Sa sandaling ito, hindi pa rin maintindihan ni Sheldon kung anong malaking bagay ang nangyari.Kaya naman, tiningnan niya si Lord Schulz at nagtanong, “Pa, anong nangyari?”Pagkatapos bumuntong-hininga, nanaghoy si Lord Schulz, “Hay…Si Rosalie…”Mabilis na nagtanong si Sheldon, “Nalaman niyo na ba kung nasaan siya?”Umiling si Lord Schulz at sumagot, “Hindi pa. Sheldon…tungkol kay Rosalie, gusto kong humingi ng tawad sa iyo. Sana ay mapatawad mo ako…”Hindi kailanman naisip ni Sheldon na hihingi ng tawad sa kaniya ang kaniyang ama. Kaagad siyang sumagot, “Pa, anong ginawa mo? Sabihin mo lang. Kung hindi na maililigtas pa si Rosalie, hindi ko kayo sisisihin…”Pakiramdam pa rin ni Sheldon ay malaking effort ang binigay ni Lord Schulz sa pagliligtas kay Rosalie.Gayunpaman, napakataas nga ng difficulty level ng sitwasyong ito. Dagdag pa rito, sa Japan ito nangyari. Wala masiyadong magagawa ang pamilya Schulz. Kaya naman, naiintindihan niyang sa proseso ng pagre-rescue, nabigo sila
Magbasa pa