Nang makita ni Sheldon na mukhang galit nang kaunti ang kanyang ama, tumayo siya nang nagmamadali at yumuko nang magalang at sinabi, “Pa, kumalma ka at huwag kang magalit. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Nag-aalala lang ako kay Rosalie. Kahit ano pa, dugo at laman ko si Rosalie. Dahil hindi natin alam kung buhay o patay siya, medyo nababalisa nga ako…”Tumingin nang malamig sa kanya si Lord Schulz, at sinabi nang mabagal, “Sheldon, kailangan mong maging kalmado at mahinahon kahit na kaharap ang mga paghihirap at pagbabago kung gusto mong gumawa ng mga magaling na bagay. Natataranta ka na nang ganito dahil lang naglaho ang anak mo sa labas? Kung mamamatay ako balang araw, mapapamahalaan mo ba ang pamilya Schulz?!”Nanginig si Sheldon nang marinig niya ang mga ito!Inisip niya, ‘Pinagdududahan na ng matandang lalaki ang mga iniisip at abilidad ko ngayon. Hindi ito maganda!’‘Kung patuloy akong magpapakita ng pag-aaalala kay Rosalie at kung patuloy akong kakabahan, siguradong iisipi
Nag-aalala si Sheldon na sasama ang loob ng matandang lalaki sa kanya dahil sa bagay na ito tungkol kay Rosalie. Kung pipiliin ng matandang lalaki na tanggalin siya, siguradong malaki ang mawawala sa kanya. Masasayang ang pinaghirapan niya sa buong buhay niya.Nang maisip niya ito, nagpasya si Sheldon na kontrolin ang kanyang emosyon hangga’t kaya niya sa harap ng matandang lalaki pagdating sa paksa tungkol kay Rosalie. Hindi niya dapat pasamain ang loob ng matandang lalaki sa kanya!Syempre ay mahalaga ang anak niya sa kanya, pero mas mahalaga ang posisyon bilang pinuno ng pamilya Schulz.Bukod dito, anak sa labas niya lang si Rosalie!***Samantala, nag-aalala pa rin si Lord Schulz kahit na uminit ang ulo niya kay Sheldon.Sa totoo lang, ang pangunahing dahilan kung bakit siya nagalit kay Sheldon ay dahil gusto niyang itago na nakokonsensya siya.Dahil, si Lord Schulz ang nagpasya na pagtaksilan si Rosalie.Kinalkula na ng matandang lalaki ang kabayaran bago ito. Sobrang sama
Sa sandaling ito, sa Tokyo, Japan.Nakatayo ang apatnapu’t walong taong si Suzuki Tomohisa sa harap ng bintana na mula sahig hanggang sa kisame kung saan kakakuha niya lang ng opisina. Wala siyang magawa at hindi niya alam ang gagawin niya.Siya ang bagong Superintendent General ng Tokyo Metropolitan Police Department.Bago ito, isa siyang middle-level na senior officer sa Homeland Security Bureau . Kilala siya, at may magandang reputasyon siya sa Homeland Security Bureau dahil napakagaling niya sa pag-iimbestiga, at hindi na kailangang banggitin, na sobrang solido at kamangha-mangha ang mga pamamaraan niya.Sa sandaling ito, nang madiskubre na napalitan si Rosalie ng ibang tao, nagulat ang buong Japan. Nagulantang din ang Japanese government dahil dito, at naging publiko ng kritisismo ang Tokyo Metropolitan Police Department.Dahil wala na talagang ibang paraan, pinagkatiwala na lang ng Japanese government kay Tomohisa ang napakahirap na misyon an ito sa kritikal na sandali.Pe
Galit na sinabi ni Tomohisa, “Sabihin mo sa kanila na sa ngayon ay walang progreso tungkol dito. Kung may malaking progreso, siguradong gagawa ako ng press conference para gawin ang anunsyo sa domestic media at kahit sa worldwide media.”Tumango ang deputy at sinabi, “Okay, Mr. Suzuki! Pupunta na ako at bibigyan sila ng sagot ngayon din!”Pinigilan siya ni Tomohisa at sinabi, “Ah, oo. Simula ngayon, walang media o reporter ang maaaring pumasok sa Tokyo Metropolitan Police Department nang walang imbitasyon o pahintulot!”“Okay! Naiintindihan ko!”Pagkatapos lumabas ng deputy, kinuskos ni Tomohisa ang kanyang sentido dahil nayayamoy siya, at binulong niya sa sarili niya, “Hay… hindi talaga maganda na mapagkatiwalaan sa ganito kritikal at kahirap na misyon! Malaki ang impluwensya ng kasong ito. Hindi lang ang mga tao sa bansa ang nagbibigay atensyon dito, ngunit interesado rin ang mga media sa ibang bansa sa kasong ito. Kung hindi ko ito maaayos, siguradong masisira ang reputasyon ko.
Binaliktad ang lahat ng hula at hinuha ni Tomohisa tungkol dito dahil sa mga sinabi ni Nanako.Hinding-hindi niya inaasahan na kasangkot ang Japanese Self-Defense Force dito, at isang malakas na alon ng galit ang biglang lumitaw sa puso niya!Pagkatapos, agad nagngalit si Tomohisa at sinabi, “Nanako, pinapasalamatan talaga kita at ang kaibigan mo sa impormasyon na ito. Siguradong aarestuhin ko ang mga mahahalagang tao, tatanungin sila, at ilalagay sa trial sa lalong madaling panahon!”Ngumiti si Nanako habang sinabi, “Suzuki, sana ay may matulong ang clue na ito sa iyo.”Sumagot nang matatag at sumasang-ayon si Tomohisa, “Nanako, kung totoo nga ang clue na ito, siguradong malaki ang naitulong mo sa akin!”Pagkatapos, sinabi nang nagmamadali ni Tomohisa, “Nanako, hindi na ako makikipag-usap sa iyo. Kailangan kong magmadali at ayusin ang lahat para sa pag-aresto!”“Okay, Suzuki!”Pagkatapos ibaba ni Tomohisa ang tawag, agad niyang tinawagan ang dati niyang leader sa Homeland Secu
Pero, nadiskubre niya na wala si Charlie pagkatapos niyang dumating.Pumunta pala si Charlie sa Japan dahil may emergency ilang araw lang ang nakalipas at hindi pa siya nakakabalik.Dahil dito, medyo nalito at natulala si Loreen. Dumilim ang orihinal na masaya at sabik na kalooban niya.Sa totoo lang, nag-alangan si Loreen nang inimbita siya ni Claire at ng pamilya niya na manatili at samahan silang mananghalian kanina. Naramdaman niya na dahil wala si Charlie, magsasayang lang siya ng pagkakataon na mapalapit kay Charlie kung mananatili siya sa bahay ni Claire para mananghalian ngayong araw.Iniisip niya na sabihin sa kanila na bibisita na lang siya sa ibang araw, pero hindi sila natanggihan ni Loreen dahil sobrang sigla ni Claire, at sa wakas ay sumang-ayon siya na manatili para mananghalian.Pero, hinding-hindi inaasahan ni Loreen na uuwi si Charlie bago pa sila kumain!Kaya, sa sandaling ito, nakatingin si Loreen kay Charlie habang may sabik na sabik na hitsura sa kanyang muk
Nang makita niya na mag-aaway na ulit sina Jacob at Elaine, nagmamadaling umabante si Claire para pakalmahin ang mga bagay-bagay. “Ah, Pa! Ma! Pwede bang mag-usap kayo nang hindi nagtatalo? Kauuwi lang ni Charlie, at nandito rin si Loreen. Huwag niyong ipahiya ang sarili niya sa kanila…”Tumingin si Jacob kay Elaine bago siya suminghal nang malamig, “Hindi na ako bababa sa antas mo at makikipagtalo sayo dahil binibigyang respeto ko ang anak ko!”Sumagot nang mapanghamak si Elaine, “Para bang pinagmumukha mong gusto kong bumaba sa antas mo para makipagtalo sayo.”Pagkatapos niyang magsalita, hindi na tumingin si Elaine kay Jacob bago siya lumingon sa gilid.Sa sandaling ito, medyo nahiya si Loreen habang sinabi niya kay Claire, “Siya nga pala, Clairee, may concert si Quinn Golding sa Aurous Hill sa susunod na buwan. Bakit hindi tayo pumunta at panoorin ito nang magkasama?”Ngumiti nang nagmamadali si Claire habang sinabi, “Sinabi ni Charlie na sasamahan niya ako sa concert. Kilala
Anong gagawin niya kung magpupumilit si Loreen na umupo sa tabi niya?Kaya, siguradong kailangan niyang tanggihan ang hiling niya kahit ano pa ito. Hahayaan niya na lang siya na humanap ng paraan para makakuha ng ticket. Ang pinakamagandang sitwasyon ay kung hindi siya makakuha ng front-row seat, basta’t hindi siya nakaupo sa tabi niya, wala siyang aalalahanin.Sa sandaling ito, sinabi ulit ni Loreen kay Claire, “Claire, gusto mo bang mag-shopping kasama ako mamayang hapon?”Tumingin si Claire kay Charlie bago siya bumulong sa tainga ni Loreen, “Loreen, sa tingin ko ay hindi ako makakasama sayo para mag-shopping. Kailangan kong bumalik sa trabaho paglipas ng dalawang araw. At saka, kauuwi lang ni Charlie pagkatapos umalis nang ilang araw. Gusto kong manatili sa bahay para samahan pa siya.”Nagulat si Loreen.Nakikita niya na galing sa puso ang mga sinabi ni Claire nang sinabi niya ito.Napagtanto ni Loreen na si marahil ay si Claire, na noon pa man ay hindi masyadong sensitibo sa
Naguluhan saglit si Albert nang marinig ang boses ni Charlie. Hindi agad nakabalik sa realidad ang isipan niya. Nakatulala lang siya sa langit, habang binubulong, “Ay naku… Nananaginip ba ako? Ganito ba talaga kalakas ang kapangyarihan ng Diyos?”Si Charlie, na nasa kabilang linya, ay tinanong, “Albert, anong binubulong mo sa sarili mo?”Doon lang natauhan si Albert, tinanong sa pagkagulat, “Master… Master Wade?! Ikaw ba talaga ito, o mali lang ang naririnig ko?!”Sa sandaling nagsalita si Albert, nagkaroon ng maraming tanong sa isipan nila ang lahat ng tao sa paligid niya. Tinanong nila siya, gustong malaman kung galing ba talaga ang tawag kay Charlie.Tinanong ulit ni Charlie si Albert, “Hindi mo na ba naaalala ang boses ko?”Doon lang nakumpirma ni Albert na si Charlie talaga ang taong kausap niya sa kabilang linya.Agad napaiyak si Albert sa saya, tinatanong, “Master Wade, nasaan ka?! Halos isang oras na kaming naghahanap sa lambak at hindi ka pa rin namin nahahanap. Nag-aala
Malapit nang masira ang emosyon ni Rosalie. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, nakuha agad ang atensyon ng lahat. Bigla siyang umupo sa lupa at napaiyak, agad nakuha ang atensyon ng iba.Mabilis na lumapit ang mga tao para pagaanin ang kalooban ni Rosalie. Kahit na nahihirapan din si Albert, nanguna pa rin siya at nagsalita, “Miss Rosalie, huwag kang masyadong mag-alala sa ngayon. Marahil ay may biyaya ng Diyos si Master Wade!”“Tama, Miss Rosalie,” Si Isaac, na kahit na namumula at may mga luha na ang mata, ay sinubukan siyang pakalmahin, “Basta’t walang kongkretong ebidensya na nasa panganib si Young Master, may pag-asa pa rin sa lahat.”Alam ni Rosalie na pinapagaan lang nila ang kalooban niya. Sa realidad, nag-aalala ang lahat at malungkot dahil hindi nila mahanap si Charlie. Kaso nga lang ay siya ang unang nawalan ng kontrol sa emosyon niya.Sa sandaling iyon, lumapit si Merlin habang may kampanteng tingin sa kanyang mukha at sinabi sa lahat, “Huwag kayong mawalan ng pag-
Nang marinig ni Vera ang mga sinabi ni Charlie, sinabi niya, “Babae? Young Master, naaalala mo ba kung ano ang hitsura niya?”Kumunot ang noo ni Charlie, inalala ang nakita niya, at sinabi, “Pakiramdam ko na nasa 30s ang babae, at may medyo maayos na hitsura niya.”Tumango nang marahan si Vera, “Si Miss Dijo siguro iyon, isa sa apat na great earl ng Qing Eliminating Society!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Alam mo ang tungkol sa apat na great earl?”“Kaunti lang ang alam ko.” Sumagot si Vera, “Kahit na si Fleur lang ang nabubuhay hanggang ngayon sa Qing Eliminating Society, may mga supling pa rin ng mga dating kasamahan ng aking ama sa organisasyon. Dahil sa espesyal na lason na ginawa ni Fleur, nakatadhana na pagsilbihan nila siya sa mga dumaang henerasyon. Pero, alam nila na buhay pa rin ako at sinusubukan nila itong ipaalam sa akin sa lahat ng posibleng paraan. Kaya, may ilang kaalaman ako sa panloob na sitwasyon ng Qing Eliminating Society.”“Kahit na ang apat na great earo
Sa nakaraang tatlong daang taon, hindi niya mabilang kung gaano karaming beses niyang pinag-isipan na tapusin ang sarili niyang buhay. Pero, nang maisip niya ang sakripisyo ng kanyang ama kapalit ang imortalidad niya, palagi niyang natatanggal ang kaisipan na magpakamatay.Dahil, alam niya sa puso niya na ang pinakamalaking hiling ng kanyang ama bago siya mamatay ay patuloy siyang mabuhay. Umaasa siya na mabuhay nang matagal ang kanyang mahal na anak, hindi lang isang daang taon, ngunit mas maganda kung limang daang taon. Samantala, ang sarili niyang buhay ay natapos sa edad na 41.Dahil dito, si Vera, na maraming beses nang muntikan masiraan, ay nagngalit at nagpursigi. Gayunpaman, matagal nang pinahirapan at sinira ng imortalidad ang puso niya.Naawa talaga si Charlie sa dalaga sa harap niya kahit na halos 400 years old na siya.Sa sandaling ito, bumuntong hininga nang malalim si Vera, at namula ang mga mata niya habang humikbi at sinabi, “Salamat, sa pagmamalasakit mo, Young Mas
Nakinig nang namamangha si Charlie at hindi maiwasan na tanungin siya, “Sa Northern Europe, may matandang lalaki kang kasama. Tinawag mo siyang ‘lolo’ sa harap ko, pero isa ba siya sa mga ulila na pinalaki mo?”Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi, “Si Mr. Raven ang matandang lalaki na binanggit mo, at siya ang huling abandonadong sanggol na inampon ko sa Eastcliff pagkatapos ng nangyari noong July 7th bago ako pumunta sa United States.”Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Vera, “Sa totoo lang, karamihan ng mga ganitong bata ay magtatayo ng negosyo para sa sarili nila sa tulong ko pagkatapos nila maging 20 years old. Ang ilang asset ay ipagkakatiwala sa kanila para pamahalaan nila, pero isa talaga itong regalo mula sa akin. Sa mahigit dalawang daang taon, napakaraming kong binigay na kayamanan.”“Kaunti lang, tulad ni Mr. Raven, na may malalim na pagmamahal, ang handang manatili sa tabi ko. Pinanatili ko rin sila sa tabi ko. Dahil, bilang isang babae na kulang sa kakayahan par
Sa una, akala niya ay bakan tumira lang si Vera sa mga tagong lugar para hindi siya mahuli pagkatapos tumakbo ng napakaraming taon. Pero, hinding-hindi niya inaasahan na palagi siyang nasa unahan ng mundo.Nakakasorpresa na kahit sa patagong paglalakbay niya, naisip niya na mag-ambag sa Oskia, tugma sa mga layunin ni Elijah. Katulad talaga siya ng kanyang ama.Itinuloy ni Vera ang kanyang kuwento at sinabi, “Noong una akong dumating sa Hong Kong, nakipag-ugnayan ako sa Oskia Revival Association gamit ang ilang dating koneksyon. Pero, nang maghahanda na akong makipagkita sa kanila, na-ambush siya ng mga assassin mula sa Qing Eliminating Society. Nakatakas lang ako nang bahagya sa oras na iyon.”Tinanong ni Charlie, “May lumabas ba na impormasyon sa oras na iyon?”Tumango si Vera at ipinahayag ang damdamin niya, “Oo. Hindi ko alam na sa oras na iyon, napasok na nang palihim ng mga tao ni Fleur ang Oskia Revival Association.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Pagkatapos m
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma