Share

Kabanata 2226

Author: Lord Leaf
Malamig na nagsalita si Lord Schulz, “Huwag mong kalimutan, anak lang siya sa labas at hindi maganda ang pinanggalingan niya!”

Galit na sumagot si Sheldon, “May problema ba kung anak ko siya sa labas? Anak ko pa rin siya at walang magbabago sa katotohanang iyon!”

Napaangil si Lord Schulz at galit niya ring kinompronta si Sheldon, “Ano?! Umaangal ka ba sa desisyon ko?! Sigurado ka bang gusto mo akong kalabanin para sa ganitong bagay?”

Nagngitngit ang ngipin ni Sheldon, “Dahil sa ginawa mo kaya nawawala ang anak ko, at ngayon, gusto na ring makipaghiwalay ng asawa ko sa akin!”

Malamig na nagsalita si Lord Schulz, “Huwag mong isipin kahit kailan na ako ang nanakit kay Rosalie. Ikaw ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon siya!”

“Kung hindi mo siya inutusan na patayin ang buong pamilya Matsumoto, kagagalitan ba siya ng gobyerno ng Japan?”

“Naging kriminal ang anak mo sa ibang bansa dahil lang sa pagsunod sa utos mo!”

“Mula sa mga krimeng nagawa niya, at ayon na rin sa batas n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
RONRON
Sana ibalik SA dating Oras Ang pag update Ng kabanata ...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2227

    Sa harap ng argumento ng kanyang ama, malungkot na sumagot si Sheldon, “Papa, hindi ba dapat ganito ang mga relasyon? Laging may iisang tao na mas nagmamahal kumpara sa isa. Dagdag pa roon, praktikal si Helen sa buong pagkakataon na kami pa. Hindi siya patumpik-tumpik, lagi niyang iniisip ang kapakanan ng pamilya. Kung ikukumpara sa akin, ako ang may pagkukulang sa kanya…”Tila ba nauubusan na ng pasensya si Cadfan at kumaway siya, “Huwag na nating pag-usapan si Helen. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ang anak mo pati na rin ang asawa mo. Sa ngayon, ang pinakamahalagang bagay ay bumuo tayo ng plano para resolbahan ang kakaharapin nating krisis!”“Oo, kuya!” Sambit ni Steven habang namimighati ang ekspresyon, “Masyadong magulo ang sitwasyon. Galit na galit ang Japan sa pamilya natin at iniisip rin ng mga Oskians na wala tayong puso. Sa internet, pinagtutulungan rin tayo ng mga tao. Kapag nagbukas ang stock market bukas, sigurado akong babagsak ang shares ng listed companies n

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2228

    Pinuwersa ni Sheldon ang kanyang sarili na huwag munang isipin ang mga problema niya kay Helen at Rosalie. Sa halip, nagtanong siya, “Papa, may tantsa ka na ba kung gaano kalaki ang pinsala sa atin ng isyung ito?”Bumuntong hininga si Cadfan, “Hindi masyadong maganda ang resulta. Bukod sa Oskia, malaki ang market ng Japan sa Asia. Mula pa lamang rito, siguradong hindi natin masusukat ang laki ng pinsalang matatanggap natin ngayon at sa hinaharap!”“Dagdag pa roon, maraming overseas arrangements ang mga Japanese companies. Malakas ang impluwensya nila. Mula sa US hanggang European markets, naroroon ang presensya nila. Kung sakaling pupuntiryahin tayo ng mga Japanese companies, siguradong maaapektuhan nang matindi ang overseas development ng pamilya natin!”Agad na nagtanong si Steven, “Papa, hindi ba tayo pwedeng maghanap ng paraan para isalba ang relasyon natin sa gobyerno ng Japan?”“Isalba?!” Napangiti nang mapakla si Cadfan, “Paano? Kung mahahanap natin si Rosalie at isusuko nat

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2229

    Naghanda si Steven ng dalawang rason na pwede niyang gamitin para atakihin ang kapatid niya.Binalak niya munang atakihin si Sheldon gamit ang relasyon niya sa isang babae dati,Pagkatapos nito, papatamaan niya naman si Sheldon gamit ang kanyang bayolenteng pag-aasikaso sa sitwasyon nang ipautos niya ang pagpatay sa buong pamilya Matsumoto pagkatapos nitong dukutin ang dalawa niyang anak.Hindi tumama ang una niyang atake, pero sigurado siyang sinapak sa mukha ng pangalawa niyang argumento si Sheldon.Nang marinig ito ng ibang mga miyembro ng pamilya Schulz, agad silang nagpakita ng ekspresyon ng pagsang-ayon.Matapos ang lahat, wala naman talagang kinalaman ang isyu sa Japan sa kanila. Ngayon, kailangan pa nilang madawit sa isang krisis dahil lang sa mga ginawa ni Sheldon.Namilipit ang ekspresyon ni Sheldon.Totoo naman talagang siya ang nag-utos kay Rosalie na patayin ang buong pamilya Matsumoto.Subalit, may isang bagay siyang hindi binanggit.Sa pagkakataong iyon, si Lord

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2230

    Matalinong tao si Sheldon. Malinaw na malinaw sa kanya kung anong klase ng malisya ang dala ng mga argumento ng nakababata niyang kapatid.Nagngitngit ang kanyang ngipin at tahimik siyang napasinghal.‘Steven, naku Steven! Talagang naghahanap ka ng oportunidad para pabagsakin ako sa mga kririkal na pagkakataon!’‘Kahit ako ang may responsibilidad sa buong pangyayari, si Lord Schulz pa rin ang dahilan kung bakit umabot tayo sa ganitong sitwasyon! Pero, ang g*gong ito, talagang sinisisi niya ang lahat sa akin sa harap ng maraming tao, Pinipilit niya akong pasanin ang buong problema!’‘Kung tatanggapin ko ang mga sinabi niya, ako ang magiging kriminal.’‘Pero kung hindi ko ito tatanggapin, hindi ko rin alam kung paano ito gagawin ni Lord Schulz. Siguradong kamumuhian niya ako!’‘Dagdag pa roon, binanggit pa ng tarantadong ito na gusto niya akong tulungan kapag naging lider na ako ng pamilya Schulz sa hinaharap. Talagang marunong maglubid ng mga salita ang buwisit na ito! Sa harap pa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2231

    Nang marinig ni Sheldon ang sinabi ng kanyang ama, gusto niyang mapasuka ng dugo!‘Halata namang si Lord Schulz ang gumawa ng mas maraming problema, pero ako ang pupunta ng Australia para iwasan ang publiko?! T*ng i*a! Ano ba ang nangyayari!’Nang maisip ito, agad na sumagot si Sheldon, “Papa, tanggap ko naman na kailangan kong iwasan ang mata ng publiko. Pero, hindi ko naman kailangang pumunta ng Australia, hindi ba? Marami pa akong gagawing trabaho sa kumpanya, kailangan ko ring isalba ang relasyon namin ni Helen!”Malamig na nagsalita si Lord Schulz, “Kapag nanatili ka rito, susundan ng paparazzi ang lahat ng galaw mo. Huwag mong kalimutan, marami ang naghihintay ng pagkakataon para mapabagsak tayo. Ikaw ang magiging daan nila!”“Kaya, sa tingin ko mas mabuting magtago ka mun asa Australia. Hindi ba may seaside villa tayo sa Queensland? Pwede kang pumunta roon para magpahinga muna. Para naman sa mga naiwan mong trabaho, ako na ang bahala.”Halos bumagsak si Sheldon sa kinatatay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2232

    Para sa mga teenagers, mahirap tanggapin ang reyalidad na may anak sa labas ang tatay mo.Totoo ang bagay na ito lalo na kay Sophie.Kagaya siya ng nanay niyang si Helen. Pareho silang may mysophobia kaya hindi sila madaling pumasok sa relasyon.Kahit wala pa siyang karelasyon ngayon, siguradong magiging kagaya ni Sophie ang nanay niya at agad niyang hihiwalayan ang kanyang asawa kapag nangyari ang ganitong bagay.Kaya, kahira mahirap para sa kanya na tanggapin ang reyalidad, pumayag pa rin siya sa desisyon ng kanyang ina.Samantala, iba naman ang opinyon ni Jaime. Bilang isang lalaki, may sobinismo sa kanya. Mas mataas ang tingin niya sa mga lalaki kumpara sa babae.Para sa kanya, imposible na maging tapat ang kanyang ama sa kanyang kasal habang buhay.Bibihira lamang ang pagkakataon na kontento ang isang mayamang lalaki sa iisang babae. Normal lang na magkaroon siya ng kalaguyo sa labas ng pamilya.Matapos ang lahat, lumaki siya sa isang elitistang lugar. Sa mundong ito, mara

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2233

    Matagal nang gustong bisitahin ni Helen ang Aurous Hill sa nakalipas na dalawang dekada.Simula nang mamatay si Curtis at ang kanyang asawa, gusto niyang bumisita ng Aurous Hill kahit isang beses lang. Matapos ang lahat, ito ang lugar na tinirahan ni Curtis at dito rin siya pumanaw.Bilang isang babae na minahal si Curtis buong buhay, gusto niyang bumisita sa Aurous Hill para subukang hanapin ang mga bakas na iniwan ni Curtis sa lugar.Subalit, dahil kasal na siya, mataas ang pagpapahalaga niya sa kanyang reputasyon. Hindi siya pwedeng pumunta ng Aurous Hill dahil hindi ito patas para sa kanyang asawa.Matindi na nga ang nararamdamang konsensya ni Helen para kay Sheldon pagkatapos niyang bisitahin ang ancestral tomb ng pamilya Wade, kaya sa tingin niya, hindi magandang bagay na pumunta siya ng Aurous Hill.Pero ngayon, wala na ang ganitong klase ng mga kadena sa kanya.Si Sheldon ang naunang nagkasala at sumira ng kanilang pangako, hindi niya kailangang maging tapat sa kanilang r

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 2234

    Agad na nagsalita si Sophie, “Sige, Ma. Magpahinga ka muna ngayong gabi. Tatawagan na lang kita sa umaga!”“Sige.”Pagkatapos ibaba ni Sophie ang tawag, nagsalita si Jaime. May pag-aalala sa kanyang ekspresyon, “Sophie, laging iniiwasan ni Papa ang Aurous Hill. Kapag nalaman niyang sinamahan natin si mama doon, hindi kaya magalit siya?”Suminghal nang malamig si Sophie, “Sino naman ang may paki? May anak nga siya sa labas. Dinala niya pa rito si Rosalie sa loob ng pamilya. Bakit hindi niya naisip na magagalit rin tayo?!”Pagkatapos ng ilang sandali, nagpatuloy si Sophie, “Seryoso, gusto ko talaga siyang komprontahin sa bagay na ito! Senyales na ang pagpunta natin sa Aurous Hill na may kasalanan siya!”Sumagot si Jaime, “Hoy, anak niya pa rin tayo. Hindi magandang bagay na komprontahin natin siya sa ganitong bagay…”Sumunod, nagdagdag si Jaime, “Isipin mo naman, ilang mayayaman at sikat na mga lalaki sa mundo ang tunay na tapat sa mga asawa nila? Sigurado akong may kalaguyo sila.

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5924

    Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5923

    Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5922

    Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status