya ng mga martial artists na masasabing top martial arts masters ng panahon ngayon.Kung kayang buksan ng isang tao ang tatlo sa kanyang meridians, makakasama siya sa top ten martial artists ng kanyang bansa.Para naman sa ikaapat na meridian, sa kasalukuyan, mula sa ilang dosena ng malalaki at maliliit na martial arts families, wala pa ni isa ang nakakaabot sa ganitong lebel.Para kay Holden, basta mabuksan niya ang kanyang ikaapat na meridian, mapupunta na siya sa tuktok ng mga martial artists sa buong bansa.Habang sinusubukan ni Holden na abutin ang kanyang pangarap, nagulantang siya nang malaman niyang malaking bahagi ng internal qi mula sa divine pill ang dahan-dahang dumadaloy patungo sa kanyang mga ugat sa katawan hanggang sa kanyang mga internal organs.Sa pagkakataong ito, para bang natuyo ang buong katawan ni Holden. Ganoon pa man, para bang tagsibol ang epektong dala ng divine pill n
Read more

Kabanata 2824

Tumama nang direkta ang mga salita ni Yashita sa bahagi kung saan sensitibo si Holden.Nasaktan siya pero naunawaan niyang iba nga talaga ang pagkatao ng kanyang panganay na anak.Nadiskubre ni Holden na matagal nang nawala ang amor ng kanyang pinakamatandang anak sa martial arts dalawang dekada na ang nakararaan.Hindi lamang iyon, pero nagsimula ring mahibang ang kanyang anak pagdating sa pera at mga materyal na bagay.Sa mga salia ni Yuvin, 20 o 30 na taon na rin siyang nagsasanay ng martial arts. Ito na ang pagkakataon para maging masaya siya sa buhay. Marami raw pinagdaanang paghihirap ang mga martial arts celebrities noong kabataan nila pero naabot nila ang tuktok ng kanilang buhay nang dumating sila sa middle age.May mga martial arts celebrities pa nga na naging billionaire sa edad na 30 at mula sa kanilang personal na kondisyon, makikita agad na hindi na sila lumalago sa kanilang martial arts. Gamit lamang ang ordinaryong mga mata, masasabing hindi na sila nag-eensayo gay
Read more

Kabanata 2825

Sa kasalungat, baka ibenta pa ni Yuvin ang buong pamilya Harker sa pamilya Schulz. Pagkatapos, tatangayin niya ang malaking halaga ng pera na kapalit nito para lumabas at magsaya sa buhay.Kung iyan ang kaso, gagamitin lamang ni Yuvin ang pamilya nila para kumira ng pera para sa kanyang sarili.Sa halip na hayaan itong mangyari, mas mabuting mabuhay si Holden nang ilan pang taon para personal niyang pangunahan at dalhin sa tuktok ang pamilya Harker.Kung magagamit niya ang huli niyang lakas para dalhin ang pamilya nila sa pinakataas ng bansa, handa siyang mamatay nang walang kahit anong pagsisisi!Nang maisip ito, nakapagpasya na si Holden. Kinausap niya ang kanyang anak, “Yashita, tama ang sinabi mo. Ang pinakamahalagang misyon ko ngayon ay dalhin ang pamilya Harker sa tuktok at mas mataas na lugar! Dahil binigyan tayo ng isang magandang oportunidad ni Young Master Wade, natural lang na dapat natin siyang pagsilbihan mula sa araw na ito! Wala nang mas hihigit pa rito!”Agad na na
Read more

Kabanata 2826

Alam din ni Holden na dahil may ganitong kakayahan at divine pill ang kabila, ang ibig sabihin lang nito ay ang kagustuhan niyang makipagtulungan sa pamilya Harker ay ang paraan niya para ipakita ang kaniyang suporta at pabor sa kanila.Pero, hindi maintindihan ni Holden kung paano talaga nangyari ang ganito kagandang bagay sa pamilya Harker.Kaya, tinanong niya nang hindi nag-iisip, “Yashita, bakit gustong makipagtulungan ni Young Master Wade sa atin? Bago ka bumalik, akala ko na gustong makipagtulungan ng young master ng pamilya Wade sa atin dahil gusto niyang kalabanin ang pamilya Schulz. Pero, pagkatapos mong bumalik, napagtanto ko na may dakilang lakas at kapangyarihan talaga ang young master ng pamilya Wade. Kaya, walang laban ang pamilya Schulz sa kaniya. Kahit na gusto niyang labanan ang pamilya Schulz, hindi niya kailangan na makipagtulungan sa atin…”Tumango si Yashita at sinabi nang seryoso, “Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ko na isa itong magandang pagkakataon na ipin
Read more

Kabanata 2827

Nararamdaman niya ang medicinal effect na inuubos ng Dai meridian niya, pero wala pa ring bakas na magkakaroon siya ng breakthrough sa kaniyang Dai meridian. Nang makita niya na halos ubos na ang medicinal effect, at nang sobrang kaunting medicinal effect na lang ang natitira, hindi mapigilan ni Holden na maging negatibo nang kaunti sa kaniyang puso.Pero nang mas mababa sa twenty percent na lang ang natitira sa medicinal effect, biglang nalinawan nang sobra si Holden sa kaniyang ispirito, at ang buong katawan niya ay pumasok sa transcendent na estado. Naramdaman niya na tila ba nagising siya sa isang magandang tulog na hindi niya pa nararanasan sa buong buhay niya, at naging hindi mailataran na komportable at relaxed ang buong katawan niya.Nagulantang saglit si Holden bago siya nanabik nang sobra habang sinabi nang sabik, “Nagtagumpay ako! Yashita! Nagtagumpay talaga ako!”“Totoo ba, Pa?! Magaling! Naka… nakakatuwa talaga ito!”Nang marinig ni Yashita ang mga salitang ito, nanabi
Read more

Kabanata 2828

Nang marinig ni Holden ang mga sinabi ni Yashita, hindi nag-atubili si Holden na sabihin, “Kung gano’n, pagkatapos maayos ng pamilya, pupunta rin ako sa Aurous Hill kasama ka para hintayin ang utos ni Young Master Wade.”Tumango si Yashita. Kahit na matanda na ang kaniyang ama, siya nga ang taong may pinakamataas na cultivation sa pamilya Harker. Kaya, kung hindi pupunta si Holden sa Aurous Hill, hindi rin alam ni Yashita kung paano niya ito ipapaliwanag kay Young Master Wade.Pagkatapos, tinanong niya ang kaniyang ama, “Pa, anong gagawin natin sa pamilya Schulz?”Si Holden, na nabuksan na ang kaniyang pang-apat na meridian at naging pangalawang top master na nabuksan ang apat na meridian sa isang siglong kasaysayan ng pamilya Harker, ay sabik na sabik sa sandaling ito. Nang marinig niya ang tanong ni Yashita, agad siyang gumawa ng panibagong pagsasaayos para sa kinabukasan ng pamilya Harker.Sinabi niya, “Dahil ipinagkaloob ni Young Master Wade ang napakagandang kapalaran sa pamil
Read more

Kabanata 2829

Maraming beses na halos hindi na mapigilan ni Yashita ang sarili niya, at gusto niya talagang sabihin sa kaniyang ama ang tungkol sa sitwasyon ng kaniyang anak, si Rosalie. Sa isang dako, masisiguro niya ang kaniyang ama, at sa kabilang dako, mapapagaan niya rin ang loob niya.Ang pinakamahalaga, kung gusto talaga ng kaniyang ama na manahin ni Rosalie ang posisyon bilang pinuno ng pamilya sa hinaharap, bilang ina ni Rosalie, gusto talaga ni Yashita na gawin niya ito. Kung alam ni Holden ang sitwasyon ni Rosalie, magagawa niya rin ang mga plano niya nang mas maaga.Pero, sa tuwing dumarating ang mga salita sa dulo ng mga labi niya, nilulunok ulit ito ni Yashita.Naramdaman niya na dahil sumang-ayon na siya sa hiling ni Young Master Wade na ilihim ito, talagang hindi siya pwedeng maging taliwas kahit sa kaniyang sariling ama. Kung hindi, mawawalan siya ng integridad.Inisip niya na pagkatapos maging pamilyar nang paunti-unti ni Young Master Wade sa kaniyang ama pagkatapos pumunta sa
Read more

Kabanata 2830

Nang marinig ni Yuvin ang mga salitang ito, nagulantang siya, at nararamdaman niya na tila ba tinamaan ng kidlat ang buong katawan niya!Tumayo siya nang nagmamadali sa harap ng kaniyang ama para pigilan siya habang sinabi niya sa nababalisa at medyo hindi maintindihan na tono, “Pa, iyon… Hindi, Pa! Kahit ano pa, hindi natin pwedeng tanggihan ang kolaborasyon sa pamilya Schulz. Para ito sa buhay at kamatayan ng buong pamilya natin, Pa!”Hindi mapigilan ni Holden ang pagkunot ng kaniyang noo at tinanong, “Kalokohan! Bakit ito magiging buhay at kamatayan ng pamilya Harker dahil lang tumanggi ako sa kolaborasyon ng pamilya Schulz? Pagdating sa kolaborasyon, dapat sumasang-ayon ang isa’t isa. Dahil ayokong makipagtulungan sa kaniya, pwede niya ba akong puwersahin?!”Halos bumagsak na si Yuvin habang sinabi, “Oh, Pa! Bakit ka parang naging isang matandang tao na nagsasabi ng kalokohan?! Hindi mo ba alam ang bigat ng pamilya Schulz? Paano natin kakayanin na galitin sila?! Kung mag-aatubil
Read more
PREV
1
...
281282283284285
...
569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status