Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 161 - Chapter 170

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 161 - Chapter 170

5571 Chapters

Kabanata 161

Sa sandaling ito, biglang nagsalita si Zeke, “Mangyaring kumalma ang lahat. Ginawa rin ito ni Mr. Yaleman alang-alang sa grupo ng metaphysics! Dati, lahat tayo ay nakakalat. Ngayon, kung aayusin natin ang ating sarili at gagawa ng samahan na pinamumunuan ng isang pinuno, siguradong mas madadalian tayong kalabanin ang mga kaaway natin sa hinaharap. Bukod dito, kung hahamunin ka sa isang kategorya na hindi ka magaling, hindi ba’t mas mabuti ito para sa atin? Dapat ang pinuno natin ay isang taong nararapat at magaling sa lahat ng aspeto at disiplina ng metaphysics.”Pagkatapos niyang magsalita, mahigpit na tumutol ang iba sa ideya habang ang ibang bisita ay inisip na maganda itong pagkakataon.Dahil, ang mananalo ay may pagkakataon na makuha ang isang bagay mula sa talunan. Bukod dito, kung sila ang mananalo, sila ay magiging pinuno ng mundo ng metaphysics.Ang Metaphysics ay hindi lamang terminong pang-akademiko!Kung dalubhasa talaga ang isa sa metaphysics, marami nang mayayaman at
last updateLast Updated : 2021-07-03
Read more

Kabanata 162

Ngumiti lang si Mr. Yaleman nang hindi nagsasalita.Nausisa ang lahat habang hinihintay nila ang resulta.Mabilis na lumipas ang isang oras at sa sandaling ito, nakatulala si Jared dahil kinakabahan siya.Biglaan, isang malakas na putok ang narinig sa kanluran! Pagkatapos, isang malakas na hangin ang dumaan sa hardin at may kaunting pagyanig sa lupa.Ngumiti si Zeke habang nakangiti siya sa kanyang selpon at sinabi, “Ayon sa balita na natanggap ko, mukhang may gustong magtibag ng mga bato at nagsanhi ito ng isang pagsabog at lindol na may lakas na 2.4 magnitude sa kanluran. Inaresto na ng mga pulis ang salarin.”Sa sandaling ito, itinaas ni Jared ang kanyang ulo at hindi na siya mukhang mayabang tulad kanina. Ngumiti siya nang nahihiya at sinabi, “Mr. Yaleman, ang galing mo talaga! Inaamin ko ang aking pagkatalo. Ngayon, ako, si Jared Young, ay natalo sa iyo. Aalis na agad ako sa handaang ito.”Pagkatapos, kinuha ni Jared ang kanyang jade bago siya tumalikod dahil handa na siyang
last updateLast Updated : 2021-07-04
Read more

Kabanata 163

Si Travis ay isang lalaki na may napakataas na katayuan at reputasyon. Kaya sobrang nairita siya sa sinabi ni Jack. “Anong ibig mong sabihin?”“Mr. Lane, ako na ang bahala sa kanya!”Sinabi ni Matthew sa mababang boses habang umabante siya upang ipagtanggol si Travis. “Kung mangangahas kayong pigilan si Mr. Lane sa pag-alis, huwag niyo akong sisihin sa pagiging walang awa.”Sumuporta ang lahat nang makita nilang kikilos si Matthew.“Mr. Gibson, ipatikim mo sa kasuklam-suklam na lalaking ito ang lakas ng iyong mga kamao!”“Talagang gustong kontrolin ng tagalabas ang buong samahan ng metaphysics. Baliw siya! Sa tingin ko ay dapat niya nang tigilan ang pananaginip habang gising.”“Pigilan mo siya. Huwag mong hayaan na gawin niya ang gusto niya!”Sa sandaling ito, ngumiti si Jack habang tumingin siya nang masama kay Matthew na may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha. “Kung sa tingin mo ay kaya mo akong talunan, subukan mo.”Nagalit si Matthew sa sandaling ito at sumugod siya kay
last updateLast Updated : 2021-07-04
Read more

Kabanata 164

Sa sandaling ito, nakalupasay pa rin si Matthew sa sahig at ang kanyang mukha ay namumula sa hiya. Hindi niya makontrol ang kanyang katawan at gusto niya talagang mamatay sa sandaling iyon.Iwinasiwas ni Jack ang kanyang kamay at nawalan ng lakas si Matthew at agad siyang bumagsak sa lapag. Sobrang nahihiya siya sa sarili niya sa oras na iyon.“Nakumbinsi ka na ba ngayon, Mr. Gibson?” Tinanong ni Zeke habang tumatawa.Kinagat ni Matthew at ang kanyang ngipin at dugo ang lumabas sa kanyang mga gilagid habang binulong nang mapait, “Sige, ikaw ang nanalo… ikaw ang nanalo…”Nang yumuko si Matthew dahil sobrang natalo siya, ang buong paligid ay tahimik dahil wala nang nangahas na magsalita.Pagkatapos, lumingon si Jack kay Charlie at sinabi, “Ah, ninakaw mo ang kabibe na gusto kong bilhin sa auction noong isang araw. Dahil nakita mo na ang kakayahan at mahiwagang abilidad ko, maglalakas-loob ka pa rin bang maging mayabang ngayon?”Nagkibit balikat si Charlie at sinabi, “Dahil lang sa
last updateLast Updated : 2021-07-05
Read more

Kabanata 165

Nang nakita ni Jack makulit si Charlie hanggang sa uli, suminghal na lang siya at inutos kay Zeke. “Mukhang pagod na talagang mabuhay ang ibang tao. Kahit ano pa ito, tuturuan ko siya kung saan siya nararapat. Zeke, pakikuha ako ng tatlong haliging sandalyas na gawa sa kahoy, lilang ginto na taga-sunog ng insenso, at kahoy na melokoton na ispada. Ipapakita ko sa kanya kung sino ang tunay na maestro.”Hindi nangahas na maging mabagal ni Zeke. Kaya, mabilis niyang inihanda ang mga bagay na pinakuha ni Jack.Pagkatapos ng ilang sandali, inilagay ni Jack ang melokoton na ispada sa taga-sunog ng insenso. Sa sandaling ito, makapal na usok mula sa insenso ang kumalat.Itinaas ni Mr. Yaleman ang melokoton na ispada at agad siyang umawit.Sa sandaling ito, si Graham, na nakatayo sa tabi niya, ay biglang nahilo na tila ba tinurukan siya ng gamot.Tiniis niya ito nang ilang sandali bago siya nagmakaawa, “Mr. Yaleman, hanggang kailan ito magtatagal…”“Ang enerhiya na ‘yin’ sa iyong pamilya a
last updateLast Updated : 2021-07-05
Read more

Kabanata 166

Sumagot nang malamig si Charlie, “Iyan ang iyong linya ng buhay. Ang dahilan kung bakit madaling natanggal ang masamang ispiritu ay dahil ginamit ni Jack ang iyong linya ng buhay bilang kapalit! Sa loob ng tatlong araw, ang pulang linya ay hahaba hanggang sa siko mo! Pagkatapos, agad kang mamamatay. Ginamit ni Jack ang lahat ng kabutihan at mabuting gawa mo na naipon mo sa buong buhay mo, at sinakripisyo niya ang buhay mo kapalit ng lahat ng buhay ng miyembro ng pamilya Quinton!”Nagulat si Graham nang marinig ang sinabi ni Charlie. Nanigas siya dahil sa sobrang gulat.Nag-panic din si Adam sa sandaling ito habang tumingin siya sa mga tao sa paligid nila.Ang lahat ng maestro na naroroon ay bahagyang tumango dahil nakita nila ang eksenang ito. Hindi mabubuhay si Graham nang higit sa tatlong araw.Lumuhod si Adam sa sahig bago siya nagmakaawa kay Jack, “Mr. Yaleman! Pakiusap, pakiusap at iligtas mo ang buhay ng pangalawang tito ko!”Sa sandaling ito, tumingin nang mayaban si Jack k
last updateLast Updated : 2021-07-06
Read more

Kabanata 167

Sa loob lamang ng limang minuto, ang lahat ng preskong pagkain sa lamesa ay nabulok na at napakaraming itim na lamok ang lumabas sa mga bulok na pagkain.Mayroong isang tandang na pinalaki ng pamilya White simula noong sisiw pa lang ito sa bakuran ng pamilya White.Kaunting itim na lamok ang lumipad sa tandang nang mabilis. Bago pa lumipas ang sampung segundo, sumigaw ang tandang habang balisa nitong iwinasiwas ang kanyang pakpak. Pagkatapos, bumagsak ito sa lupa at nangisay hanggang mamatay ito.Pagkatapos ng ilang segundo, maraming malalaking itim na lamok ang lumabas sa mga balahibo ng patay na tandang.Sa sandaling ito, makapal na mga itim na lamok ang bumalot sa langit habang sumugod sila sa mga tao na parang buhawi.Sobrang gulo ng bakuran habang ang mga tao ay desperadong iniiwasan ang mga itim na lamok, dahil hindi lamang sobrang makamandag ng mga itim na lamok ngunit kaya rin nilang pumasok sa laman ng sa pamamagitan ng mga sugat sa balat.Kahit sobrang liit lang ng mga
last updateLast Updated : 2021-07-06
Read more

Kabanata 168

“Hindi, hindi! Hindi, hindi siya tao! Isa siyang diyos!”“Hindi, huwag mong ipatama sa akin ang kidlat! Luluhod ako at hihingi agad ng tawad kay Mr. Wade.”“Tulungan mo ako. Nagkamali ako!”Ilang mga bisita ang lumuhod habang yumuko sila sa harap ni Charlie.Nanigas sa gulat si Graham.Gayunpaman, tinamaan lang ng kidlat ang mga itim na lamok, ginawa silang uling nang walang sinasaktang tao.Sa sandaling ito, sobrang nagulat at natakot si Jack!Kailanman ay hindi niya inakala na may ganitong kapangyarihan si Charlie!Isa lang siyang langgam kumpara kay Charlie!Kung tinamaan siya ng mabangis na kidlat, siguradong mamatay siya sa ilang segundo!Nag-panic si Jack sa oras na ito. Kaya, mabilis siyang tumayo bago siya tumakbo upang tumakas sa bakuran. Gusto niyang tumakas sa Aurous Hill at hindi na siya ulit babalik dito! Paano nagkaroon ng ganitong kagalang-galang na tao sa Aurous Hill?“Sinusubukan mo bang tumakas?”Ngumiti si Charlie habang itinaas niya ang kanyang kamay sa
last updateLast Updated : 2021-07-07
Read more

Kabanata 169

Naglalaban ang lahat kanina para sa posisyon bilang pinuno pero ngayon, lahat ay sabik na pamunuhan ni Charlie ang buong samahan ng metaphysics sa Aurous Hill at kahit na sa lugar ng Newton. Walang tumutol sa mga bisita dahil talagang nakumbinsi sila sa kakayahan ni Charlie.Wala pa silang nakikitang taong katulad ni Charlie na kayang utusan ang kidlat at kulog sa isang salita!Ito ang ang lupain ng metaphysics. Mayroong kakaibang kapangyarihan si Charlie na mas mataas pa sa imahinasyon ng lahat!Nang tumingin sila kay Jack, na nakahandusay sa sahig pagkatapos mapaso ng kidlat, alam nila na hindi mawari ang kapangyarihan at lakas ni Charlie. Kaya gusto nilang maging pinuno si Charlie upang mapamunuhan niya sila at mabigyan sila ng payo at gabay.Kumunot ang noo ni Charlie at sinabi, “Hindi ako miyembro ng samahan ng metaphysics at hindi rin ako madalas nag-aaral ng Feng Shui. Hindi rin ako talaga interesado sa metaphysics. Kaya, sana ay papayag kayong si Finn na lang ang mamumuno a
last updateLast Updated : 2021-07-07
Read more

Kabanata 170

Natuwa nang sobra si Zeke at pinagdaup niya ang mga kamay niya habang pinasasalamatan si Charlie. “Salamat sa kabaitan mo, Mr. Wade. Siguradong babaguhin ko na ang aking sarili at pangakong hindi na ito mangyayari ulit!”“Sige.” Tumango sa lugod si Charlie.Pagkatapos, tumingin siya kay Graham na hanggang ngayon ay gulat pa rin.Bahagyang tinanong ni Charlie, “Ngayon, Graham, sabihin mo sa akin. Sa tingin mo ba talaga ay nagsinungaling ako sa iyo para makuha ko ang pera ng pamilya Quinton?”Nanlambot agad ang mga binti ni Graham at lumuhod siya bago sinabi, “Hindi ako mangangahas! Hindi ako maglalakas-loob! Nalito lang ako saglit pero hindi ako nawalan ng kumpiyansa sa iyo, Mr. Wade. Ngayon ay tuluyang nakumbinsi na ako na ikaw ang tunay na maestro sa pagdating sa metaphysics! Patawarin mo ako, Mr. Wade!”Pagkatapos niyang magsalita, sinunggaban ni Graham ang kwelyo ni Adam bago isinigaw, “Ung*s! Lumuhod ka at humingi ka ng tawad kay Mr. Wade ngayon din!”Nanginginig na sa takot
last updateLast Updated : 2021-07-08
Read more
PREV
1
...
1516171819
...
558
DMCA.com Protection Status