Galit na nagsalita si Jaime, “Papa! Masyado naman si Lolo! Sa totoo lang, ginamit niya lang si Rosalie! Kung tutuusin, isa siyang halimaw na pinagtaksilan ang sarili niyang apo! Hindi niya lamang hindi pinaghandaan ang krisis, pero ibinubunton niya rin sa’yo ang sisi! Sumusobra na talaga siya!”Kumaway si Sheldon at seryoso siyang nagsalita, “Pwede mong sabihin ang bagay na iyan dito, pero huwag mo itong babanggitin sa labas ng kwarto, nauunawaan mo ba ako? Ganito talaga ang pagkatao ng lolo mo…”“Sa mga mata niya, mas mahalaga ang mga personal niyang interes. Kaya niyang isakripisyo ang lahat para sa kapakanan niya.”“Kung handa siyang iabot si Rosalie sa Japanese Self-Defense Force ngayong araw, sino naman ang nakakaalam kung kailan niya tayo isasakripisyo para lang sa sarili niya? Kaya, lagi mong tatandaan na ang namamahala ang siyang tigre! Siya ang hayop na pupuntirya sa atin kapag nagkamali tayo.”Tumango nang taimtim si Jaime.Nagpatuloy si Sheldon sa kanyang sinasabi, “Kap
Habang magkausap si Jaime at Sheldon, bigla nilang narinig ang ringtone ng cellphone ni Sheldon. Napasulyap si Sheldon sa screen para tignan ang caller ID. Nakita niyang si Steven ang tumatawag.Nang maalala niya na si Steven ang dahilan kung bakit mas lumala ang sitwasyon niya sa puntong ito, namilipit ang ekspresyon ni Sheldon at bumigat ang loob niya.Pinindot niya ang loudspeaker at malamig siyang nagtanong, “Ano iyon?”Tumawa si Steven, “Kuya, nandito na ang kotse at nakahanda na rin ang sasakyan mong eroplano. Kailangan na kitang ihatid sa airport.”Nagngitngit sa dismaya ang ngipin ni Sheldon at malamig siyang nagsalita, “Sige. Bibilinan ko lang ng ilang salita si Jaime. Bababa na rin ako.”Agad na tumugon si Steven, “Huwag mo nang patagalin ang pag-alis mo. Hinihintay ni papa ang update ko. Gusto niyang umalis ka na agad sa bansa ngayon din.”Pinigilan ni Sheldon ang kanyang galit, “Sige, hintayin mo ako! Limang minuto lang!”“Sige!” Muling tumawa si Steven. “Hihintayi
Agad na pinaandar ng driver ang kotse para makaalis na sila.Pinanood ni Jaime ang paglaho ng kotse mula sa looban ng villa nila. Hindi niya mapigilang makaramdam ng lungkot.Mas masakit sa damdamin ang mga pangyayari ngayong gabi kumpara sa pagkakataong dinukot sila ni Sophie ng pamilya Matsumoto.Sa pagkakataong iyon, tanging buhay lamang nila ang nasa peligro.Pero sa gabing ito, nakaranas sila ng ilang serye ng nakagugulat na mga pagbabago sa buhay nila. Nasa peligro na ang buong mundo nila. May anak sa labas ang papa nila, maghihiwalay ang mga magulang nila, at ngayon, pinapatapon rin si Australia ang tatay nila para alisan ito ng kapangyarihan.Hindi lamang ang relasyon ng mga magulang nila at hinaharap ng papa niya ang problema ni Jaime, kundi nababahala na rin siya kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya.Bago ang gabing ito, siya ang susunod na tagapagmana ng buong pamilya Schulz.Subalit, ngayong gabi, nawala ang lahat sa kanya. Nawala ang mga pinapahalagahan niya.Naw
Pagkatapos ng kalahating oras, isang Boeing 747 na ginawang private jet ang lumipad paalis ng Eastcliff Airport.Kapareho ng model na ito ang aircraft na ginagamit ng US Presidential Air Force One, tatlong lebel ang layout ng cockpit nito. Kayang nitong magdala ng 467 na pasahero kung pupunuin ang loob.Subalit, maliban sa crew, iisa lamang ang dala-dalang pasahero ng buong eroplano sa pagkakataong ito. Wala ng iba kundi si Sheldon ang nasa loob.Ang flight distance mula sa Eastcliff papuntang Queensland, Australia ay tinatayang 9,000 kilometro.Imposible para sa mga ordinaryo at maliliit na private jets na liparin ang ganitong haba ng distansya.Tanging mga malalaking aircraft lamang gaya ng Boeing 747 ang may kakayahang lumipad ng higit sa sampung libong kilometro nang walang tigil.Sa pagkakataong ito, habang nakaupo sa loob ng eroplano, mabigat ang loob ni Sheldon.Pinapanood niya ang senaryo sa labas ng bintana. Habang lalo pang lumalayo ang mga liwanag ng siyudad, tila ba
…Sa parehong pagkakataon, sa loob ng opisina ni Cadfan.Hawak ni Steven ang isang tablet sa kanyang kamay habang ipinapakita niya kay Cadfan ang mga media reports at ang mga komento ng mga netizens. Ngumiti siya, “Papa, sa ganitong paraan, walang kahit sino ang magbibintang sa’yo at tuluyan na ring malilinis ang pangalan mo sa mga nangyari kay Rosalie.”Tumango si Lord Schulz. Halata namang natutuwa siya. Tuluyan nang napanatag ang kanyang loob.Habang lalong tumatanda ang isang tao, lalo nilang pinapahalagahan ang kanilang imahe at reputasyon. Totoo ang bagay na ito lalo na sa isang kagaya ni Lord Schulz.Matalino siyang tao. Dahil sa kanyang naabot na tagumpay sa buhay, tinitigan siyang role model ng karamihan.Ngayong malapit na siyang magretire, kung sakaling bumagsak ang dignidad niya dahil lang sa insidente ni Rosalie, siguradong kamumuhian siya ng marami at mawawala na ang titulo niya bilang role model.Sa loob ng kanyang puso, matindi ang pagnanasa niya na ibunton ang s
Agad na mababasa ang balita tungkol kay Sheldon sa mga major at small media headlines.Parehong galit na galit si Jaime at Sophie nang madiskubre nila ito. Gusto sanang komprontahin ni Jaime ang kanilang lolo para kuwestiyunin ito, pero agad siyang pinigilan ni Sophie.Alam ni Sophie na sinasadya ng lolo nila na isakripisyo ang kanilang ama para protektahan ang kanyang sarili. Kung kokomprontahin nila ang matanda ngayon, siguradong lalo lang itong madidismaya sa kanilang dalawa.Sa halip, mas mabuting hindi na lang sila umimik at pumunta na lang sila sa Aurous Hill kasama ang kanilang ina bukas ng umaga gaya ng napag-usapan.Para naman sa isyu ni Sheldon, may sarili ng mga plano si Sophie kung paano niya babaliktarin ang sitwasyon.Subalit, kailangan niyang maghintay ng tamang pagkakataon bago niya isagawa ang kanyang plano.Sa parehong pagkakataon, inalis agad ng pamilya Harker ang lahat ng martial artists ng pamilya Schulz sa kanilang pamamahay sa gabing iyon.Nagbigay ng utos
Ang matandang nagsalita ay isang butler na nagtatrabaho para sa pamilya Dunn sa Aurous Hill.Nakilala na siya ni Helen sa kabataan niya. Sa nakalipas na dalawang dekada, ang butler na ito ang nag-aalaga ng mansyon ng pamilya Dunn sa Aurous Hill. Pagkatapos ng pagkakataong iyon, nang maikasal si Helen sa pamiilya Schulz, hindi na sila muling nagkita ulit.Ganoon pa man, nakilala agad ni Helen ang butler sa isang tingin lang. Magalang niya rin itong binati, “Uncle Walters! Umaasa akong mabuti pa rin ang kalagayan mo kagaya na lang nang huli tayong magkita!”Pagkatapos magsalita, agad na sinabihan ni Helen ang dalawa niyang anak na nasa tabi niya, “Jaime, Sophie, bilisan niyo at batiin niyo si Uncle Walters.”Magalang na bumati si Jaime at Sophie, “Masaya kaming makilala kayo.”Agad na yumuko ang butler bilang pasasalamat, “Miss Helen, hindi ko inaakalang natatandaan niyo pa ako.”Ngumiti si Helen, “Bakit naman hindi kita matatandaan? Ikaw ang namamahala sa mansyon na nasa tabi ng p
Sa pagkakataong ito, tinutulak ni Charlie ang isang electric bike palabas ng main gate ng isang villa sa Thompson First.Natapos na ang Spring Festival Holiday sa kumpanya ni Claire kaya kailangan na nitong bumalik sa trabaho. Samantala, abala naman ang biyenan ni Charlie na si Jacob sa pagbubuhos ng kanyang pagod sa Calligraphy at Painting Association.Habang suot ang mga saklay, nagluto ng almusal si Elaine para sa kanila kaninang umaga. Pagkatapos kumain nina Jacob at Claire, nagmaneho na sila sa sari-sarili nilang BMW’s para asikasuhin ang sarili nilang mga negosyo. Ganoon din, naglinis si Charlie ng bahay at naghanda siyang umalis para bumili ng karne at itlog.Kahit may sarili silang hardin sa bahay kung saan pwede silang mamitas ng gulay at prutas, kailangan pa rin nilang bumili ng karne at itlog sa supermarket.Dahil dito, inilabas ni Charlie ang kanyang electric bike para mamili. Subalit, hindi siya nagmamadali. Sa halip, ipinarada niya muna ang kanyang electric bike sa ta
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl