Para sa mga teenagers, mahirap tanggapin ang reyalidad na may anak sa labas ang tatay mo.Totoo ang bagay na ito lalo na kay Sophie.Kagaya siya ng nanay niyang si Helen. Pareho silang may mysophobia kaya hindi sila madaling pumasok sa relasyon.Kahit wala pa siyang karelasyon ngayon, siguradong magiging kagaya ni Sophie ang nanay niya at agad niyang hihiwalayan ang kanyang asawa kapag nangyari ang ganitong bagay.Kaya, kahira mahirap para sa kanya na tanggapin ang reyalidad, pumayag pa rin siya sa desisyon ng kanyang ina.Samantala, iba naman ang opinyon ni Jaime. Bilang isang lalaki, may sobinismo sa kanya. Mas mataas ang tingin niya sa mga lalaki kumpara sa babae.Para sa kanya, imposible na maging tapat ang kanyang ama sa kanyang kasal habang buhay.Bibihira lamang ang pagkakataon na kontento ang isang mayamang lalaki sa iisang babae. Normal lang na magkaroon siya ng kalaguyo sa labas ng pamilya.Matapos ang lahat, lumaki siya sa isang elitistang lugar. Sa mundong ito, mara
Matagal nang gustong bisitahin ni Helen ang Aurous Hill sa nakalipas na dalawang dekada.Simula nang mamatay si Curtis at ang kanyang asawa, gusto niyang bumisita ng Aurous Hill kahit isang beses lang. Matapos ang lahat, ito ang lugar na tinirahan ni Curtis at dito rin siya pumanaw.Bilang isang babae na minahal si Curtis buong buhay, gusto niyang bumisita sa Aurous Hill para subukang hanapin ang mga bakas na iniwan ni Curtis sa lugar.Subalit, dahil kasal na siya, mataas ang pagpapahalaga niya sa kanyang reputasyon. Hindi siya pwedeng pumunta ng Aurous Hill dahil hindi ito patas para sa kanyang asawa.Matindi na nga ang nararamdamang konsensya ni Helen para kay Sheldon pagkatapos niyang bisitahin ang ancestral tomb ng pamilya Wade, kaya sa tingin niya, hindi magandang bagay na pumunta siya ng Aurous Hill.Pero ngayon, wala na ang ganitong klase ng mga kadena sa kanya.Si Sheldon ang naunang nagkasala at sumira ng kanilang pangako, hindi niya kailangang maging tapat sa kanilang r
Agad na nagsalita si Sophie, “Sige, Ma. Magpahinga ka muna ngayong gabi. Tatawagan na lang kita sa umaga!”“Sige.”Pagkatapos ibaba ni Sophie ang tawag, nagsalita si Jaime. May pag-aalala sa kanyang ekspresyon, “Sophie, laging iniiwasan ni Papa ang Aurous Hill. Kapag nalaman niyang sinamahan natin si mama doon, hindi kaya magalit siya?”Suminghal nang malamig si Sophie, “Sino naman ang may paki? May anak nga siya sa labas. Dinala niya pa rito si Rosalie sa loob ng pamilya. Bakit hindi niya naisip na magagalit rin tayo?!”Pagkatapos ng ilang sandali, nagpatuloy si Sophie, “Seryoso, gusto ko talaga siyang komprontahin sa bagay na ito! Senyales na ang pagpunta natin sa Aurous Hill na may kasalanan siya!”Sumagot si Jaime, “Hoy, anak niya pa rin tayo. Hindi magandang bagay na komprontahin natin siya sa ganitong bagay…”Sumunod, nagdagdag si Jaime, “Isipin mo naman, ilang mayayaman at sikat na mga lalaki sa mundo ang tunay na tapat sa mga asawa nila? Sigurado akong may kalaguyo sila.
Sa gabing iyon, nagulantang nang matindi ang buong Eastcliff.Pagkatapos ng malaking gulo na dinulot ng pamilya Schulz sa Japan at ngayong puntirya na rin sila ng Japanese National Security Bureau, bumagsak ang reputasyon nila pati na rin ang kanilang impluwensya.Sa parehong pagkakataon, sa pangunguna ng pamilya Wade, hindi mapakali ang ibang mga elitistang pamilya sa Eastcliff.Ngayon, hindi lamang mga martial artists ang nawala sa pamilya Schulz, pero marami rin silang ginalit na mayayamang pamilya sa Japan. Dahil dito, mababawasan ang kanilang kapangyarihan. Ito ang perpektong pagkakataon para lamunin ng ibang pamilya ang dangal at yaman ng pamilya Schulz.Sabik na sabik si Jeremiah sa bagay na ito. Pakiramdam niya isang biyaya ito mula sa Diyos! Isang tsansa para muling makabangon!Kaya, kinausap niya ang lahat ng kanyang mga anak maliban kay Carmen at agad siyang bumuo ng isang three-year plan.Mula ngayon at sa susunod na tatlong taon, maghahanda ng patibong ang pamilya Wa
Sa Eastcliff, ang pamilya Dunn.Bago pa makauwi si Helen, alam na ng mga magulang at kapatid niya ang nangyaring iskandalo sa pamilya Schulz pati na rin ang pagkakaroon ni Sheldon ng anak sa labas.Kaya, bago siya makarating, kinausap na agad ni Lord Dunn ang mga kapatid ni Helen na umuwi muna.Kilala ni Lord Dunn at Lady Dunn ang anak nila. Alam nilang kapag nalaman ni Helen ang ang ginawa ni Sheldon, siguradong uuwi si Helen. Kaya, hindi na nila ito tinawagan at hindi rin nila hinayaang tawagan ng iba si Helen. Nagtipon-tipon na lang sila sa isang lugar para hintayin ang pagbabalik nito.Nang dumating ang kotse ni Helen sa pamamahay ng Dunn, agad na lumabas ang mga magulang niya at kapatid para salubungin siya.Nang makita ni Helen ang presensya ng buong pamilya niya, hindi niya mapigilang maantig.Hindi gaya ng mga pamilyang nasa industriya ng business and industrialization, ang elders ng pamilya Dunn ay nasa mundo ng politika at akademya. Kaya, hindi isyu sa kanila ang pera k
Nang bumuntong hininga si Jefferson, tila ba naramdaman rin ng lahat ang panghihinayang sa kanilang puso.Agad namang kinurot ni Lady Dunn ang baywang ng kanyang asawa at nagsalita siya sa isang mababang boses, “Shush! Tumigil ka na! Lalo mo pang pinapabigat ang loob ni Helen! Maghanda ka na para makakain tayo.”Bumuntong hininga si Jefferson, “Matanda na si Helen. Mas bukas na ang isip niya kumpara sa atin. Sinasabi ko lang ang opinyon ko. Hindi natin kailangang magpanggap na wala tayong alam.”Tumango si Helen at seryoso siyang nagsalita, “Tama ang sinabi ni Papa. Hindi ako galit o nalulungkot. Hindi niyo kailangang mag-ingat sa akin.”Nagulantang si Lady Dunn. “Helen, hindi ka talaga galit na itinago ni Sheldon ang tungkol sa anak niya sa labas sa loob ng ilang taon?”Matapat na sumagot si Helen, “Hindi, hindi talaga ako galit. Sa halip, nakaramdam ako ng panatag.”Tumawa si Jefferson. “Mabuti naman! Masaya akong malaman na hindi mo ito pinoproblema. Sa totoo lang, pakiramdam
Pagkatapos gamitin ang brand na ito sa loob ng dalawang dekada, bigkang nagbago ang production line ng tobacco company. Binago nila ang kanilang formula at pinalitan nila ang cigarette paper at filter material.Pakiramdam ng lahat mas maganda ang upgraded version kumpara sa luma, pero para kay Jefferson, may mal isa lasa at hindi niya ito matanggap.Hindi nagtagal, nagkasakit siya dahil dito.Nang malaman ng mga tauhan ni Jefferson na nasa ospital siya, agad silang bumisita.Nang malaman nilang nagmula ang sakit ni Jefferson sa pagkakaiba ng lasa ng sigarilyong ginagamit niya sa loob ng dalawang dekada, agad nilang tinawagan ang tobacco company para ipagpatuloy ang discontinued production line nila ng lumang sigarilyo. Simula sa pagkakataong iyon, ginagawa na lamang nila ang original version ng sigarilyo para lamang kay Jefferson. Sa hindi inaasahang pagkakataon, para bang milagro nitong napagaling ang sakit ng matanda.Subalit, nakonsensya si Jefferson dahil para bang inaabuso ni
Habang nagsasaya ang pamilya Dunn sa kanilang tahanan, nag-iimpake si Sheldon ng kanyang gamit para pumunta sa Australia.Wala siyang masabi sa sitwasyon niya ngayon. Sinabihan na siya ng kanyang ama kanina na huwag munang magpakita sa publiko hangga’t hindi pa naaayos ang sitwasyon. Wala siyang magawa kundi sundin ito.Bago siya umalis, tinawagan niya muna si Jaime sa cellphone, “Jaime, pumunta kayo ng kapatid mo sa opisina ko.”Agad na sumagot si Jaime, “Sige, Papa. Pupunta kami diyan.”Pagkatapos, ibinaba niya ang tawag, “Sophie, gusto tayong kausapin ni Papa sa opisina niya.”Naiiritang sumagot si Sophie, “Ikaw na lang ang pumunta. Ayaw ko siyang makita!”Nahihirapan pa rin si Sophie na tanggapin ang katotohanang niloko ng papa niya ang mama niya at nagkaroon ito ng anak sa labas na isang taon lang ang pagitan sa kanila. Sa puntong ito, nag-aalangan siyang makita ang mukha ni Sheldon.Sinubukang hikayatin ni Jaime ang kanyang kapatid, “Sophie, bilang mga anak nila, hindi dap
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro