Semua Bab Ang Maalindog na Charlie Wade: Bab 2781 - Bab 2790

5684 Bab

Kabanata 2781

Pagkatapos huminto saglit, sinabi ulit ni Charlie, “Para naman sa pamilya Schulz, napagtanto na nila na may kalaban sila na may pambihirang lakas sa Aurous Hill ngayon. Nagpadala na sila ng mga tao para maghanap ng mga bakas tungkol sa akin hangga’t maaari. Kaya, kahit na hayaan kong paalisin ang mag-ina makalipas ang ilang araw, iisipin pa rin ng pamilya Schulz na may koneksyon sila sa taong dumukot kina steven at Sheldon Schulz.”Nanahimik saglit si Isaac bago tumango nang marahan at tinanong ulit, “Young Master, paano kung ibubunyag nina Miss Schulz at Madam Dunn ang pagkakakilanlan mo?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Naniniwala ako na hindi nila ito gagawin, pero walang sigurado. Gusto ko pang paglaruan ang pamilya Schulz, pero kung ibubunyag talaga nila ang pagkakakilanlan ko, hindi ito mahalaga. Kung may abilidad ang pamilya Schulz na labanan ako, pwede nilang gawin ang lahat ng makakaya nila para labanan ako. Kahit ano pa, halos matatapos na si Albert sa pagpapalawak ng dog fa
Baca selengkapnya

Kabanata 2782

Sa gabi. Nagdidilim na ang langit.Isang Rolls-Royce Cullinan ang mabilis na umaandar sa expressway ng Aurous Hill.Ang taong nagmamaneho ng kotse ay isa sa mga tauhan ni Isaac.Ang taong nakaupo sa passenger seat ay si Isaac.Ang mag-ina, sina Helen at Sophie, ay nakaupo sa likod.Si Isaac, na nakaupo sa passenger seat, ay nakatingin sa mapa sa navigation, at sinabi niya sa kanilang dalawa, “Mangyaring maghintay kayo ng ilang sandali. Nasa sampung minuto na lang tayo mula sa destinasyon natin. Pagdating natin doon, pwede niyo nang tawagan ang mga miyembro ng pamilya niyo.”Nanabik nang sobra sina Helen at sophie. Sobrang tagal na simula noong naaksidente sila. Ang pinaka kinatatakutan nila ay mag-aalala nang sobra ang mga miyembro ng pamilya nila. Kaya, hindi na sila makapaghintay na ipaalam ang balita sa mga miyembro ng pamilya nila na buhay pa sila.Pero, dahil sinabihan na sila ni Isaac na maghintay pa ng sampung minuto, hindi na masyadong nagsalita ang dalawa.Dahil, maram
Baca selengkapnya

Kabanata 2783

“Wala.” Sinabi nang seryoso ni Harlem, “Pinakilos ko na ang lahat ng koneksyon ko, at naghanap na rin ako ng maraming private detective at informant mula sa security department. Pero, walang makahanap ng bakas na may relasyon sa kanila.”Tinanong nang nagmamadali ni Jefferson, “Dahil ba hindi seryoso ang mga detective at information at hindi maingat habang naghahanap ng mga bakas?”Naglabas ng nakangiwing ngiti si Harlem at sinabi nang walang magawa, “Pa, sa proseso ng paghahanap ng mga bakas, nakahanap pa sila ng pito o walong spy mula sa ibang bansa nang hindi inaasahan. Talagang walang kapantay ang tindi ng paghahanap nila, pero walang nahanap na mahalagang bakas.”Naglabas ng mahabang buntong hininga si Jefferson. “Hay! Kalokohan ito! May napakalaking aksidente sa tunnel, pero naglaho sila at nawala sa hangin. Hindi ito kapani-paniwala!”Sinabi nang nagmamadali ni Harper, “Pa, kapag mas hindi ito kapani-paniwala, mas pinapatunayan na may pagkakataon pa para mabaliktad ito. Kung
Baca selengkapnya

Kabanata 2784

“Ano?! Helen?!”Nang marinig ni Jefferson, na matanda na, ang boses ni Helen, nagulantang ang buong katawan niya, tila ba tinamaan siya ng isang kidlat!Kaya niyang malaman ang boses ng anak niya, pero hindi siya makapaniwala na nangyayari talaga ito.Kaya, sa sandaling ito, naramdaman niya na tila ba bumilis nang dalawang beses ang tibok ng puso niya, at ang buong dibdib niya ay napuno ng malabong sakit dahil sa marahas na pagtibok nito.Hinawakan niya ang kaniyang dibdib at kinumpirma nang hindi nag-iisip, “Ikaw… ikaw ba talaga si Helen?!”Sa sandaling sinabi niya ang mga salitang ito, nagulantang din ang ilang miyembro ng pamilya Dunn na nasa paligid niya.Sinabi ni Harlem at tinanong, “Pa, si Helen talaga ito?!”Sinabi nang nagmamadali ni Hayes, “Pa, bilis at buksan mo ang phone speaker!”Maasiwang binuksan ni Jefferson ang phone speaker. Pagkatapos, si Helen, na nasa kabilang linya, ay sinabi nang nabubulunan, “Pa, ako talaga ito. Buhay pa ako. Buhay din si Sophie, at nasa
Baca selengkapnya

Kabanata 2785

Sa sandaling ito, maingat na nagtatago sina Helen at Sophie sa loob ng isang tuyong kanal sa tabi ng kalsada habang hinihintay ang pagdating ng kanilang pamilya.Hindi matagal, dalawang puting ilaw ang lumitaw sa dulo ng kalsada. Nakarating na ang commercial vehicle na minamaneho ni Harlem sa pinag-usapang lokasyon.Nagmamadaling tinawagan ni Jefferson si Helen at sinabi sa kaniya, “Helen, nakikita mo ba ang kotse namin?”Sinabi ni Helen, “Pa, may nakikita akong kotse na nasa lima o anim na raang metro ang layo sa amin, pero hindi ako sigurado kung kotse mo iyon.”Pagkatapos ay sinabi ni Jefferson, “Sasabihin ko ang kuya mo na pailawin ang ilaw nang dalawang beses.”Nang marinig ito ni Harlem, mabilis niyang pinailaw ang ilaw nang dalawang beses.Sa sandaling ito, lumabas si Helen sa kanal sa gilid bago siya kumaway sa kotse sa kalsada.Si Hayes, nakaupo sa passenger seat, ay nakita siya sa isang tingin, at sinabi niya nang sabik, “Si Helen! Bilis at pumunta ka doon!”Tinapakan
Baca selengkapnya

Kabanata 2786

Sa kasalukuyan, marami ang nag-aabang sa magaganap na concert ni Quinn sa Aurous Hill.Isa na rito ang young master ng pamilya Schulz na si Jaime.Sa pagkakataong ito, hindi pa alam ni Jaime ang balitang ligtas ang kanyang ina at kapatid. Nasa Aurous Hill Olympic Center siya para asikasuhin ang ilang maliliit na detalye sa magaganap na concert ni Quinn.Sa totoo lang, ang kumpanya lang ni Jaime ang nag-iisang sponsor ng concert ni Quinn. Sa madaling salita, kailangan niya lamang maglabas ng pera. Para naman sa mismong performance scheduling, stage construction, at promotional materials, agency na dapat ni Quinn ang dapat mag-asikaso nito. Wala na dapat itong kinalaman kay Jaime.Subalit, palihim na nagkaroon ng collaboration si Jaime sa venue. Malinaw namang agency ni Quinn ang rerenta ng venue para sa concert, pero sinuhulan ni Jaime ang management at staff ng venue. Nakatanggap sila ng pera kay Jaime kaya ginawa nila ang kanilang makakaya para ihanda ang mga sorpresa ni Jaime sa
Baca selengkapnya

Kabanata 2787

Tumango si Jaime nang makontento siya saka siya ngumiti, “Pagdating ng tamang oras, ang misteryosong si Mr. S ang magiging hot topic ng buong internet!”Nang mabanggit ito, biglang nagkaroon ng ideya si Jaime at napabulalas siya, “Nga pala, kailangan mo ring mag-isip ng isang prize participation activity. Ang kahit sinong magpapakita ng suporta kay Mr. S sa hot topic na ito ay makakatanggap ng entry para sumali sa isang raffle!”Agad na nagtanong ang assistant, “Young Master, anong prizes ang gusto niyong ibigay sa raffle?”Ngumiti si Jaime, “Dahil gusto kong ibahagi sa iba ang saya ko, natural lang na hindi ako magiging madamot. Bakit hindi na lang ganito? Isa ang mananalo ng first prize, dalawa sa second prize, at tatlong third prize. Rolls-Royce Phantom ang makukuha ng first prize, Bentley Mulsanne naman sa second prize, at Mercedes-Benz G-class naman sa third prize.”Napabulalas sa pagkamangha ang assistant, “Young Master, masyado kang mapagbigay sa raffle na ito. Mula sa nalal
Baca selengkapnya

Kabanata 2788

Nang marinig ni Jaime ang mga salitang ito, agad siyang nagulantang.Hindi siya nakabalik sa kanyang huwisyo sa loob ng mahigit sa sampung segundo.Nang mapansin ni Jefferson, mula sa kabilang linya, na hindi nagsasalita si Jaime, hindi niya mapigilang magtanong, “Jaime, nakikinig ka ba sa akin?”Saka lamang nakapagsalita si Jaiem, “Oo, nakikinig ako. Lolo, sabi mo nakabalik na si mama at Sophie? Totoo ba iyan?!”“Oo!” Taimtim na tumugon si Jefferson, “Magbibiro ba ako sa mga ganitong bagay?! Bilisan mo at umuwi ka na kaagad!”Agad na tumugon si Jaime, “Sige, Lolo. Uuwi na ako ngayon!”Pagkatapos magsalita, agad na ibinaba ni Jaime ang tawag saka niya kinausap ang kanyang assistant, “Maiwan ka rito at ikaw muna ang bahalang mag-asikaso at makipag-usap sa kanila. May kailangan muna akong gawin.”Nang bitawan ang mga salitang ito, nagmadaling umalis si Jaime.Pagkapasok sa loob ng kotse, agad na pinaandar ni Jaime ang sasakyan, pero sa pagkakataong ito, bigla siyang nag-alangan.
Baca selengkapnya

Kabanata 2789

Kahit nakapagdududa ang pamilya Wade, binigyan ni Sheldon ng magandang rason ang sila Jeremiah para alisin ang sisi sa kanila. Matapos ang lahat, pumuslit siya nang palihim sa Shangri-la. Walang magawa si Cadfan kundi itigil ang kanyang pamimilit sa pamilya Wade.Sa pagkakataong ito, biglang tinawagan ni Jaime si Cadfan.Nairiita nang bahagya si Cadfan pero sinagot niya pa rin ang tawag, “Jaime, may nahanap ka na bang impormasyon tungkol sa papa mo?”Nasorpresa si Jaime at hindi niya mapigilang magtanong, “Lolo, ano ang sinasabi mo? Nahanap na impormasyon? May nangyari ba kay papa?”Saka lamang napagtanto ni Cadfan sa pagkakataong iyon na simula nang malagay sa pahamak si Sheldon, hindi niya pa inuutusan ang kahit sino na sabihan si Jaime tungkol sa nangyari buong araw.Kaya, kahit nasa Aurous Hill si Jaime, wala siyang ideya na nawawala ang kanyang papa.Bumuntong hininga si Cadfan saka siya nagsalita, “Jaime, may masama akong balita. Ang papa mo… nawawala siya.”“Ano?!” Nagula
Baca selengkapnya

Kabanata 2790

Pagkatapos ibaba ang tawag, naramdaman ni Cadfan na para bang nasisilaw siya ng kung anong liwanag.Habang nasa tabi, agad na lumapit si Arrington para magtanong, “Lord Schulz… bumalik na ba si Helen Dunn at ang eldest young lady sa pamilya Dunn?”Hinilot ni Cadfan ang kanyang sentido. Tumango siya na para bang nawawalan siya ng lakas. Hindi niya mapigilang bumuntong hininga, “Arrington, mukhang lalong lumalala ang direksyon ng mga nagaganap sa atin ngayon…”Agad na nagtanong si Arrington, “Lord Schulz, bakit ito ang sinasabi mo?”Bumuntong hininga ulit si Cadfan, “Hay… nangyayari ang lahat ayon sa worst-case scenario na naisip ko dati. Papunta na ang lahat ng bagay sa direksyong ayaw ko makita. Malaking gulo ang kahaharapin ng pamilya Schulz sa pagkakataong ito!”Napatanong si Arrington sa sorpresa, “Lord Schulz… tinutukoy mo ba ang ligtas na pagbabalik ng mag-ina?”“Oo, tama ka…” Hinilot ulit ni Cadfan ang kanyang mga sentido, “Inakala ko noong una na mahihirapan pa rin silang
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
277278279280281
...
569
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status