Sa sandaling ito, nakalupasay pa rin si Matthew sa sahig at ang kanyang mukha ay namumula sa hiya. Hindi niya makontrol ang kanyang katawan at gusto niya talagang mamatay sa sandaling iyon.Iwinasiwas ni Jack ang kanyang kamay at nawalan ng lakas si Matthew at agad siyang bumagsak sa lapag. Sobrang nahihiya siya sa sarili niya sa oras na iyon.“Nakumbinsi ka na ba ngayon, Mr. Gibson?” Tinanong ni Zeke habang tumatawa.Kinagat ni Matthew at ang kanyang ngipin at dugo ang lumabas sa kanyang mga gilagid habang binulong nang mapait, “Sige, ikaw ang nanalo… ikaw ang nanalo…”Nang yumuko si Matthew dahil sobrang natalo siya, ang buong paligid ay tahimik dahil wala nang nangahas na magsalita.Pagkatapos, lumingon si Jack kay Charlie at sinabi, “Ah, ninakaw mo ang kabibe na gusto kong bilhin sa auction noong isang araw. Dahil nakita mo na ang kakayahan at mahiwagang abilidad ko, maglalakas-loob ka pa rin bang maging mayabang ngayon?”Nagkibit balikat si Charlie at sinabi, “Dahil lang sa
Nang nakita ni Jack makulit si Charlie hanggang sa uli, suminghal na lang siya at inutos kay Zeke. “Mukhang pagod na talagang mabuhay ang ibang tao. Kahit ano pa ito, tuturuan ko siya kung saan siya nararapat. Zeke, pakikuha ako ng tatlong haliging sandalyas na gawa sa kahoy, lilang ginto na taga-sunog ng insenso, at kahoy na melokoton na ispada. Ipapakita ko sa kanya kung sino ang tunay na maestro.”Hindi nangahas na maging mabagal ni Zeke. Kaya, mabilis niyang inihanda ang mga bagay na pinakuha ni Jack.Pagkatapos ng ilang sandali, inilagay ni Jack ang melokoton na ispada sa taga-sunog ng insenso. Sa sandaling ito, makapal na usok mula sa insenso ang kumalat.Itinaas ni Mr. Yaleman ang melokoton na ispada at agad siyang umawit.Sa sandaling ito, si Graham, na nakatayo sa tabi niya, ay biglang nahilo na tila ba tinurukan siya ng gamot.Tiniis niya ito nang ilang sandali bago siya nagmakaawa, “Mr. Yaleman, hanggang kailan ito magtatagal…”“Ang enerhiya na ‘yin’ sa iyong pamilya a
Sumagot nang malamig si Charlie, “Iyan ang iyong linya ng buhay. Ang dahilan kung bakit madaling natanggal ang masamang ispiritu ay dahil ginamit ni Jack ang iyong linya ng buhay bilang kapalit! Sa loob ng tatlong araw, ang pulang linya ay hahaba hanggang sa siko mo! Pagkatapos, agad kang mamamatay. Ginamit ni Jack ang lahat ng kabutihan at mabuting gawa mo na naipon mo sa buong buhay mo, at sinakripisyo niya ang buhay mo kapalit ng lahat ng buhay ng miyembro ng pamilya Quinton!”Nagulat si Graham nang marinig ang sinabi ni Charlie. Nanigas siya dahil sa sobrang gulat.Nag-panic din si Adam sa sandaling ito habang tumingin siya sa mga tao sa paligid nila.Ang lahat ng maestro na naroroon ay bahagyang tumango dahil nakita nila ang eksenang ito. Hindi mabubuhay si Graham nang higit sa tatlong araw.Lumuhod si Adam sa sahig bago siya nagmakaawa kay Jack, “Mr. Yaleman! Pakiusap, pakiusap at iligtas mo ang buhay ng pangalawang tito ko!”Sa sandaling ito, tumingin nang mayaban si Jack k
Sa loob lamang ng limang minuto, ang lahat ng preskong pagkain sa lamesa ay nabulok na at napakaraming itim na lamok ang lumabas sa mga bulok na pagkain.Mayroong isang tandang na pinalaki ng pamilya White simula noong sisiw pa lang ito sa bakuran ng pamilya White.Kaunting itim na lamok ang lumipad sa tandang nang mabilis. Bago pa lumipas ang sampung segundo, sumigaw ang tandang habang balisa nitong iwinasiwas ang kanyang pakpak. Pagkatapos, bumagsak ito sa lupa at nangisay hanggang mamatay ito.Pagkatapos ng ilang segundo, maraming malalaking itim na lamok ang lumabas sa mga balahibo ng patay na tandang.Sa sandaling ito, makapal na mga itim na lamok ang bumalot sa langit habang sumugod sila sa mga tao na parang buhawi.Sobrang gulo ng bakuran habang ang mga tao ay desperadong iniiwasan ang mga itim na lamok, dahil hindi lamang sobrang makamandag ng mga itim na lamok ngunit kaya rin nilang pumasok sa laman ng sa pamamagitan ng mga sugat sa balat.Kahit sobrang liit lang ng mga
“Hindi, hindi! Hindi, hindi siya tao! Isa siyang diyos!”“Hindi, huwag mong ipatama sa akin ang kidlat! Luluhod ako at hihingi agad ng tawad kay Mr. Wade.”“Tulungan mo ako. Nagkamali ako!”Ilang mga bisita ang lumuhod habang yumuko sila sa harap ni Charlie.Nanigas sa gulat si Graham.Gayunpaman, tinamaan lang ng kidlat ang mga itim na lamok, ginawa silang uling nang walang sinasaktang tao.Sa sandaling ito, sobrang nagulat at natakot si Jack!Kailanman ay hindi niya inakala na may ganitong kapangyarihan si Charlie!Isa lang siyang langgam kumpara kay Charlie!Kung tinamaan siya ng mabangis na kidlat, siguradong mamatay siya sa ilang segundo!Nag-panic si Jack sa oras na ito. Kaya, mabilis siyang tumayo bago siya tumakbo upang tumakas sa bakuran. Gusto niyang tumakas sa Aurous Hill at hindi na siya ulit babalik dito! Paano nagkaroon ng ganitong kagalang-galang na tao sa Aurous Hill?“Sinusubukan mo bang tumakas?”Ngumiti si Charlie habang itinaas niya ang kanyang kamay sa
Naglalaban ang lahat kanina para sa posisyon bilang pinuno pero ngayon, lahat ay sabik na pamunuhan ni Charlie ang buong samahan ng metaphysics sa Aurous Hill at kahit na sa lugar ng Newton. Walang tumutol sa mga bisita dahil talagang nakumbinsi sila sa kakayahan ni Charlie.Wala pa silang nakikitang taong katulad ni Charlie na kayang utusan ang kidlat at kulog sa isang salita!Ito ang ang lupain ng metaphysics. Mayroong kakaibang kapangyarihan si Charlie na mas mataas pa sa imahinasyon ng lahat!Nang tumingin sila kay Jack, na nakahandusay sa sahig pagkatapos mapaso ng kidlat, alam nila na hindi mawari ang kapangyarihan at lakas ni Charlie. Kaya gusto nilang maging pinuno si Charlie upang mapamunuhan niya sila at mabigyan sila ng payo at gabay.Kumunot ang noo ni Charlie at sinabi, “Hindi ako miyembro ng samahan ng metaphysics at hindi rin ako madalas nag-aaral ng Feng Shui. Hindi rin ako talaga interesado sa metaphysics. Kaya, sana ay papayag kayong si Finn na lang ang mamumuno a
Natuwa nang sobra si Zeke at pinagdaup niya ang mga kamay niya habang pinasasalamatan si Charlie. “Salamat sa kabaitan mo, Mr. Wade. Siguradong babaguhin ko na ang aking sarili at pangakong hindi na ito mangyayari ulit!”“Sige.” Tumango sa lugod si Charlie.Pagkatapos, tumingin siya kay Graham na hanggang ngayon ay gulat pa rin.Bahagyang tinanong ni Charlie, “Ngayon, Graham, sabihin mo sa akin. Sa tingin mo ba talaga ay nagsinungaling ako sa iyo para makuha ko ang pera ng pamilya Quinton?”Nanlambot agad ang mga binti ni Graham at lumuhod siya bago sinabi, “Hindi ako mangangahas! Hindi ako maglalakas-loob! Nalito lang ako saglit pero hindi ako nawalan ng kumpiyansa sa iyo, Mr. Wade. Ngayon ay tuluyang nakumbinsi na ako na ikaw ang tunay na maestro sa pagdating sa metaphysics! Patawarin mo ako, Mr. Wade!”Pagkatapos niyang magsalita, sinunggaban ni Graham ang kwelyo ni Adam bago isinigaw, “Ung*s! Lumuhod ka at humingi ka ng tawad kay Mr. Wade ngayon din!”Nanginginig na sa takot
Umalis si Charlie sa mansyon ng pamilya White habang ang lahat ay nakatingin nang may paghanga sa kanya.Hindi mapigilan ni Jasmine na tumingin sa kanya paminsan-minsan habang hinatid niya siya pauwi.Sa sandaling ito, bumalik na si Charlie sa pagiging ordinaryong tao tulad ng dati. Hindi na siya mukhang makapangyarihan at malakas na lalaki tulad kanina.Hindi maiwasang magduda ni Jasmine sa sandaling ito.Nang nasa bakuran si Charlie kanina, naglalabas siya ng sobrang mataas at misteryosong aura.Gayunpaman, ang Charlie na nakaupo sa tabi niya ay mukhang isang ordinaryong tao na dumaan lang.Hindi alam ni Jasmine kung intensyonal ba ito o isa lamang ilusyon.Kaya, hindi maiwasang itanong ni Jasmine, ‘Charlie… ikaw ba talaga ang nagtawag ng kulog at kidlat kanina lang?”Tumingin si Charlie sa kanya bago siya ngumiti.“Bakit hindi mo hulaan? Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin ko sa iyo na nagkataon lang ito?”Sa oras na ito, biglang lumitaw sa isip ni Jasmine ang imahe ni
Nang makita ni Charlie na lumalalim na ang gabi, tumayo siya at sinabi sa kanilang dalawa, “Okay, sige, dahil maayos na ang pakiramdam ni Veron, dapat na akong umalis.”Medyo nag-atubili si Claudia at hindi niya mapigilang itanong, “Charlie, aalis ka na agad kahit na kadarating mo lang? Ayaw mo bang umupo muna saglit habang kumukuha ako ng isang baso ng tubig?”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi, “Hindi na. Hindi angkop para sa isang lalaki na nasa hustong gulang tulad ko na manatili nang matagal sa dormitoryo ng mga babae. Kung mananatili ako dito nang mas matagal, sa tingin ko ay aakyat ang dormitory manager at itataboy ako.”Habang nagsasalita siya, may naisip si Charlie at nagbigay ng babala, “Ah, siya nga pala, magsisimula na ang orientation niyo bukas. Sobrang hirap ng orientation, kaya subukan niyo na huwag umalis sa university kung wala kayong gagawin sa panahong ito.”Hindi naintindihan ni Claudia ang malalim na kahulugan sa likod ng mga sinabi ni Charlie, kaya tuman
Pero, alam ni Charlie na si Vera ay isang babae na nakita at naranasan na ang mundong ito. Siguradong may alam siya tungkol sa Reiki dahil mayroon siyang mandarayang singsing at hinahanap siya ng British Lord.Ang pinaka inaalala niya ay hindi mahulaan ni Vera na siya ang benefactor na nagligtas sa kanya sa Northern Europe at nakalimutan niya dahil lang sa pill na ito.Kaya, sinabi nang kaswal ni Charlie, “Nakuha ko ang pill na ito mula sa Antique Street. Mas nagiging kaunti ang mga pill sa tuwing nilalabas ko ang isa.”Nahulaan din ni Vera ang layunin niya at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang sinabi, “Maganda sana kung makakabili pa tayo ng ganitong divine pill at maitago ito kung sakaling may emergency.”Tumango si Charlie. Kung may dala-dala siyang Healing Pill, totoo nga na kaya niyang magligtas ng mga buhay sa kritikal na sandali. Muntikan nang mapatay si Jasmine sa Japan, pero nabuhay siya dahil sa Healing Pill na binigay niya sa kanya.Sa sandaling naisip niy
Medyo naging mausisa si Vera nang sinabi ni Charlie na magagamot ang migraine niya gamit ang isang pill.Alam niya na si Charlie ang sanhi ng kanyang migraine, kaya gusto niyang malaman kung anong magagawa ni Charlie para gamutin ang mga sintomas niya nang walang pinapasok na Reiki sa kanya.Pagkatapos ay nilabas ni Charlie ang isang Healing Pill mula sa kanyang bulsa. Ang Healing Pill na ito ay ang pinalakas na bersyon na ginawa niya gamit ang medicine cauldron mula sa Taoist Sect.Tiningnan ni Charlie ang pill at ipinakilala sa kanilang dalawa, “Ito ang pill na nakuha ko nang nagkataon matagal na panahon na ang lumipas. Hindi ako nangangahas na sabihin na kaya nitong buhayin ang patay, pero kaya nitong gamutin ang lahat ng sakit.”Pagkasabi nito, nabalisa nang kaunti si Charlie habang sinabi, “Kaso nga lang ay kaunti na lang ang natitirang pill ko, kaya kailangan ko silang tipirin at maglabas lang ng kala-kalahating pill. Ah, sa totoo lang, sapat na ang sangkapat ng pill na ito p
Walang pakialam si Charlie dito.Alam niya na halos walang saysay ang pagsusuri ng pulso ni Vera.Ang sakit ng ulo niya ay hindi dahil may sakit siya, ngunit dahil napinsala siya ng Reiki niya. Ang pinakamagandang paraan para gamutin siya ay gumamit ng ilang Reiki para ayusin ang pinsala sa utak niya.Pero, pagkatapos itong pag-isipan ni Charlie, hindi niya alam kung saan nagmula si Vera. Ang katotohanan na may mandarayang singsing siya ay pinapatunayan na kahit na hindi niya na-master ang Reiki, siguradong naiintindihan niya kung ano ang Reiki.Sa ibang salita, lumaki siya sa ganitong kapaligiran, kaya alam niya siguro kung ano ang Reiki at makikita niya sa isang tingin kung ginamit ang Reiki.Bukod dito, hula ni Charlie na marahil ay hindi siya naaalala ni Vera, kaya aktibo niyang ibubunyag ang sarili niya kung direkta siyang magpapadala ng Reiki sa katawan niya.Kaya, ang ideya ni Charlie ay magpanggap na suriin ang pulso niya at bigyan siya ng kalahating Healing Pill na wala
Pagkatapos bukasn ni Claudia ang pinto, nakita ni Charlie si Vera, na mukhang medyo maputla, na nakakunot ang noo habang nakaupo sa upuan sa harap ng lamesa.Nang makita ni Vera na pumasok si Charlie, tumayo siya nang mabilis habang sinabi nang medyo nahihiya at mahinga, “Mr. Wade, pasensya na talaga sa pag-abala sayo ngayong gabi…”Tumingin si Charlie kay Vera at sinabi nang nakangiti, “Miss Lavor, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nararapat lang na pumunta ako dahil roommate ka ni Claudia.”Sinabi nang nagmamadali ni Claudia, “Charlie, hindi mo kailangan na maging pormal kay Veron. Tawagin mo na lang siya na Veron tulad ko.”Pagkatapos itong sabihin, sinabi niya kay Vera, “Veron, sampung taon na mas matanda si Charlie kaysa sa akin, at halos labing-isang taon na mas matanda siya kaysa sayo. Tratuhin mo na lang siya na kuya mo at tawagin mo rin siyang Charlie.”Medyo nabigla si Vera. Nag-atubili siya saglit bago tinawag si Charlie sa medyo mahinhin na paraan, “
Ngumiti nang kaunti si Vera at sinabi sa mahinahon na tono, “Hindi mo kailangan na sabihin sa akin ito basta’t nakumbinsi mo na ang sarili mo.”Hindi naitago ni Claudia ang pagkataranta niya at sinabi, “Hindi na ako makikipaglokohan sayo. Bababa ako at hihintayin na dumating si Charlie para maakyat ko siya pagdating niya dito.”Tinanong siya ni Vera, “Dumating na ba ang kuya mo?”Sinabi nang walang pag-aatubili ni Claudia, “Hindi pa, pero bababa ako at hihintayin siya para hindi na ako magsayang ng oras kung bababa lang ako pagkatapos niyang dumating.”Hindi na inasar ni Vera si Claudia at tumango siya nang bahagya habang sinabi, “Salamat, Claudia. Hindi na ako sasama sa iyo pababa dahil sobrang sakit ng ulo ko. Pakisabi sa kanya para sa akin, at baka isipin niya na wala akong modo.”Tumango si Claudia at sinabi, “Okay, maghintay ka lang sa dormitoryo. Sasabihan ko ang dormitory manager at dadalhin si Charlie. Sobrang galing ni Charlie, kaya siguradong gagaling ang migraine mo pag
Hindi inaasahan ni Charlie na tatawagan siya ni Claudia dahil gusto niyang gamutin niya ang sakit ng ulo ni Vera.Pero, naalala niya ang huling beses na nakita niya si Vera. Dinamihan niya ang ang Reiki noong naglagay siya ng psychological hint sa kanya, at mukhang gumawa ito ng malaign sequelae kay Vera.Alam niya Charlie na ito ay dahil gumamit siya ng sobrang daming Reiki sa kanya, kaya hindi niya maiwasan ang responsibilidad ngayong tinawagan siya ni Claudia para humingi ng tulong.Kaya, sinabi niya kay Claudia, “Kung gano’n, hintayin mo ako saglit. Magmamaneho na ako ngayon papunta diyan.”Sinabi nang masaya ni Claudia, “Okay, Charlie. Tawagan mo ako pagdating mo!”“Okay.” Pumayag si Charlie at sinabi kay Claire, “Honey, kailangan kong lumabas at may gagawin ako. Babalik agad ako.”Tinanong nang mausisa ni Claire, “Lagpas alas otso na. Sino ang naghahanap sayo ngayong gabing-gabi na?”Hindi itinago ni Charlie ang katotohanan mula kay Claire at sinabi, “Si Claudia. May kaunt
Alam ni Vera na ang sakit ng ulo niya ay ang squelae ng huling psychological hint na nilagay sa kanya ni Charlie. Wala nang ibang paraan para lutasin ito maliban sa hintayin itong gumaling nang unti-unti.Nag-isip saglit si Claudia, pagkatapos ay biglang may naalala siya at sinabi, “Siya nga pala, Veron, naaalala mo pa ba si Charlie?”Nagulat si Vera. Alam niya na sinubukan ni Charlie na burahin ang proseso ng pagtatanong niya sa kanya dati, pero nabigo siyang burahin ang lahat ng memorya niya sa kanya. Kaya, nagpanggap siyang mausisa at tinanong, “Iyon ba ang lalaking pumunta para ihatid ka dati?”Tumango si Claudia at sinabi, “Oo. Narinig ko na binanggit ni Stephanie na sobrang galing ni Charlie. Tinatawag siyang Master Wade ng lahat ng taong nakakakilala sa kanya sa Aurous Hill. Mukhang marunong siya sa Feng Shui at may ilang galing din siya sa medisina. Bakit hindi ko papuntahin si Charlie para tingnan ang kondisyon mo?”“Huh?!” Kahit na gustong makilala ni Vera si Charlie mula
Samantala, sa Aurous University.Nakumpleto na ng mga freshmen sa Aurous University ang registration, class placement, at pagtatalaga ng mga counselor. Nagbigay ng mga orientation uniform ang university sa lahat ng estudyante sa hapon, at opisyal na magsisimula bukas ng umaga ang dalawang linggong orientation.Dahil sa parang militar na pamamahala pagkatapos magsimula ng orientation, pinili nina Vera at Claudia na tumira sa campus. Kung hindi, kailangan nilang bumangon at magtipon ng alas sais ng umaga araw-araw, o hindi sila makakarating sa university sa oras.Nag-uusap silang dalawa sa dormitoryo habang nililinis ang mga kama at mga gamit nila.Simula noong pinatay ang pamilya niya, naging sobrang ingat ni Claudia sa iba at ayaw niyang makipag-ugnayan sa iba. Noong nasa Canada siya, ang dalawang tao lang na pinagkakatiwalaan niya ay sina Mrs. Lewis at Stephanie.Pero, sa kung paano man, si Claudia, na madalas na tahimik, ay may maraming magkaparehong paksa kay Vera. Kahit ano pa