Sinabi nang taimtim ni Yashita, “Huwag kang mag-alala, alam ko ang dapat kong gawin. Hindi ka dapat magsalita muna.”Pagkatapos, sinagot ni Yashita ang tawag at tinanong, “Pa, anong problema? Bakit mo ako tinatawagan nang gabing-gabi na?”Medyo nahiya si Holden habang sinabi, “Yashita… may kailangan akong sabihin sa’yo, pero hindi ka dapat magalit pagkatapos mo itong marinig.”Sinabi nang nagmamadali ni Yashita, “Pa, sabihin mo na lang ito.”Umubo nang dalawang beses si Holden at sinabi, “Ehem… Ganito kasi… Biglang pumunta si Arrington Schulz sa Moncolne ngayong gabi…”“Arrington Schulz?!” Sumimangot agad si Yashita at tinanong, “Bakit siya pumunta sa Moncolne?!”Sinabi ni Holden, “Ganito kasi. Pinapunta siya ni Lord Schulz dahil gusto niyang kalimutan ang alitan sa pagitan natin para magkaroon ulit tayo ng kolaborasyon…”“Kolaborasyon ulit?!” Sumabog si Yashita sa galit habang sinabi nanggalit, “Pa! Sinaktan in Cadfan Schulz si Rosalie, na hindi mo lang apong babae ngunit saril
Hindi maintindihan ni Holden kung bakit ito sinabi ni Yashita.Nasorpresa siya nang sobra habang tinanong, “Yashita, anong mali sa’yo? Bakit bigla kang nagsabi ng kalokohan? Sinasabi mo na marahil ay hindi matalo ng buong pamilya Harker ang isang tao? Gusto kitang tanungin kung anong klaseng tao ang gano’n kalkas? Maaari ba na ang Young Master Wade na iyon?”Sumagot nang seryoso si Yashita, “Pa, sa totoo lang ay hindi kalokohan ang sinasabi ko. Dati ay masyadong makitid ang utak natin, at akala natin na martial arts ang pinakamalakas na kapangyarihan. Malaking pagkakamali iyon. Sa totoo lang, marahil ay ang martial arts na itinuturing natin bilang pamantayan ay maikukumpara lang sa langgam sa mata ng mga tao na may mas mataas na antas…”“Para naman kay Young Master Wade, hindi ko ito masyadong masasabi sa tawag, pero masasabi ko sayo na siguradong si Young Master Wade ay hindi isang tao na walang talento. Ang pinakamaganda para sa kinabukasan ng pamilya Harker ay makipagtulungan sa
Halimabawa, kung sasabihin ni Yashita kay Holden na nakamit niya ang fully functional Ren meridian, siguradong iisipin ni Holden na pantasya lang ito.Kung sasabihin ni Yashita kay Holden na binigyan siya ng isang pill na kayang pataasin nang sobra ang cultivation base niya o tulungan siyang makamit ang isang qualitative breakthrough, mas mababa ang posibilidad na paniwalaan ni Holden na totoo ang mga ito.Kung ang isang tao ay limitado ng sariling pananaw niya, mahirap para sa kaniya na paniwalaan ang kahit ano na lampas sa pang-unawa niya.Maliban kung makita niya ito gamit ang sarili niyang mata o maranasan niya mismo ito, walang punto na sabihin ang kahit ano.Kaya, sinabi nang nagmamadali ni Yashita, “Pa, hindi mo kailangang magmadali na mangako sa kaniya. Kahit na pumayag ka sa hiling niya, huwag mo agad dalhin ang buong pamilya natin doon. Hintayin mo lang ako. May napakahalagang bagay ako na kailangan kong sabihin sayo nang harapan. Babalik ako bukas nang umaga, at pinakama
Alam ni Rosalie kung ano ang pagkatao at ugali ng kanyang lolo/Gaya ng sinabi ng kanyang nanay, masyado itong kumbinsido sa sarili niyang mga prinsipyo at paniniwala.Kagaya siya ng mga taong naniniwala sa geocentric theory noong sinaunang panahon. Matatag ang kanilang posisyon na ang earth ang sentro ng sanlibutan at ang araw, pati na rin ang iba pang mga bituin, ay umiikot lamang sa mundo natin.Ilang libong taon nagtagal ang ganitong klase ng walang katotohanang teorya. Ilang malalaking sibilisasyon rin ang naniwala rito. Tanging sa ika-16 na siglo lamang napatunayan na hindi ito totoo sa tulong ng heliocentric theory ni Copernicus.Dito pa lamang makikitang ‘malalim’ ang pinanggagalingan ng tradisyon, kaya nitong maapektuhan ang pagtingin at pang-unawa ng mga tao.Kahit detalyado mang ilarawan ni Yashita ang pill ni Charlie sa tawag, siguradong hindi maniniwala si Holden sa kanya.Sa puntong ito, ang magagawa lamang ni Yashita ay bumalik agad ng Moncolne sa pinakamabilis na
Matapos ang lahat, dalawang beses na iniligtas ng taong iyon si Sophie.Kung magagawang protektahan ni Sophie si Cadfan, sapat na ito para masiguro ang kaligtasan niya.Kaya, pagkatapos purihin nang kaunti si Arrington, agad na nagpahanda si Cadfan ng isang private plane.Mahigit sa isang daan ang miyembro ng pamilya Harker. Sapat na ang isang medium passenger aircraft para dalhin silang lahat sa Sudbury. Para naman sa bus, kailangang magpahanda ni Cadfan ng apat na bus. Maliban dito, isa o dalawang trak naman ang kakailangin nila para dalhin ang mga bagahe.Inutusan ni Cadfan ang isa niyang katiwala para ihanda ang passenger aircraft pati na rin ang mga bus at trak. Kailangan nilang sunduin ang pamilya Harker sa Moncolne sa ganap na ika-1o ng umaga bukas.Sa ganitong sitwasyon, makakarating ang pamilya Harker sa Sudbury bago mag-gabi.Sa pagkakataong ito, hindi rin nangahas si Holden na patagalin pa ang lahat. Agad niyang sinabihan ang lahat ng mga miyembro ng pamilya Harker na
Lumapag ang helicopter sa nagyeyelong ibabaw ng ilog, kasing tigas nito ang bakal. Ganoon din, hindi na naghintay si Yashita na huminto ang helicopter, agad niyang binuksan ang pinto saka siya tumalon palabas. Pagkatapos pasalamatan ang piloto at magpaalam, agad siyang tumungo sa mansyon ng Harker na isa at kalahating kilometro lamang ang layo mula sa kanya.Sa pagkakataong ito, marami sa mga miyembro ng pamilya Harker ang maagang nagising.Medyo kakaiba ang pamumuhay ng pamilya Harker kumpara sa modernong lipunan. Sa kasalungat, masasabing kagaya ng mga sinaunang tao ang kanilang lifestyle.Halimbawa, bibihira lamang umasa ang pamilya Harker sa mga modernong teknolohiya. Maliban sa telephone, na isang mahalagang item, hindi halos umaasa ang karamihan sa kanilang mga miyembro sa mga cellphones, computers, at internet.Ang henerasyon ng mga miyembro sa Harker na may edad na 18 hanggang 50 years old ang pangunahing sandata ng pamilya. Kahit ano pa man ang kanilang kasarian, hangga’t
Hindi mapigilang mabahala ni Holden nang maisip ito.Agad siyang tumalikod, nasa daliri niya na ang kanyang internal qi sa katawan mula sa kanyang elixir field, hand ana siyang umatake kung kailangan.Pero, nang tumalikod siya, napagtanto niyang ang anak niyang si Yashita ang naglalakad papunta sa kanyang direksyon.Sa pagkakataong ito, para bang walang pinagkaiba si Yashita sa kanyang itsura kahapon noong umalis siya.Pero, kung susuriin nang mabuti ni Holden, ramdam niyang may kakaiba kay Yashita kumpara sa itsura niya kahapon!Maikukumpara ang nararamdaman niya sa pagtingin sa parehong ilog sa pagitan ng dalawang araw. Para bang kagaya lamang ito ng tubig kahapon.Ganoon pa man, mas malalim na ang ilog na ito kumpara sa nakaraang araw!Hindi niya mapigilang magtanong, “Yashita, paano… paano mo nagawang…”Agad na tumugon si Yashita, “Papa, pwede ba kitang makausap nang dalawa lang tayo?”Nang magsalita si Yashita, agad na naramdaman ni Holden na tila ba tumaas na ang kontrol
Sabay na naglakad ang mag-ama sa mga pasilyo ng mansyon mula sa harap at likod hanggang sa makarating sila sa study room ni Holden.Naunang pumasok ng kwarto si Holden saka naman sumunod si Yashita. Tumalikod si Holden para isara ang pinto saka siya napatitig kay Yashita nang may konsensya sa kanyang ekspresyon, “Yashita, sana mapatawad mo ako sa bagay na ito. Wala na akong magawa kaya…”Tumango si Yashita, “Papa, alam ko namang ginagawa mo ito para sa pamilya Harker…”“Oo, tama ang sinabi mo!” Bumuntong hininga si Holden, “Hay. Kung hindi dahil sa pamilya natin, bakit naman ako gagawa ng ganitong desisyon? Mukhang man walang bigat ang mga salitang sinabi ko, pero sa totoo lang, isa itong malaking sampal sa mukha ko…”Nagpatuloy si Holden, “Yashita, sana huwag mo akong sisihin dahil sa nangyari. Gaya mo, umaasa rin akong mahanap ko si Rosalie. Kaya, sa hinaharap, hindi mo naman kailangang magpakita sa pamilya Schulz, magpatuloy ka lang sa paghahanap mo kay Rosalie!”Ngumiti nang m
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl