Ang matandang nagsalita ay isang butler na nagtatrabaho para sa pamilya Dunn sa Aurous Hill.Nakilala na siya ni Helen sa kabataan niya. Sa nakalipas na dalawang dekada, ang butler na ito ang nag-aalaga ng mansyon ng pamilya Dunn sa Aurous Hill. Pagkatapos ng pagkakataong iyon, nang maikasal si Helen sa pamiilya Schulz, hindi na sila muling nagkita ulit.Ganoon pa man, nakilala agad ni Helen ang butler sa isang tingin lang. Magalang niya rin itong binati, “Uncle Walters! Umaasa akong mabuti pa rin ang kalagayan mo kagaya na lang nang huli tayong magkita!”Pagkatapos magsalita, agad na sinabihan ni Helen ang dalawa niyang anak na nasa tabi niya, “Jaime, Sophie, bilisan niyo at batiin niyo si Uncle Walters.”Magalang na bumati si Jaime at Sophie, “Masaya kaming makilala kayo.”Agad na yumuko ang butler bilang pasasalamat, “Miss Helen, hindi ko inaakalang natatandaan niyo pa ako.”Ngumiti si Helen, “Bakit naman hindi kita matatandaan? Ikaw ang namamahala sa mansyon na nasa tabi ng p
Sa pagkakataong ito, tinutulak ni Charlie ang isang electric bike palabas ng main gate ng isang villa sa Thompson First.Natapos na ang Spring Festival Holiday sa kumpanya ni Claire kaya kailangan na nitong bumalik sa trabaho. Samantala, abala naman ang biyenan ni Charlie na si Jacob sa pagbubuhos ng kanyang pagod sa Calligraphy at Painting Association.Habang suot ang mga saklay, nagluto ng almusal si Elaine para sa kanila kaninang umaga. Pagkatapos kumain nina Jacob at Claire, nagmaneho na sila sa sari-sarili nilang BMW’s para asikasuhin ang sarili nilang mga negosyo. Ganoon din, naglinis si Charlie ng bahay at naghanda siyang umalis para bumili ng karne at itlog.Kahit may sarili silang hardin sa bahay kung saan pwede silang mamitas ng gulay at prutas, kailangan pa rin nilang bumili ng karne at itlog sa supermarket.Dahil dito, inilabas ni Charlie ang kanyang electric bike para mamili. Subalit, hindi siya nagmamadali. Sa halip, ipinarada niya muna ang kanyang electric bike sa ta
Ito ang layunin ni Charlie nang sagipin niya si Rosalie.Balak niyang ipadala si Rosalie sa Eastcliff sa tamang panahon.Hindi nagtagal, itinabi ni Charlie ang kanyang cellphone. Pagkatapos, tinapakan niya ang accelerator ng electric bike niya. Maririnig ang ugong ng electric bike saka ito nagsimulang umandar.Pagkaalis ng Thompson First, tumungo si Charlie sa direksyon kung nasaan ang hotel ni Isaac. Sa pagkakataong ito, narinig niya ang isang pamilyar na boses mula sa likod. Sumisigaw ito habang nauutal, “Ba..yaw!”Napalingon si Charlie. Nakita niya ang isang pamilyar na babae sa tabi ng kalye.“Wendy?” Nasorpresa si Charlie nang obserbahan niya nang mabuti ang babae.Hindi ito ang una o pangalawang araw simula nang tuluyang maghiwalay ng landas ang pamilya ni Lady Wilson at ang pamilya niya. Sa tagal at lalim ng alitan, naging tubig at apoy ang dalawang pamilya. Hindi sila pwedeng pagsamahin sa iisang lugar.Hindi nila binabati ang isa’t isa sa tuwing nagkakasalubong, at kung
Nang marinig ni Wendy ang sagot ni Charlie, agad siyang tumango saka siya seryosong nagsalita, “Bayaw, tama ka… ngayon, napagtanto ko na… ang mga pagkakamali ko… hindi na ako arogante, ignorante, at walang kuwentang binibini na minamaliit ang iba…”Habang nagsasalita, ibinaba ni Wendy ang zipper ng kanyang down jacket para ipakita nang bahagya ang asul na unipormeng suot niya sa loob, “Bayaw, tignan mo! Nakahanap na ako ng trabaho. Isa na akong courtesy lady sa bagong bukas na Pearl River Point community. Ako ang bumabati sa mga bisitang pumapasok…”Napatanong si Charlie, “Bakit ka nagtatrabaho bilang courtesy lady? Kung tama ang pagkakatanda ko, nakapagtapos ka sa isang university. Hindi ba mas mabuting maghanap ka ng ibang trabaho kumpara sa pagiging courtesy lady?”Nahihiyang sumagot si Wendy. Mahina ang kanyang boses, “Bayaw… Sa totoo lang, nabugbog sila papa at ang kapatid ko sa puntong inbalido na sila at hindi na sila makakilos. Ito ang naging resulta nang balakin nilang sakt
Habang nakatitig si Charlie kay Wendy, hindi siya nakaramdam ng simpatya kahit malinaw sa kanya na may pagbabago sa babae.Pagkatapos, tumugon siya, “Hindi naman masyadong malayo ang Pearl River Point dito. Kung sasakay ka ng taxi, makakarating ka naman doon sa mababang halaga lang.”Agad na sumagot si Wendy, “Bayaw… Kung pwede ko lang sanang paramihin ang hawak kong pera ngayon, pero wala akong pamasahe kahit sa bus, lalo naman sa taxi…”Habang nagsasalita, itinuto ni Wendy ang suot niyang high heels, “Maglalakad lang talaga ako para makatipid ng pera. Pero, nakita kong dumaan ka. Nilakasan ko ang loob ko para lumapit at humingi ng tawad. Gusto ko rin sanang humingi ng pabor para magpahatid doon…”Sa totoo lang, maganda ang impresyon ni Wendy kay Charlie ngayon.Simula nang bumisita ang mga bibigating tao sa bahay ni Charlie noong New Year, napagtanto niyang nakagawa siya ng isang malaking pagkakamali sa buhay niya. Mali na minaliit niya si Chalie dati at tinawag niya itong walan
“Wala kang cellphone?!”Hindi makapaniwala si Charlie nang marinig niya ang mga sinabi ni Wendy.Ngayong mga araw, may smartphones na kahit ang mga nagtitinda sa bangketa. Kaya imposible namang walang cellphone ang isang fashionistang babae na gaya ni Wendy?! Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya.Nang makita ni Wendy ang gulat sa mukha ni Charlie, lalo pa siyan nakaramdam ng hiya. Nauutal siyang nagpaliwanag, “Bayaw… tinangay…. Tinangay ng mga tauhan ni Donald… ang mga cellphone namin…”Yumuko si Wendy dahil sa hiya habang nagsasalita.Pagkatapos sabihin ang mga salitang ito, naramdaman ni Wendy na wala na siyang mukhang maihaharap.Salat ang buhay ng buong pamilya Wilson at wala silang mapupuntahan.Hindi niya rin kayang bumili ng sarili niyang cellphone. Mula sa sitwasyon niya, makikitang naghihirap talaga sila.Nang marinig ni Charlie ang sagot ni Wendy, naunawaan niya ang sitwasyon agad.Nang sumuko si Donald at nangako siya ng katapatan kay Charlie, puno siya ng gali
Paulit-ulit na yumuko si Wendy, “Bayaw, mag-ingat ka sa biyahe mo. Ipagdarasal ko ang kaligtasan mo.”“Sige. Aalis na ako ngayon.”Kumaway si Charlie saka niya tinapakan ang accelerator ng electric bike niya. Kailangan niya nang magmadali.Samantala, puno naman ng iba’t ibang emosyon si Wendy habang nakatitig sa likod ni Charlie.Sa pagkakataong ito, sa halip na umasang makakuha ng malaking pera sa pagkuha ng pabor ng isang mayamang lalaki, naisip ni Wendy na gusto niya lang sumakay sa likod ng electric bike ni Charlie.Pakiramdam niya pinagpala, mapayapa, at masaya ang buhay ng taong mabibigyan ng pagkakataon na umupo sa back seat ng minamaneho ni Charlie.***Nagmaneho si Charlie papunta sa hotel ni Isaac habang nakaupo sa electric bike niya.Nang makarating siya, nakita niyang naghihintay na sa labas ng entrance si Isaac.Nang mapansin naman ni Isaac ang pagdating ni Charlie, agad siyang lumapit, “Young Master! Hindi nararapat sa estado mo na sumakay sa isang electric bike!
Sa totoo lang, naisara na ni Rosalie ang pinto bago pa magkaroon ng oras si Charlie na makita ang perpektong kurba at hubog ng kanyang katawan.Sa pagkakataong ito, hiyang-hiya si Rosalie at para bang nauubusan siya ng pasensya. Agad niyang kinuha ang isang bathrobe saka niya ito isinuot. Pagkatapos, namumula niyang binuksan ang pinto.Habang kaharap si Charlie, kasing kulay ng kamatis ang mukha ni Rosalie. Nahihiyang siyang nagsalita, “Pasensya na, Mr. Wade. Kanina… binuksan ko agad ang pinto nang hindi nag-iisip…”Kahit isang malupit at nakakakilabot na martial arts master si Rosalie, inosente pa rin siya pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa emosyon. Kahit kailan, hindi pa siya naaakit ng isang lalaki.Kaya, habang kaharap si Chalrie, hindi siya mukhang isang martial arts master dahil sa nahihiya niyang ekspresyon.Nakaramdam rin ng hiya si Charlie sa puntong ito.Katulad ni Rosalie ang binibining si Aurora. Dahil siguro ito sa katotohanang nasa ilalim sila ng professiona
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl