Share

Kabanata 2854

Author: Lord Leaf
Nang marinig ni Sophie na malinaw na sinasabi ni Cadfan ang tunay niyang nararamdaman sa loob ng kanyang puso sa direktang paraan, nakaramdam siya ng ginhawa, ‘Nakakagaan talaga ng loob kapag matalino ang kausap mo. Mas madaling tumango kaysa ipaliwanag ang lahat. Nakakatulong ito para hindi magtagal ang usapan. Mukhang hindi ko na kailangang magpaligoy-ligoy pa.’

Ganoon din, hindi na itinago ni Sophie ang tunay niyang mga motibo, “Tama ka. Ipinaglalaban ko lang na makatanggap kami ng compensation ni mama para sa nangyari. Sa tingin ko, dapat lamang itong mangyari.”

Habang nagsasalita, agad siyang nagdagdag, “Nga pala, hindi lamang ako humihingi ng compensation para sa amin ni mama, pero hihingi rin ako ng compensation para kay papa! Narinig kong nawala si papa gaya ng second uncle. Bigla siyang naglaho habang gumagawa ng mga utos mo. Sa tingin ko, kailangan niya ring makatanggap ng compensation para sa nangyari sa kanya!”

Tumugon si Cadfan at hindi niya mapigilang magtanong, “Sophi
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2855

    “Higit sa lahat, gusto kong ako lang ang may kakayahan na pangasiwaan ang operation at finances ng ocean shipping business. Sa akin lang mapupunta ang equity at shares ng kumpanya, hindi dapat ito magkaroon ng kahit anong koneksyon sa pamilya Schulz!”Hindi inaakala ni Cadfan na magiging makasarili nang ganito si Sophie.Napaisip siya sa kanyang sarili, ‘Gusto ng batang ito ang buong ocean shipping business ng pamilya Schulz?!’‘Mahigit sa 300 billion dollars ang total assets na katumbas ng shipping business na ito! Sa madaling salita, 20% ito ng total family assets ng pamilya Schulz!’‘Masyado namang malaki ang hinihingi niya sa isang hinga lang. Hindi madaling makuntento ang batang ito!’Mula dati, matindi ang pagkahumaling ni Cadfan sa kapangyarihan na para bang nakaasa ang buhay niya rito. Kaya, para sa kanya, hindi niya kayang bigyan ang kahit sino ng kakarampot na bahagi ng kapangyarihan na mayroon siya.Hindi nakapagtataka na kahit matanda na siya, mahigpit pa rin ang hawa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2856

    Sobrang gumaan ang kalooban ni Sophie, na nasa kabilang linya, dahil sa pagpayag nang nag-aalangan ni Cadfan na mahiwalay sa pinapahalagahan niya nang sobra.Ang tinatawag na press conference at outcome justice at procedural justice ay talagang hindi pagmamalabis na bahagi ng gimik para sa dating Sophie.Pero sa Sophie ngayon, handa siyang mag kompromiso at bumigay dahil ang pinakamahalagang bagay para sa kaniya ay makuha ang resulta na gusto niya.At ang resulta na talagang gusto niya ay ang ocean shipping business ng pamilya Schulz.Kahit na malalim na ang problema ng negosyo na ito dahil sa mga ginawa ni Cadfan, may kumpiyansa si Sophie na mabubuhay niya ulit ang negosyong ito.Sobrang laki ng kinikita ng ocean shipping business, at malaki ang potensyal nito. Siguradong ito ang pinaka maaasahang sunrise industry sa ngayon.Bukod dito, dahil malaki na ang nilugi ng negosyo ng pamilya Schulz at sobrang hirap na nitong buhayin muli, kung hihingin niya ang negosyo na ito ngayon, m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2857

    Bumuntong hininga si Cadfan. “Hindi man lang nag-iwan ng luwag si Holden Harker bago ito. Kaya, sa tingin ko ay disidido na siya na lumayo sa atin. Kaya, kahit na magmakaawa ako sa kaniya ngayon, malaki ang posibilidad na wala itong saysay.”Pagkatapos, sinabi ulit ni Cadfan, “Kahit na may pagkakataon pa kay Holden Harker, hindi tayo makakahanap ng tagumpay sa ngayon. Kaya, dapat pumunta ka sa Aurous Hill at ibigay ang ocean shipping company kay Sophie. Pakalmahin mo muna si Sophie para ligtas nating malampasan ang problema ngayong araw.”Tumango na lang si Arrington at sinabi nang magalang, “Okay, Lord Schulz. Maghahanda na akong umalis ngayon!”***Samantala, natanggap na ni Charlie ang tawag mula kay Yashita.Napili na ng pamilya Harker ang sampung pinakamalakas na miyembro ng pamilya, may pinakamataas na talento, at pinakamataas na katapatan habang naghahanda na silang pumunta sa Aurous Hill para mag-ulat agad sa kaniya.Ayon kay Yashita, si Holden, na kakabukas lang ng pang-

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2858

    Tumango si Charlie.Sa totoo lang, ang landas ng martial arts ay humina nang sobra simula noong sinaunang pag-unlad nito papunta sa kasalukuyan.Sa totoo lang, may panahon kung saan ang pag-unlad ng martial arts ay sobrang masagana.Dahil, sa era ng cold weapons, sobrang kapaki-pakinabang ng karate. Hindi lang ito ginagamit para protektahan ang mga pamilya at ang bansa, ngunit magagamit din ito para kumita ng pera. Kaya, dati, bukod sa mga scholar, ang lahat ay gustong maging martial arts master.Pero, sa kalaunan, ang ibang bansa ay nagsimulang gumamit ng mga baril at kanyon para labanan ang bansa, at biglaan, napagtanto ng mga martial arts practitioner na ang mga kakayahan at abilidad na nakuha nila mula sa pag-eensayo nang matindi sa buong buhay nila ay hindi man lang matapatan ang isang baril o kanyon na nasa kamay ng mga foreigner.Dati, maraming makabayan na martial artist ay may puso at katapatan din na pagsilbihan ang bansa nila, pero ang lakas nila ay hindi na karapat-dap

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2859

    Habang nag-uusap sina Charlie at Rosalie, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula kay Stephen.Medyo naging mausisa si Charlie dahil dito.Karaniwan, hindi siya madalas tawagan ni Stephen, pero sa tuwing tinatawagan siya ni Stephen, karaniwan ay dahil sa mahalagang bagay ito.Kaya, sinagot nang nagmamadali ni Charlie ang tawag at tinanong, “Mr. Thompson, hinahanap mo ba ako dahil may mahalagang nangyari?”Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Young Master, hindi kita hinahanap dahil may mahalaga, ngunit tinawagan kita dahil kailangan ko ang desisyon mo sa isang bagay.”Tinanong ni Charlie, “Anong mayroon?”Sinabi ni Stephen, “Ganito kasi. Ang eldest young lady ng pamilya Schulz, si Sophie Schulz, ay magkakaroon ng live broadcast ng kaniyang press conference ngayong gabi sa internet. Tinawagan niya rin ang short video platform na pinabili mo sa pamilya Wade, umaasa na makakasali tayo sa online broadcast ng press conference na ito. Sa parehong oras, umaasa rin siya na mabibigyan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2860

    Pagkatapos ibaba ang tawag, si Rosalie, na nasa tabi ni Charliel, ay tinanong nang nagmamadali, “Mr. Wade, may press conference si Sophie?”“Oo.” Tumawa si Charlie at sinabi, “Hindi lang siya magdadaos ng press conference, ngunit may live broadcast din siya sa internet. Sa sandaling iyon, maraming platform ang mag-host ng live broadcast sa parehong oras, at tantsa ko na nasa sampu-sampung milyong tao ang manonood ng press conference online.”Tinanong ni Rosalie nang hindi maintindihan, “Kung gano’n, sa tingin mo, bakti hindi mag-aalsa si Sophie laban kay Cadfan Schulz? Ito ang perpektong pagkakataon para sirain ang reputasyon ni Cadfan Schulz!”Bahagyang ngumiti si Charlie. “Mukhang medyo mas matalino ang kapatid mo kumpara sa’yo.”Nilabas ni Rosalie ang dila niya sa hiya habang ngumuso siya nang maharot at sinabi, “Paano ako maikukumpara kay Sophie? Nakatanggap ng elite education si Sophie simula noong bata pa siya. Bukod dito, high achiever pa siya na nagtapos sa isang top univer

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2861

    Ang poot ni Charlie para sa pamilya Schulz ay nakadirekta sa mga may kinalaman sa Anti-Wade Alliance dati.Ngayon, si Charlie na mismo ang nagpadala kay Sheldon, na ang malinaw na pinuno ng Anti-Wade Alliance, sa Syria, at ang pangalawang tao, si Steven, na nakakulong din sa dog farm ni Albert.Kaya, sa sandaling ito, ang tanging kalaban na lang ni Charlie sa pamilya Schulz ay si Cadfan Schulz.Ayon sa kasunduan nina Charlie at Sophie, sa sandaling umangat si Sophie sa posisyon bilang pinuno ng pamilya Schulz, magkukusa siyang ibigay si Cadfan Schulz kay charlie kapalit ng ligtas na pagbalik ng kaniyang ama sa Oskia.Kung magagawa ito ni Sophie sa sandaling iyon, mababalik niya si Sheldon. Pero, kailangan niyang siguraduhin na lumayo si Sheldon sa totoong kapangyarihan ng pamilya Schulz, at pipilitin siyang magretiro.Sa ganitong paraan, maisasantabi ng pamilya Wade at kahit ni Charlie ang lahat ng dating poot at sama ng loob laban sa pamilya Schulz. Simula nito, kaniya-kaniya na

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2862

    Wala talagang masabi si Charlie. Makalipas ang napakatagal na sandali, sa wakas ay nagsalita na siya at tinanong, “Ikaw… anong sinusubukan mong gawin? Nasa early twenties ka pa lang ngayong taon, at marami ka pang magandang panahon sa kinabukasan mo! Bukod dito, sa kasalukuyang cultivation mo, kahit na hindi umangat ang progreso ng cultivation mo simula ngayon, madali kang mabubuhay nang lampas sa isang daang taong gulang. One-fift pa lang, o marahil ay one-sixt pa lang ng buhay mo ang natatapos!”“Wala akong pakialam.” Sinabi nang matatag ni Rosalie, “Mr. Wade, kung hindi kita nakilala, siguradong tapos na ang buhay ko. Hindi na ako si Rosalie Schulz, na nakaupo dito at walang sugat! Kaya, kahit gaano karami pa ang natitirang oras sa buhay ko, utang ko ang buhay ko sa iyo, Mr. Wade. Kaya, handa akong gamitin ang lahat ng oras na mayroon ako para sa’yo, Mr. Wade!”Nang marinig ni Charlie ang mga sinabi ni Rosalie, naantig siya nang sobra at walang magawa sa parehong oras sa kailalima

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5687

    Yumuko siya nang magalang kay Charlie nang may gulat at pasasalamat habang sinabi nang may luha sa mga mata, “Salamat sa pagligtas sa buhay ko, Mr. Wade…”Niluwagan ni Charlie ang kanyang kamay na umaalalay sa kanya at sinabi nang kalmado, “Kung gusto mo talaga akong pasalamatan, sabihin mo sa akin mamaya ang lahat ng nalalaman mo nang detalyado.”Sumagot agad si Ruby nang walang pag-aatubili, “Mr. Wade, makasisiguro ka na sasabihin ko sayo ang lahat nang walang tinatago.”Tumango si Charlie at hindi na nagsalita, pagkatapos ay tumalikod siya at naglakad pabalik.Nagmamadaling sumunod si Ruby at nakita rin ang magandang babae na nakatayo sa harap niya.Nang makita niya nang malinaw ang mukha ng babae, nagulat siya na tila ba nakakita siya ng isang muto, at sinabi niya sa pagkabigla, “Vera… Vera Lavor?!”“Oo, ako nga!” Sumagot nang direkta si Vera. Pagkatapos ay tumingin siya kay Ruby, kumurap nang mapaglaro, at sinabi nang nakangiti, “Ikaw si Miss Dijo, tama? Matagal ko nang nari

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5686

    Pagkatapos itong sabihin, nahihirapan na sinubukan ni Ruby na tumayo. Kahit na pinili niyang bumigay kay Charlie, bilang isang cultivator, ayaw niyang makita siya ni Charlie na gumagapang palabas mula sa siwang ng malaking bato.Pero, sinugatan nang malala ng pagsabog ang katawan niya, at halos naubos na ang lakas niya sa pag-akyat dito. Kaya, nang sinubukan niyang tumayo, nanginginig ang mga binti niya.Nang nagngalit siya at sinubukang humakbang paabante, isang matinding sakit ang biglang dumaan sa kanyang kanang binti, at hindi niya nakontrol ang pagbagsak ng buong katawan niya.Nang makita ni Charlie na babagsak siya sa mga matalas at matigas na bato, agad siyang sumuntok papunta sa kanya habang pabagsak siya.Isang malakas na alon ng enerhiya ang lumabas sa kanyang kamao, gumawa ng isang malakas na buhawi. Sa sobrang lakas ng buhawi, binuhat nito nang matatag ang katawan ni Ruby, na nasa 45 degree na anggulo at malapit nang bumagsak!Sa sandaling pabagsak na ang katawan ni Ru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5685

    Kinakabahan nang sobra si Ruby. Alam niya na kung madidiskubre siya ng kabila, halos sigurado siya na mamamatay siya, at siguradong pahihirapan siya sa lahat ng posibleng paraan para makakuha ng impormasyon tungkol sa Qing Eliminating Society at sa British Lord.Bukod dito, paulit-ulit na sinubukan ng Qing Eliminating Society na puksain ang mga Acker. Sa sandaling mapunta siya sa mga kamay nila, kahit na makipagtulungan siya nang masunurin, marahil ay hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya. Kaya, ang huling pag-asa niya na lang sa ngayon ay hindi siya mahahanap ng kabila.Habang nakakapit sa huling pag-asa na ito, biglang nagsalita nang malakas si Charlie, “Miss Dijo, palihim mong pinapanood ang laban namin ni Mr. Chardon sa dilim kanina lang, at ngayon, nagtatago ka pa rin sa dilim. Hindi ba’t medyo hindi ito makatwiran?”Biglang tumama sa isipan ni Ruby na parang kidlat ang mga sinabi ni Charlie.Sa sandaling iyon, maraming bagay ang dumaan sa isipan niya, ‘Nahanap talaga

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5684

    Nang makita ni Vera na tinuro ni Charlie ang isang direksyon, hindi na siya tumingin at ginamit agad ang control lever, pinalipad ang helicopter sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Charlie.Sa sandaling ito, si Ruby, na nagtatago sa siwang ng mga malalaking bato, ay hindi pa rin alam na napuntirya na siya ng kabila. Gusto niya lang gawin ang lahat ng makakaya niya na huwag pagalawin ang katawan niya, huwag gumawa ng kahit anong ingay, at hintayin ang mga tao sa helicopter na maghanap at natural na umalis sa lugar na ito. Kampante talaga siya na hindi siya madidiskubre ng kabila.Umikot nang ilang beses ang helicopter sa lambak, pero hindi bumaba ang mga tao para maghanap, at sobrang kapal ng malaking bato na nakaharang sa ulo ni Ruby. Kahit na gumamit ang kabila ng mga kagamitan tulad ng thermal imaging, hindi nila siya mahahanap sa ilalim ng malaking bato na ito.Ang dahilan kung bakit unti-unting hindi mapalagay si Ruby ay dahil papunta talaga ang helicopter sa direksyon

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5683

    Ganap na nabasag at nabaluktot na ang cellphone, at kahit ang baterya ay lumobo dahil sa pagbaluktot nito. Nang makita niya ito, sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag, napagtanto niya na imposible na patuloy na ipadala ng cellphone ang posisyon niya sa British Lord.Makalipas ang halos sampung minuto, sa wakas ay gumaling na si Charlie dahl sa epekto ng Regeneration Pill. Binatak niya ang kanyang leeg, tamad na inunat ang kanyang katawan sa masikip na cabin, hindi mukhang isang tao na may malalang injury at nanghihina.Si Vera, na nasa gilid, ay sinabi sa sorpresa, “Young Master, magaling ka na?!”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Magaling na ang katawan ko, pero hindi ko pa naibabalik ang Reiki ko.”Habang sinasabi niya ito, naglabas siya ng dalawang Cultivating Pill at nilagay ito sa kanyang bibig. Sa sandaling pumasok ang mga pill sa kanyang tiyan, naging purong Reiki sila, na dumaloy sa mga naayos na meridian at elixir field niya, kumalat sa kanyang buong katawan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5682

    Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Tarlon, “Bukod dito, sa mga nagdaang panahon, isa-isa ang tagumpay nila at hindi sila mapigilan. Kung hindi natin sila pipigilan ngayon, natatakot ako na mas magiging marami ang problema sa hinaharap! British Lord, hindi inaasahan ang krisis na ito, kaya hindi ka na pwedeng mag-atubili!”Nanahimik saglit si Fleur.Nadagdagan ang pagkabalisa at pangamba niya dahil sa pag-aalala ni Tarlon. Alam niya na makatwiran ang sinabi ni Tarlon. Kung hahayaan nila ang kabila na umunlad nang palihim, marahil ay magkaroon ito ng malaking banta sa kanya sa hinaharap!Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ipaalam mo agad sa Central Governor Office na ipadala ang mga pinakamagaling na scout nila sa isang eroplano papunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang bagay na ito!”“Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, hindi maiiwasan na mag-iiwan ng bakas ng pagsabog ang napakalakas na puwersa sa loob ng saklaw na ilang daang metro. Pagkatapos ng mada

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5681

    Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5680

    Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5679

    Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status