Naglalaban ang lahat kanina para sa posisyon bilang pinuno pero ngayon, lahat ay sabik na pamunuhan ni Charlie ang buong samahan ng metaphysics sa Aurous Hill at kahit na sa lugar ng Newton. Walang tumutol sa mga bisita dahil talagang nakumbinsi sila sa kakayahan ni Charlie.Wala pa silang nakikitang taong katulad ni Charlie na kayang utusan ang kidlat at kulog sa isang salita!Ito ang ang lupain ng metaphysics. Mayroong kakaibang kapangyarihan si Charlie na mas mataas pa sa imahinasyon ng lahat!Nang tumingin sila kay Jack, na nakahandusay sa sahig pagkatapos mapaso ng kidlat, alam nila na hindi mawari ang kapangyarihan at lakas ni Charlie. Kaya gusto nilang maging pinuno si Charlie upang mapamunuhan niya sila at mabigyan sila ng payo at gabay.Kumunot ang noo ni Charlie at sinabi, “Hindi ako miyembro ng samahan ng metaphysics at hindi rin ako madalas nag-aaral ng Feng Shui. Hindi rin ako talaga interesado sa metaphysics. Kaya, sana ay papayag kayong si Finn na lang ang mamumuno a
Natuwa nang sobra si Zeke at pinagdaup niya ang mga kamay niya habang pinasasalamatan si Charlie. “Salamat sa kabaitan mo, Mr. Wade. Siguradong babaguhin ko na ang aking sarili at pangakong hindi na ito mangyayari ulit!”“Sige.” Tumango sa lugod si Charlie.Pagkatapos, tumingin siya kay Graham na hanggang ngayon ay gulat pa rin.Bahagyang tinanong ni Charlie, “Ngayon, Graham, sabihin mo sa akin. Sa tingin mo ba talaga ay nagsinungaling ako sa iyo para makuha ko ang pera ng pamilya Quinton?”Nanlambot agad ang mga binti ni Graham at lumuhod siya bago sinabi, “Hindi ako mangangahas! Hindi ako maglalakas-loob! Nalito lang ako saglit pero hindi ako nawalan ng kumpiyansa sa iyo, Mr. Wade. Ngayon ay tuluyang nakumbinsi na ako na ikaw ang tunay na maestro sa pagdating sa metaphysics! Patawarin mo ako, Mr. Wade!”Pagkatapos niyang magsalita, sinunggaban ni Graham ang kwelyo ni Adam bago isinigaw, “Ung*s! Lumuhod ka at humingi ka ng tawad kay Mr. Wade ngayon din!”Nanginginig na sa takot
Umalis si Charlie sa mansyon ng pamilya White habang ang lahat ay nakatingin nang may paghanga sa kanya.Hindi mapigilan ni Jasmine na tumingin sa kanya paminsan-minsan habang hinatid niya siya pauwi.Sa sandaling ito, bumalik na si Charlie sa pagiging ordinaryong tao tulad ng dati. Hindi na siya mukhang makapangyarihan at malakas na lalaki tulad kanina.Hindi maiwasang magduda ni Jasmine sa sandaling ito.Nang nasa bakuran si Charlie kanina, naglalabas siya ng sobrang mataas at misteryosong aura.Gayunpaman, ang Charlie na nakaupo sa tabi niya ay mukhang isang ordinaryong tao na dumaan lang.Hindi alam ni Jasmine kung intensyonal ba ito o isa lamang ilusyon.Kaya, hindi maiwasang itanong ni Jasmine, ‘Charlie… ikaw ba talaga ang nagtawag ng kulog at kidlat kanina lang?”Tumingin si Charlie sa kanya bago siya ngumiti.“Bakit hindi mo hulaan? Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin ko sa iyo na nagkataon lang ito?”Sa oras na ito, biglang lumitaw sa isip ni Jasmine ang imahe ni
Gayunpaman, ayaw sabihin ni Charlie ang tungkol sa villa na matatanggap niya dahil sa kasalukuyang ugali ni Elaine.Habang abala si Charlie sa kusina, pumunta sa kanya si Claire at sinabi sa mahinang boses, “Charlie, huwag mong isapuso ang sinabi ng aking ina. Masyado lang siyang pranka magsalita at idealista.”Sadyang tinanong ni Charlie, “Anong sinabi ng ina mo? Wala akong narinig.”“Sige, magkunwari ka lang. Kakaiba talaga kung wala kang narinig,” sumagot si Claire habang sinundot niya ang noo ni Charlie gamit ang kanyang daliri.Kinuha ni Charlie ang pagkakataong ito upang hawakan ang kamay ni Claire.Agad namula si Claire at tumingin siya sa paligid ng kusina bago niya binawi agad ang kanyang kamay.Gayunpaman, ayaw pakawalan ni Charlie ang kanyang kamay. Sa halip, nilapit niya ang kanyang kamay sa kanya at tiningnan niya ito nang mabuti. Ngumiti si Charlie nang makita niya na suot ni Claire ang bracelet na ginawa niya. Pagkatapos, tinanong niya, “Epektibo ba ang bracelet?”
Kinabukasan nang umaga, dinala ni Charie ang susi ng villa at ang mga access card na binigay sa kanya ni Zeke habang nagmaneho siya papunta sa Thompson First sales center kasama ang kanyang asawa.Pagkatapos magmaneho nang maikling panahon, dumating sila sa pasukan ng Thompson First sales center.Sa oras na ito, ang sales center ay puno ng tao. Mukhang ang mga residente ng Aurous Hill ay sobrang interesado sa lupain na ipinatayo ng Thompson First Development Company kahit na hindi nila ito kayang bilhin.Nang makita ni Claire ang napakaraming tao, hinila niya si Charlie sa gilid at sinabi, “Charlie, sobrang dami ng tao ngayon. Hindi naman natin kayang bilhin ang mga lupain dito, bakit hindi nalang tayo pumunta sa ibang lugar?”Ngumiti si Charlie bago siya sumagot, “Mahal kong asawa, dahil nandito na tayo, bakit hindi tayo pumasok at tumingin? Wala namang mawawala sa atin. Gusto ko talagang makita ang mga lupain na itinayo ng kumpanyang ito. Sasamahan mo ba ako?”Sa oras na ito, su
Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala. Matagal nang inaapi ang asawa mo. Sanay na ako!”“Sige…” Tumango si Claire.Sa sandaling ito, ngumiti ang property guide bago niya sinabi kay Wendy, “Miss, totoo ito at karaniwang kaalaman na ang Thompson First Development Company ay palaging itinuturing ang mga may-ari ng villa bilang pinaka marangal na kustomer. Kaya, ang aming pribadong swimming pool, ang kalidad na gymnasium, ang kalidad na sports club, mga golf course at ang mga Michelin star na restaurant mula sa Italy ay nilagay sa lugar ng mga villa upang pagsilbihan ang mga may-ari ng villa!”Galit na sumagot si Wendy, “Anong ibig mong sabihin? Ang mga may-ari ng mga matataas na condominium ay hindi tao? Nagbabayad din kami ng malaki para bilhin ang lupain niyo! Bakit hindi namin pwedeng gamitin ang mga pasilidad na ito?”Sumagot lang ang property guide, “Pasensya na pero mayroon ding clubhouse ang mga mataas na condominium. Kung bibili ka ng isa sa mga condomi
Malinaw na minamaliit ni Harold si Charlie.Bukod dito, puno siya ng sama ng loob kay Claire, na isang direktor ng kumpanya.Nang makita niya ang mag-asawa na nandito upang tumingin ng mga lupain sa Thompson First, gusto niyang gamitin ang pagkakataon na ito upang kutyain at asarin sila.Suminghal si Charlie sa sandaling narinig niya ang sarkastikong tono ni Harold kay Claire at sa kanya. “Ano? Kung ikaw nga ay maaaring tumingin ng mga lupain sa Thompson First, bakit hindi kami pwedeng pumunta dito?”Kinutya ni Harold, “Ang dahilan kung bakit pumunta kami ng pamilya ko dito ay dahil kaya naming bumili ng mga bahay dito! Kaya mo bang bumili ng mga bahay dito?”Ngumiti si Charlie at sumagod, “Sigurado ka bang hindi ko kayang bumili ng kahit anong bahay dito?”Suminghal si Harold sa sandaling ito. “Kung kaya mong bumili ng kahit anong lupain dito, isa na akong multo! Alam mo ba kung magkano ang mga bahay dito? Kahit ang pinakamaliit na bahay sa Thompson First ay isang daan at dalawa
Sa sandaling ito, pumunta ang sales lady kay Charlie at sinabi, “Sir, kung hindi ka bibili ng bahay ngayon, mangyaring umalis ka na. Huwag mo nang guluhin ang ibang kustomer na nandito upang bumili ng lupain ngayon.”Nagbuntong hininga si Claire bago niya hinila ang manggas ni Charlie at sinabi, “Tara na, Charlie. Humanap na lang tayo sa iba.”Pinagsabihan din ng ibang tao si Charlie sa oras na ito. “Kung mahirap ka, maaaring umalis ka na sa halip na maging kahiya-hiya ka rito!”Hindi gumalaw si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Alam niyo ba kung bakit hindi niyo kayang tumira sa mga villa dito? Iyon ay dahil mahina ang mga paningin niya at kahit kailan ay hindi kayo makakabili at makakatira sa villa dito!”Patuloy na ininsulto ni Harold si Charlie. “Hahaha! Charlie, patuloy ka bang magsisinungaling dito? May tao ba dito na hindi mas mayaman sa iyo?”Tinaas ni Charlie ang mga kilay niya at sinabi, “Harold, kanina mo pa sinasabi na hindi ko kayang bumili ng kahit anong lupain sa T
“Cyprus?” Tinanong ni Vera sa sorpresa, “May nilagay ba ang Qing Eliminating Society na base ng dead soldier doon dati?”Tumango nang bahagya si Mr. Raven at sinabi nang magalang, “Oo, Miss. Direktang inanunsyo ng British Lord ng Qing Eliminating Society ang pagkasira ng base ng mga dead soldier sa Cyprus! Sinasabi na pinatay ng kabila ang lahat ng miyembro ng sa base kasama na ang mahigit isang libong dead soldier at ang mga pamilya nila, pati na rin ang daang-daang Armed Calvary Guards at mga kamag-anak nila. Bukod dito, pinatay din ng kabila ang daang-daang Armed Calvary Guard at halos isang libong pamilya nila sa copper refinery sa Turkey, na ang upper level ng base ng mga dead soldier!”“Gumawa ang kabila ng isang patibong sa base ng mga dead soldier sa Cyprus at gumamit ng napakalakas at mabilis na close-defense missile para patayin si Mr. Jothurn! Sinabihan ng British Lord ang lahat ng tao sa middle pataas na mag-ingat nang sobra, at inutusan niya ang pagtigil ng lahat ng panl
Tinanong ulit ni Charlie, “Ano ang tantyang lakas ng mga taong ito?”Sinabi ni Porter, “Sa kanila, ang dalawang pinakamalakas ay sina Zayne at Hunter, ang dalawang War King ng Ten Thousand Armies. May karangalan sila na inumin ang celebration wine na binigay mo sa Mexico dati, kaya pumasok na sila sa huling yugto ng isang six-star martial artist, at isang hakbang na lang sila para maging isang seven-star martial artist.”Pagkatapos itong sabihin, huminto saglit si Porter at sinabi, “Bukod sa kanilang dalawa, maraming mga five-star martial artist at mahigit isang dosenang four-star martial artist mula sa natitirang miyembro ng Ten Thousand Armies. Ang pinakamahina sa kanilang lahat ay mga three-star martial artist din.”Tumango si Charlie nang marinig ang mga sinabi ni Porter. Mukhang ang mga martial artist na ito ang kayamanan at pundasyon ng Ten Thousand Armies.Palalakasin nang sobra ng training na ito anglakas nila, at tataas nang sobra ang lakas ng Ten Thousand Armies sa larang
Matagal nang alam ni Charlie na mahirap itago ang mga bakas na kaugnay sa mga close-defense missile, kaya sadya niyang sinabihan si Porter na ilagay ang lahat ng bakas ng close-defense missile papunta sa Blackwater Company para maiwasan ang atensyon.Ngayong isa-isang nawala ang mga executive ng Blackwater Company sa Middle East, siguradong pinupuntirya sila ng Qing Eliminating Society dahil sa mga bakas na naiwan ng close-defense missile.Sinabi nang magalang ni Porter kay Charlie, “Mr. Wade, ang impormasyon na natanggap ko ay kahit na isa-isang nawala ang mga executive ng Blackwater Company, walang bakas na napasok ang base nils. Pinuntirya at naglaho lang ang mga taong ito nang lumabas sila. Mukhang natutunan na ng Qing Eliminating Society ang leksyon nila at hindi na sila naglakas-loob na pumasok nang palihim at padalus-dalos sa isang modernong military base…”Tumango si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Magandang bagay na magpigil sila. Kung isang beses na silang naharangan ng
Tinaas ni Charlie ang mga kilay niya at tinanong, “Porter, kailan ka dumating?”Sinabi nang magalang ni Porter, “Kailan lang ako dumating. Tahimik akong naglayag mula sa cargo ship nang dumaan ito sa Suez Canal at pinalitan ko nang tatlong beses ang pagkakakilanlan ko bago ako pumunta dito. Pagkatapos bumaba sa eroplano, nag-renta ako ng isang kotse, at papunta na ako sa siyudad ngayon.”Tinanong siya ni Charlie, “Nasaan na ang iba?”Sumagot si Porter, “Mr. Wade, ayon sa mga utos mo, bukod sa akin, ang lahat ng kasangkot sa plano para pabagsakin ang base sa Cyprus ay hindi pwedeng bumaba sa lupa sa susunod na tatlo o anim na buwan. Maglalayag lang sila sa dagat sa cargo ship at babalik lang sa Syria pagkatapos humupa ng sitwasyon.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Porter, “Siya nga pala, Mr. Wade, nakatanggap ako ng impormasyon habang nasa karagatan, at gusto ko itong i-ulat sayo sa personal.”Ngumiti nang kuntento si Charlie at sinabi, “Okay. Pumunta ka sa Shangri-La at han
“Martial arts?” Tinanong ni Nanako sa sorpresa, “Charlie-kun, ang Oskian martial arts ba ang tinutukoy mo?”Tumango si Charlie at sinabi, “Tama. Gumagamit ng essential qi ang Oskian martial arts para buksan ang walong pambihirang meridian.”Natulala si Nanako at tinanong, “Pwede ba ako?”Pagkatapos itong sabihin, sinabi niya sa mahinang boses, “Dahil, hindi naman ako Oskian, Charlie-kun…”Kinaway ni Charlie ang kanyang kamay, tumingin kay Nanako, at sinabi nang seryoso, “Lumaganap na sa buong mundo ang Oskian martial arts. Maraming sect sa ibang bansa ang kumuha ng mga dayuhang disipulo, at marami ring mga dayuhang miyembro sa Ten Thousand Armies, kaya wala kang dapat alalahanin. Kung interesado ka, pwede kitang pasalihin sa training.”Tinanong nang nagmamadali ni Nanako, “Anong klaseng training ito? Ikaw ba ang personal na magsasanay sa akin, Charlie-kun?”Umiling si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Wala akong gano’ng abilidad. Isang dating leader ng isang martial arts sect mu
“Okay!”Nang tiningnan ni Nanako ang likod ni Marianne habang umaalis siya, pakiramdam niya na para bang kakaiba ang kilos ni Marianne, pero hindi niya maisip kung bakit. Pakiramdam niya na medyo natatakot si Marianne sa kanya dahil parang kakaiba ang ekspresyon niya sa sandaling nakita niya siya. Naramdaman pa ni Nanako na parang gumaan ang pakiramdam ni Marianne nang lumabas na siya sa elevator.Inisip ni Nanako, ‘Nakakatakot ba ako?’Dumating ang elevator sa underground parking lot habang iniisip ito ni Nanako.Nagmaneho si Charlie papasok sa underground parking lot pagkatapos maghintay ni Nanako ng mga limang minuto. Mabilis na tumayo si Nanako sa gilid nang umaasa.Umabante agad siya pagkatapos ipinarada ni Charlie ang kotse. Pagkatapos lumabas ni Charlie sa kotse, kumaway siya sa kanya nang sabik at pagkatapos ay yumuko nang bahagya habang sinabi, “Charlie-kun, nakakapagod siguro ang biyahe mo!”Natulala saglit si Charlie, pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, “Hindi ito na
Alam ni Nanako na hiling ng kanyang ama na magkaroon sila ng relasyon ni Charlie, kaya hindi siya nasorpresa nang tinukso siya ng kanyang ama. Hindi rin siya nahiya nang sobra. Sa halip, huminga siya nang malakas at nagreklamo, “Otou-san, magbo-book na ako ng hotel para sayo ngayon kung gusto mong matulog sa hotel. Pwede ka pang manatili sa hotel hanggang umuwi tayo sa Japan! Kung hindi pa ito sapat para sayo, kaya kong bilhin ang hotel na titirahan mo, Otou-san.”Humagikgik si Yahiko at sinabi, “Nanako, nagbibiro lang ako, hayaan mo na sana ako…”Pagkasabi nito, mabilis niyang idinagdag, “Oh, magsisimula na akong maglaro ng golf, kaya aliwin mo muna si Mr. Wade. Hindi kami babalik at mang-iistorbo pansamantala!”Hindi na masyadong nagsalita si Nanako nang makita niya na hindi na siya tinukso ng kanyang ama. Pagkatapos magpaalam sa kanyang ama, nagmamadali siyang lumabas at naghandang makipagkita kay Charlie sa basement.Pinindot niya ang down button sa elevator, at mabilis na bumu
“Okay, Master Wade!”***Pagkatapos ng tawag kay Aurora, tinawagan ni Charlie si Nanako. Nagbuburda si Nanako sa bahay. Nang matanggap niya ang tawag ni Charlie, sinabi niya nang masaya, “Charlie-kun, ano ang kinakaabalahan mo ngayon?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Nagmamaneho ako, at pabalik na ako sa siyudad. May gusto akong sabihin sayo sa personal. Nasa bahay ka ba ngayon?”Sinabi nang masaya ni Nanako, “Oo! Charlie-kun, pwede kang pumunta kahit anong oras.”Sinabi ni Charlie, “Okay, darating ako ng halos dalawampung minuto.”Mabilis na binaba ni Nanako ang burda sa mga kamay niya at sinabi nang nakangiti, “Maghahanda na ako ngayon at magpapakulo muna ng ilang tsaa para makapag-tsaa tayo pagdating mo mamaya, Charlie-kun.”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Hindi mo na kailangan mag-abala. May gusto ko lang akong sabihin sayo sa personal, at aalis ako pagkatapos kang kausapin.”Sinabi nang nakangiti ni Nanako, “Pwede kang mag-enjoy ng isang tasa ng tsaa habang nagsasalita
Tinawagan muna ni Charlie si Aurora pagkatapos magdesisyon. Medyo matagal na niyang hindi nakikita si Aurora. Ang huling beses na nakita niya siya ay noong ipinadala ni Aurora ang mga halamang gamot sa kanya sa ngalan ng kanyang ama.Medyo nahiya si Charlie nang maisip niya na nangako siya sa kanya na maglalaan siya ng oras para pangasiwaan ang training niya pero hindi niya ito magawa dahil masyado siyang naging abala.Mabilis na kumonekta ang tawag pagkatapos niyang tawagan ang number ni Aurora. Tinanong ni Aurora sa sorpresa, “Master Wade, bakit may oras ka na tawagan ako?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Tinawagan kita dahil may magandang balita ako na sasabihin sayo.”Tinanong nang masaya ni Aurora, “Ano ito? Maaari ba na pupunta ka sa bahay ko para pangasiwaan at gabayan ako sa training ko? Matagal mo na itong pinangako sa akin…”Sinabi ni Charlie nang nakangiti, “Kaugnay ito doon. Kailan lang ay nag-imbita ako ng isang martial arts expert para gumawa ng isang martial arts tra