Hindi mapigilang mabahala ni Holden nang maisip ito.Agad siyang tumalikod, nasa daliri niya na ang kanyang internal qi sa katawan mula sa kanyang elixir field, hand ana siyang umatake kung kailangan.Pero, nang tumalikod siya, napagtanto niyang ang anak niyang si Yashita ang naglalakad papunta sa kanyang direksyon.Sa pagkakataong ito, para bang walang pinagkaiba si Yashita sa kanyang itsura kahapon noong umalis siya.Pero, kung susuriin nang mabuti ni Holden, ramdam niyang may kakaiba kay Yashita kumpara sa itsura niya kahapon!Maikukumpara ang nararamdaman niya sa pagtingin sa parehong ilog sa pagitan ng dalawang araw. Para bang kagaya lamang ito ng tubig kahapon.Ganoon pa man, mas malalim na ang ilog na ito kumpara sa nakaraang araw!Hindi niya mapigilang magtanong, “Yashita, paano… paano mo nagawang…”Agad na tumugon si Yashita, “Papa, pwede ba kitang makausap nang dalawa lang tayo?”Nang magsalita si Yashita, agad na naramdaman ni Holden na tila ba tumaas na ang kontrol
Sabay na naglakad ang mag-ama sa mga pasilyo ng mansyon mula sa harap at likod hanggang sa makarating sila sa study room ni Holden.Naunang pumasok ng kwarto si Holden saka naman sumunod si Yashita. Tumalikod si Holden para isara ang pinto saka siya napatitig kay Yashita nang may konsensya sa kanyang ekspresyon, “Yashita, sana mapatawad mo ako sa bagay na ito. Wala na akong magawa kaya…”Tumango si Yashita, “Papa, alam ko namang ginagawa mo ito para sa pamilya Harker…”“Oo, tama ang sinabi mo!” Bumuntong hininga si Holden, “Hay. Kung hindi dahil sa pamilya natin, bakit naman ako gagawa ng ganitong desisyon? Mukhang man walang bigat ang mga salitang sinabi ko, pero sa totoo lang, isa itong malaking sampal sa mukha ko…”Nagpatuloy si Holden, “Yashita, sana huwag mo akong sisihin dahil sa nangyari. Gaya mo, umaasa rin akong mahanap ko si Rosalie. Kaya, sa hinaharap, hindi mo naman kailangang magpakita sa pamilya Schulz, magpatuloy ka lang sa paghahanap mo kay Rosalie!”Ngumiti nang m
Pero ito ang nakamamanghang bahagi. Kung nabuksan sana ni Yashita hanggang tatlo sa kanyang meridians, o kung dinala niya sana si Rosalie na may tatlong bukas na meridians sa harap ni Holden, siguradong mapapansin ng matanda ang pagbabago sa isang tingin lang. Matapos ang lahat, magkaibang mundo ang pagitan ng pagkakaroon ng dalawang bukas na meridians sa pagkakaroon ng tatlo. Para bang kasinglaki lamang ng basketball court ang lawa kahapon pero naging dalawang beses itong mas malaki ngayon at naging soccer field na ito. Malaki ang pinagkaiba, kaya para kay Holden na bukas ang tatlong meridians, siguradong mapapansin niya ang pinagkaiba sa isang sulyap lang.Subalit, kahit hindi nabuksan ni Yashita ang pangatlo niyang meridian gaya ni Rosalie, nagkaroon naman ng malaking paglago ang dalawa niyang meridians.Ganoon pa man, sa mga mata ni Holden, pareho pa rin ang laki ng lawa sa isang basketball court, lumalim lang ito, pero wala itong pinagkaiba.Hindi niya makita ang detalye ng mga
Matagal nang pinapangarap ni Holden na mapalago ang pamilya Harker sa sarili niyang mga kamay.Handa siyang isuko ang kahit ano, kahit pa ang sarili niyang buhay, para sa rasong ito.Iyan rin ang dahilan kung bakit nagawa niyang tiisin ang galit niya kay Cadfan sa nangyari sa kanyang apo na si Rosalie. Kailangan niya ang 2 billions dollars na inaalok nito para sa pamilya Harker. Sa kanyang opinyon, kahit mahalaga ang kanyang apo, hindi pa rin siya kasinghalaga ng hinaharap ng buong pamilya nila.Subalit, nang makita niyang may fully functional Ren meridian na si Yashita, agad niyang napagtanto na mas mahalaga at mas pambihira ang ganitong pagkakataon kumpara sap era. Kung may 2 billion dollars siya sa kanyang kamay, masisiguro niyang matutulungan niya ang mga miyembro ng pamilya Harker sa kanilang cultivation. Pero, ordinaryo lamang ang mga halamang gamot na mabibili nila. Kahit gumastos siya ng 2 billion dollars sa iisang tao, imposible pa ring magkaroon ito ng fully functional Ren
Kung magagawang buksan ng isang tao ang dalawa sa kanyang meridians, magiging bahagi siya ng mga martial artists na masasabing top martial arts masters ng panahon ngayon.Kung kayang buksan ng isang tao ang tatlo sa kanyang meridians, makakasama siya sa top ten martial artists ng kanyang bansa.Para naman sa ikaapat na meridian, sa kasalukuyan, mula sa ilang dosena ng malalaki at maliliit na martial arts families, wala pa ni isa ang nakakaabot sa ganitong lebel.Para kay Holden, basta mabuksan niya ang kanyang ikaapat na meridian, mapupunta na siya sa tuktok ng mga martial artists sa buong bansa.Habang sinusubukan ni Holden na abutin ang kanyang pangarap, nagulantang siya nang malaman niyang malaking bahagi ng internal qi mula sa divine pill ang dahan-dahang dumadaloy patungo sa kanyang mga ugat sa katawan hanggang sa kanyang mga internal organs.Sa pagkakataong ito, para bang natuyo ang buong katawan ni Holden. Ganoon pa man, para bang tagsibol ang epektong dala ng divine pill n
Tumama nang direkta ang mga salita ni Yashita sa bahagi kung saan sensitibo si Holden.Nasaktan siya pero naunawaan niyang iba nga talaga ang pagkatao ng kanyang panganay na anak.Nadiskubre ni Holden na matagal nang nawala ang amor ng kanyang pinakamatandang anak sa martial arts dalawang dekada na ang nakararaan.Hindi lamang iyon, pero nagsimula ring mahibang ang kanyang anak pagdating sa pera at mga materyal na bagay.Sa mga salia ni Yuvin, 20 o 30 na taon na rin siyang nagsasanay ng martial arts. Ito na ang pagkakataon para maging masaya siya sa buhay. Marami raw pinagdaanang paghihirap ang mga martial arts celebrities noong kabataan nila pero naabot nila ang tuktok ng kanilang buhay nang dumating sila sa middle age.May mga martial arts celebrities pa nga na naging billionaire sa edad na 30 at mula sa kanilang personal na kondisyon, makikita agad na hindi na sila lumalago sa kanilang martial arts. Gamit lamang ang ordinaryong mga mata, masasabing hindi na sila nag-eensayo gay
Sa kasalungat, baka ibenta pa ni Yuvin ang buong pamilya Harker sa pamilya Schulz. Pagkatapos, tatangayin niya ang malaking halaga ng pera na kapalit nito para lumabas at magsaya sa buhay.Kung iyan ang kaso, gagamitin lamang ni Yuvin ang pamilya nila para kumira ng pera para sa kanyang sarili.Sa halip na hayaan itong mangyari, mas mabuting mabuhay si Holden nang ilan pang taon para personal niyang pangunahan at dalhin sa tuktok ang pamilya Harker.Kung magagamit niya ang huli niyang lakas para dalhin ang pamilya nila sa pinakataas ng bansa, handa siyang mamatay nang walang kahit anong pagsisisi!Nang maisip ito, nakapagpasya na si Holden. Kinausap niya ang kanyang anak, “Yashita, tama ang sinabi mo. Ang pinakamahalagang misyon ko ngayon ay dalhin ang pamilya Harker sa tuktok at mas mataas na lugar! Dahil binigyan tayo ng isang magandang oportunidad ni Young Master Wade, natural lang na dapat natin siyang pagsilbihan mula sa araw na ito! Wala nang mas hihigit pa rito!”Agad na na
Alam din ni Holden na dahil may ganitong kakayahan at divine pill ang kabila, ang ibig sabihin lang nito ay ang kagustuhan niyang makipagtulungan sa pamilya Harker ay ang paraan niya para ipakita ang kaniyang suporta at pabor sa kanila.Pero, hindi maintindihan ni Holden kung paano talaga nangyari ang ganito kagandang bagay sa pamilya Harker.Kaya, tinanong niya nang hindi nag-iisip, “Yashita, bakit gustong makipagtulungan ni Young Master Wade sa atin? Bago ka bumalik, akala ko na gustong makipagtulungan ng young master ng pamilya Wade sa atin dahil gusto niyang kalabanin ang pamilya Schulz. Pero, pagkatapos mong bumalik, napagtanto ko na may dakilang lakas at kapangyarihan talaga ang young master ng pamilya Wade. Kaya, walang laban ang pamilya Schulz sa kaniya. Kahit na gusto niyang labanan ang pamilya Schulz, hindi niya kailangan na makipagtulungan sa atin…”Tumango si Yashita at sinabi nang seryoso, “Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ko na isa itong magandang pagkakataon na ipin
Yumuko siya nang magalang kay Charlie nang may gulat at pasasalamat habang sinabi nang may luha sa mga mata, “Salamat sa pagligtas sa buhay ko, Mr. Wade…”Niluwagan ni Charlie ang kanyang kamay na umaalalay sa kanya at sinabi nang kalmado, “Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, sabihin mo sa akin mamaya ang lahat ng nalalaman mo nang detalyado.”Sumagot agad si Ruby nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, makasisiguro ka na sasabihin ko sayo ang lahat nang walang tinatago.”Tumango si Charlie at hindi na nagsalita, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad pabalik.Nagmamadaling sumunod si Ruby at nakita rin ang magandang babae na nakatayo sa harap niya.Nang makita niya nang malinaw ang mukha ng babae, nagulat siya na tila ba nakakita siya ng isang muto, at sinabi niya sa pagkabigla, “Vera… Vera Lavor?!”“Oo, ako nga!” Sumagot nang direkta si Vera. Pagkatapos ay tumingin siya kay Ruby, kumurap nang mapaglaro, at sinabi nang nakangiti, “Ikaw si Miss Dijo, tama? Matagal ko nang nari
Pagkatapos itong sabihin, nahihirapan na sinubukan ni Ruby na tumayo. Kahit na pinili niyang bumigay kay Charlie, bilang isang cultivator, ayaw niyang makita siya ni Charlie na gumagapang palabas mula sa siwang ng malaking bato.Pero, sinugatan nang malala ng pagsabog ang katawan niya, at halos naubos na ang lakas niya sa pag-akyat dito. Kaya, nang sinubukan niyang tumayo, nanginginig ang mga binti niya.Nang nagngalit siya at sinubukang humakbang paabante, isang matinding sakit ang biglang dumaan sa kanyang kanang binti, at hindi niya nakontrol ang pagbagsak ng buong katawan niya.Nang makita ni Charlie na babagsak siya sa mga matalas at matigas na bato, agad siyang sumuntok papunta sa kanya habang pabagsak siya.Isang malakas na alon ng enerhiya ang lumabas sa kanyang kamao, gumawa ng isang malakas na buhawi. Sa sobrang lakas ng buhawi, binuhat nito nang matatag ang katawan ni Ruby, na nasa 45 degree na anggulo at malapit nang bumagsak!Sa sandaling pabagsak na ang katawan ni Ru
Kinakabahan nang sobra si Ruby. Alam niya na kung madidiskubre siya ng kabila, halos sigurado siya na mamamatay siya, at siguradong pahihirapan siya sa lahat ng posibleng paraan para makakuha ng impormasyon tungkol sa Qing Eliminating Society at sa British Lord.Bukod dito, paulit-ulit na sinubukan ng Qing Eliminating Society na puksain ang mga Acker. Sa sandaling mapunta siya sa mga kamay nila, kahit na makipagtulungan siya nang masunurin, marahil ay hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya. Kaya, ang huling pag-asa niya na lang sa ngayon ay hindi siya mahahanap ng kabila.Habang nakakapit sa huling pag-asa na ito, biglang nagsalita nang malakas si Charlie, “Miss Dijo, palihim mong pinapanood ang laban namin ni Mr. Chardon sa dilim kanina lang, at ngayon, nagtatago ka pa rin sa dilim. Hindi ba’t medyo hindi ito makatwiran?”Biglang tumama sa isipan ni Ruby na parang kidlat ang mga sinabi ni Charlie.Sa sandaling iyon, maraming bagay ang dumaan sa isipan niya, ‘Nahanap talaga
Nang makita ni Vera na tinuro ni Charlie ang isang direksyon, hindi na siya tumingin at ginamit agad ang control lever, pinalipad ang helicopter sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Charlie.Sa sandaling ito, si Ruby, na nagtatago sa siwang ng mga malalaking bato, ay hindi pa rin alam na napuntirya na siya ng kabila. Gusto niya lang gawin ang lahat ng makakaya niya na huwag pagalawin ang katawan niya, huwag gumawa ng kahit anong ingay, at hintayin ang mga tao sa helicopter na maghanap at natural na umalis sa lugar na ito. Kampante talaga siya na hindi siya madidiskubre ng kabila.Umikot nang ilang beses ang helicopter sa lambak, pero hindi bumaba ang mga tao para maghanap, at sobrang kapal ng malaking bato na nakaharang sa ulo ni Ruby. Kahit na gumamit ang kabila ng mga kagamitan tulad ng thermal imaging, hindi nila siya mahahanap sa ilalim ng malaking bato na ito.Ang dahilan kung bakit unti-unting hindi mapalagay si Ruby ay dahil papunta talaga ang helicopter sa direksyon
Ganap na nabasag at nabaluktot na ang cellphone, at kahit ang baterya ay lumobo dahil sa pagbaluktot nito. Nang makita niya ito, sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag, napagtanto niya na imposible na patuloy na ipadala ng cellphone ang posisyon niya sa British Lord.Makalipas ang halos sampung minuto, sa wakas ay gumaling na si Charlie dahl sa epekto ng Regeneration Pill. Binatak niya ang kanyang leeg, tamad na inunat ang kanyang katawan sa masikip na cabin, hindi mukhang isang tao na may malalang injury at nanghihina.Si Vera, na nasa gilid, ay sinabi sa sorpresa, “Young Master, magaling ka na?!”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Magaling na ang katawan ko, pero hindi ko pa naibabalik ang Reiki ko.”Habang sinasabi niya ito, naglabas siya ng dalawang Cultivating Pill at nilagay ito sa kanyang bibig. Sa sandaling pumasok ang mga pill sa kanyang tiyan, naging purong Reiki sila, na dumaloy sa mga naayos na meridian at elixir field niya, kumalat sa kanyang buong katawan
Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Tarlon, “Bukod dito, sa mga nagdaang panahon, isa-isa ang tagumpay nila at hindi sila mapigilan. Kung hindi natin sila pipigilan ngayon, natatakot ako na mas magiging marami ang problema sa hinaharap! British Lord, hindi inaasahan ang krisis na ito, kaya hindi ka na pwedeng mag-atubili!”Nanahimik saglit si Fleur.Nadagdagan ang pagkabalisa at pangamba niya dahil sa pag-aalala ni Tarlon. Alam niya na makatwiran ang sinabi ni Tarlon. Kung hahayaan nila ang kabila na umunlad nang palihim, marahil ay magkaroon ito ng malaking banta sa kanya sa hinaharap!Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ipaalam mo agad sa Central Governor Office na ipadala ang mga pinakamagaling na scout nila sa isang eroplano papunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang bagay na ito!”“Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, hindi maiiwasan na mag-iiwan ng bakas ng pagsabog ang napakalakas na puwersa sa loob ng saklaw na ilang daang metro. Pagkatapos ng mada
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa