May hawak na isang mangkok ng congee si Arrington, at sinisipsip niya ang porridge habang nginunguya ang medyo matigas na corn grits nang masarap. Sa parehong oras, binulong niya sa sarili niya, “Hindi ko inaasahan na iba ang lasa ng congee na gawa sa coarse grain.”Habang nagsasalita siya, pinulo niya ang isang burge na kasing laki ng kamao bago niya ito kinagatan. Habang puno ng langis ang buong bibig niya, kinagat niya rin ang karne na patty sa loob ng burger na mas malaki pa sa bola ng ping pong.“Masarap! Masarap!” May sobrang nakuntentong hitsura ng nasasarapan si Arrington sa kaniyang mukha, at sobrang ganda ng kalooban niya.Pagkatapos lumabas ngayon, nagawa niya ang gawain na ipinagkatiwala sa kaniya ni Lord Schulz nang mabilis at madali, at tinulungan niya rin si Lord Schulz na lutasin ang mahalagang krisis nila. Masasabi na isa na itong tagumpay mula sa simula pa lang.Kaya, natural lang na maganda ang mood ni Arrington.Hinihintay niya lang na dumating ang convoy para
Nang makita ni Arrington ang disididong saloobin ni Holden, bigla siyang nataranta. Hindi alam ni Arrington kung bakit biglang magbabago ang isipan ng matandang g*go na ito, si Holden, at hindi alam ni Arrington kung paano niya i-uulat ito kay Lord Schulz pagbalik niya.Mayroon siyang taimtim na ekspresyon sa kaniyang mukha habang nagmakaawa siya nang desperado, sinusubukan siyang hikayatin, “Lord Harker, hindi mahalaga kung hindi ka kuntento dahil sa pera. Kung hindi ka kuntento, pwede mo itong sabihin. Binanggit na ni Lord Schulz na ang two billion dollars ay pangunahing presyo lang, pero Lord harker, kung hindi ka kuntento sa alok na ito, handa si Lord Schulz na taasan ang alok niya. Ano sa tingin mo ang three billion dollars?!”“Three billion dollars?!” Si Yuvin, na nasa tabi, ay halos mabaliw na.Hindi na niya maisip ang konsepto ng three billion dollars, at sinabi niya na lang sa loob niya na kaya niyang taasan at dagdagan ng kalahati ang orihinal na ilusyon niya pagdating sa
Pagkatapos, agad nagkaroon ng malamig na ekspresyon si Yuvin sa kaniyang mukha habang sinabi, “Butler Schulz, tama ka. Marahil ay hindi ko mahikayat ang ama ko.”Habang nagsasalita siya, biglang binaliktad ni Yuvin ang usapan at sinabi, “Pero kaya kong hikayatin ang sarili kong mga binti!”Nang marinig ito ni Arrington, lumiwanag agad ang mga mata niya, at tinanong niya, “Yuvin, ano ang ibig mong sabihin dito?”Sinabi ni Yuvin, “Sobrang simple lang. Marahil ay ayaw ng ama ko na makipagtulungan sa pamilya Schulz, pero handa ako. Pero, pangalawa lang kay Lord Harker ang cultivation ko sa pamilya Harker. Bukod dito, may dalawang anak na lalaki ako at isang grupo ng mga tauhan na handang sundan ako. Basta’t handa si Lord Schulz na tanggapin ako, handa akong dalhin ang mga tauhan ko sa Sudbury para pagsilbihan si Lord Schulz!”Tuwang-tuwa si Arrington.Inisip niya, ‘Ang matandang g*go na iyon, si Holden Harker, ay matigas talaga ang ulo. Imposible na hikayatin siya na baguhin ang isipa
Sa sandaling ito, nasa loob ng ancestral hall si Holden, at nilagay niya ang tatlong stick ng insenso sa harap ng ancestral tablet ng kaniyang ama.Halos nasa isang daang ninuno ng pamilya Harker ang nakalibing sa ancestral hall ng pamilya Harker. Sa ibang salita, ang mga tao lang na may malaking kontribusyon sa pamilya Harker ang nararapat na ilagay ang ancestral tablet dito.Sa kanila, ang may pinakamababang seniority ay ang ama ni Holden.Kaya, binigay ni Holden ang respeto niya at nilagay ang insenso mula sa taas papunta sa ibaba, at ang ancestral table ng ama niya ang pinakahuli.Kapapasok niya lang ng tatlong insenso na pinasiklab sa incense burner, pero bago niya pa maibalik ang kaniyang kamay mula sa incense burner, narinig niya ang sigaw ng kaniyang bunsong anak na lalaki sa labas ng ancestral hall. Nagulat siya saglit, at aksidente niyang nasira nang sabay-sabay ang tatlong stick ng insenso.Nang makita ito ni Yashita, na nasa gilid, nagmamadali niyang tinanong nang nag-
Pagkatapos tumakbo ni Yuroy pabalik, hindi niya pinigilan ang mga tao na ilagay ang mga bagahe nila sa bus. Sa halip, tumakbo lang siya sa loob ng bahay at sinabi sa mga natirang tao, “Kayong lahat, sinabi ng ama ko na gusto niyang magtipon ang lahat at maghintay sa main hall. Sa ngayon ay sinasamba niya ang mga ninuno natin, at babalik siya sa main hall dahil may napakahalagang anunsyo siya na sasabihin sa lahat mamaya.”Tinanong ng isang tao, “Yuroy, ano ang mahalagang anunsyo na sasabihin ni Lord Harker?”Umiling si Yuroy. “Hindi ko rin alam ang mga tiyak na detalye. Dapat hintayin muna natin siya!”Sa alas diyes ng umaga, umalis sa oras ang convoy ng pamilya Schulz, dala-dala si Yuvin at ang mahigit apatnapung miyembro ng pamilya Harker papunta sa timog.Ang mga miyembro ng pamilya Harker na ito ay sabik na sabik sa daan.Ito ay dahil sinabi ni Arrington sa kanila na si Lord Schulz, ang pinuno ng pamilya Schulz, ay handang bigyan sila ng taunang bayad na one billion dollars.
Nang marinig ng mga miyembro ng pamilya Harker ang balita na nabuksan ni Holden ang pang-apat ng meridian niya, nagulantang saglit ang lahat. Pagkatapos, agad umalingawngaw ang bugso ng pambihirang palakpakan at hiyawan!Ang ibig sabihin ng pagbukas ng apat na meridian ay isa nang four-star martial artist si Holden!Sa buong Oskia, ang ‘four-star martial artist’ na tituloy ay hindi pa lumilitaw sa loob ng halos isang daang taon!Para sa kanila, ang balitang ito ay kapana-panabik at napakalaki tulad noong narinig ng mga Oskian ang balita na tagumpay nilang nagawa ang pagpapasabog ng unang atomic bomb.Dati, tagumpay na nakagawa ng atomic bomb ang Oskia, at ang ibig sabihin ay hindi na matatakot ang mga mamamayan ng Oskia na pagbantaan sila ng nuclear threats ng ibang bansa na may mga nuclear bomb. Sa parehong oras, may malakas na abilidad din sila na ipagtanggol ang sarili nila.Ngayong tagumpay si Holden sa pagbukas ng pang-apat na meridian niya, halos katumbas nito ang pagmamay-a
Sa sandaling narinig ni Holson ang mga salitang ito, tumango siya agad at sinabi nang sabik, “Kung gano’n, gagawin ko ang lahat ng utos mo!”Para sa mga taong nanatili, kahit na ano pa ang kanilang kasarian o kahit na bata o matanda sila, lahat sila ay sobrang tapat sa pamilya Harker at kay Holden. Kaya, sa sandaling ito, niyakap nila at sinuportahan ang mga desisyon ni Holden.Napagtanto rin ni Holden na pagkatapos umalis ng pinakamatandang anak niya kasama ang grupo ng mga taong iyon, biglang naging kaunti ang boses ng pagtutol at pagtatanong kapag gumagawa siya ng malaking desisyon. Napagtanto niya rin dahil dito ang kahalagahan ng pagkakaisa sa team.Ang pamilya Harker ay hindi na magiging tulad ng dati, na may walang hanggan na labanan sa loob. Sa kabaliktaran, magkakaisa nang sobra ang kasalukuyang pamilya Harker, at lahat sila ay magtutulungan na makamit ang mas malaking tagumpay!Nang maisip niya ito, hindi mapigilan ni Holden na manabik nang sobra sa kailaliman ng puso niy
Habang puno ng galit ang puso ni Yuvin, galit na sinigaw ng isa pang tao sa kotse, “Gumawa rin ng anunsyo ang pamilya Harker na nagsasabi na kung sino man ang umalis sa pamilya Harker ay hindi na pwedeng bumalik!”Nagulat at natakot nang ilang sandali ang lahat.Hindi talaga inaasahan na inabandona nila ang pamilya Harker para umakyat sa social ladder, pero sa hindi inaasahan, babaliktarin ng pamilya Harker ang lahat at magpapatupad ng marahas na tuntunin para sa sitwasyon na ito.Ngayon, lahat sila ay mga abandonadong anak na ng pamilya Harker.Si Lord Schulz, na nasa malayo sa Sudbury, ay sobrang lungkot din.Kaninang umaga, halos sunod-sunod na masamang balita ang narinig niya.Una, ang balita na biglang umatras si Holden sa pangako niya.Pagkatapos, ang balita na biglang naging top martial artist si Holden sa buong bansa.Wala nang mas masakit kumpara sa isang sitwasyon na kung saan ang bagay na sa iyo dapat sa simula ay biglang naging mas magaling pagkatapos itong mawala s
Yumuko siya nang magalang kay Charlie nang may gulat at pasasalamat habang sinabi nang may luha sa mga mata, “Salamat sa pagligtas sa buhay ko, Mr. Wade…”Niluwagan ni Charlie ang kanyang kamay na umaalalay sa kanya at sinabi nang kalmado, “Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, sabihin mo sa akin mamaya ang lahat ng nalalaman mo nang detalyado.”Sumagot agad si Ruby nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, makasisiguro ka na sasabihin ko sayo ang lahat nang walang tinatago.”Tumango si Charlie at hindi na nagsalita, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad pabalik.Nagmamadaling sumunod si Ruby at nakita rin ang magandang babae na nakatayo sa harap niya.Nang makita niya nang malinaw ang mukha ng babae, nagulat siya na tila ba nakakita siya ng isang muto, at sinabi niya sa pagkabigla, “Vera… Vera Lavor?!”“Oo, ako nga!” Sumagot nang direkta si Vera. Pagkatapos ay tumingin siya kay Ruby, kumurap nang mapaglaro, at sinabi nang nakangiti, “Ikaw si Miss Dijo, tama? Matagal ko nang nari
Pagkatapos itong sabihin, nahihirapan na sinubukan ni Ruby na tumayo. Kahit na pinili niyang bumigay kay Charlie, bilang isang cultivator, ayaw niyang makita siya ni Charlie na gumagapang palabas mula sa siwang ng malaking bato.Pero, sinugatan nang malala ng pagsabog ang katawan niya, at halos naubos na ang lakas niya sa pag-akyat dito. Kaya, nang sinubukan niyang tumayo, nanginginig ang mga binti niya.Nang nagngalit siya at sinubukang humakbang paabante, isang matinding sakit ang biglang dumaan sa kanyang kanang binti, at hindi niya nakontrol ang pagbagsak ng buong katawan niya.Nang makita ni Charlie na babagsak siya sa mga matalas at matigas na bato, agad siyang sumuntok papunta sa kanya habang pabagsak siya.Isang malakas na alon ng enerhiya ang lumabas sa kanyang kamao, gumawa ng isang malakas na buhawi. Sa sobrang lakas ng buhawi, binuhat nito nang matatag ang katawan ni Ruby, na nasa 45 degree na anggulo at malapit nang bumagsak!Sa sandaling pabagsak na ang katawan ni Ru
Kinakabahan nang sobra si Ruby. Alam niya na kung madidiskubre siya ng kabila, halos sigurado siya na mamamatay siya, at siguradong pahihirapan siya sa lahat ng posibleng paraan para makakuha ng impormasyon tungkol sa Qing Eliminating Society at sa British Lord.Bukod dito, paulit-ulit na sinubukan ng Qing Eliminating Society na puksain ang mga Acker. Sa sandaling mapunta siya sa mga kamay nila, kahit na makipagtulungan siya nang masunurin, marahil ay hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya. Kaya, ang huling pag-asa niya na lang sa ngayon ay hindi siya mahahanap ng kabila.Habang nakakapit sa huling pag-asa na ito, biglang nagsalita nang malakas si Charlie, “Miss Dijo, palihim mong pinapanood ang laban namin ni Mr. Chardon sa dilim kanina lang, at ngayon, nagtatago ka pa rin sa dilim. Hindi ba’t medyo hindi ito makatwiran?”Biglang tumama sa isipan ni Ruby na parang kidlat ang mga sinabi ni Charlie.Sa sandaling iyon, maraming bagay ang dumaan sa isipan niya, ‘Nahanap talaga
Nang makita ni Vera na tinuro ni Charlie ang isang direksyon, hindi na siya tumingin at ginamit agad ang control lever, pinalipad ang helicopter sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Charlie.Sa sandaling ito, si Ruby, na nagtatago sa siwang ng mga malalaking bato, ay hindi pa rin alam na napuntirya na siya ng kabila. Gusto niya lang gawin ang lahat ng makakaya niya na huwag pagalawin ang katawan niya, huwag gumawa ng kahit anong ingay, at hintayin ang mga tao sa helicopter na maghanap at natural na umalis sa lugar na ito. Kampante talaga siya na hindi siya madidiskubre ng kabila.Umikot nang ilang beses ang helicopter sa lambak, pero hindi bumaba ang mga tao para maghanap, at sobrang kapal ng malaking bato na nakaharang sa ulo ni Ruby. Kahit na gumamit ang kabila ng mga kagamitan tulad ng thermal imaging, hindi nila siya mahahanap sa ilalim ng malaking bato na ito.Ang dahilan kung bakit unti-unting hindi mapalagay si Ruby ay dahil papunta talaga ang helicopter sa direksyon
Ganap na nabasag at nabaluktot na ang cellphone, at kahit ang baterya ay lumobo dahil sa pagbaluktot nito. Nang makita niya ito, sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag, napagtanto niya na imposible na patuloy na ipadala ng cellphone ang posisyon niya sa British Lord.Makalipas ang halos sampung minuto, sa wakas ay gumaling na si Charlie dahl sa epekto ng Regeneration Pill. Binatak niya ang kanyang leeg, tamad na inunat ang kanyang katawan sa masikip na cabin, hindi mukhang isang tao na may malalang injury at nanghihina.Si Vera, na nasa gilid, ay sinabi sa sorpresa, “Young Master, magaling ka na?!”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Magaling na ang katawan ko, pero hindi ko pa naibabalik ang Reiki ko.”Habang sinasabi niya ito, naglabas siya ng dalawang Cultivating Pill at nilagay ito sa kanyang bibig. Sa sandaling pumasok ang mga pill sa kanyang tiyan, naging purong Reiki sila, na dumaloy sa mga naayos na meridian at elixir field niya, kumalat sa kanyang buong katawan
Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Tarlon, “Bukod dito, sa mga nagdaang panahon, isa-isa ang tagumpay nila at hindi sila mapigilan. Kung hindi natin sila pipigilan ngayon, natatakot ako na mas magiging marami ang problema sa hinaharap! British Lord, hindi inaasahan ang krisis na ito, kaya hindi ka na pwedeng mag-atubili!”Nanahimik saglit si Fleur.Nadagdagan ang pagkabalisa at pangamba niya dahil sa pag-aalala ni Tarlon. Alam niya na makatwiran ang sinabi ni Tarlon. Kung hahayaan nila ang kabila na umunlad nang palihim, marahil ay magkaroon ito ng malaking banta sa kanya sa hinaharap!Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ipaalam mo agad sa Central Governor Office na ipadala ang mga pinakamagaling na scout nila sa isang eroplano papunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang bagay na ito!”“Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, hindi maiiwasan na mag-iiwan ng bakas ng pagsabog ang napakalakas na puwersa sa loob ng saklaw na ilang daang metro. Pagkatapos ng mada
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa