Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 2201 - Chapter 2210

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 2201 - Chapter 2210

5675 Chapters

Kabanata 2201

Nang marinig ito ni Nanako, tinanong niya sa sorpresa, “Charlie, anong klaseng regalo ang ibibigay mo sa kanya?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Maipagpapalagay ko na balisang-balisa at galit siya ngayon dahil hindi niya maintindihan kung paano naglaho si Rosalie at napalitan ng iba, tama?”Sumagot si Nanako, “Gano’n na nga. Sinabi ng ama ko na puno ng pressure ang lalaking iyon sa ngayon dahil sobrang hirap talaga na ayusin ang ganitong uri ng mahalagang gawain. Ang pangunahing dahilan ay dahil sobrang taas ng inaasahan ng mga mamamayan. Kung maayos ang gawa niya, walang duda na magiging sobrang saya ng lahat. Pero, kung mabibigo siya sa trabaho niya, malaki ang posibilidad na maghirap siya at harapin niya ang galit ng mga mamamayan.”Sumang-ayon si Charlie at sinabi, “Oo. Ang ganitong bagay ay parang isang patalim na matalas sa magkabilang bahagi. Kung hindi ito magagamit nang maayos, masasaktan ang taong iyon.”Habang nagsasalita siya, ngumiti si Charlie at sinabi, "Pero, matutul
Read more

Kabanata 2202

Tumawa si Charlie at sinabi, “Hindi ba’t sinabi mo na nagtatrabaho siya dati sa Homeland Security Bureau ? Sa abot ng kaalaman ko, ang homeland security ang pinakamahalaga para sa kahit anong bansa. Kaya, siguradong may mas mataas na posisyon ang mga tao na nagtatrabaho sa Homeland Security Bureau kumpara sa mga militar. Pwede mong hilingin sa kanya na humingi ng tulong sa mga dati niyang katrabaho o leader. Naniniwala ako na siguradong kikilos ang Homeland Security Bureau para arestuhin ang mga tao sa Japanese Self-Defense Force, at hindi magkakaroon ng lakas ng loob ang Japanese Self-Defense Force na makialam dito.”Pagkatapos huminto saglit, sinabi ulit ni Charlie, “Pagkatapos arestuhin ng mga officer ng Homeland Security Bureau ang mga lalaking iyon, pwede nilang dalhin ang mga taong iyon sa Tokyo Metropolitan Police Department para sa pagtatanong at interrogation. Kahit gaano karaming tao ang maaresto, dapat hiwa-hiwalay silang tanungin! Siguradong makakahanap siya ng mahalaga
Read more

Kabanata 2203

Nang makita ni Sheldon na mukhang galit nang kaunti ang kanyang ama, tumayo siya nang nagmamadali at yumuko nang magalang at sinabi, “Pa, kumalma ka at huwag kang magalit. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Nag-aalala lang ako kay Rosalie. Kahit ano pa, dugo at laman ko si Rosalie. Dahil hindi natin alam kung buhay o patay siya, medyo nababalisa nga ako…”Tumingin nang malamig sa kanya si Lord Schulz, at sinabi nang mabagal, “Sheldon, kailangan mong maging kalmado at mahinahon kahit na kaharap ang mga paghihirap at pagbabago kung gusto mong gumawa ng mga magaling na bagay. Natataranta ka na nang ganito dahil lang naglaho ang anak mo sa labas? Kung mamamatay ako balang araw, mapapamahalaan mo ba ang pamilya Schulz?!”Nanginig si Sheldon nang marinig niya ang mga ito!Inisip niya, ‘Pinagdududahan na ng matandang lalaki ang mga iniisip at abilidad ko ngayon. Hindi ito maganda!’‘Kung patuloy akong magpapakita ng pag-aaalala kay Rosalie at kung patuloy akong kakabahan, siguradong iisipi
Read more

Kabanata 2204

Nag-aalala si Sheldon na sasama ang loob ng matandang lalaki sa kanya dahil sa bagay na ito tungkol kay Rosalie. Kung pipiliin ng matandang lalaki na tanggalin siya, siguradong malaki ang mawawala sa kanya. Masasayang ang pinaghirapan niya sa buong buhay niya.Nang maisip niya ito, nagpasya si Sheldon na kontrolin ang kanyang emosyon hangga’t kaya niya sa harap ng matandang lalaki pagdating sa paksa tungkol kay Rosalie. Hindi niya dapat pasamain ang loob ng matandang lalaki sa kanya!Syempre ay mahalaga ang anak niya sa kanya, pero mas mahalaga ang posisyon bilang pinuno ng pamilya Schulz.Bukod dito, anak sa labas niya lang si Rosalie!***Samantala, nag-aalala pa rin si Lord Schulz kahit na uminit ang ulo niya kay Sheldon.Sa totoo lang, ang pangunahing dahilan kung bakit siya nagalit kay Sheldon ay dahil gusto niyang itago na nakokonsensya siya.Dahil, si Lord Schulz ang nagpasya na pagtaksilan si Rosalie.Kinalkula na ng matandang lalaki ang kabayaran bago ito. Sobrang sama
Read more

Kabanata 2205

Sa sandaling ito, sa Tokyo, Japan.Nakatayo ang apatnapu’t walong taong si Suzuki Tomohisa sa harap ng bintana na mula sahig hanggang sa kisame kung saan kakakuha niya lang ng opisina. Wala siyang magawa at hindi niya alam ang gagawin niya.Siya ang bagong Superintendent General ng Tokyo Metropolitan Police Department.Bago ito, isa siyang middle-level na senior officer sa Homeland Security Bureau . Kilala siya, at may magandang reputasyon siya sa Homeland Security Bureau dahil napakagaling niya sa pag-iimbestiga, at hindi na kailangang banggitin, na sobrang solido at kamangha-mangha ang mga pamamaraan niya.Sa sandaling ito, nang madiskubre na napalitan si Rosalie ng ibang tao, nagulat ang buong Japan. Nagulantang din ang Japanese government dahil dito, at naging publiko ng kritisismo ang Tokyo Metropolitan Police Department.Dahil wala na talagang ibang paraan, pinagkatiwala na lang ng Japanese government kay Tomohisa ang napakahirap na misyon an ito sa kritikal na sandali.Pe
Read more

Kabanata 2206

Galit na sinabi ni Tomohisa, “Sabihin mo sa kanila na sa ngayon ay walang progreso tungkol dito. Kung may malaking progreso, siguradong gagawa ako ng press conference para gawin ang anunsyo sa domestic media at kahit sa worldwide media.”Tumango ang deputy at sinabi, “Okay, Mr. Suzuki! Pupunta na ako at bibigyan sila ng sagot ngayon din!”Pinigilan siya ni Tomohisa at sinabi, “Ah, oo. Simula ngayon, walang media o reporter ang maaaring pumasok sa Tokyo Metropolitan Police Department nang walang imbitasyon o pahintulot!”“Okay! Naiintindihan ko!”Pagkatapos lumabas ng deputy, kinuskos ni Tomohisa ang kanyang sentido dahil nayayamoy siya, at binulong niya sa sarili niya, “Hay… hindi talaga maganda na mapagkatiwalaan sa ganito kritikal at kahirap na misyon! Malaki ang impluwensya ng kasong ito. Hindi lang ang mga tao sa bansa ang nagbibigay atensyon dito, ngunit interesado rin ang mga media sa ibang bansa sa kasong ito. Kung hindi ko ito maaayos, siguradong masisira ang reputasyon ko.
Read more

Kabanata 2207

Binaliktad ang lahat ng hula at hinuha ni Tomohisa tungkol dito dahil sa mga sinabi ni Nanako.Hinding-hindi niya inaasahan na kasangkot ang Japanese Self-Defense Force dito, at isang malakas na alon ng galit ang biglang lumitaw sa puso niya!Pagkatapos, agad nagngalit si Tomohisa at sinabi, “Nanako, pinapasalamatan talaga kita at ang kaibigan mo sa impormasyon na ito. Siguradong aarestuhin ko ang mga mahahalagang tao, tatanungin sila, at ilalagay sa trial sa lalong madaling panahon!”Ngumiti si Nanako habang sinabi, “Suzuki, sana ay may matulong ang clue na ito sa iyo.”Sumagot nang matatag at sumasang-ayon si Tomohisa, “Nanako, kung totoo nga ang clue na ito, siguradong malaki ang naitulong mo sa akin!”Pagkatapos, sinabi nang nagmamadali ni Tomohisa, “Nanako, hindi na ako makikipag-usap sa iyo. Kailangan kong magmadali at ayusin ang lahat para sa pag-aresto!”“Okay, Suzuki!”Pagkatapos ibaba ni Tomohisa ang tawag, agad niyang tinawagan ang dati niyang leader sa Homeland Secu
Read more

Kabanata 2208

Pero, nadiskubre niya na wala si Charlie pagkatapos niyang dumating.Pumunta pala si Charlie sa Japan dahil may emergency ilang araw lang ang nakalipas at hindi pa siya nakakabalik.Dahil dito, medyo nalito at natulala si Loreen. Dumilim ang orihinal na masaya at sabik na kalooban niya.Sa totoo lang, nag-alangan si Loreen nang inimbita siya ni Claire at ng pamilya niya na manatili at samahan silang mananghalian kanina. Naramdaman niya na dahil wala si Charlie, magsasayang lang siya ng pagkakataon na mapalapit kay Charlie kung mananatili siya sa bahay ni Claire para mananghalian ngayong araw.Iniisip niya na sabihin sa kanila na bibisita na lang siya sa ibang araw, pero hindi sila natanggihan ni Loreen dahil sobrang sigla ni Claire, at sa wakas ay sumang-ayon siya na manatili para mananghalian.Pero, hinding-hindi inaasahan ni Loreen na uuwi si Charlie bago pa sila kumain!Kaya, sa sandaling ito, nakatingin si Loreen kay Charlie habang may sabik na sabik na hitsura sa kanyang muk
Read more

Kabanata 2209

Nang makita niya na mag-aaway na ulit sina Jacob at Elaine, nagmamadaling umabante si Claire para pakalmahin ang mga bagay-bagay. “Ah, Pa! Ma! Pwede bang mag-usap kayo nang hindi nagtatalo? Kauuwi lang ni Charlie, at nandito rin si Loreen. Huwag niyong ipahiya ang sarili niya sa kanila…”Tumingin si Jacob kay Elaine bago siya suminghal nang malamig, “Hindi na ako bababa sa antas mo at makikipagtalo sayo dahil binibigyang respeto ko ang anak ko!”Sumagot nang mapanghamak si Elaine, “Para bang pinagmumukha mong gusto kong bumaba sa antas mo para makipagtalo sayo.”Pagkatapos niyang magsalita, hindi na tumingin si Elaine kay Jacob bago siya lumingon sa gilid.Sa sandaling ito, medyo nahiya si Loreen habang sinabi niya kay Claire, “Siya nga pala, Clairee, may concert si Quinn Golding sa Aurous Hill sa susunod na buwan. Bakit hindi tayo pumunta at panoorin ito nang magkasama?”Ngumiti nang nagmamadali si Claire habang sinabi, “Sinabi ni Charlie na sasamahan niya ako sa concert. Kilala
Read more

Kabanata 2210

Anong gagawin niya kung magpupumilit si Loreen na umupo sa tabi niya?Kaya, siguradong kailangan niyang tanggihan ang hiling niya kahit ano pa ito. Hahayaan niya na lang siya na humanap ng paraan para makakuha ng ticket. Ang pinakamagandang sitwasyon ay kung hindi siya makakuha ng front-row seat, basta’t hindi siya nakaupo sa tabi niya, wala siyang aalalahanin.Sa sandaling ito, sinabi ulit ni Loreen kay Claire, “Claire, gusto mo bang mag-shopping kasama ako mamayang hapon?”Tumingin si Claire kay Charlie bago siya bumulong sa tainga ni Loreen, “Loreen, sa tingin ko ay hindi ako makakasama sayo para mag-shopping. Kailangan kong bumalik sa trabaho paglipas ng dalawang araw. At saka, kauuwi lang ni Charlie pagkatapos umalis nang ilang araw. Gusto kong manatili sa bahay para samahan pa siya.”Nagulat si Loreen.Nakikita niya na galing sa puso ang mga sinabi ni Claire nang sinabi niya ito.Napagtanto ni Loreen na si marahil ay si Claire, na noon pa man ay hindi masyadong sensitibo sa
Read more
PREV
1
...
219220221222223
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status