Umalingawngaw ang helicopter habang dumiretso ito papunta sa compound ng mansyon ng pamilya Harker.Sa sandaling ito, si Holden Harker, na may suot na manipis na hacket, ay nakatayo habang naghihintay sa courtyard.Pagkatapos bumaba sa eroplano at bago lumipat sa helicopter, tinawagan na ni Arrington si Holden.Sa una ay ayaw ni Holden na makipagkita sa kahit sino sa pamilya Schulz kahit na butler lang ito ng pamilya Schulz.Pero, sinabi sa kaniya ni Arrington na si Lord Schulz ang nagpadala sa kaniya dito. Medyo naging alanganin si Holden bilang respeto kay Lord Schulz.Alam niya na kahit isang martial arts family ang pamilya Harker na magaling makipaglaban at pumatay, wala sila sa harap ng isang napakataas na pamilya tulad ng pamilya Schulz.Simula noong sinaunang panahon, ang mga martial arts master ay pinagsisilbihan na ang mga mayayaman na tao. Bukod sa mga mapusok na tao, sino pa ang mangangahas na kalabanin ang mga mayayamang tao?Lalo na para sa pamilya Harker, na may da
Sa totoo lang, salungat ang pananaw ni Yuvin habang hinahanap nila si Rosalie sa simula pa lang.Naramdaman niya sa sandaling iyon, na alam na ng buong mundo na pinagtaksilan ni Lord Schulz si Rosalie. Para naman sa pamilya Harker, pinilit pa rin nila na hanapin si Rosalie sa sitwasyon na iyon. Hindi ba’t malinaw na nilalabanan ng pamilya Harker si Lord Schulz?!Ang pinakamagandang gawin ng pamilya Harker ay huwag magsalita at huwag kumilos para makita ni Lord Schulz na palaging nasa tabi ng pamilya Schulz ang pamilya Harker at handa silang tanggapin ang kapalaran ni Rosalie para sa pamilya Schulz.Kung gano’n, siguradong magbibigay si Lord Schulz ng mas maraming benepisyo sa pamilya Harker. Magkakaroon ng halaga ang kamatayan ni Rosalie kung sinakripisyo niya ang buhay niya para sa mas malaking interes ng pamilya Harker.Sa kasamaang palad, dahil sa pagkamatay ni Rosalie, bukod sa galit ng kapatid niyang babae, si Yashita, gusto rin ni Lord Schulz na lumayo sa pamilya Harker.Mag
Sinabi nang nagmamadali ni Yuvin, “Okay, Pa.”Ngumiti si Arrington habang sumingit, “Salamat sa pag-aabala, Yuvin!”Hindi isang senior si Yuvin tulad ng kaniyang ama. Kaya, sobrang galang niya pa rin kay Arrington. Yumuko siya nang kaunti habang sinabi nang magalang, “Butler Schulz, hindi mo kailangan na maging magalang nang sobra sa akin. Mangyaring maghintay ka nang ilang sandali, at babalik agad ako.”Inimbita ni Holden si Arrington na umupo sa malamig na upuan na gawa sa kahoy. Sa sandaling umupo si Arrington, hindi niya maipigilan na tumayo ulit habang tumawa siya at sinabi, “Oh, Lord harker, sa tingin ko ay mas mabuti kung hihintayin ko ang nagbabagang uling bago ako umupo. Sobrang lamig talaga. Hindi ko ito matiis…”Tumango si Holden at sinabi, “Pasensya na sa masamang pakikitungo namin.”Kumaway nang nagmamadali si Arrington. “Hindi, hindi. Ako ang mapangahas kumilos, pumunta para abalahin kayo sa gabi.”Hindi na nagpatuloy si Holden na maging magalang sa kaniya, at tinan
“One billion dollars?!”Si Yuvin, na nasa tabi, ay nagulantang agad sa sandaling nilabas ni Arrington ang cheque.Medyo nakakatakot talaga ang halaga na ito.Katumbas na nito ang buong bayad sa pamilya Harker sa dalawang taon.Bukod dito, sa ngayon ay kulang talaga sa pera ang pamilya Harker. Kaya, naging sabik na sabik si Yuvin sa cheque na ito na may halagang one billion dollars.Nagulat din si Holden sa halaga na ito.Binigyan sila ni Lord Schulz ng one billion dollars nang gano’n lang. Hinding-hindi niya inaasahan na mangyayari ito.Pero, alam din ni Holden na imposibleng madaling makuha ang pera ng pamilya Schulz.Malalaman ng kahit sino na hinding-hindi ibibigay ng kahit sino sa kanila ang ganitong pera nang walang dahilan.Kaya, hindi niya kinuha ang cheque, ngunit tinanong niya si Arrington, “Arrington, ano kaya ang balak ni Lord Schulz sa pag-utos sa’yo na dalhin ang cheque na ito ngayong araw?”Sinabi nang seryoso ni Arrington, “Lord Harker, sinabi ni Lord Schulz na
Sapat na ang tsunami para palubugin ang buong kagubatan, lalo na ang sunog sa kagubatan?Dito matatalo ang pamantayan.Matagal na hindi nagsalita si Arrington.Ang mga mata niya ay parang isang falcon na masigasig na inoobserbahan ang ekspresyon ng mag-ama sa harap niya. Matatag niyang pinagmasdan ang kanilang ekspresyon sa mukha, mga mata, at kahit ang mga kilos nila sa kaniyang isipan.Ang pinakamagaling na abilidad ni Arrington ay ang abilidad niya na obserbahan ang kilos ng isang tao at basahin ang isipan nila.Pagkatapos manatili sa tabi ni Lord Schulz nang napakaraming taon, ang mga mata ni Arrington ay maikukumpara na sa isang polygraph.Nakikita niya nang malinaw at matatag na nahuhulaan na nahuhulog na sa tukso ang mag-ama sa harap niya.Huminga rin siya nang maluwag dahil dito.Inisip niya, ‘Nag-aalala pa rin si Lord Schulz na hindi pa sapat ang two billion dollars para tuksuhin ang pamilya Harker. Mukhang ang psychological price ng pamilya Harker ay hindi kasing taas
Nang makita ni Yuvin, na nasa gilid, na hindi pa rin nagsasalita ang kaniyang ama para sagutin ang tanong ni Arrington, pinagpawisan siya sa pagkabalisa.Ang pinaka inaalala niya ay sayang talaga kung tatanggihan nang direkta ng kaniyang ama si Arrinton dahil lang biglang nabigong mangatwiran ang utak niya.Kaya, sinabi niya nang nagmamadali, “Pa! Sobrang tapat na ni Lord Schulz sa pag-imbita sa atin pabalik. Sinabihan niya pa si Butler Schulz na pumunta dito mismo para imbitahan tayo pabalik. Kaya bakit pa tayo mag-aalinlangan?”Inisip ni holden, ‘Hindi ako nag-aalangan! Nagdesisyon na ako, pero hindi ko pa naiisip kung paano ako sasagot…’Pero kung iisipin, mabuti rin para sa kaniya na sinabi ito ng anak niya. Maituturing na nagdagdag si Yuvin ng isa pang hakbang sa pagitan nina Holden at Arrington.Sa una ay hindi alam ni Holden kung paano siya magsasalita dahil mukhang medyo materyalistiko siya kung direkta siyang sasang-ayon sa alok ni Arrington.Kahit na naliwanagan nga si
Kaya rin itong ikalkula ni Holden, kaya, sobrang saya niya rin. Kaya, sinabi niya nang handa, “Arrington, kng gano’n, ayusin na natin ang mga ihahanda natin. Ipapaalam ko sa buong pamilya ko na mag-impake na sila. Pwede mong iulat kay Lord Schulz ang sitwasyon ngayon para maayos niya na ang bus at eroplano.”“Okay!” Sabik na sabik si Arrington habang sinabi, “Kung gano’n, aabalahin ko si Lord Harker na maghanda ng kuwarto para sa akin. Aayusin ko ang lahat ng ito pagkatapos bumalik sa kuwarto ko.”Tumango si Holden habang sinabi kay Yuvin, “Yuvin, mag-ayos ka ng kuwarto para kay Butler Schulz!”Ngumiti nang nagmamadali si Yuvin at sinabi, “Walang problema! Walang problema! Butler Schulz, mangyaring sumama ka sa akin!”Sinabi nang nagmamadali ni Arrington, “Yuvin, kailangan mong mag-ayos ng mainit na kuwarto para sa akin. Hindi ko talaga kaya kung sobrang lamig nito…”Ngumiti si Yuvin at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Ang mga miyembro lang ng pamilya Harker na nag-eensayo ng martia
Sa sandaling ito, hindi pa nagpapahinga si Yashita.Si Yashita at ang anak niya ay nakahiga sa kama sa Shangri-La sa Aurous Hill, at walang tigil silang nag-uusap.Sobrang ganda ng kalooban ni Yashita sa sandaling ito.Ito ay isang bagay na hinding-hindi niya nakuha sa mga nagdaang taon.Para kay Yashita, ang lahat ng nangyari ngayong araw ay mas biglaan pa kumpara sa basbas ng langit o basbas ng Bodhisattva.Buhay pa ang anak niya, at malaki rin ang itinaas ng kaniyang cultivation. Bukod dito, siya pa ang unang sa pamilya Harker na umangat nang ganito sa loob ng isang daang taon!Kahit si Yashita mismo ay nagkaroon ng magandang kapalaran bilang isang baldadong tao.Bukod dito, nangako pa si Charlie na bibigyan niya ng limang pill ang pamilya Harker kada taon para na rin ang kabayaran na 100 million dollars kada taon. Siguradong ito ang pinaka bihira at pinakamahalagang oportunidad na mayroon ang pamilya Harker sa daang-daang taon.Sa una ay hindi na siya makapaghintay na magma
Yumuko siya nang magalang kay Charlie nang may gulat at pasasalamat habang sinabi nang may luha sa mga mata, “Salamat sa pagligtas sa buhay ko, Mr. Wade…”Niluwagan ni Charlie ang kanyang kamay na umaalalay sa kanya at sinabi nang kalmado, “Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, sabihin mo sa akin mamaya ang lahat ng nalalaman mo nang detalyado.”Sumagot agad si Ruby nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, makasisiguro ka na sasabihin ko sayo ang lahat nang walang tinatago.”Tumango si Charlie at hindi na nagsalita, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad pabalik.Nagmamadaling sumunod si Ruby at nakita rin ang magandang babae na nakatayo sa harap niya.Nang makita niya nang malinaw ang mukha ng babae, nagulat siya na tila ba nakakita siya ng isang muto, at sinabi niya sa pagkabigla, “Vera… Vera Lavor?!”“Oo, ako nga!” Sumagot nang direkta si Vera. Pagkatapos ay tumingin siya kay Ruby, kumurap nang mapaglaro, at sinabi nang nakangiti, “Ikaw si Miss Dijo, tama? Matagal ko nang nari
Pagkatapos itong sabihin, nahihirapan na sinubukan ni Ruby na tumayo. Kahit na pinili niyang bumigay kay Charlie, bilang isang cultivator, ayaw niyang makita siya ni Charlie na gumagapang palabas mula sa siwang ng malaking bato.Pero, sinugatan nang malala ng pagsabog ang katawan niya, at halos naubos na ang lakas niya sa pag-akyat dito. Kaya, nang sinubukan niyang tumayo, nanginginig ang mga binti niya.Nang nagngalit siya at sinubukang humakbang paabante, isang matinding sakit ang biglang dumaan sa kanyang kanang binti, at hindi niya nakontrol ang pagbagsak ng buong katawan niya.Nang makita ni Charlie na babagsak siya sa mga matalas at matigas na bato, agad siyang sumuntok papunta sa kanya habang pabagsak siya.Isang malakas na alon ng enerhiya ang lumabas sa kanyang kamao, gumawa ng isang malakas na buhawi. Sa sobrang lakas ng buhawi, binuhat nito nang matatag ang katawan ni Ruby, na nasa 45 degree na anggulo at malapit nang bumagsak!Sa sandaling pabagsak na ang katawan ni Ru
Kinakabahan nang sobra si Ruby. Alam niya na kung madidiskubre siya ng kabila, halos sigurado siya na mamamatay siya, at siguradong pahihirapan siya sa lahat ng posibleng paraan para makakuha ng impormasyon tungkol sa Qing Eliminating Society at sa British Lord.Bukod dito, paulit-ulit na sinubukan ng Qing Eliminating Society na puksain ang mga Acker. Sa sandaling mapunta siya sa mga kamay nila, kahit na makipagtulungan siya nang masunurin, marahil ay hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya. Kaya, ang huling pag-asa niya na lang sa ngayon ay hindi siya mahahanap ng kabila.Habang nakakapit sa huling pag-asa na ito, biglang nagsalita nang malakas si Charlie, “Miss Dijo, palihim mong pinapanood ang laban namin ni Mr. Chardon sa dilim kanina lang, at ngayon, nagtatago ka pa rin sa dilim. Hindi ba’t medyo hindi ito makatwiran?”Biglang tumama sa isipan ni Ruby na parang kidlat ang mga sinabi ni Charlie.Sa sandaling iyon, maraming bagay ang dumaan sa isipan niya, ‘Nahanap talaga
Nang makita ni Vera na tinuro ni Charlie ang isang direksyon, hindi na siya tumingin at ginamit agad ang control lever, pinalipad ang helicopter sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Charlie.Sa sandaling ito, si Ruby, na nagtatago sa siwang ng mga malalaking bato, ay hindi pa rin alam na napuntirya na siya ng kabila. Gusto niya lang gawin ang lahat ng makakaya niya na huwag pagalawin ang katawan niya, huwag gumawa ng kahit anong ingay, at hintayin ang mga tao sa helicopter na maghanap at natural na umalis sa lugar na ito. Kampante talaga siya na hindi siya madidiskubre ng kabila.Umikot nang ilang beses ang helicopter sa lambak, pero hindi bumaba ang mga tao para maghanap, at sobrang kapal ng malaking bato na nakaharang sa ulo ni Ruby. Kahit na gumamit ang kabila ng mga kagamitan tulad ng thermal imaging, hindi nila siya mahahanap sa ilalim ng malaking bato na ito.Ang dahilan kung bakit unti-unting hindi mapalagay si Ruby ay dahil papunta talaga ang helicopter sa direksyon
Ganap na nabasag at nabaluktot na ang cellphone, at kahit ang baterya ay lumobo dahil sa pagbaluktot nito. Nang makita niya ito, sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag, napagtanto niya na imposible na patuloy na ipadala ng cellphone ang posisyon niya sa British Lord.Makalipas ang halos sampung minuto, sa wakas ay gumaling na si Charlie dahl sa epekto ng Regeneration Pill. Binatak niya ang kanyang leeg, tamad na inunat ang kanyang katawan sa masikip na cabin, hindi mukhang isang tao na may malalang injury at nanghihina.Si Vera, na nasa gilid, ay sinabi sa sorpresa, “Young Master, magaling ka na?!”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Magaling na ang katawan ko, pero hindi ko pa naibabalik ang Reiki ko.”Habang sinasabi niya ito, naglabas siya ng dalawang Cultivating Pill at nilagay ito sa kanyang bibig. Sa sandaling pumasok ang mga pill sa kanyang tiyan, naging purong Reiki sila, na dumaloy sa mga naayos na meridian at elixir field niya, kumalat sa kanyang buong katawan
Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Tarlon, “Bukod dito, sa mga nagdaang panahon, isa-isa ang tagumpay nila at hindi sila mapigilan. Kung hindi natin sila pipigilan ngayon, natatakot ako na mas magiging marami ang problema sa hinaharap! British Lord, hindi inaasahan ang krisis na ito, kaya hindi ka na pwedeng mag-atubili!”Nanahimik saglit si Fleur.Nadagdagan ang pagkabalisa at pangamba niya dahil sa pag-aalala ni Tarlon. Alam niya na makatwiran ang sinabi ni Tarlon. Kung hahayaan nila ang kabila na umunlad nang palihim, marahil ay magkaroon ito ng malaking banta sa kanya sa hinaharap!Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ipaalam mo agad sa Central Governor Office na ipadala ang mga pinakamagaling na scout nila sa isang eroplano papunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang bagay na ito!”“Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, hindi maiiwasan na mag-iiwan ng bakas ng pagsabog ang napakalakas na puwersa sa loob ng saklaw na ilang daang metro. Pagkatapos ng mada
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa