Agad na itinabi ni Sophie ang kanyang manuscript at hinampas niya nang marahan ang kanyang mga pisngi sa kabila ng kanyang malamig na ekspresyon.Pagkatapos magmukhang natural, nagsalita siya, “Jaime, pumasok ka lang. Hindi naman nakasara ang pinto.”Agad na binuksan ni Jaime ang pinto saka siya pumasok.Pagkapasok niya, kinandado niya ang pinto saka siya napatitig kay Sophie.Nang makita niyang walang kakaiba sa ekspresyon ni Sophie, ngumiti siya, “Sophie, bakit bigla mong naisip na magsagawa ng press conference?”Seryosong tumugon si Sophie, “Malaking aksidente ang nangyari. Siguradong marami sa publiko ang nag-aalala sa kaligtasan namin ni mama. Pakiramdam ko kailangan nating ipaliwanag nang mabuti sa kanila kung ano ang nangyari. Kailangang nating mapanatag ang loob ng mga taong nag-alala sa amin.”“Oh…” Tumango si Jaime at muli siyang ngumiti, “Iyan pala ang nasa isip mo! Tama ka! Simula nang mangyari ang aksidente, marami sa buong bansa ang nag-aalala sa kaligtasan niyo ni
Sumasakit ang ulo ni Jaime sa sagot ni Sophie.Hindi niya mapigilang tanungin si Sophie sa loob ng kanyang puso, ‘Kahit totoong pinagtangkaan ni lolo ang buhay ni mama, ibig sabihin ba walang nagawang mali si mama sa nangyari?’‘Bilang manugang ng pamilya Schulz, mali na lagi niya pa ring iniisip ang yumaong si Curtis Wade. Maliban pa rito, sumali pa siya sa public bidding ng mansyon na dating tinirahan ni Curtis Wade. Hindi ba pinapahiya niya lang ang pamilya Schulz sa ginawa niya?’‘Matatanda na tayong lahat ngayon. Mahalaga pa ba ang pagkamuhing nararamdaman natin? Ilang trilyon ang kayamanan ng pamilya Schulz. Talaga bang guguhit tayo ng hanggana sa lolo natin dahil lang brutal niyang inatake si mama?’‘Kung maglalagay ako ng lamat sa pagitan namin ni lolo, magiging katumbas ito ng pagsasayang ko sa oportunidad na makuha ang ilang trilyon na kayaman ng pamilya. Hindi ba malulugi rin tayo sa huli?’‘Kung mawawalan tayo ng karapatan na manahin ang mga assets ng pamilya Schulz, a
Posible ang bagay na ito dahil laging itinatago ng pamilya Schulz ang personal information ng mga miyembro nila.Hindi alam ng publiko ang mga pangalan ng mga miyembro ng Schulz kaya natural lang na hindi nila alam kung sino si Jaime Schulz o kaya Sophie Schulz.Subalit, iba na ang sitwasyon ngayon para kay Sophie.Tinawag na ‘Oskia’s Princess Diana incident’ ang nangyaring aksidente sa Forbidden Mountain ng Aurous Hill. Higit pa rito, naisapubliko ang isang video kung saan inamin ni Steven at ng mga tauhan ng mga Schulz kung sino ang salaring nasa likod ng lahat.Kalahati lamang ang dami ng populasyon ng Europe kumpara sa Oskia, pero masyadong malayo ang narating ng balita ng aksidente ni Princess Diana. Dahil dalawang beses na mas malaki ang populasyon ng Oskia kaysa sa Europe, natural lang na kumalat rin ang balita tungkol sa nangyari kay Helen at Sophie.Sa mga nakalipas na taon, lalo pang lumalago ang internet. Mas nagiging aktibo na rin ang publiko sa paghahanap ng hustiya.
Gaya ng inaasahan.Nakaramdam agad ng kaba si Jaime at hindi niya mapigilang manigas nang marinig ang mga sinabi ni Sophie.Alam niyang iniligtas ng misteryosong tao sila Sophie at ang kanyang nanay.Alam niya ring hindi mapapantayan ang lakas ng lalaking ito.Dati, may dalawang top masters ang pamilya Schulz. Isa na rito si Henderson, at ang isa naman si Holden.Malapit nang mabuksan ni Henderson ang ikatlo niyang meridian.Para naman kay Holden, masasabing mas malakas siya. Matapos ang lahat, kasama siya sa kakarampot na taong nagawang buksan ang ikatlo niyang meridian.Subalit, sa lakas na mayroon si Holden, katumbas niya lamang ang isang Jonin mula sa mga Japanese ninjas.Pero, nasaksiyan niya sa Japan dati na kayang patayin ng misteryosong tagapagligtas nila ang ilang mga ninjas kahit may isang Jonin dito!Mula sa sitwasyon, masasabing dalawa o tatlong beses na mas malakas ang misteryosong lalaking ito kumpara kay Holden.Higit pa rito, walang kahit anong natamong galos
Ano ang ibig sabihin ni Sophie nang sabihin niya ang mga salitang ‘ilang mga bagay’? Hindi kaya may namamagitan talaga sa kanila ng misteryoso naming tagapagligtas?Nagsalita agad si Jaime, “Tingnan mo naman ang sarili mo. Iniisip mo yata na ibang tao ako. Kung may relasyon nga talaga kayong dalawa, magiging bayaw ko rin ang misteryosong tagapagligtas natin sa hinaharap. Hindi nga natin malaman kung nasaan si papa ngayon. Kung ikakasal ka balang araw at hindi pa rin natin mahanap si papa, bilang kapatid mo, sa akin mapupunta ang responsibilidad ng paghahatid sa’yo sa altar. Kaya, bakit ka pa nagtatago sa akin?”Seryosong tumugon si Sophie, “Kung talagang susuwertehin ako na ikasal sa kanya balang araw, natural na hindi ko ito itatago sa’yo. Pero, hindi pa ito ang tamang oras.”Napagtanto ni Jaime na imposibleng sabihin ni Sophie ang mga detalye sa kanya. Kaya, bumuntong hininga na lamang siya, “Sa totoo lang, mula sa sinaunang panahon, lagi talagang may bayaning nagliligtas sa isang
Tama nga naman talaga ang hula ni Sophie kay Jaime.Nang makabalik si Jaime sa sarili niyang kwarto, agad siyang nagbigay ng ulat kay Cadfan. Binanggit niya ang buong usapan nila ni Sophie.Nang marinig ni Cadfan na sinabi ni Jaime na balak ni Sophie na hingian ng legal sanction si Cadfan sa press conference ngayong gabi, agad siyang napuno ng pangamba.Syempre may paraan naman siya para iligtas ang kanyang sarili mula sa mga legal sanctions, pero hindi niya alam kung makakabawi pa ba siya pagkatapos ng gagawin ni Sophie sa kanya.Dahil hangga’t hindi pa siya napapatawan ng parusa, patuloy siyang kukutyain at pupunahin ng buong bansa. Sa ganitong kaso, sa tuwing magpapakita siya sa harap ng publiko, iisipin agad nila na isa siyang kriminal na dapat ipakulong.Kapag nangyari ito, kahit saan siya magpunta, kagagalitan siya ng marami.Hindi niya na muling mapapanumbalik ang kanyang reputasyon!Habang hindi alam ni Cadfan ang gagawin kung paano niya pipigilan si Sophie na kundenahin
Alam ni Jaime na mas matalino talaga ang nakababata niyang kambal kumpara sa kanya, pero nasaktan ni Lord Schulz nang kaunti ang kanyang pride sa puntong ito.Sa parehong pagkakataon, hindi niya mapigilang mapaisip sa kanyang sarili, ‘Ginagamit lang ba talaga ako ni Sophie para iparating ang mensahe niya kay lolo?’Wala ng oras si Cadfan para isipin ang nararamdaman ni Jaime sa puntong ito. Nagsalita na lamang siya, “Sige. Bakit hindi na lang ito ang gawin natin? Tatawagan ko muna si Sophie.”Pagkatapos itong sabihin, direktang ibinaba ni Cadfan ang tawag kay Jaime saka niya tinawagan si Sophie.Nakaupo si Sophie sa tapat ng kanyang mesa ngayon habang nakatitig sa kanyang cellphone.Nang makita niyang tumutunog ang kanyang cell phone, nasilayan niya ang pangalan ni Cadfan sa screen. Sa puntong iyon, nakaramdam siya ng panatag.Subalit, hindi niya sinagot agad ang tawag. Sa halip, naghintay siya hanggang sa ikaapat na tawag ng matanda saka niya pinindot ang answer button.Nang sa
Nang marinig ni Sophie na malinaw na sinasabi ni Cadfan ang tunay niyang nararamdaman sa loob ng kanyang puso sa direktang paraan, nakaramdam siya ng ginhawa, ‘Nakakagaan talaga ng loob kapag matalino ang kausap mo. Mas madaling tumango kaysa ipaliwanag ang lahat. Nakakatulong ito para hindi magtagal ang usapan. Mukhang hindi ko na kailangang magpaligoy-ligoy pa.’Ganoon din, hindi na itinago ni Sophie ang tunay niyang mga motibo, “Tama ka. Ipinaglalaban ko lang na makatanggap kami ng compensation ni mama para sa nangyari. Sa tingin ko, dapat lamang itong mangyari.”Habang nagsasalita, agad siyang nagdagdag, “Nga pala, hindi lamang ako humihingi ng compensation para sa amin ni mama, pero hihingi rin ako ng compensation para kay papa! Narinig kong nawala si papa gaya ng second uncle. Bigla siyang naglaho habang gumagawa ng mga utos mo. Sa tingin ko, kailangan niya ring makatanggap ng compensation para sa nangyari sa kanya!”Tumugon si Cadfan at hindi niya mapigilang magtanong, “Sophi
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl