Gaya ng inaasahan.Nakaramdam agad ng kaba si Jaime at hindi niya mapigilang manigas nang marinig ang mga sinabi ni Sophie.Alam niyang iniligtas ng misteryosong tao sila Sophie at ang kanyang nanay.Alam niya ring hindi mapapantayan ang lakas ng lalaking ito.Dati, may dalawang top masters ang pamilya Schulz. Isa na rito si Henderson, at ang isa naman si Holden.Malapit nang mabuksan ni Henderson ang ikatlo niyang meridian.Para naman kay Holden, masasabing mas malakas siya. Matapos ang lahat, kasama siya sa kakarampot na taong nagawang buksan ang ikatlo niyang meridian.Subalit, sa lakas na mayroon si Holden, katumbas niya lamang ang isang Jonin mula sa mga Japanese ninjas.Pero, nasaksiyan niya sa Japan dati na kayang patayin ng misteryosong tagapagligtas nila ang ilang mga ninjas kahit may isang Jonin dito!Mula sa sitwasyon, masasabing dalawa o tatlong beses na mas malakas ang misteryosong lalaking ito kumpara kay Holden.Higit pa rito, walang kahit anong natamong galos
Ano ang ibig sabihin ni Sophie nang sabihin niya ang mga salitang ‘ilang mga bagay’? Hindi kaya may namamagitan talaga sa kanila ng misteryoso naming tagapagligtas?Nagsalita agad si Jaime, “Tingnan mo naman ang sarili mo. Iniisip mo yata na ibang tao ako. Kung may relasyon nga talaga kayong dalawa, magiging bayaw ko rin ang misteryosong tagapagligtas natin sa hinaharap. Hindi nga natin malaman kung nasaan si papa ngayon. Kung ikakasal ka balang araw at hindi pa rin natin mahanap si papa, bilang kapatid mo, sa akin mapupunta ang responsibilidad ng paghahatid sa’yo sa altar. Kaya, bakit ka pa nagtatago sa akin?”Seryosong tumugon si Sophie, “Kung talagang susuwertehin ako na ikasal sa kanya balang araw, natural na hindi ko ito itatago sa’yo. Pero, hindi pa ito ang tamang oras.”Napagtanto ni Jaime na imposibleng sabihin ni Sophie ang mga detalye sa kanya. Kaya, bumuntong hininga na lamang siya, “Sa totoo lang, mula sa sinaunang panahon, lagi talagang may bayaning nagliligtas sa isang
Tama nga naman talaga ang hula ni Sophie kay Jaime.Nang makabalik si Jaime sa sarili niyang kwarto, agad siyang nagbigay ng ulat kay Cadfan. Binanggit niya ang buong usapan nila ni Sophie.Nang marinig ni Cadfan na sinabi ni Jaime na balak ni Sophie na hingian ng legal sanction si Cadfan sa press conference ngayong gabi, agad siyang napuno ng pangamba.Syempre may paraan naman siya para iligtas ang kanyang sarili mula sa mga legal sanctions, pero hindi niya alam kung makakabawi pa ba siya pagkatapos ng gagawin ni Sophie sa kanya.Dahil hangga’t hindi pa siya napapatawan ng parusa, patuloy siyang kukutyain at pupunahin ng buong bansa. Sa ganitong kaso, sa tuwing magpapakita siya sa harap ng publiko, iisipin agad nila na isa siyang kriminal na dapat ipakulong.Kapag nangyari ito, kahit saan siya magpunta, kagagalitan siya ng marami.Hindi niya na muling mapapanumbalik ang kanyang reputasyon!Habang hindi alam ni Cadfan ang gagawin kung paano niya pipigilan si Sophie na kundenahin
Alam ni Jaime na mas matalino talaga ang nakababata niyang kambal kumpara sa kanya, pero nasaktan ni Lord Schulz nang kaunti ang kanyang pride sa puntong ito.Sa parehong pagkakataon, hindi niya mapigilang mapaisip sa kanyang sarili, ‘Ginagamit lang ba talaga ako ni Sophie para iparating ang mensahe niya kay lolo?’Wala ng oras si Cadfan para isipin ang nararamdaman ni Jaime sa puntong ito. Nagsalita na lamang siya, “Sige. Bakit hindi na lang ito ang gawin natin? Tatawagan ko muna si Sophie.”Pagkatapos itong sabihin, direktang ibinaba ni Cadfan ang tawag kay Jaime saka niya tinawagan si Sophie.Nakaupo si Sophie sa tapat ng kanyang mesa ngayon habang nakatitig sa kanyang cellphone.Nang makita niyang tumutunog ang kanyang cell phone, nasilayan niya ang pangalan ni Cadfan sa screen. Sa puntong iyon, nakaramdam siya ng panatag.Subalit, hindi niya sinagot agad ang tawag. Sa halip, naghintay siya hanggang sa ikaapat na tawag ng matanda saka niya pinindot ang answer button.Nang sa
Nang marinig ni Sophie na malinaw na sinasabi ni Cadfan ang tunay niyang nararamdaman sa loob ng kanyang puso sa direktang paraan, nakaramdam siya ng ginhawa, ‘Nakakagaan talaga ng loob kapag matalino ang kausap mo. Mas madaling tumango kaysa ipaliwanag ang lahat. Nakakatulong ito para hindi magtagal ang usapan. Mukhang hindi ko na kailangang magpaligoy-ligoy pa.’Ganoon din, hindi na itinago ni Sophie ang tunay niyang mga motibo, “Tama ka. Ipinaglalaban ko lang na makatanggap kami ng compensation ni mama para sa nangyari. Sa tingin ko, dapat lamang itong mangyari.”Habang nagsasalita, agad siyang nagdagdag, “Nga pala, hindi lamang ako humihingi ng compensation para sa amin ni mama, pero hihingi rin ako ng compensation para kay papa! Narinig kong nawala si papa gaya ng second uncle. Bigla siyang naglaho habang gumagawa ng mga utos mo. Sa tingin ko, kailangan niya ring makatanggap ng compensation para sa nangyari sa kanya!”Tumugon si Cadfan at hindi niya mapigilang magtanong, “Sophi
“Higit sa lahat, gusto kong ako lang ang may kakayahan na pangasiwaan ang operation at finances ng ocean shipping business. Sa akin lang mapupunta ang equity at shares ng kumpanya, hindi dapat ito magkaroon ng kahit anong koneksyon sa pamilya Schulz!”Hindi inaakala ni Cadfan na magiging makasarili nang ganito si Sophie.Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Gusto ng batang ito ang buong ocean shipping business ng pamilya Schulz?!’‘Mahigit sa 300 billion dollars ang total assets na katumbas ng shipping business na ito! Sa madaling salita, 20% ito ng total family assets ng pamilya Schulz!’‘Masyado namang malaki ang hinihingi niya sa isang hinga lang. Hindi madaling makuntento ang batang ito!’Mula dati, matindi ang pagkahumaling ni Cadfan sa kapangyarihan na para bang nakaasa ang buhay niya rito. Kaya, para sa kanya, hindi niya kayang bigyan ang kahit sino ng kakarampot na bahagi ng kapangyarihan na mayroon siya.Hindi nakapagtataka na kahit matanda na siya, mahigpit pa rin ang hawa
Sobrang gumaan ang kalooban ni Sophie, na nasa kabilang linya, dahil sa pagpayag nang nag-aalangan ni Cadfan na mahiwalay sa pinapahalagahan niya nang sobra.Ang tinatawag na press conference at outcome justice at procedural justice ay talagang hindi pagmamalabis na bahagi ng gimik para sa dating Sophie.Pero sa Sophie ngayon, handa siyang mag kompromiso at bumigay dahil ang pinakamahalagang bagay para sa kaniya ay makuha ang resulta na gusto niya.At ang resulta na talagang gusto niya ay ang ocean shipping business ng pamilya Schulz.Kahit na malalim na ang problema ng negosyo na ito dahil sa mga ginawa ni Cadfan, may kumpiyansa si Sophie na mabubuhay niya ulit ang negosyong ito.Sobrang laki ng kinikita ng ocean shipping business, at malaki ang potensyal nito. Siguradong ito ang pinaka maaasahang sunrise industry sa ngayon.Bukod dito, dahil malaki na ang nilugi ng negosyo ng pamilya Schulz at sobrang hirap na nitong buhayin muli, kung hihingin niya ang negosyo na ito ngayon, m
Bumuntong hininga si Cadfan. “Hindi man lang nag-iwan ng luwag si Holden Harker bago ito. Kaya, sa tingin ko ay disidido na siya na lumayo sa atin. Kaya, kahit na magmakaawa ako sa kaniya ngayon, malaki ang posibilidad na wala itong saysay.”Pagkatapos, sinabi ulit ni Cadfan, “Kahit na may pagkakataon pa kay Holden Harker, hindi tayo makakahanap ng tagumpay sa ngayon. Kaya, dapat pumunta ka sa Aurous Hill at ibigay ang ocean shipping company kay Sophie. Pakalmahin mo muna si Sophie para ligtas nating malampasan ang problema ngayong araw.”Tumango na lang si Arrington at sinabi nang magalang, “Okay, Lord Schulz. Maghahanda na akong umalis ngayon!”***Samantala, natanggap na ni Charlie ang tawag mula kay Yashita.Napili na ng pamilya Harker ang sampung pinakamalakas na miyembro ng pamilya, may pinakamataas na talento, at pinakamataas na katapatan habang naghahanda na silang pumunta sa Aurous Hill para mag-ulat agad sa kaniya.Ayon kay Yashita, si Holden, na kakabukas lang ng pang-
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro