Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2801 - Chapter 2810

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2801 - Chapter 2810

5684 Chapters

Kabanata 2801

Sinabi nang seryoso ni Isaac, “Pambihira na nga na nakuha mo ang posisyon na ito. Kaya, Mr. Wilson, hindi mo kailangan na magpakumbaba.”Habang nagsasalita siya, sinabi niya ulit, “Mr. Wilson, dahil ikaw ang executive vice president ng Calligraphy and Painting Association, sakop din ito ng tungkulin ko. Dahil sakop ito ng tungkulin ko, syempre ay hindi ako pwedeng tumanggap ng pera sa iyo. Bakit hindi na lang natin ito gawin? Mr. Wilson, sabihin mo sa akin ang tiyak na oras mamaya, at sasabihan ko ang mga tauhan ko na ihanda ang venue para sa iyo. Hahayaan ko ang Calligraphy and Painting Association na gamitin ang venue nang libre.”Sinabi ni Jacob sa sorpresa, “Chairman Cameron, sobrang laking pabor talaga nito sa amin. Sa totoo lang, medyo mahigpit ang pondo ng Calligraphy and Painting Association sa mga nagdaang panahon. Tinitipid namin ang gastusin para sa venue…”Direktang naglabas si Isaac ng business card bago ito ibinigay kay Jacob habang ngumiti siya at sinabi, “Kung kailan
Read more

Kabanata 2802

May isang layunin lang si Jaime sa pagpunta niya nang palihim kay Sophie sa kalagitnaan ng gabi. Gusto niyang malaman kung ano ang pinagdaanan ni Sophie at ng kaniyang ina, at sino ang taong nagligtas sa kanila.Pinakinggan niya rin ang sinabi ng kaniyang ina sa buong proseso ng karanasan nila habang kumakain sila. Sinabi niya sa kanila ang kuwento kung saan niligtas sila ng isang misteryosong tao, pero hindi siya nagpakita sa kanila at nagpakilala.Kahit na walang malinaw na butas, pakiramdam ni Jaime na may mali.Bukod dito, ang lolo sa ama niya, si Cadfan, ay naramdaman na marahil ay may relasyon ito sa benefactor na nagligtas sa kanila ni Jaime sa Japan. Kaya, inisip niya na tanungin si Sophie tungkol dito upang ilantad niya ang lahat.Sa sandaling pumasok siya sa kuwarto ni Sophie, tinanong ni Jaime nang nag-aalala, “Sophie, hindi ka naghirap sa mga nagdaang araw, tama?”“Hindi…” Naantig si Sophie, at ngumiti siya habang sinabi, “Jaime, hindi ba’t binanggit na namin ito kanin
Read more

Kabanata 2803

Tinanong siya ni Jaime, “Sa tingin mo ba talaga ay tanga ako? Sa tingin mo ba ay hindi pa kita kilala pagkatapos ng lahat ng mga taon na ito? Ayon sa estado mo ngayon, alam ko na halatang nagsisinungaling ka.”Habang nagsasalita siya, may walang magawang ekspresyon si Jaime sa kaniyang mukha habang sinabi, “Hay. Sa tingin mo, bakit kailangan mo itong itago sa akin? Hindi mo lang benefactor ang benefactor natin, ngunit benefactor ko rin siya. Niligtas niya rin ang buhay ko. Alam ko na gusto mo siyang hanapin para bayaran ang kabaitan niya, at gusto ko rin siya hanapin para bayaran ang kabaitan niya! Kung siya talaga ang nagligtas sa inyo ni Mama, apat na buhay ang utang sa kaniya ng pamilya Schulz! Kung may pagkakataon ako, gusto ko siyang pasalamatan sa personal, pero tinatago mo ang katotohanan sa akin. Ang ibig sabihin ba ay hindi ko mapapasalamatan ang benefactor ko nang personal sa hinaharap?”Medyo nadurog ang sikolohikal na depensa ni Sophie.Ito ay dahil hindi niya napagtanto
Read more

Kabanata 2804

Pagkatapos makuha ang impormasyon na gusto niya, sinabi ni Jaime kay Sophie, “Sophie, siguradong pagod ka na rin. Kaya, dapat magpahinga ka nang mas maaga. Pag-usapan na lang natin ang ibang bagay bukas!”Tumango si Sophie. “Okay, Jaime.”Tumayo si Jaime at sinabi, “Sige. Babalik na ako sa kuwarto ko para magpahinga.”Hinatid ni Sophie si Jaime sa pinto bago siya bumalik sa kaniyang kama. Sa sandaling ito, puno pa rin ng imahe ni Charlie ang isipan niya. Talagang nahulog na siya sa kaniya.Samantala, balisang bumalik si Jaime sa kaniyang kuwarto. Ang unang bagay na ginawa niya ay padalhan ng voice message ang kaniyang lolo, si Cadfan: “Lolo, tinanong ko na si Sophie tungkol dito. Ang taong nagligtas nga sa kanila ni Mama ay ang Oskian na nagligtas sa amin sa Japan…”Si Cadfan, na hindi makatulog, ay umiinom ng tsaa habang nakaupo nang mag-isa sa kaniyang study room. Pagkatapos makinig sa voice message, bumagsak siya sa upuan niya, at hindi siya makagalaw nang ilang sandali.Binul
Read more

Kabanata 2805

Umalingawngaw ang helicopter habang dumiretso ito papunta sa compound ng mansyon ng pamilya Harker.Sa sandaling ito, si Holden Harker, na may suot na manipis na hacket, ay nakatayo habang naghihintay sa courtyard.Pagkatapos bumaba sa eroplano at bago lumipat sa helicopter, tinawagan na ni Arrington si Holden.Sa una ay ayaw ni Holden na makipagkita sa kahit sino sa pamilya Schulz kahit na butler lang ito ng pamilya Schulz.Pero, sinabi sa kaniya ni Arrington na si Lord Schulz ang nagpadala sa kaniya dito. Medyo naging alanganin si Holden bilang respeto kay Lord Schulz.Alam niya na kahit isang martial arts family ang pamilya Harker na magaling makipaglaban at pumatay, wala sila sa harap ng isang napakataas na pamilya tulad ng pamilya Schulz.Simula noong sinaunang panahon, ang mga martial arts master ay pinagsisilbihan na ang mga mayayaman na tao. Bukod sa mga mapusok na tao, sino pa ang mangangahas na kalabanin ang mga mayayamang tao?Lalo na para sa pamilya Harker, na may da
Read more

Kabanata 2806

Sa totoo lang, salungat ang pananaw ni Yuvin habang hinahanap nila si Rosalie sa simula pa lang.Naramdaman niya sa sandaling iyon, na alam na ng buong mundo na pinagtaksilan ni Lord Schulz si Rosalie. Para naman sa pamilya Harker, pinilit pa rin nila na hanapin si Rosalie sa sitwasyon na iyon. Hindi ba’t malinaw na nilalabanan ng pamilya Harker si Lord Schulz?!Ang pinakamagandang gawin ng pamilya Harker ay huwag magsalita at huwag kumilos para makita ni Lord Schulz na palaging nasa tabi ng pamilya Schulz ang pamilya Harker at handa silang tanggapin ang kapalaran ni Rosalie para sa pamilya Schulz.Kung gano’n, siguradong magbibigay si Lord Schulz ng mas maraming benepisyo sa pamilya Harker. Magkakaroon ng halaga ang kamatayan ni Rosalie kung sinakripisyo niya ang buhay niya para sa mas malaking interes ng pamilya Harker.Sa kasamaang palad, dahil sa pagkamatay ni Rosalie, bukod sa galit ng kapatid niyang babae, si Yashita, gusto rin ni Lord Schulz na lumayo sa pamilya Harker.Mag
Read more

Kabanata 2807

Sinabi nang nagmamadali ni Yuvin, “Okay, Pa.”Ngumiti si Arrington habang sumingit, “Salamat sa pag-aabala, Yuvin!”Hindi isang senior si Yuvin tulad ng kaniyang ama. Kaya, sobrang galang niya pa rin kay Arrington. Yumuko siya nang kaunti habang sinabi nang magalang, “Butler Schulz, hindi mo kailangan na maging magalang nang sobra sa akin. Mangyaring maghintay ka nang ilang sandali, at babalik agad ako.”Inimbita ni Holden si Arrington na umupo sa malamig na upuan na gawa sa kahoy. Sa sandaling umupo si Arrington, hindi niya maipigilan na tumayo ulit habang tumawa siya at sinabi, “Oh, Lord harker, sa tingin ko ay mas mabuti kung hihintayin ko ang nagbabagang uling bago ako umupo. Sobrang lamig talaga. Hindi ko ito matiis…”Tumango si Holden at sinabi, “Pasensya na sa masamang pakikitungo namin.”Kumaway nang nagmamadali si Arrington. “Hindi, hindi. Ako ang mapangahas kumilos, pumunta para abalahin kayo sa gabi.”Hindi na nagpatuloy si Holden na maging magalang sa kaniya, at tinan
Read more

Kabanata 2808

“One billion dollars?!”Si Yuvin, na nasa tabi, ay nagulantang agad sa sandaling nilabas ni Arrington ang cheque.Medyo nakakatakot talaga ang halaga na ito.Katumbas na nito ang buong bayad sa pamilya Harker sa dalawang taon.Bukod dito, sa ngayon ay kulang talaga sa pera ang pamilya Harker. Kaya, naging sabik na sabik si Yuvin sa cheque na ito na may halagang one billion dollars.Nagulat din si Holden sa halaga na ito.Binigyan sila ni Lord Schulz ng one billion dollars nang gano’n lang. Hinding-hindi niya inaasahan na mangyayari ito.Pero, alam din ni Holden na imposibleng madaling makuha ang pera ng pamilya Schulz.Malalaman ng kahit sino na hinding-hindi ibibigay ng kahit sino sa kanila ang ganitong pera nang walang dahilan.Kaya, hindi niya kinuha ang cheque, ngunit tinanong niya si Arrington, “Arrington, ano kaya ang balak ni Lord Schulz sa pag-utos sa’yo na dalhin ang cheque na ito ngayong araw?”Sinabi nang seryoso ni Arrington, “Lord Harker, sinabi ni Lord Schulz na
Read more

Kabanata 2809

Sapat na ang tsunami para palubugin ang buong kagubatan, lalo na ang sunog sa kagubatan?Dito matatalo ang pamantayan.Matagal na hindi nagsalita si Arrington.Ang mga mata niya ay parang isang falcon na masigasig na inoobserbahan ang ekspresyon ng mag-ama sa harap niya. Matatag niyang pinagmasdan ang kanilang ekspresyon sa mukha, mga mata, at kahit ang mga kilos nila sa kaniyang isipan.Ang pinakamagaling na abilidad ni Arrington ay ang abilidad niya na obserbahan ang kilos ng isang tao at basahin ang isipan nila.Pagkatapos manatili sa tabi ni Lord Schulz nang napakaraming taon, ang mga mata ni Arrington ay maikukumpara na sa isang polygraph.Nakikita niya nang malinaw at matatag na nahuhulaan na nahuhulog na sa tukso ang mag-ama sa harap niya.Huminga rin siya nang maluwag dahil dito.Inisip niya, ‘Nag-aalala pa rin si Lord Schulz na hindi pa sapat ang two billion dollars para tuksuhin ang pamilya Harker. Mukhang ang psychological price ng pamilya Harker ay hindi kasing taas
Read more

Kabanata 2810

Nang makita ni Yuvin, na nasa gilid, na hindi pa rin nagsasalita ang kaniyang ama para sagutin ang tanong ni Arrington, pinagpawisan siya sa pagkabalisa.Ang pinaka inaalala niya ay sayang talaga kung tatanggihan nang direkta ng kaniyang ama si Arrinton dahil lang biglang nabigong mangatwiran ang utak niya.Kaya, sinabi niya nang nagmamadali, “Pa! Sobrang tapat na ni Lord Schulz sa pag-imbita sa atin pabalik. Sinabihan niya pa si Butler Schulz na pumunta dito mismo para imbitahan tayo pabalik. Kaya bakit pa tayo mag-aalinlangan?”Inisip ni holden, ‘Hindi ako nag-aalangan! Nagdesisyon na ako, pero hindi ko pa naiisip kung paano ako sasagot…’Pero kung iisipin, mabuti rin para sa kaniya na sinabi ito ng anak niya. Maituturing na nagdagdag si Yuvin ng isa pang hakbang sa pagitan nina Holden at Arrington.Sa una ay hindi alam ni Holden kung paano siya magsasalita dahil mukhang medyo materyalistiko siya kung direkta siyang sasang-ayon sa alok ni Arrington.Kahit na naliwanagan nga si
Read more
PREV
1
...
279280281282283
...
569
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status